Share

Chapter 4

Continuation

Ha-hakbang na sana ako papalayo

nang may tumawag sakin. 

“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong ng isang pamilyar na boses. 

Bahagya akong lumingon para silipin kung ako ba ang tinatawag ni Felix. Nakita ko namang nakatitig ito sa akin kaya nasisigurong ako nga ang kinakausap niya.

Inayos ko muna ang hood ko bago ko siya sinagot.“Bakit?” Dapat pala ay hindi nalang ako huminto para hindi ko na sila na-incounter pa. Tss.

“Anong ginagawa mo dito? Lubog na ang araw Miss, baka kung ano pang mangyari sayo kapag nanatili ka pa dito. Mas mabuti kung umuwi ka na lang.”- Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni Jofel. Tss

Ano bang pakialam niya, e, hindi naman sila ang ipinunta ko dito. Tss

Mga istorbo sila sa lakad ko.

Inayos ko ang salaming suot ko bago  tiningnan sila isa-isa. Nahuli ko pa  nakatingin sa akin si Felix habang nakakunot ang noo. Inismiran ko lang ito bago tumalikod. “I have to go.” Paalam ko bago sumakay sa bike ko. Akma ko na sana‘ng ipi-pidal nang mapatingin ako sa bangkay na nasa kabilang kalsada.

Hindi lang ako makapaniwala sa aking nasaksihan ngayon gabi. Masyadong nakakapanindig balahibo. Alam kong hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari pero ibang iba pa rin talaga kapag sa mismong harap mo nangyari.

Isa lang ang pumasok sa isip ko sa mga oras na ito. Mukhang may itinago ang tatlo iyon. Sino nga ba sila?

Mukhang kailangan ko silang imbistigahan para malaman kung totoo ang mga bagay na nag lalaro sa isipan ko.

NANG makarating ako sa restaurant na pagkakainan namin, ay naabutan ko pang nakikipagtalo sa waitress si Dwayne.

“Sir.” Ani ng waitress. Kunot-noong tinitigan lang ito ni Dwayne. Hindi pa ako napapansin ni Dwayne dahil nasa likod lang ako, nakatayo habang pinagmamasdan sila. Agad ko namang ibinalik ang paningin doon sa waitress nang magsalita ulit ito. 

“O-Order po ba kayo o tatambay lang?” muntik na akong matawa sa tanong nito mabuti't napigilan ko ang aking sarili. Pa‘no nga naman kasi hindi i-isipin ng mga tao na tatambay lang ito, e, naka-pambahay lang ang suot nito. Kung hindi ko nga siya kilala baka isipin ko din na isa itong tambay na naligaw sa mamahaling restaurant.

Nakita ko ang biglang pagngisi ni Dwayne. Mukhang naiinis na ang loko. Psh.

Pinakalma nito ang sarili bago nakangiting hinarap ang waitress. “Yes Miss, o-order ako, I'm just waiting for my girl—” 

“Um-order ka na.” walang ganang utos ko bago naupo sa harapan niya. Sa ilang taon na pagtatago ko ay ngayon ko lang ulit nasilayan ang mukha niya. Walang pinagbago, gwapo pa rin ang loko. Agad akong napatingin sa suot nito. Napangisi lang ako sa kawalan. Iba talaga ang trip nito sa buhay, kaya napagkakamalan na tambay e. Tss

He's the only son of Mr. Las Vegas. Hindi siya masyadong kilala ng mga business partners ni Tito Denwei dahil minsan lang ito sumasama sa mga meetings. Sa aming tatlo na magkakaibigan ay s‘ya pa lang ang nakakaalam sa sikreto ko. 

“Miss, bigyan mo nga kami ng asawa ko nang PINAKA-MAHAL na putahe mayroon kayo.” tinapakan ko ang paa ni Dwayne dahil sa sinabi nito. What the hell is he saying? Tsk.

Nanlaki ang mata ng cashier sa sinabi nito. “S-Seryoso po ba kayo?” napangisi lang si Dwayne. “Mukha ba akong nag bibiro, Miss? Sige na, kuhanin mo na ang order namin.” Anito bago humarap sa akin. Napatitig lang ako dito.

Tinaasa ko ito ng isang kilay nang mapansin ko‘ng ngumisi ito. “Hinay-hinay sa pagtitig, baka ma-inlove.” Umayos ako ng upo bago pinagcross ang aking mga braso. Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus itinuro ko ang waitress na ngayo‘y kinukuha ang order namin. 

“Anong problema mo do‘n?” tiningnan din nito ang tinuro ko bago siya umiling.

“Inakala n‘ya siguro na mahirap lang ako at tanging pagtambay lang ang gagawin ko dito.” Anito bago pinaypayan and sarili gamit ang menu. “Ikaw kasi e, bakit nga pala ang tagal mo? Saan ka na naman nagsusuot ha?” sasagutin ko na sana ang taong nito nang mapansin kong naglalakad na palapit sa amin ang waitress Jaya sinenyasan ko si Dwayne. “Let's talk about it later.” tumango lang ito.

“Ma'am, Sir. Here's your order.” Ani ng waitress bago inilabag sa table namin ang mga putaheng i-norder namin. Anim na dishes lang naman plus mga desert, magkano kaya lahat nang 'to?

“Magkano lahat?” Naunahan ako ni Dwayne sa pagtatanong. Napangisi ang waitress kaya napataas ang isang kilay ko sa inasal nito.

“What?” walang ganang tanong ko. Muling napangisi ito. “Gusto n‘yo po talaga malaman?”

Baliw ba siya?

