Share

Chapter 5

Aryana's POV

Nang makarating kami sa harap ng bahay nina Dwayne ay hindi agad ako pumasok. Sinamahan ko itong dalhin ang aming bisekleta sa kanilang garahe. Pabalik na sana kami sa tapat nang bahay nila nang biglang nag vibrate ang phone niya. Nagkatitigan kaming pareho, napakagat pa siya sa kanyang labi. Tss, mukhang alam ko na kung bakit. 

Sinenyasan ko lang itong sagutin ang tawag. Huminga muna ito ng malalim bago kinausap ang nasa linya. Inilagay ko ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko bago tiningnan ito.

“Yes, Mr. Hermes?” Ani ni Dwayne. Sinenyasan ko din itong I-loudspeaker para marinig ko ang pag uusapan nila.

“Oh, hello. How are you, Denwei Son?”

“I'm fine, Mr. Hermes. How about you?” pagsagot nito bago ako tiningnan. Pinakikinggan ko ang sunod na sasabihin ni Mr. Hermes, dahil alam ko‘ng hindi tatawag nang walang dahilan.

“I‘m fine too. By the way, mayroon nga pala akong gustong itanong sa‘yo.”

“What is it Tito?”

“Did you see my daughter? Or do you have her contact number?” tanong ni Mr. Hermes.

“No sir, I didn't see her.” pag sisinungaling nito.

“Wala din po akong contact number niya, dahil kung mayroon man po, I'll send it to you right away.” dagdag pa ni Dwayne. 

Nagpasalamat lang si Mr. Hermes bago pinatay ang tawag. Nilagay na ni Dwayne ang kanyang phone sa bulsa bago humarap sa akin.  “You okay?” tanong nito. Tumango lang ako para sabihing ayos lang.

Naunang pumasok sa kanilang bahay si Dwayne, sumunod lang ako dito. Binuhay din nito ang ilaw dahil sobrang dilim. Ilang beses ko pang inilibot ang paningin, pero walang ni isang tao akong nakita. Mukhang walang tao dito maliban sa amin ah?

Mukhang napansin naman ni Dwayne ang ginagawa ko kaya nilingos ako nito. “Wala dito sina mommy.” anito kaya napatango ako. Nasa ibang bansa pa din pala ang mga magulang niya.

“Yung mga maid n‘yo” tanong ko. Wala din kasi akong nakikita na maid sa sumalubong sa amin.

“Day off nila lahat” takang napalingon ako dito. “So, it means tayo lang ang tao dito?” ani ko bago napalunok. Napangisi lang ito.

“Maliligo muna ako, kung nagugutom ka naman, maraming pagkain sa ref.” anito bago dumiretso sa second floor. Naiwan lang akong mag isa dito sa may sala. Naupo ako sa couch at pinagmasdan ang loob ng kanilang bahay. 

Ilang taon na din simula nang huling makapunta ako dito. Maraming nag bago, mula sa pintura at mga disenyo nito na lalong gumanda. 

Napansin ko ang laptop ni Dwayne na nakapatong sa lamesang nasa harap ko. Bukas iyon kaya tiningnan ko. Napakunot ang aking noo dahil bumungad sa akin ang litrato ng tatlong lalaki na nakita ko kanina.

Bakit may ganito s'yang pictures?

Napatigil ako nang marinig ang paghakbang ni Dwayne pababa ng hagdan. Naglalakad ito habang nagpapatuyo ito ng kanyang buhok gamit ang isang puting tuwalya.

Napailing na lang ako nang mapansin ang suot niya. Umayos ako ng upo bago muling ibinalik dito ang paningin. “Anong klaseng pantulog ‘yan Dwayne? Mukha kang bakla d‘yan. Psh”

“Panjama ang tawag dito. Masama mag suot nito? Kayo lang bang mga babae may karapatang para magsuot ng ganito ha? Tsaka anong bakla? Gusto mo mahalikan ha?” sinamaan ko ito ng tingin nang humakbang siya palapit sa akin.

Napangisi naman ako. “Aatras ka o  babaliin ko ‘yang buto mo?” pananakot ko. Pero ang loko, hindi man lang natinag. Humakbang ulit ito ng isa pang hakbang.

“Tumigil ka, tamo! Tatamaan ka sa‘kin!” bantay ko pa.

Atras lang ako nang atras hanggang wala na akong maatrasan, at fridge na  ang nasa likod ko. Tuloy-tuloy pa din siya sa pag hakbang kaya hindi na ako makatingin ng ayos sa kanya. 

“Tumabi ka d‘yan, may kukunin lang ako.” anito kaya napaangat ang tingin ko. “I mean, tumabi ka. Nakaharap ka kasi sa daan ko, Ayan.” umalis ako sa harap nito at bumalik sa sofa. Pinapanood ko lang ang ginagawa nito.

