공유

Chapter 97

작가: Madam Ursula
last update 최신 업데이트: 2025-03-08 17:35:36

Nagulat si Mang Fidel nang salubungin siya ng isang tauhan nang magpunta siya sa kiskisan.

"Mang Fidel," sabi ng tauhan, "nasa likod po sa kubo si Don Alfonso at hinihintay kayo. Meron daw ho kayong pag-uusapan mahalaga." Tumango lamang si Mang Fidel.

Pagkatapos ay nagbilang siya ng ilang mga sako ng bigas sa naroon. Maya-maya ay naglakad na siya patungo sa likurang bahagi ng kiskisan kung saan naroon ang paborito nilang kubo.

Nagtataka si Mang Fidel kung ano ang pupwedeng sadya ni Don Alfonso. Sa pagkakaalam niya, wala naman silang usapan ngayon at wala rin namang bagay na nakalimutan o hindi natupad sa usapan nila ni Don Alfonso. Pero alam ni Mang Fidel na kung ano man ang pag-uusapan nila ni Don Alfonso ay mahalaga ito at sikreto.

Dahil doon sa tambayan nilang kubol noong sila ay mga binata pa, ay doon ito ninais na siya ay makausap. Dahil kung ang bagay na sasabihin nito ay tungkol lamang sa negosyo o ilang mga bagay-bagay, sa tahanan ng mga ito ay pupwede itong sabihin ni
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
@Yriah_143
ano nanaman kaya ang Plano nina Don Alfonso at Mang Fidel...mag tagumpay kaya..
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 106

    "Ganito iyon, bukas na bukas din dadalhin namin kayo sa munisipyo at ipapakasal. Pagkatapos, sa Linggo iaanunsyo nating ang kasal ninyo ni Sheryl!" "Papa!" "Paano po iyon? Ikakasal ng dalawang beses si Nigel, pwede ba iyon!" "Oo nga, balae, paano ba iyon?" "Ganito iyon, nakapangako na ako at kapag nalaman ni Sheryl ito ay tiyak na magugulo iyon at iiskandaluhin si Bernice kaya ililihim nating ang kasal ninyo bukas. Pagkatapos ay iaanunsyo ko ang kasal ninyo ni Sheryl ayon sa usapan. Darating sa Linggo ang ama ni Bernice at gusto kong ipahiya silang mag-ama sa araw na iyon pero dapat kunwari ay hindi ko alam na kasal na sila." "Teka, Papa! Parang na-pi-picture ko na ang gusto ninyong mangyari." "Tumpak, iho, iyon nga!" sabi nito kay Nigel. Napadugtong ng yakap si Nigel sa ama. Si Bernice naman ay kay Mang Fidel ang yakap dahil tulad nito, parang ama na rin ang turing nito sa ama ni Kaye. Bumaba sina Bernice at Nigel sa sala, desente na ang suot ng dalawa. Naroon ang mga ito sa

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 105

    Walang kamalay-malay sina Nigel na naririnig ng dalawang matanda ang mga huling pangyayari sa loob ng nakapinid na pinto. "Mukhang hindi na natin kailangang ituloy ang plano natin, balae. Aba, eh tinalikuran na tayo ng kapalaran," bulong ni Don Alfonso. "Tama ka nga, balae. Mukhang sa hiyaw na iyon ay naiwagayway na ang puting bandila," tugon ng isa. "Tama ang hinala mo, balae. Mukhang nagkaigehan na ang dalawa," sabi pa ni Don Alfonso. "Ang problema natin, balae, hindi na matutuloy ang plano nating kunwari'y ang dalawa ang ipapakasal dahil may pananagutan si Nigel kay Bernice. Pero ang problema mo naman ngayon ay naging katotohanan na ang pananagutan ni Nigel. Dalawa na ang pananagutan ng bunso mo, balae." "Iyon nga lang, parang kinarma tayo sa kalokohan natin." "Hayaan mo, kakausapin ko si Bernice. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ninyo kaya alam kong maiintindihan niya kung kakausapin nating ilihim ang lahat." "Teka... teka, anong ibig mong sabihin? Anong kaka

