Share

Chapter 22

“Okay ka lang ba talaga?” Ito na yata ang pangsampong beses na tanong ni Pam kay Betsy. Hindi pa ito naging kontento kanina at inilapit pa talaga nito ang kinauupuang swivel chair sa kanya.

“Okay nga lang ako,” giit ni Betsy.

Kumurba paitaas ang isang kilay ni Pam. Mapagduda ang tingin nito na ipinupukol sa kanya. “Sigurado ka ba? Puwede ka naman kasing lumiban na lang.”

Nagtaas ng isang kilay si Betsy at seryosong binalingan ng tingin ang kaibigan. “At sa anong rason, aber? Dahil sa brokenhearted ako gano'n?”

“Oo! Valid reason naman ang emotional baggage, ah,” sagot naman nito. Ngayon ay may kakaibang talim na ang tingin ni Pam. “Gusto mo itumba ko 'yang si Wills?”

Mahinang nailing si Betsy. “Tumigil ka nga at baka makumbinsi mo pa ako. At saka nandito na rin kaya ako sa opisina. Nakakatamad ng umuwi.”

Pagod na nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Pam. “Paano kung pati rito sa opisina, eh, guluhin ka niya?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status