Share

Chapter 2

Napilitan akong magkape sa isang coffee shop malapit sa Office ng kaibigan kong si Zach, bigla kasing nagkaron ng emergency sa office nya na malapit sa kinaroroonan namin at kinailangan na pumunta sya dun. Hindi na sana ako sasama sa kanya pero nawala sa isip ko na coding nga pala ang sasakyan ko at sumabay ako sa kanya kaya no choice ako kundi ang samahan sya. Ayokong magstay sa loob ng office nya dahil mabobore lang ako kakahintay kaya mas pinili ko nalang na tumambay at magkape sa Coffee Shop.

I'm enjoying may coffee when someone caught my attention. A girl feeding a stray cat and she look very happy while doing that. Pasimple ko lang syang tinitingnan habang nakaupo sya sa harapan ko. Isang mesa at ang glass wall lang ang nagsisilbing pagitan namin dalawa. She is very simple, she is wearing a black printed shirt paired with faded skinny jeans and a black high cut Chuck Taylor. She has a long straight black hair, mukhang mahilig sya sa color black. She has an angelic face, paired with chinky eyes, small but pointed nose and her reddish lips, nakalipstick yata sya.

Paminsan minsan ko syang sinusulyapan ng biglang pagharap ko nagtama ang aming mga mata. Mukhang nakatingin din sya saken or the right word is nakatitig din sya saken. I had this strange feeling when our eyes met, I felt like something inside me fired up and it's new for me. It's an unfamiliar sensation. Napangiti ako ng biglang namula ang mukha nya at nagbawi na sya ng tingin. Dali dali syang tumayo at naglakad ng mabilis palayo sa coffee shop. Napangiti na ako ng tuluyan. Biglang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Zach sa screen.

"What the hell Zach! Nakakadalawang kape na ko dito kakahintay sayo. Matagal ka pa ba jan!?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Make it 3 Keith. I'm not yet done here, I'll pay you later." Si Zach, isa sa mga matalik kong kaibigan. Kung hindi ko to kaibigan hindi ko na pagtyatyagaan hintayin to. Pasalamat sya wala akong dalang sasakyan ngayon.

"Whatever bro. Just make it quick." And then I hang up.

I'm Keith Kristoff Montereal. I'm 32 and single. I'm a business man, my family owns some Hotel and Restaurant chains in the Metro. We also have some Resorts situated in all parts of the Philippines. Me and my friends also owns a high end bar in BGC, we named it Legend. Bigla nalang namin naisipan magopen ng business na pare pareho naming trip at napunta kami sa pagbubukas ng Bar. Tinangkilik ang bar namin ng mga celebrities, politicians, business mans, even foreigners at kahit mga simpleng mamamayan.

Halos 45 minutes pa akong naghintay kay Zach bago sya dumating.

"5 cups of Cafe Americano, you owe me 5 cups Zach." Naglalakad kami na papuntang parking. He smirked at me.

"Ginawa mo pa yatang tubig ang kape Keith." Pangaasar nya saken. Binuksan nya ang driver seat at ako naman sa passenger seat. "San kita ihahatid?" Tanong nya saken.

"Sa bahay na muna, pupuntahan ko si Lolo, lately he's been always sick. Gusto ko na nga syang dalhin sa Hospital pero ayaw nya. He just need rest like what he's always saying."

"Hindi na din kasi bumabata si Lolo Joacquin, Keith. Why don't you look for someone who will watch over him, someone like a care giver? At least mamomonitor ang health ng lolo mo." Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya ang idea na yun.

"I'll think about that. I'll check him first."

Naisip ko may point din si Zach sa sinabi nya, hindi ko kasi maalagaan si Lolo dahil sa mga work commitments ko, hindi din ako nakakapagstay sa bahay ng matagal.

"Pauwi na din naman si Kyle next month, may makakasama na si Lolo." I'm referring to my younger brother Kyle Christopher. He's in France, and he's a successful model, he chose that career. At nakarating na kami sa bahay namin.

"Wanna come in and have some coffee?" Pangaasar ko kay Zach baka sakaling makonsensya sya sa ginawa nyang paghihintay saken.

"Thanks but no thanks, I have to go. I'll drop by some other time." Nagfist bump muna kami bago nya paharurutin ang kotse nya. Kaskasero talaga tong si Zach.

Pagpasok ko sa bahay dumiretso na ako sa silid ni Lolo Joaquin pero hindi ko sya dun nakita. Inikot ko pa ang silid nya and i found him in the terrace. He is sitting peacefully in his rocking chair. Agad ko syang nilapitan and he felt my presence.

"Nandito ka pala Keith, napasyal ka?" Mahinahon nyang tanong saken. I looked at his face, he looked calm and I notice some evident fine lines on his forehead and on the side of his eyes, mas dumami yata ngayon ang mga wrinkles nya.