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 104

    Nagiging mainit na ang sandali sa pagitan nina Nigel at Bernice. Napapikit na lamang ang dalaga dahil wala na oayang lakas para pigilan ang binata.Bukod sa nadadlaa na osya ss mga halik notp at saasasarpa na ipinararamdam nito. Nagign sarado ang katwiran sa isipan niBernice ng sandalign iyon. "Nigel, patawad pero parang ayaw kitang pigilan, baka ito lang ang paraan para magbago ang dedisyun nila. Nigel baka ito lang ang paraan para magkaroon ako ng karapatan kesa kay Sheryl" bulong ni Bernice na kusang pinaghiwalay ang mga hita ng dumagan sa kanya si Nigel at buong pusong ipinag-alab ang pagtangap sa mga halik ni Nigel. "Oh Bernice..Mahal na mahal kita Babe..." bulong ni Nigel, bagamat nasa isprito siya ng alak, ay alam ni Nigel na si Bernice ang kanyang kayakap. Hindi gustong pagsisihan ni Nigel ang kanyang gagawin. Ang gumugulo sa kanyang puso ay ang kanyang pagnanais na makasama si Bernice. May mga pag-aalinlangan siya dahil baka ayaw ni Bernice sa mabilis na paraang ito, o ba

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 103

    Naiwang tulala si Nigel. May ilang tao na ang nakakaalis. Si Mang Fidel, dahil medyo nakainom na nga, laging malakas ang loob, ay agad na lumapit kay Bernice. Lumakad ang binata patungo sa tapat ng pinto ng dalaga. Nang mga sandaling iyon, medyo pumayapa na ang kalooban ni Bernice. Napag-isip-isip na niya na bago pa man mangyari ang lahat, at bago pa man niya marinig ang mga sinabi ni Nigel kay Kaye, ay nagbabala na ang binata at pinangakuan na siya na kahit na anong mangyari, siya ang mahal nito. Dahil sa mga alaalang iyon ng mga pangako ni Nigel, ay nagkaroon ng lakas ng loob si Bernice na muling umasa at paniwalaan si Nigel. Saka sakali man nga na anak ni Nigel ang bata, hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya mahal nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nakaraan ni Nigel at ni Sheryn, at alam niyang ilang beses na pinaasa at ginamit ni Sheryl ang binata.Dahil sa mga isipin niyang iyon, parang biglang tumapang si Bernice. Bigla niyang naisip na hindi niya dapat

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife    Chapter 102

    Nakailang katok siya pero talagang ayaw magbukas ni Bernice. Alam niyang hidi ito tulog dahil naririnig nya ang mahinang hikbi nito.Alam niyang nasasaktan si Bernice at natatakot oto na baka maipakasal nga siya kay Sheryl at pwede pang naniniwala itong anak niya ang dinadala ng nababaeng iyon. Kahit nalulungkot at nag-aalala, sinunod niya ang payo ni Kaye. Binigyan muna niya ng panahon si Bernice para makapag-isip. Kaya matapos ang ilang katok na hindi siya pinagbuksan ng dalaga, lumayo muna sina Nigel sa pintuan.Balak sana ni Nigel na manatili doon at hintayin na lumabas si Bernice, pero alam niyang magtataka si Mang Fidel kapag dumating ito. Kaya kahit ayaw niya at mabigat sa kalooban niya, kailangan niyang umalis. Kailangan niyang umalis sandali sa bahay na iyon.Nasa kalagitnaan na ng pagtawid mula sa bahay ni Mang Fidel at sa kanilang mansyon si Nigel nang makasalubong niya ang matandang si Mang Fidel. Hindi alam ng matanda na nagpunta si Nigel sa kanila. Pero nagkunwari si Ma

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 101

    Nang oras na iyon ay tinawagan ni Nigel ang kapatid na si Nicoals at sinabing nasa bahay ito ng ama. ang ate Kaye niya. Ihahatid sana ni Nigle ang hipag sa mansion pero hindi niya magawang iwan si Bernice. Alam niyang nagdaramdam ito, sa ngayon ay wala siyang kalayahang tumulong sa siliranin ng iba dahil sarili niya mismo ay nasa komplikadong sitwasyun. Kung pwede lang sana na matulog siya at bukas ay tapos na ang problema ay ginawa na niya.Wala pang kalahating oras, dumating na ang kuya ni Clash. Halos hingal na hingal ito nang dumating at halos masira pa ang pinto sa pagbukas. Nagmamadali itong pumasok sa bahay at agad na tinawag ang pangalan ng kanyang asawa. "Kaye, Love, nasaan ka? Nasaan ka, please? Nandito ka ba, Nigel? Nasaan ang ate Kaye mo?" Bungad agad sa kanya ng kapatid niya, at halatang natataranta ito.Huminga nang malalim si Nigel. Kung totoo ang sinabi ng kanyang ina, idol niya ang kanyang kuya. Ngayon lang niya naunawaan ang kanyang kuya. Na kapag may babaeng minah

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status