"Ikinansel ko na 'yong engagement namin ng Ate mo. Hindi ko siya pakakasalan. Ikaw ang pakakasalan ko, Poppy." Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gentlest of the triplets, is first in line, paired with the eldest daughter of the Herald family. Yet, on the eve of their engagement party, Faith's life takes a sudden turn when he encounters Poppy Herald, the shy and innocent youngest sister of his intended bride. As Faith spends time with Poppy, he uncovers the harsh realities of her life, revealing a world of hidden struggles and unspoken pain. Determined to rescue Poppy from her circumstances, Faith devises a plan: call off his engagement, and make Poppy his wife instead.
View MoreCHAPTER ONE: EPIC TRIO
✧THIRD PERSON POV✧ "FAITH! Faithfully! Lovey-dudes! Yoohooo!" Um-echo ang boses ni Hope sa loob ng malaki nilang bahay, kararating lamang nito. Sabado kasi ngayon at natural nang hindi napapanuto ang puwet niya sa bahay kapag weekend. Pero ang kagandahan naman, it's either galing siya sa kanilang Mommyla, his Mom's mother, or sa kanilang Tito Betlog. Habang ang kambal niyang si Faith at Love naman, at ang nakababata nilang kapatid na babae, si Summer, maging ang kanilang ina, si Keycee, at ang mister nito, si Ace, ay nasa bahay lang. Lalo na kung wala silang naka-schedule na family trip. Nagkataong wala ngayon dahil kagagaling lamang nila sa Thailand just last week. "Ano na naman kaya'ng tsismis ang nasagap n'yan sa labas?" Napailing si Love habang busy pa rin sa game controller niya. Ganoon din si Faith. Dalawa silang naglalaro rito sa living room, habang si Summer na twenty-one years old na ngayon ay kasalukuyang wala sa kanilang bahay, lumabas ito kani-kanina lamang kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ang Mommy at Daddy naman nila ay nasa itaas. “Baka tungkol na naman sa contraceptive," mahinang sagot ni Faith. Noong nakaraan kasi, binulabog sila ni Hope matapos nitong makasagap ng impormasyon sa ilan nitong kaibigan tungkol sa hindi pagiging 100% effective ng condom. "Oh yeah. Nariyan lang pala kayong mga doppelganger ko." Natatawang lumapit si Hope sa dalawa, pumagitan ito sa kanila sa couch, 'tsaka inakbayan pareho ang kaniyang mga kakambal. "Hope." Napabunga ng hangin si Love, medyo naiinis kahit na tutok pa rin ang tingin nito sa screen ng malaki nilang flat screen TV at abala ang mga kamay niya sa game controller. "We are not your doppelganger. Do you even know what doppelganger is? In folklore or popular culture, it is often considered harbinger of bad luck or an omen of death! Ikaw, kung ano na lang 'yang lumabas sa bibig mo, hindi mo na ginagamitan ng isip." Faith pressed his lips together, struggling to stifle his laughter. It was always amusing to him whenever Love launched into a sermon directed at their triplet sibling, Hope, who was undeniably the wildest among them. They were triplets: Faith Zeican Lee, Hope Ryker Lee, and their youngest sibling, Love Andrei Lee, na siyang huling inilabas sa tiyan ng kanilang ina. Among the three, Faith Zeican stands out as the epitome of kindness and compassion. Known for his gentle demeanor and caring nature, Faith is always ready to lend a helping hand and offer support to those around him. His generosity knows no bounds, often putting others' needs before his own, and his nurturing personality makes him the go-to person for comfort and advice. Hope Ryker, on the other hand, is the mischievous prankster of the trio. With an irrepressible sense of humor and a penchant for practical jokes, Hope brings laughter and excitement wherever he goes. His playful antics often lighten the mood and add a sense of fun to any