Share

CHAPTER 56

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito.

Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami.

Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa.

"For the last time, I want to see you."

Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad.

Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status