Share

= Rumored Girlfriend 1.2 =

LUNCH BREAK

Akmang tatayo pa lang ako sa kinauupuan ko when someone approach me, "tara sabay tayong mag lunch?" Nahihiyang anyaya noong babae sa akin.

As much as I want to decline it, tumango na lang ako bilang sagot at sumunod sa kanya. Hindi ko kasi alam where the canteen is? Or kung saan ba puwede kumain.

She's my seat mate. What's her name again? If I'm not mistaken nagpakilala rin siya sa akin kanina? But I'm really not in the mood that time dahil naiinis ako.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen yung atensyon ko nasa cellphone ko. Tine-text ko sila Moon, Rocky at Kaven. But they all have classes kaya hindi raw nila ako masasamahan. Iba-iba rin kasi kami ng mga schedules.

Napabuntung-hininga ako bago ko balingan ng tingin 'yong babaeng kasama ko ngayon. Her name is Vanessa Garcia. I did not asked her name. Nalaman ko lang dahil sa notebook niya. She's thin, mestiza and quite tall may kahabaan din ang kulay kayumanggi niyang buhok.

"Ano nga pala sports mo, Chase?" Tanong ni Vanessa sa akin kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.

I put my phone back to my pocket before I answer her. "Swimming," I have a lot of sports pero hindi naman niya tinanong kung anu-ano pa ang mga 'yon.

She smiled and nodded her head. She begun to tell me that she was in the cheering squad before 'yon ang kuwento niya. I can say that she's quite famous here. Dahil bawat hallway na madaanan namin may bumabati sa kanya.

Hindi ko na binalak pa na tandaan ang mga pinakikilala niya dahil sa sobrang dami no'n. "Sige guys, punta na muna kami ng canteen," pagpapaalam ni Vanessa sa mga kaibigan niya.

"Iba ka, Vanessa! First day of school nakuha mo agad atensyon ng isang Chase Monteverde? Hindi na kami magtataka if somehow mabalitaan na lang namin na kayo na, ang swerte mo!" Sabi ng kaibigan nito na kinikilig-kilig pa.

"H'wag mo na pakawalan 'yan, he's a big catch. Ikaw lang kaya pinansin na babae n'yan dito sa Aristotle, balita ko nga lagi siyang nang tu-turned-down ng mga babae. Kaya nga I envy you na, eh!"

Hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa turan ng kaibigan niya. Iyan ang pinaka ayoko na marinig sa lahat. Na isa kasi akong Monteverde kaya gusto nila ako.

Big catch? Yeah, right. What should I expect? Lahat ng babae gusto ako. Lahat ng babae gusto makuha atensiyon ko. At gusto nila masabi na boyfriend nila ako. For them they all see me as a trophy na gusto nila makuha para ipagmayabang sa mga kaibigan o kakilala nila dahil sa isa akong Monteverde.

"Guys ano ba! Nakakahiya kay Chase!" Saway ni Vanessa sa mga kaibigan niya.

Pa-simple itong bumaling ng tingin sa akin at ngumiti, "pasensiya na," malambing na sabi niya. Pero hindi na ako nagsalita pa.

Noong makapunta naman kami rito sa may canteen konti lang ang tao. Vanessa told me na iba-ibang schedule ng oras yung lunch time ng mga iba't-ibang courses at meron din ibang canteen maliban dito.

Hindi masyadong crowded at magulo. Malinis at tahimik ang paligid. Kulay berde, dilaw, pula at asul yung upuan na nandito habang kulay puti naman ang bilog nitong lamesa. Hindi na kami nag-usap pa ni Vanessa habang kumakain. Hanggang sa matapos akong kumain at nag-paalam sa kanya. But she took my left arm dahilan kung bakit ako napatingin doon sa kamay niya bago sa mga mata niya.

"Sandali lang Chase, matatapos na rin ako. Hintayin mo lang ako para sabay na tayo?" Sabi niya habang nahihiyang bumitaw sa pagkaka-hawak sa kaliwang braso ko.

"No, need. Thank you," I told her kaya wala na siyang nasabi pa noong iwan ko siya sa canteen.

Pumunta ako sa rooftop na nakita ko at bumungad sa akin ang napaka-lakas na hangin at magandang tanawin pagkatungo ko rito. It's on 8th floor at kitang-kita ang lawak ng buong University, highways, buildings na malapit dito.

