Share

Chapter 21

“Saan ka ba kasi nagpunta, Betsy? Nawala ka na lang bigla sa palengke kanina ah,” naguguluhang tanong ng kanyang Tatang.

Kasalukuyan silang nasa kusina at naglilinis ang kanyang ama  ng isda sa may lababo samantalang siya naman ay nakaupo sa silya at minamasahe ang sumasakit na paa. Naroon pa kaya si Devyn sa palengke? Siguro naman umalis na rin ito.

Tiningnan na niya ang ama. “May kinausap lang ho ako,” pagsisinungaling niya.

“Akala namin ni Gloria, eh nasa bahay ka na. Kaya umuwi na lang kami.”

Dumapo ang tingin ni Betsy sa nakakaawang hitsura ng isda na hawak ng kanyang Tatang. “Tang, baka naman ho buto na ang matira sa tilapia niyong 'yan. Kulang na lang, eh sepilyuhin niyo.”

Nilingon siya nito na nakabusangot ang mukha. “Alam mo naman na ayaw ko ng malansa.”

Umirap siya at hindi na nagbigay ng komento pa. Hinayaan na lamang niya si Mang Kulas sa walang habas na pagto-torture sa tilapia. Maya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status