Nagising ako nang marinig ang galit na boses ni Jam.
"That son of bitch! Sisiguraduhin ko talagang hindi na siya makakalaya."
"Lower down your voice, Jam. And please, watch your language."
Unti-unti akong napaupo sa kama nang pati ang boses ni Ethan ay marinig ko. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nasa bedside table. 11pm pa lang pala. Akala ko umaga na.
Nang maalala kung anong nangyari kanina ay saglit akong natulala bago napagpasyahang lumabas ng kuwarto. Naabutan ko sa salas sila Jam, Ethan, Kuya Jay at Kuya Al. Lahat sila napatingin at napatayo nang makita ako. Ngunit si bebs ang unang lumapit sa gawi ko.
"Nagising ba kita, bebs? Magpahinga ka na ulit."
Napailing lang naman ako sa sinabi ni Jam.
"K-kamusta si Josh?"
"He's okay. Nagpapagaling na siya ngayon sa hospital."
Nakagat ko na lang ang labi ko. Kasalanan k
Ipinagsalawang-bahala ko na lamang iyon at mas piniling lumapit kay Kuya Jay. Sakto namang paglabas ng printing shop ni Kuya Al."Lex," pagtawag sa akin ni Kuya Al."Good morning, Kuya Jay. Good morning, Kuya Al," pagbati ko sa kanilang dalawa."Okay ka na ba?"Mababakas sa mukha ni Kuya Al ang pag-aalala sa akin. Marahil dahil nasaksihan nila kung gaano ako na-trauma kagabi."I guess I' m fine, Kuya Al. Thank you."Nang bumaling ako kay Kuya Jay ay maaliwalas na ang mukha niya Samantalang si Kuya Al naman ay titig na titig sa lalaking nasa likuran ko."Oh I forgot to introduce him. He is Dwight. Classmate siya ni Jam," pagpapakilala ko kay Dwight sa dalawa."I thought he is that guy..." pagtukoy ni Kuya Jay na alam kong si Josh ang binabanggit."Hindi po, Kuya. Actually, he is that guy who saved me last night."
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. May kaba akong nararamdaman na hindi ko matukoy kung para saan.After class ay dumiretso kaagad ako sa flower shop na malapit lang sa university. Balak ko kasing dalawin ngayon si Josh. Pangalawang araw na ito na hindi siya nakapasok sa school dahil nasa hospital pa rin siya magpa-hanggang ngayon.Bigla ay napasulyap ako sa katabi ko. Nagpumilit kasi siyang sumama sa akin hanggang sa pagdalaw ko. Mukhang pinangatawanan niya talaga ang pagiging bodyguard."Huwag mo akong tingnan, Lex. Iisipin ko talagang gusto mo na ako."Gusto ko sanang ihampas kay Dwight ang hawak kong bulaklak, kaso naghihinayang ako sa perang ginastos ko rito. Kaya naman inirapan ko na lang siya."Hi, Miss. I just want to ask if ano po ang room number ni Joshua Arcel Gonzales?"Mula sa tinitingnan netong monitor ay naibaling niya sa aki
Wala naman kaming pinuntahan pagkatapos naming kumain. Nag-drive lang si Dwight sa kung saan-saan. Nagpapaubos yata ito ng gas.Wala kaming particular na pinuntahan pero ginabi pa rin kami sa pag-uwi."Thank you sa road trip at sa libre, Dwight," aniko pagkababa ko ng kotse niya.Hindi ko na siya pinayagan pang bumaba dahil ako na lang ang sumilip sa kanya mula sa labas. I wave my hand as a sign of goodbye saka na ako tumalikod. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng apartment ay narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko kaya mabilis ko siyang nilingon. "Bakit?"Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung magsasalita, patunay no'n ang mahigpit niyang paghawak sa manibela."Dwight?"Marahas siyang humugot ng buntong-hininga. "About Josh. Alam kong may rason siya kung bakit ayaw ka niyang padalawin. Don't think of anything else."Napangiti na lang naman
"Josh?"Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko kasi baka imagination ko lang na nandito ngayon si Josh. Ngunit mas lalo lang nangunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.Rinig ko na ang mabilis na pagpintig ng puso ko nang maglakad na siya papalapit sa puwesto namin ni Dwight. Akala ko sa akin siya didiretso pero naglakad siya papunta kay Dwight at kinuha mula rito ang bag ko."Ako na ang maghahatid sa kanya," seryoso niyang wika.Kahit hindi pa rin napo-proseso ng utak ko kung bakit nandito siya ay ginawa ko pa rin ang lahat para makapag-focus sa sitwasyon naming tatlo ngayon."Ako ang naghatid sa kanya mula rito. At ako rin ang maghahatid sa kanya hanggang sa apartment nila." Si Dwight na nakikipag-sukatan pa ng tingin kay Josh.Hindi ko mabasa kung anong itinatakbo ng utak ngayon ni Josh. Ngunit mukhang apektado siya sa pang-aasar na nakalarawan sa mukha ni Dwight. Ku