Lumapit ako sa edges ng building at sumilip pa ibaba na halos ika-hilo ko. Kaya naman napa-atras ako nang ilang hakbang. Siguro kaya pinag babawalan ang pag tambay dito dahil walang railings 'to at delikado.

I smirk habang pumamulsa at nilalanghap ang sariwang hangin na tumatama sa akin. Hanggang sa napapikit ako at tumingala para damhin ang hangin na tumatama sa balat ko. Sana naman sa pag-alis ko sa mansion makalaya na ako sa sakit na nararamdaman ko. It's been almost a year. I should move-on and accept the fact pero nahihirapan pa rin ako. It is so sad to think that the person you trust, is in love with the person you loved.

Wala pa halos na 15 minuto na nandito ako nang bigla akong may narinig na papalapit sa akin kaya napadilat ako ng mata ko.

"Whuuuy! Pag-usapan natin 'to, huwag ka magpapakamatay!"

What? Ano bang pinagsasabi niya? Lilingunin ko sana 'yong babaeng nagsasabi no'n pero niyakap niya ako nang sobrang higpit sa may beywang ko.

"The hell!?"

Ano ba problema ng isang 'to? Nababaliw na ba siya? Madidisgrasya kami sa ginagawa niya!

"What the!?" Inis na sabi ko habang sinusubukan kong alisin 'yong mga braso niyang nakapulupot sa akin.

But the hell! Hindi ko 'yon maalis hanggang sa ma-out of balance kaming dalawa sa simento. What's her problem, really? Sinamaan ko siya ng tingin.

"What the hell is your problem, Miss?!" Singhal ko sa babae.

My butt hurts.

Her eyes catches mine ngunit binaling niya rin sa ibang direksyon ang mga mata niya. Habang nagpapagpag ng kaliwa niyang braso.

She's wearing a school T-shirt, maong pants and snickers. She's a morena, medyo may katangusan ang maliit na ilong at hanggang balikat ang buhok. Rosy cheek at makapal din ang mga kilay. She doesn't even need to draw those brow. And I can say that she's pretty enough, without any make-up on.

I cursed myself when I realized that I was checking her out. Though she's not my type. Not at all.

"So you're deaf now?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga pinigilan ko sa pagtalon mo d'yan ikaw pa may ganang magalit? Alam ko mahirap ang buhay pero hindi naman pagpapakamatay ang solusyon sa problema! Alam mo dapat nga mag-thank you ka sa akin kasi niligtas ko buhay mo,"

My eyes gleamed. Gusto ko siya tawanan pero pinigilan ko. Seriously? Bakit niya naisip na mag papakamatay ako? Napa-isip tuloy ako kung ano ba ang itsura ko kanina noong mga oras na nakita niya ako. Masyado ata itong nanunuod ng mga telenovela kaya kung anu-ano mga pumapasok sa utak nitong babaeng 'to.

Napa-iling ako while I try to hide a small smile that forming on my lips.

"Seriously? I'm not that insane para gawin 'yan," and add the fact that I'm afraid of heights kaya naman hinding-hindi ko talaga babalakin magpakamatay ng ganyan.

"You know what? If I'm not mistaken you are just like the other girls that wants my attention, right? So, 'yan napansin na kita at nayakap mo pa ako. Satisfied now?" Mayabang na sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Her jaw dropped open when I said that. As if she couldn't believe what she heard from my mouth.

I can not figure out if her face is annoyed or not. Her reaction was really so priceless!

"H-hoy, t-teka lang ha! Can you please, stop accusing me na may gusto ako sayo? Ang yabang mo naman para sabihin 'yan, sino ka ba sa akala mo?" Natigilan siya ng saglit while looking me from head to toe pero parang mas nadismaya pa siya.

"Pa-English-English ka pa d'yan akala mo siguro hindi ko naiintindhan noh?"

May sinabi ba akong hindi siya marunong mag-English?

"So akala mo kina-attractive mo na 'yan kasi pa-English-English ka? Ang yabang nito. Akala mo naman talaga kung sinong guwapo!" Inis na singhal niya sa'kin. Habang inis na inis lumakad palayo. Sinamaan niya pa ako ng tingin bago tuluyang umalis dito sa rooftop.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapa-ngiti nang maiwan niya ako rito mag-isa.