situation, though they occasionally land him in trouble. Love Andrei complements the siblings with his sharp intellect and quick wit. A true genius in his own right, Love excels in academics and problem-solving but can be easily irritated by incompetence or frivolity. He tends to keep to himself, preferring solitude over social gatherings, and his reserved demeanor often comes across as aloof or standoffish to those who don't know him well. "Oo na! Sige na! Kung ayaw mo ng doppelganger, clone na lang. Tutal iisang sperm lang naman tayo. Pero maiba ako. Hinahanap ko kayo dahil may–" "Itsi-tsismis ka sa 'min," Faith interrupted him. "Ay, gagi." Natatawa nitong binalingan si Faith. "Paano mo nalaman?" "Dahil iisang sperm lang tayo, ulol," Faith repeated his earlier words, habang bahagya rin nakangisi. Hope laughed out loud. "Ito na nga mga parekoy. Galing ako kina Mommyla, at may Madam na nagpunta ro'n. Hindi ako tsismosong tao, alam n'yo 'yan. Kung mayro'n man nakakakilala sa 'kin nang lubos, kayo 'yon, dahil iisang sperm lang tayo. Pero kasi, aksidente kong narinig 'yong usapan nila. Alam n'yo kung ano?" Parehong nasa flat screen TV ang atensyon ni Faith at Love, gayon pa man ay nakikinig sila sa tsismoso–pero ayaw umamin nilang kakambal–kay Hope. "Next week, Faith, i-me-meet mo na raw 'yong magiging fiancé mo from the Herald Family." "What?" Love and Faith asked in unison. Pareho rin natigil ang kanilang mga kamay sa pagkalabit sa game controller, habang na kay Hope na ang tingin. "I thought next year pa?" Si Love. His eyebrows furrowed in concern. "Alam na ba nila Mommy at Daddy?" Hope shook his head no. "Hindi pa rin. Pero pupunta rito sila Mommyla mamaya, kasama si Daddylo at Tita Baby. Mukhang i-inform na rin nila si Mom at Dad, lalong-lalo ka na Faithfully, dahil aware ka naman na sa ating tatlo, ikaw ang mauunang sakalin–no. Ikasal pala." Natahimik si Faith. Yes. Aware siya roon. They were oriented about the arranged marriage by their Lolo Don A back when they were just teenagers, and they all agreed because it's a long-standing tradition in the Lee Family. Isa pa, sa sobrang lawak ng kayamanan ng kanilang Lolo Don A, kahit silang mga anak ng apo nito–si Ace Lee–ay napaglaanan nito ng hindi birong mana. But everything comes with a price. Before Don Adolfo passed away–when they were sixteen–Don Adolfo left a will regarding his inheritance. Ang sabi roon, the triplets wouldn't receive their inheritance unless they married the person Don Adolfo had chosen for them. Noon lamang din nila nalaman na bata pa lang pala sila ay nakahanap na si Don Adolfo ng ima-match sa kanila. However, they had no idea who they were. Ang tanging nakaaalam niyon ay si Stephanie, ang kanilang Mommyla, ina ni Keycee, because Don Adolfo had entrusted her with this task before he passed away. And they were set to meet their matches when they turned twenty-five, so that they would have the chance to get to know each other bago ang nakatakdang kasal. Ngunit ngayon ay twenty-four pa lamang sila, kaya nagtataka sila kung bakit medyo napaaga. "Buti na lang ikaw ang mauuna." Si Hope ulit, hindi pa rin nawawala ang pagngisi nito, habang si Love naman at Faith ay parehong nag-aalala. "Oobserbahan ka namin ni Lovey-dudes kung ano'ng magiging lagay mo sa magiging asawa mo. Kapag unsuccessful, declined at access denied ka sa langit–I mean, sa EVER HAPPILY AFTER, mag-a-AWOL na lang ako sa pamilyang 'to. Ano ngayon kung wala akong manahin? Willing naman akong tumira sa gilid-gilid, or di kaya, magpapaampon na lang ako kay Tito Betlog." Iyon din ang ipinag-aalala ni Faith noon pa. Paano kung hindi maging kasing successful ng arranged marriage ng