Share

Chapter 36

Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. 

Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. 

"Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. 

"Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam."

Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status