ANMELDENIsang pagsubok para kay Foina Dela Fuente ang pag-iwas sa temptasiyon na huwag mahulog sa isang Ryan Chester Serrano na kilala bilang arogante at playboy sa Unibersidad de Victoria. Naging problema niya kung paano iwasan ang lalaki pero kahit anong iwas niya ay hindi niya napigilan ang puso na ibigin ito. Mas lumala ang pagsubok niya nang sagutin niya ang lalaki. Maraming babae ang habol nang habol sa nobyo niya. Akala niya ay iyon lang ang kaniyang magiging problema pero may malaki pa palang pasabog na madadaanan niya. Makaya niya kaya iyon? Matanggap kaya niya ang nakaraan ni Ryan Chester o lalayuan niya ito? Paano niya haharapain ang mga pasabog na hindi niya inaasahan?
Mehr anzeigenPagkauwi ni Foina sa bahay niya ay hindi pa nakabukas ang ilaw. Meaning wala ang Mama niya sa kaniyang bahay. Pagkatapos niya kasi sa college at no’ng nakapag-ipon siya ay bumili siya ng sarili niyang bahay. At paminsan-minsan ay dumadalaw ang kaniyang Mama para bisitahin siya.Binuksan niya agad ang ilaw. Alas sais na kasi siya nakauwi dahil may binili muna sa Watson. Sa sobrang stress niya parang kailangan niyang mag-self care at bumili ng pampaganda upang mabalik ang one-fourth na gandang nawala sa kaniya kanina.Nang malapag niya sa mesa ang pinamili niya ay saka nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad din naman niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Georgie. Ang best friend niya no’ng college. Rumehestro agad sa kaniyang mga labi ang ngiti. Miss na miss niya ang babaeng ‘to.“Hi, Luv!” bati agad nito nang masagot niya ang tawag. Cheerful na naman ang babae, as always. Kapag talaga nauubos ang socialization battery niya ay si Georgie ang sumasalo.Ngumit
Nawalan ng gana si Foina na kumain kaya hindi na niya nahintay ang dalawa at bumalik na lang siya sa classroom niya. Meron pa naman siguro siyang natirang sandwich do’n, iyon na lang siguro ang kakainin niya.Hindi siya makapaniwalang may mga guro na gano’n kung umasta. Aayain ka agad ng date samantalang unang interaction pa nga lang nila. Ni hindi pa nga niya nasasabi dito kung anong pangalan niya. Pero kung makaaya ito ay parang close na close sila.Or baka personality lang talaga niya na gano’n siya tapos OA lang ako.Pero kahit na siguro. Hindi naman siguro magandang gawin ‘yon dahil hindi pa nga sila close.Nang makarating siya sa kaniyang classroom ay nakita niya ang mga bata na nagtatawanan pang kumakain at nagkwekwentohan. At nang makita siya ng mga bata ay biglang natahimik ang mga ito. Ngumiti na lang siya sa mga bata para hindi ma-intimidate ang mga ito sa kaniya.“Ma’am, kumain na po ba kayo?” tanong ng isang estudyante sa kaniya. “Hindi pa nga, eh.” Hilaw niyang sagot. H
"Good morning, Ma'am."Ngiti ang palaging sagot ni Foina sa mga estudyante na bumabati sa kaniya. Kung titingnan, hindi pa talaga siya ready na tawaging "Ma'am" kung pagbabasehan ang height niya na parang pinagkaitan ng tangkad. Na kahit may suot na siyang heels ay parang wala pa rin iyong naiambag sa kaniya. Hindi naman talaga iyon ang problema niya, mas pinoproblema niya kung paano niya haharapin ang bawat araw ng pagiging guro sa isang university.Hindi pa talaga siya sanay na sa bawat lakad niya ay may bumabati sa kaniya. Hindi pa sanay ang labi niya na ngumiti kapag may babati. Nakakapagod pala ang bagay na 'yon, kaya siguro may teacher siya noon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. At hindi pa siya sanay na palaging may nakamasid sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam ng mga guro niya noon."So, Ms. Dela Fuente," pagkuha ng pansin ng kasama niyang Principal. Tumingin siya rito at hindi pinahalatang parang nahihiya siya sa tangkad nito. Ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa cla
"I always get what I want."Nanigas ang panga ni Foina nang nagpumilit talaga si Ryan Chester na pumasok sa bahay niya. Sobrang guwapo nitong tingnan sa suot nitong black polo shirt at black long pants. Palihim niya ring pinapagalitan ang sarili dahil binuksan niya pa rin ang pinto kahit alam niyang ang hambog na teacher ang nasa labas ng bahay. Gusto lang naman sana niyang manigurado dahil hindi siya makapaniwala na nalaman nito kung saan siya nakatira. Mabuti na lang talaga dahil hindi niya kasama ang Nanay niya. Baka ito pa ang unang sumipa sa mukha ni Chester. Ayaw na ayaw pa naman nitong may bumibisita sa kaniya kapag malalim na ang gabi."I thought I made it clear that I won't go out with you," aniya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tingnan nang matagal ang mga mata ng lalaki. Pakiramdam niya kasi kapag titingnan niya ito nang matagal ay mababasa nito ang laman ng isip niya."You're a very smart woman, Babe. So, I wonder why you haven't figured out that I always g












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RezensionenMehr