kanilang Mommy at Daddy ang sa kanila? Kilala nila si Don Adolfo–lolo ng kanilang daddy–at alam nilang ito ang tinaguriang King of Matchmaker. Noong buhay pa ito, nagbitaw ito sa kanila ng salita na kailangan nilang magtiwala sa magiging desisyon nito para sa kanila dahil wala itong ibang hangad kung 'di ang mapabuti rin sila gaya ng kinahinatnan ng kanilang Mommy at Daddy. Gayon pa man, hindi maiwasang makaramdam ng pag-aalala ni Faith, lalo na at sa kanilang magkakapatid ay siya ang unang isasalang. Dinunggol ni Love ang braso ni Hope para sermonan ulit ito. "What do you mean by unsuccessful? Are you really worried that Faith will go astray? Have you forgotten that you're the one who gave him the nickname Faithfully? He hasn't even courted any girl because he's FAITHful to his future fiancée. Faith can easily handle married life if it comes to that. You're the one who should be worried, Hope, because if any of the three of us is going to be access denied sa sinasabi mong Happily Ever After, ikaw 'yon. Dahil siguradong walang tatagal sa 'yo, sa pagiging loko-loko mo." Kaagad siyang binalingan ni Hope. "Halimaw ka namang manghusga! Don't cover the judge by its book!" Napailing si Love sa sinabi nito. Mana talaga si Hope sa kanilang Tito Ryan na kahit alam ang tamang salita ay ira-ramble para lamang makapagpatawa. Ibinalik ni Faith ang tingin sa hawak niyang game controller habang nag-iisip ng mga posibilidad. 'Paano kung hindi ko magustuhan 'yong fiancé ko, pero gusto n'ya ako?' "At bakit mo ba 'ko tinatawag na Lovey-dudes? Ilang beses ko nang sinasabi noon pa, Andrei ang itawag n'yo sa 'kin!" 'Paano kung magustuhan ko naman s'ya, pero hindi n'ya ako gusto?' "Andrei? 'Wag mo na pabanguhin. P'wede na 'yong Andreng." 'Paano kung hindi namin magustuhan ang isa't-isa at magdusa lang kami sa mga panahong gugugulin namin habang magkasama?' "Stop getting on my goddam nerves, Hopia. It's Andrei!" 'Pero possible kayang maging katulad kami ng tadhana nila Mom at Dad?' "Si Daddy nga Asyong, eh. Kaya 'wag ka nang choosy, Andreng." To be continued ...Epilogue FAITH ZEICAN LEE (Eight years old...) I was excited to leave school when I saw Lolo Don A waiting for us. Naroon na siya sa gate, nakatayo sa tabi ng itim niyang limousine, kasama niya ang personal assistant niyang si Sir Dan. Habang naglalakad kami nila Hope at Love palapit sa direksyon nila, takang napatanong si Love. “Saan kaya tayo dadalhin ni Lolo Don A?” “Baka mag-s-shopping or kakain tayo sa labas,” sabi ni Hope na hindi rin sigurado. Ako rin ay hindi sigurado. Ngayon lang kasi ginawa ‘to ni Lolo Don A, na nag-volunteer kay Daddy at Mommy na siya ang susundo sa amin sa school, gayong dapat ay sabay-sabay kaming uuwi nila Daddy mamayang hapon dahil sa Lee University naman kami pumapasok at kabila lang ng Elementary Department ang College Department kung saan namin pinupuntahan si Dad after ng klase namin. “Hi, Lolo Don A!” nakangiti kong bati sa kaniya paglapit namin, sunod na ring bumati ang dalawang kakambal ko. Maging si Sir Dan ay binalingan namin para
CHAPTER NINETY: THE WEDDING✧FAITH ZEICAN LEE✧One month later.HANGGANG ngayon, para pa rin akong nananaginip. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko since the moment I realized how much Poppy meant to me—ang pakasalan siya at makitang nakasuot ng magarbong wedding gown imbes na simpleng white dress lang.Standing in front of the mirror, I take a moment to soak it all in. The white suit looks better than I’d hoped. The fabric is smooth and cool, feeling like it was tailored just for me. The jacket fits perfectly, hugging my shoulders and chest just right without being too tight. The notched lapels give me a classic look, while the minimalist buttons keep it sleek and modern.I adjust the crisp white shirt underneath, noticing how it contrasts subtly with the suit. The silk tie adds a touch of elegance, its soft ivory hue blending seamlessly. The pocket square tucked into my jacket pocket finishes off the look, and I can’t help but smile.Habang ina-adjust ko ang tie ko para kalmah