That girl amazed me.

Hindi niya ba talaga ako kilala? How come? I'm sure kahit transferee alam na 'yong pangalan ko. Saka sa pagkaka-alam ko kilalang-kilala ako dahil sa isa akong Monteverde.

Maybe she has her own world? Kaya hindi siya aware sa mga bagay-bagay? At maybe hindi rin siya palabasa at pala-nuod ng balita? Napa-iling na lang ako at napangiti mag-isa habang nandito pa rin sa may rooftop.

I can't imagine na after all these months, ngayon lang ulit ako ngumiti ng ganito. All thanks to that girl, hindi ko tuloy maiwasan ang hindi isipin 'yong babaeng 'yon. Kasi kung nagkataon man, she's the first one na taong inis na inis sa akin and for me, it's kinda challenging that someone is hate my presence.

I'm on my way to my next class which is Physiology, at habang naglalakad akong mag-isa, may mga-i-ilang babaeng nagpa-pacute at nagpapansin sa akin.

"O.M.G! Si Chase!"

"Ang pogi niya pala talaga sa personal,"

"Hi, Chase!"

"Mukha siyang Prinsipe na naglalakad,"

I sighed heavily ng makaupo ako. Pero hindi pa ako nagtatagal sa kinauupuan ko when someone poked my shoulder. Napaangat ako ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin. It's Vanessa.

"Saan ka galing?" She asked.

"You don't need to know," malamig na tugon ko sa kanya without looking at her.

Marahan siyang tumango at buti na lang at hindi na siya nagtanong pa.

Noong mag-uwian ay hinintay ko munang mauna 'yong mga kaklase ko na lumabas bago ako tumayo. But then napatingin nanaman ako kay Vanessa sa tabi ko. Kami na lang ngayon ang tao na naiwan ngayon dito sa Lab.

"May kasabay ka bang umuwi?" Maingat na tanong niya sa akin. Noong malagay ko ang strap ng bag ko sa kanang balikat ko.

"My Mom," I answered. Kaya napatango na lang ulit siya at ngumiti bago huminga ng malalim.

"Ahm, C-Chase? Puwede ba tayong maging mag kaibigan? Gusto ko na mas makilala ka pa nang lubusan?" Kinakabahang ani niya.

"We're already friends, aren't we?" Tipid na sagot ko sa kanya noong lingunin ko siya.

Kaya tumango siya. She's going to say something pero hindi ko na hinintay pa iyon na lumabas sa bibig niya noong iwan ko siya roon.

Papunta pa lang ako sa parking lot ng school when I saw my Mom talking to someone at nagtatawanan sila.

Seriously? Sumasakit ulo ko rito sa Mommy ko. If she only knows na ginagamit lang siya nito in their own benefits. Hindi na natuto.

"Chase!" Masayang tawag sa akin ng Mommy habang 'yong kamay niya ay tinatawag ako para lumapit doon.

Napairap ako nang makalapit ako sa kanila. The girl is still facing my Mom, ni-hindi man lang lumingon sa akin? If I know ako naman ang dahilan kaya niya kinakaibigan itong si Mommy, tssk. How pathetic!

"What's with the face Chase? Hindi ka ba masaya sa unang araw mo rito?" Panunuya ni Mommy sa akin. Habang sinusuri itsura ng mukha ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

My forehead creased, "can we just go?" Inis na wika ko at bago pa ako makasakay ng kotse namin pinigilan agad ako ni Mommy.

"Wait! Chase, I'm going to introduce you to Kaylle," masayang sabi ni Mommy.

Kaya napabaling muli ako ng tingin sa babaeng nakatalikod pa rin. Pero noong humarap siya nagulat ako ng makita ulit siya.

She's Kaylle...

I'll see.

The girl from the rooftop?

"So it's you again," I uttered bago ibaling sa ibang direksyon.

Hindi ko maiwasan ang hindi ma-dismaya. Kasi akala ko iba siya. Hindi rin pala.

Maybe... Just maybe na kilala niya siguro talaga ako at gusto niya lang mapalapit sa akin that's why pati si Mommy gusto niya kasabwatin para mapalapit sa akin?

Mga babae nga naman...

But that's given now since natuwa naman ako sa kanya. I maybe single but she's gonna have to be amazing to change that.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status