“Sasagutin mo? O buhay mo ang ibabayad namin dito” Maotoridad kong utos dito. Ayoko sa lahat ‘yong inaaksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay. Tss

Nagmula ang babae at mabilis na inabot ang bill kay Dwayne. Mukhang nag aalanganin pa ito kung kukunin o hindi, kaya sinamaan ko ito ng tingin. Mabilis nitong nakuha ang nais kong iparating kaya hinablot niya kaagad sa waitress ang bill namin. Ilang beses n‘ya pa iyon binasa hanggang sa nainis ako. “May I see?” napangisi ako ng inabot nito sa akin ang bill.

Halos manlaki ang mata ko sa presto dahil sa makita. S-Seryoso? Anim na putahe lang pero 100k? Pinakalma ko ang sarili ko at nagpanggap na ayos lang sa akin ang lahat. Hinarap ko ng may ngisi sa labi ang waitress. “Wala na bang itataas ‘to?” naramdaman ko‘ng hinila ni Dwayne ang laylayan ng damit ko kaya nilingon ko agad ito. “What?” ngumuso lang ito bago umiling. Akala niya siguro ay may balak pa akong dagdagan ang order namin. Tsk.

Kinuha ko sa wallet ang aking credit card na nakapangalan sa Akhira Montefiore. Inabot ko ito sa waitress para magbayad. Nang maibalik nito ang card ko ay ngumiti ito nang pagkalawak-lawak.

“Enjoy your meal, Sir and Ma'am.” Plastic. “We will.” pairap ko‘ng inalis ang paningin ko dito. 

Nang tuluyang makaalis sa harap namin ang waitress na iyon ay Ibinaling ko kay Dwayne ang aking paningin at tiningnan ito ng masama. “Sorry. Hehe” Anito bago nag-peace sign. Inirapan ko lang ito bago kinuha ang choco vanilla frape juice at sinimulang higupin. “Utang mo sa‘kin ang kalahati nito ha.” nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin. Ibinababa ko ang iniinom ko bago tiningnan ng masama ito. “Baka nakakalimutan mo, ikaw ang pumili ng restaurant na ito, hindi ako. Alam mo naman na nagtitipid ako tapos dadalhin mo ako sa gan‘to? Alam mo, ang sarap mong ipatapon sa mars. Tsk

“Sorry na nga.” paawa effect nito. 

Hindi ko na lang ito pinansin at sinimulan na ang pag kain. Mabilis ko‘ng naubos ang isang putahe, at kinuha ang kasunod. Mahinang napatawa lang si Dwayne. “Hinay-hinay sa pag kain, hindi nam kita uubusan.” Inirapan ko lang ito bago itinuloy ang pagkain.

Nang matapos ako ay wala pa din sa kalahati si Dwayne. Amp. Siya lang yata ang kilala ko‘ng lalaki na sobrang tagal kumain. Tss 

Tumuktok ko ang table namin gamit ang kamao ko para maagaw ang atensyon niya. “Ubusin mong lahat ‘yan. H‘wag kang magtitira, maliwanag?” napatango lang ito bago bumalik sa pag kain. 

Matapos kumain ni Dwayne ay tumayo na ako na ikinagulat naman nito. “Sa bahay mo na lang tayo mag usap.” Aniko bago tinalikuran ito. Tumayo na din ito bago sumunod sa akin palabas.

“Kasama mo ba si Kuala?” tanong ko dito. ‘yong kotse niya ang tinutukoy ko. Umiling s‘ya bilang sagot. “E, si Olympus kasama mo?” napangisi ako sa tanong nito. “Alam mo namang hindi ko na pwede gamitin ‘yon. Baka mahanap ako ng aking ama, kapag ginawa ko ‘yon.”

Naglakad kaming pareho papuntang parking lot, agad kong kinuha si Uno at sinakyan. Ipinidal ko ito at sinabayan si Dwayne. Siguro tinatamad itong mag drive kaya hindi kotse ang dinala niya. Tss

Sa ngayon ay mas nauuna ako kay Dwayne, hindi ko alam kung mabagal ba talaga siyang mag bike o sinasadya niya. Hindi naman mahirap mag bike ngayon dahil kahit madilim, may street light naman sa paligid na nagbibigay ng liwanag.

Nang makapasok kami sa loob ng subdivision nila ay binagalan ko na ang pag pidal. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng hangin kapag hindi gaano kalamig.

Agad napukaw ang aking paningin ng mga ilaw na nakasabit sa mga puno. Woah, ang ganda.

Hindi ko napansin na kasabay ko na pala ngayon si Dwayne sa pagba-bike. Nakangiti long hinarap ito. “Na-miss ko ang lugar na ito.” Aniko bago ibinalik ang paningin sa dinadaanan.

Limang taon na lumipas nang huli akong pumunta dito. Nakakamiss ang lugar na ito, ang daming nagbago. Mula sa mga bahay na nadagdagan, mga puno na parang mas gumabo. Napakasarap sa pakiramdam na makabalik dito.

“I miss you too.” takang nilingon ko si Dwayne nang biglang nagsalita ito. Napangisi ako. “Wag ka masyadong obvious.”

“I miss you too, alam ko‘ng miss ka na din ng lugar na'to. Ako na sumagot kasi makakapagsalita ba ‘tong lugar? Hindi naman di‘ba?” napangisi ako sa pag depensa nito sa sarili.

“Ewan ko sa‘yo, Dwayne. Ang dami mo‘ng alam. Tss” umiwas lang ito ng tingin bago pinidal ng mabilis ang kanyang bike at iniwan ako.

Napangiti na lang ako habang tinatanaw si‘ya papalayo.

May gusto ba siya sa‘kin? Tss.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status