CHAPTER EIGHTY-NINE: THE PROPOSAL✧FAITH ZEICAN LEE✧“BASED on my source, sugar lolo ni Chloe ang nagpalaya sa kaniya at ginamit lang ang pangalan mo para saktan si Sugarpop,” ani Hope. Kaharap ko sila ni Love, habang nakaupo ako sa paanan ng kama ko.Sumaglit ako ngayon dito sa bahay namin, kasama ko si Poppy para kuhanin ang iba ko pang gamit. Pero si Poppy ay nasa baba, kasama si Mom dahil wala si Summer ngayon, may lakad kasama ang mga kaibigan niya. At tiyempo ang pagdating namin dahil may balita na raw sila kung sino ang nag-send ng email kay Poppy.“Sino’ng source mo?” tanong ko sa kaniya, naninigurado.Natawa siya. “Si Detective Conan.” Ngunit agad din siyang sumeryoso nang samaan ko siya ng tingin. “’De joke lang. ‘Yong detective na pinahawak nila Mommyla sa kaso, of course! Hindi pa ba binanggit sa ‘yo ni Mommyla?”“Hindi pa.”“Hina mo talaga. Lagi kitang nauunahan sa balita.” He laughed.Wala pang nabanggit sa ‘kin si Mommyla, pero ang daddy ni Poppy ay mayro’n na. Hindi ng
CONTENT WARNING! Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER EIGHTY-EIGHT: FINALLY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ THE AFTERNOON sun bathed Villasis Park in a golden hue as we arrived back home from our vacation. The air was warm and welcoming, just like the familiar scent of the gardenias that lined the pathway leading to the main entrance. Naglalakad si Poppy sa tabi ko, her gaze taking in every detail of the estate. Ito ‘yong bahay namin na para talaga sa ‘min. Hindi lang namin nagawang tirahan noon dahil mas pinili ni Mom at Dad na mag-stay kami sa poder nila for Poppy’s safety. Pero kahapon, noong nasa hotel pa kami, tinanong kami ni Dad kung ano ang plano namin ni Poppy. Kung magsasama ba ulit kami sa bahay namin, sa Villasis Park o mansyon. Hindi ako sumagot agad dahil gusto kong i-consider ang suggestion ni Poppy kaya ang sabi ko sa kanila, mag-uusap
CHAPTER EIGHTY-SEVEN: OUTING PART VI - SEMINAR✧FAITH ZEICAN LEE✧THE first light of dawn seeped through the curtains, gently stirring me awake. Nagbaba ako ng tingin kay Poppy na nakayakap sa ‘kin, her breathing soft and steady. Without thinking, I pressed a kiss to her forehead, savoring the warmth of her skin against my lips.Nanatili akong pinagmamasdan siya habang natutulog, nag-aalanganin akong kumislot sa pag-aalalang magising ko siya. Hindi natuloy ang nangyari sa ‘min kagabi matapos niyang masaktan. Nang makita kong puno ng nerbyos ang mukha niya, I decided to stop and tell her na ‘tsaka na lang namin ituloy kapag ready na ulit siya. Natulog lang kaming magkatabi at magkayakap.Nag-beeped ang cell phone ko sa nightstand, inabot ko ‘yon at tiningnan kung sinong nag-text. Si Mom. Inuutusan na kaming mag-prepare at bumaba sa lobby para magkasabay-sabay raw ulit kami sa almusal. Doon kasi ulit ang breakfast buffet.Matapos kong reply-an si Mom, ginising ko na si Poppy. Ayokong mag