Tatlong araw na lang bago ang midterm exam pero heto ako at stuck sa paggawa ng case study kasama si Dwight.Hindi ko ba naman maintindihan sa lalaking ito at bakit sumama pa siya sa akin. Ilang oras pa kaming nagtalong dalawa sa apartment, ngunit a huli heto kaming dalawa at nakasakay na sa bus. Nakatayo dahil wala nang mauupuan.Napapikit ako nang tumama sa braso ko ang siko ng lalaking nagpupumilit pa rin magpunta sa pinaka-dulong bahagi ng bus."Can you please be considerate to other people? You don't even say sorry."Hinawakan ko si Dwight sa dulo ng kanyang suot na shirt para patahimikin siya, dahil nang bumaling ako sa lalaking nakabangga sa akin ay mukhang siya pa ang galit sa amin."Aba kung ayaw mong masiko ang girlfriend mo dapat ay hindi kayo rito sa bus. Mga kabataan nga naman ngayon, maaarte na."Mas lalo yata akong na-stress dahil sa isinagot sa amin ng mama
Natigil kami ni Dwight sa kakulitan namin nang biglang magsalita si Lola Esme. Kaagad akong napalayo kay Dwight dahil sa hiya."Kumain muna po kayo," magalang na wika ni Luna.Inalalayan pa ako ni Lola Esme saka na siya naupo sa pinaka-gitnang upuan netong mesa habang nasa right side niya ako. Samantalang naupo naman si Dwight sa tabi ko. Si Josh naman ang nasa harap ko habang sa tabi niya naupo si Tamara.Luna is nowhere to be found. Bigla na lang siyang nawala nang makaupo na kami sa hapag.Hanggang sa naging tahimik kaming lahat. Tanging tunog lang ng utensils ang maririnig sa tuwing tumatama ito sa aming mga plato. Ngunit nabasag ang katahimikan nang mag-agawan kami ni Dwight sa huling piraso ng fried chicken."Be gentleman, Dwight. Nauna ako kaya akin ito.""Be gentledog, Lex. Akin ito dahil ako ang pangalawang tumusok."Nagsukatan naman kami ng tingi
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Maayos naman naming natapos ang case study. Bale ititipa ko na lang ibang parte dahil kanina ay si Dwight na ang nagtapos ng iba. Willing pa nga siyang tumulong but then I stop him. Masyado na siyang maraming ginawa para sa akin sa araw na ito.And about Josh, hindi na kami nakapag-usap after our confrontation sa garden ni Lola Esme. Ni tinginan sa isa't isa ay hindi na namin nagawa. Mabuti na lang at dala niya ang kanyang motor kaya nag-separate ways na rin kaming apat dahil kami ni Dwight ay nag-bus ulit pabalik.Ginamit ko ang isa kong kamay bilang unan, habang ang isa naman ay ginamit ko pangtakip ko sa aking mukha. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Josh kanina. He wanted me to avoid Dwight because he is jealous? Ito nanaman siya at binibigyan ako ng pag-asa kahit na alam naming pareho na may iba na siyang gusto.I'll just forget about this for the me
Kaagad kong naiwas ang mukha ko kay Dwight saka napalingon sa likod ko. Doon ko natagpuan si Josh na hindi na maipinta ang mukha. Tila may kakaibang awra ang bumabalot sa kanyang likuran."J-josh.. nandiyan ka na pala."Nakita ko pa ang pagngisi ni Dwight pero hindi ko na lang siya pinansin. Sa inuupuan ko naupo si Josh kaya bahagya akong umusog para magkaroon ng space para sa kanya pero mukhang na-misunderstood niya iyon."You look guilty.""Why would I?" nagtatakang tanong ko."Then sit closer to me."Wala na akong nagawa pa kung hindi ang umusog papalapit sa kanya."May 15 minutes na lang ako before my shift. So, let's make it quick."Hindi na nagsayang pa ng oras si Josh at kaagad na niya akong binigyan ng mga math problems at ganoon din si Dwight.Lumipas pa lang ata ang limang minuto ay tapos na kaagad si Dwight. Sab