Binuksan siya ang fridge at kumuha s‘ya ng yakult bago naupo sa tapat ko. Ibinalik ko naman kaagad ang paningin sa laptop n-niya at kinalikot iyon. Lahat kasi ng information ng tatlo ay nandoon.

Felix Simoun Dela Fuego, galing siya sa mayaman na pamilya. Kilala itong seryoso pagdating sa buhay at academics. Simula pagkabata ay hindi ito nawawalan ng honor. Mahilig din ito sa sports, sa katunayan ay siya ang MVP ng kanilang school. 

Ashtan William, gaya ni Felix ay galing din ito sa mayamang pamilya. Doctor ang pamilya nila. Matalino rin ito gaya ni Felix, mahilig itong magbasa ng libro at mas gusto niya ang mapag isa. 

At ang huli, Jofel Serano. Mayaman din ito kagaya ng dalawa. Pero kung ang dalawa ay seryoso sa pag aaral ay naiiba si Jofel. Maloko itong tao, kumbaga ay hindi soya nag seseryoso sa buhay. Sa kanilang lahat ay si Jofel ang malakas makahatak ng atensyon lalo na‘t sa babae.

Napatigil ako sa pagbabasa nang magtanong si Dwayne. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Dwayne bago binuksan ang yakult na hawak. Umayos ako ng upo bago tiningnan ng masinsinan.

“May gusto lang ako malaman.” aniko. Ibinaba nito ang hawak. “Ano ba ‘yon?” tanong nito.

Itinuro ko ang mga taong nasa laptop. “Kilala mo ba sila?” kinuha nito ang hawak na yakult at humigop bago tumango-tango. 

Ihinagis nito ang lalagyan ng yakult sa malapit na basurahan bago umayos ng upo. “Oo, kilala ko sila. Actually, sila ang dahilan kung bakit kita ipinatawag.” napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Bakit?”

“I have a mission for you, Ayan.” napataas ang isang kilay ko.

“Mission para saan?” naguguluhang tanong ko. Nagseryoso ang Mukha nito. “Kailangan nating mapasok ang school ng mga Dela Fuego para makakuha ng maraming impormasyon.”

“Sige, papayag ako, In one condition.” s‘ya naman ngayon ang napataas ng kilay.

“Ano ‘yon?” tanong niya.

“Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa kanila. ‘yong wala sa laptop mo.

“Myembro sila ng isang Mafia na pamamahala ng ama ni Felix.” napatango-tango lang ako.

“So they're mafia? Interesting.” nakangising sambit ko. “Kaya pala nakita ko silang pumatay kanina.” Kaya pala ganoon kalakas ang loob nilang pumatay ng tao dahil mafia sila. Tsk. Maling mali ang pinasok nila. Hindi ba nila alam na masamang pumatay? Tss.

“Nakita mo mismo?” gulat na tanong ni Dwayne, napatango lang ako. “Wala akong nabalitaan kasi sobrang linis gumalaw ng mga ‘yon.” dagdag nito.

Maging ako, hindi ko rin napapanood sa mga balita na nasangkot sa isang krimen ang mga Dela Fuego. Gano‘n siguro sila makapangyarihan, na maging media ay tiklop pagdating sa kanila. Tss

“Mabalik tayo sa misyon, kailangan mo mag aral sa school nila. Alam ko namang gusto mo talagang makapag aral ulit. Kaya ito ang ibinigay kong misyon sa‘yo. Sabi rin kasi ni Fumiya wag daw kitang pahirapan sa mga misyon na ibibigay ko.” dahil sa huling sinabi nito ay napairap ako.

“Wag mong isali sa usapan ang wala.” ani ko dito. “Continue.”

“Okay, okay. Papasok ka sa school nila pero dapat hindi gan‘yan itsura mo. Baka makilala ka nila at masira ang plano. Ibahin mo ang ayos mo kung saan kumportable ka.” anito, napatango lang ako.

“Tsaka habang nasa school ka, hindi mo sila pwedeng lapitan, o kausapin. Bantayan mo lang mula sa malayo ang bawat galaw nila. Ayokong ma-trouble ka, mahilig ka pa naman sa away.” paalala nito. Napailing iling na lang ako.

“Noted.”

“Sa Monday pwede ka nang pumasok. Naayos na lahat ni Fumiya requirements mo, including your uniform at gamit sa school.” bakit inasa n-niya pa kay Fumiya? Tsk.

“Thanks.” aniko bago tumayo at tinalikuran ito. “Goodnight.” rinig kong ani Dwayne, kumaway lang ako habang nakatalikod. Dumiretso ako sa guess room nila. Masyadong delikado kung uuwi pa ako, tsaka sanay na din naman ako dito. At isa pa, kumportable sa tabi niya. Gano‘n siguro kapag matagal na kayong magkakilala. 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status