Share

CHAPTER 24

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Patuloy pa rin sa pagtutor sa akin si Josh sa mga lessons. Ngunit ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat ko nang makuha ang results ng long quiz namin sa math.

"45/100," pagbasa ko sa papel na hawak.

Halos lukutin ko iyon pero mas pinili kong itabi na lang sa bag ko.

Ano na lang sasabihin ko kay Josh neto? Sayang ang pagod niyang turuan ako every 6pm sa library 'tho group study iyon.

Nakakaiyak naman. Bakit naman kasi ganito? Kapag siya ang nagtuturo ay parang ang dali ko lang naiintindihan at nasasagutan. Pero kapag si Ma'am na ang nagtuturo ay wala man lang akong maintindihan. Hindi naman sa sinasabi kong hindi magaling magturo si Ma'am. Magaling siya, iyon nga lang ay slow ako kapag dating sa kanya.

Patuloy ako sa paglalakad sa hallway nang bigla ay matanaw ko ang paparating na si Josh. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ako magtata

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status