CONTENT WARNING!Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only. This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised.CHAPTER EIGHTY-SIX: OUTING PART V - WARNING!✧FAITH ZEICAN LEE✧SA ILALIM ng liwanag ng kuwarto, pumaibabaw ako kay Poppy at ginantihan ang halik niya. Half of my weight pressed down on her, and the warmth of our bodies melded together, deepening the connection between us.Her eyes were filled with anticipation and nervousness, and every touch of our lips seemed to ignite a new spark between us. I adjusted our kiss, transitioning from gentle touches to more passionate movements of our lips. Nang ibuka niya ang mga labi niya, I decided to enter her mouth with my tongue. Hindi niya ‘yon inaasahan, pero mahina siyang napaungol.Ginaya niya ang ginawa ko at ‘yong kaniya naman ang sinubukan niyang ipasok sa bibig ko. The sensation of our tongues meeting brought an intense pleasure, and each movement of
CHAPTER EIGHTY-FIVE: OUTING PART IV - FIRST REAL KISS✧FAITH ZEICAN LEE✧As I stepped out of the bathroom, the warmth of the shower still lingered on my skin, but it did nothing to calm the unease I felt deep inside. I pulled on a plain white t-shirt and pajama pants, yet the simplicity of the clothes couldn't lighten the heaviness in my chest.Nang igala ko ang tingin sa kuwarto para hanapin si Poppy, nakita ko siya sa balcony, nakatalikod sa ‘kin. Nakasuot na rin siya ng pantulog, pajamas din at mahaba ang manggas ng pang-itaas niya. Kahit nakatalikod siya sa ‘kin at hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko ang kaba niya.I knew that feeling all too well—dahil gano’n din ang naramdaman ko kanina nang ako naman ang sumunod na pumasok sa shower room after niya. I had felt the same tension, knowing that tonight would be the first time in a year that we would share the same room, the same bed, after everything that had happened between us.Lumabas ako sa balcony kung nasaan si Poppy—
CHAPTER EIGHTY-FOUR: OUTING PART III ꧁ POPPY ꧂ “N-NASAAN si Faith?” naiiyak kong tanong kay Kuya Hope matapos niyang ipaliwanag sa ‘kin na edited ang picture ni Faith at Ate Chloe. Maging ang screenshot na pinakita ko ay sinabi niyang fake rin daw. Ini-orient niya rin ako kung ano ‘yong photoshop dahil hindi ko alam ang tungkol doon nang banggitin niya. “Nasa hotel,” sabi ni Kuya Hope, sabay inabot niya sa ‘kin ang phone ko. “Hindi siya sumamang lumabas pagkakain. Ililipat niya raw ‘yong gamit niya sa room namin ni Andreng.” Pagkasabi niya no’n, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Ang bilis kong tumakbo palayo, pabalik sa hotel. Natandaan ko naman ang papunta sa room ko at nasa bulsa ko rin naman ang key card ko kaya tinungo ko agad ang elevator. Pagdating ko sa palapag na ‘yon, mabilis kong tinakbo ang room ko at binuksan sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa si Faith. Pero wala na siya roon, maging ang suitcase niya ay wala na rin. Siguradong nakalipat na siya sa room ni Kuya H
CHAPTER EIGHTY-THREE: OUTING PART II꧁ POPPY ꧂BANDANG alas dies, noong nakapagpahinga na kami matapos kumain ay ‘tsaka kami lumusong sa dagat. Ako, si Ate Summer, Si Tita Baby, Si Sunny at Meng, kami ang magkakasama. Si Mommy Keycee naman at Daddy Ace ay may sariling mundo at medyo malayo sa amin. Ang sweet nila dahil nakasakay pa si Mommy Keycee sa batok ni Daddy Ace.Medyo malayo rin sa amin si Daddylo at Mommyla. Samantalang si Faith, Kuya Hope at Kuya Love naman ang magkaka-bonding. Kahit medyo malayo sila sa amin, nakilala ko pa rin sila base sa kanilang suot. Pare-pareho silang naka-shorts, ngunit si Kuya Hope lang ang walang pang-itaas. Si Kuya Love ay may suot na itim na rash guard, habang si Faith naman ay puting T-shirt. Manipis ‘yon kaya nang mabasa ay bakat na bakat ang katawan niya.Ang saya nila dahil pinagtitripan nila si Kuya Hope. Pinagtutulungan nilang buhatin at ibinabalibag sa tubig. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Faith dahil may ngiti na ngayon sa mukha niya. Me
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments