Share

CHAPTER 2: HELP

I SMILED WIDELY while giving a bag of groceries to the parents who expressed their gratitude to me. Every race that I won, half of the money that I received was being shared to the others who were in need. I’m with Cindy, and the rest of my father’s staff here at one of the barangays that really had a space in my heart.

Sobrang natutuwa ako na napapasaya ko sila lalong-lalo na ang mga bata at matatanda na kumakain sa aming feeding program at may inuuwing groceries para puwede nilang gamitin sa kanilang tahanan. 

“Ate Trisha, maraming salamat po sa ibinigay niyo po na mga gamit sa eskwela at pati na rin ang mga laruan po,” pasasalamat ni Ging-ging, ang batang kulot ang buhok na laging nakasuot ng magkaibang pares ng tsinelas.

Hinimas ko kulot na buhok ni Ging-ging na parang instant noodles. “Walang anuman, Ging. Mukhang magkaiba na naman ang tsinelas mo, ha?” 

Napanguso si Ging-ging na halatang guilty na nahuli ko na naman ang suot na magkaibang tsinelas. “Natanggal po kasi ang dahon ng aking tsinelas, Ate. Hinabol po kasi kami ng aso ni Natoy kasi natalo po namin siya sa pogs. Napikon po sa amin kaya’t binawian po kami.”

I sighed heavily. “Mamaya makagat ka pa ng aso ni Natoy. Ayaw mo naman sigurong matusukan ng injection sa pwet, hindi ba?”

Nanlaki naman ang mga mata ni Ging-ging at agad na yumakap sa aking hita nang mahigpit. “Ayaw ko po, Ate. Takot po ako.”

Lihim akong natawa naman sa reaksyon ni Ging-ging. Natatakot siya sa injection pero kung makipaghabulan sa aso ay wala lang sa kaniya. 

Hinimas ko ang kaniyang kulot na buhok. “Kaya naman dapat nag-iingat ka para hindi ka makagat ng aso. Naiintindihan mo ba ang paalala ko, Ging?”

Agad na tumango-tango si Ging-ging na ikinagalaw ng kaniyang kulot na buhok na sobrang gandang-ganda ako. “Opo, Ate. Peksman, hindi na po ako magiging makulit at makikipagkarera sa aso ni Natoy.”

Napangiti naman ako. “Magaling, Ging. Dapat hindi mo baliin ang pangako mo, ha? Teka! Mukhang hinahanap ka na ng mga kalaro mo.”

Napasinghap naman si Ging-ging at agad na lumingon sa gilid at nakita niya ang mga kalarong may dungis pa ng Sorbetes sa labi at pisngi. Mukhang nag-e-enjoy ang mga bata at sobrang saya ko para ro’n.

“Tete Twisha!” bulol na sigaw sa hindi kalayuan na ikinalingon ko at hindi ako nagkamali nang nakita ko si Ryan na malawak ang ngiti sa akin at kitang-kita ko ang magkakagalit niyang mga ngipin habang hawak-hawak niya ang tali ng alagang si Dragon na isang biik. Bagong paligo rin siya at paniguradong isinabay din niya si Dragon na napakalinis.

Ryan really murdered my name, but I didn’t mind it, especially that he was adorable and bubbly regardless of what was happening to his family. He was living with his grandparents, because his parents had their own lives. I’m really proud that even though his parents weren’t by his side, he still continued to live, and reach for his dreams. 

Kinawayan ko siya. “Oh, Ryan! Kumusta na kayo nina Lolo Rigor at Lola Alleli? Aba! Ang lusog-lusog din ni Dragon, ha?” 

Ngiting-ngiti naman si Ryan na tumakbo palapit sa akin kaya’t mas lalo kong nakita nang malapitan ang magkakagalit niyang mga ngipin. “Ayos naman po at nagbabayle pa po sila. Tentyu po pala sa mga gwotelis at mga pang-iskul. Labyu po talaga ng mawami.”

I chuckled on how adorable and bubbly he was. Actually, he was my scholar, and I helped his grandparents to have a good living by providing a stall for them to sell their goods. Also, Ryan was one of my scholars, and until he graduated from college with any course he wanted.

Hindi naman ako mayaman. Masinop at madiskarte lang ako sa buhay. Sa katunayan nga’y graduate ako ng BS Accountancy ngunit imbes na sa siyudad ako magtrabaho ay mas pinili kong manatili sa Isla Fiji para makasama si Tatay. Mayro’n naman akong pinagkakaabalahan bukod sa pagkakarera at ito ay ang aking Automotive Shop kung saan maraming dumadayo para magpa-ayos ng kani-kanilang mga motor o sasakyan. Mas lalong nakahatak sa mga customers ko ang pagsali ko sa mga karera kaya’t kilalang-kilala nila ako.

Hinimas ko ang kaniyang buhok. “Kapag may kailangan ka’y huwag kang mahihiya na magsabi sa akin, ha? Lagi ka rin na magpapakabait kina Lolo Rigor at Lola Alleli para hindi sila mahihirapan.” 

Tumango naman siya. “Opo, tatandaan ko po. Magiging mabait kaming ni Dwagon lagi.”

Hindi ko napigilang kurutin ang kaniyang pisngi na ikinanguso naman niya. “Kumain ka na sa loob. May Fried Chicken ako at Burger tapos panghimagas na Sorbetes. Dalhan mo rin sina Lolo Rigor at Lola Alleli pagkatapos mong kumain.”

Patalon-talon pa siya habang nagtatakang nakatingin lang ang alaga niyang biik na si Dragon. “Wow! Ang dami! Tentyu po! Pero puwede po ba makikain si Dwagon? Peksman mo mabait naman po siya.”

Tumango ako bilang pagpayag na mas lalong ikinasiya niya. “Sige, sabihan mo lang sa loob ang staff na pumayag ako.”

Niyakap niya ang aking hita. “Yey! Tentyu po, Tete Twisha! Labyu po ng mawami!” 

Nagtatakbo na siya habang hawak ang tali ni Dragon na nakikigaya din sa kaniya habang papunta silang dalawa sa loob ng tent kung nasaan isinasagawa ang feeding program. Inayos ko ang aking sarili at muling tumulong sa pamimigay ng bag ng groceries. 

Ngunit agad din nabura ang ngiti sa aking labi nang nakita ko ang dalawang bulto ng taong nakikisali sa kasiyahan namin.

“Naku! Binisita tayo ni Vice Mayor Carl at may ipinamamahagi rin silang isang kilo ng mga isda at manok,” natutuwang pag-anunsyo ni Manang Mericel. 

“Oo nga’t kasama rin niya ang nobyang si Madam Horice at ang ganda-ganda niya talaga. Tumutulong siya sa pamamahagi kasama si Vice Mayor Carl. Bagay na bagay talaga silang dalawa,” gatong ni Manang Marites.

My jaw clenched with that, especially that the people around here were even supporting those two people who hurt me before. 

“Ehem! Nandito pa po si Trisha, oh! Maghunusdili po naman kayo sa pag-tsi-tsismis at pagpupuri sa mga ahas,” pagpaparinig ni Cindy na ikinatahimik ng mga ito.

I sighed heavily, and shook my head in annoyance. Suddenly, my mood turned awful, especially that I had unwanted companions here. 

‘Talaga bang sinasadya ng tadhana na paglapit-lapitin kaming tatlo? Ang lawak-lawak ng Isla Fiji pero sumisiksik kung nasaan ako at ang mga staffs ng aking ama.’

Umusog palapit sa akin si Cindy at hinawakan ang aking braso. “Hindi namin alam na nandito sila, Ka-tol.”

Tinignan ko siya. “Hayaan mo sila basta’t tumulong lang sila sa mga tao at huwag nila akong lalapitan kung hindi ay makakatikim talaga sila ng mura sa akin.”