"How are you Lo, as much as i wanted to stay here with you, I cant, I have loads of work to do. And besides Kyle is coming home. May makakasama ka na dito." Diretso kong sagot sa kanya.

Hindi nya ako tiningnan ng sabihin ko ang mga salitang yun. Nakita ko syang tumango. Gusto ko pa din syang iconvince na magpaadmit sa hospital but I chose not to open that topic and instead. "I'll find someone who will take care of you, a care giver perhaps." I waited for his reaction.

" Sige Keith. Mas gusto ko iyon kesa maadmit sa hospital. Gusto ko ay babae, maalaga at madaling pakitunguhan."

Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag sya sa sinabi ko. I should thank Zach for his bright idea. Napaisip lang ako sa sinabi ni lolo na gusto nya ay babae.

Lolo Joacquin is now 62, senior citizen na sya pero hindi makikita sa pangangatawan nya na nasa ganon edad na sya. Active padin ang lifestyle nito but this past few weeks napansin namin na naging matamlay sya at walang ganang kumain kaya pinipilit ko syang magpacheck up sa hospital or better yet magpaadmit para maalagaan sya but he always refused to be admitted in the hospital, mas magkakasakit daw sya dun.

"Then it's settled Lo. I'll look for your care giver ASAP." He nodded at me.

I went to my room after our convo. It's been a month since the last time i stayed here. Sa condo ko ako madalas nagsstay, minsan sa penthouse sa isa naming Hotel sa may BGC. Malinis padin ang kwarto ko dahil lagi naman nililinis ng mga kasambahay namin dahil inuutos ni Lolo at ni Manang Lorie, ang isa sa mga kasama namin dito sa bahay. Mansyon kung titingnan natong bahay namin, may 3 itong palapag, madaming kwarto at may malawak na garden with 2 swimming pools. Dito din nagsstay si  Kyle pag umuuwi sya ng Pilipinas. Dito nadin napili ni Lolo na tumira, ayaw daw nya Abroad, masyado daw malamig at madaming tao.

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Zac. After 3 rings.

"What do you want Keith?" Bungad nya saken, ang sungit agad.

"Lolo agreed to have his care giver, help me find one."

"Ok, ill look for some recommendations in my Uncle Finn Hospital."

Medyo maingay ang background nya. Nasan kaya ang taong to.

"Keep me updated, ill try to find someone too."

"Ok". Naghang up na sya. Hindi ko natanong kung nasang lupalop sya ng mundo naroon.

Bumaba ako at dumiretso ng kusina dahil nakakaramdam ako ng gutom. Naabutan ko si Manang Lorie na nagluluto. Kaagad nya akong napansin.

"Malapit ng maluto ang pang tanghalian Sir Keith". Nakangiti nyang sabi saken.

"Mukhang mga paborito ko po yan ah. Naramdaman nyo yatang uuwi ako dito eh."

Tumawa si Manang Lorie, namiss ko din sya, kinalakihan namin ni Kyle si Mang Lorie dito sa bahay. Nasa probinsya ang pamilya nya. Mas nakakasama pa nya ng matagal ang pamilya namin kesa sa sarili nyang pamilya. Pinapayagan namin syang umuwi sa kanila at manatili na sa probinsya pero mas pinipili padin nya ang pagsilbihan kami. Pamilya nadin naman ang turing namin sa kanila dito.

"Minsan ka lang pumunta dito Sir kaya ipinagluto kita ng mga paborito mong mga pagkain. At saka nagrequest din po si Don Joacquin."

Kumuha ako ng tubig at nagsalin sa baso. Wala din nagbago dito sa kusina, kung ano yun dating pwesto ganon padin ang mga yun. Masarap magluto si Manang Rosa kaya lagi kong hinahanap ang mga luto nya kapag nasa condo ako o kaya sa pent house, iba padin ang lutong bahay.

"Uuwi na din si Kyle dito next month, mukhang magtatagal sya dito."

Nakita ko sa mga mata ni Manang Lorie and tuwa at saya ng marinig ang pangalan ni Kyle, mas close kasi sila ng kapatid ko. Mas naalagaan nya si Kyle ng matagal kesa sakin dahil umalis ako at ngpuntang US para magaral ng college.

"Naku, magiging maingay na naman ang mansyon sa kanyang pagdating at siguradong mas matutuwa ang Don". Natutuwa nyang sabi habang hinahalo ang niluluto nyang Kaldereta.

Alam ko naman na mas gusto nila si Kyle kesa saken eh. Damn! gusto ko ng kumain ng kaldereta,  paborito ko yun lalo na at luto pa ni Manang Lorie. I'm drooling right now.

Napansin ko pa ang isang tasang kape na nasa gilid nya. Naalala ko bigla ang cute na babae sa coffee shop kaninang umaga. How our eyes met. Her lips and her smile. Napailing nalang ako ng maisip ko sya. Hindi ko naman sya nakilala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status