She pouted while scratching her rainbow shoulder length hair that was perfectly tied on the upper part with a bow. Magkaparehas kami ng suot na T-shirt na kulay puti at denim jeans na pinaresan high-cut boots pero nagkaiba lang kami ng kulay dahil sa akin ay itim at sa kaniya naman ay brown ngunit may nakapulupot sa baywang ko na denim jacket.

Pilit kong nilibang ang sarili ko para hindi ko mapansin ang presensiya nila habang nag-aabot ng mga bag ng groceries sa mga bagong dating at niyaya ang mga bata at matanda na magtungo sa loob ng tent kung nasaan ang feeding program.

Nasa labas ako ng tent para ayusin at kausapin ang ibang staffs ng aking ama kung may kailangan pang idagdag para sa feeding program at lahat ng pamilya ay may naiuwi din na mga groceries. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil maayos naman ang lahat. Ngunit nagulat ako nang biglang nagdambahan ang mga bata ng yakap sa akin. 

“Salamat po, Ate Trisha!” maligayang turan ng mga batang katatapos lang kumain sa loob ng tent at ngayon ay may hawak na mga school supplies at mga laruan. Nakapalibot silang lahat sa akin at yakap-yakap ang aking hita habang ang iba naman ay halos iipit na ang sarili para lang mahawakan ako. Hindi ko napigilang tumawa sa sobrang galak dahil sa simpleng bagay ay napasaya ko silang lahat.

“Masaya ba kayo mga bata?” tanong ko.

Nagsitanguhan silang lahat habang may malawak na ngiti sa labi. “Sobra po! Masayang-masaya po kaming lahat!”

“Mga bata, halina kayo rito at may mga dala kaming Donuts na sobrang masarap!” pagtawag pansin na sigaw sa hindi kalayuan na sobrang kilalang-kilala ko. 

Agad nagsipulasan ang mga bata mula sa pagkakayakap sa akin at sinundan ko sila ng tingin habang nagsisitakbuhan sila sa kabila kung nasaan si Horice na nakangisi habang may dala-dalang kahon-kahong mga Donuts ang mga tauhan nito.

I couldn’t help but to sighed with that, and just shrugged it off, especially that Horice really adored to make me annoyed, and at the same time furious. I decided to return, but I immediately bumped into the person who was blocking her way. 

I annoyingly looked at the person who blocked me. In front of me was the man that promised me that I would be the only one that he adored and wanted to be with until the rest of our lives. The man that my father wholeheartedly accepted, and even mentored to become a great diligent and persevering public servant to the people. The man that promised me to be the father of my children after we married. It was all planned, and I’m really in euphoria to be with him, but all of it didn’t happen, especially that he shared all his dreams and hopes with the other woman.

“Trisha. . .” he whispered while looking at her with longingness.

I stared coldly at him. 

“I’m sorry. . .” he added.

She couldn’t help but to scoff. 

“P*nyeta. . . Wala akong pakialam sa sorry mo. Lumayas ka nga sa harapan ko kung hindi bibigwasan talaga kita sa panga,” mahinang banta ko.

Gigil na gigil ako sa kaniya dahil ang kapal ng mukha niyang lumapit-lapit pa sa akin pagkatapos ng kaniyang ginawa sa akin. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. 

He sighed frustratingly. “I didn’t know that you were here. Alam kong ayaw mo akong nandito—” 

“P*nyeta, alam mo naman pala! Kung tutulong ka, tumulong ka. Walang kaso iyon sa akin pero kung lapit ka nang lapit sa akin ay talagang bibigwasan kita. Hindi ko kailangan ng oras mo para lapitan ako dahil hinding-hindi kita kailangan sa buhay ko!” asik ko.

Marahas kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad nang mabilis. Nakita ko si Cindy pero umiling na lang ako at agad sumakay kay Zebby. Kailangan kong magpalipas ng oras at magpahangin dahil sasabog talaga ako at mabibigwasan ko ang public servant na tinitingala nila ngayon pero iniwan ako sa ere noon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jazmin Jayle
panira naman si Vice, oh...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status