Share

CHAPTER 3: STRANGER IN WHITE BRIEF

I SPED UP MY PACE, and the adrenaline rushed into me. All I needed was to divert my attention, and riding with Zebby along the road calmed me. The surrounding was serene, and same goes with the sky. The sun would soon set, and I wished for the pain in my heart too.

Akala ko naman ay ayos na ako pero hindi pala. Sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko. Nagpapasalamat pa rin ako dahil mula sa sakit na naranasan ko ay mas lalo akong naging matapang at matatag na ipakita na kaya kong tumayo nang wala siya sa buhay ko ngunit mayro’ng malaking sugat ang iniwan sa puso ko.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Wala akong pakialam kahit magpa-ikot-ikot pa ako sa daan dahil kabisado ko ang mga bawat pasikot-sikot sa Isla Fiji at wala rin magloloko sa akin dahil bibigwasan ko ang mukha nila. 

Suddenly, my attention was caught by something white in the bush. It was peculiar that there would be a litter there, especially that the surroundings here in Isla Fiji were really clean and neat. When I went nearer to the bush, my brows furrowed when I saw two feet. The view became vivid, and now I’m enlightened that there was a man lying while wearing only a white brief.

‘Sino kaya ang punyetang ito at nakahiga pang nakasuot lang ng white brief na nag-abalang magbihis ng damit? Ang lamig din kaya at paniguradong magkakasakit siya kapag hanggang ngayon ay hindi siya magsusuot ng damit. Namuti na nga siya sa kalokohan niya.’

Napakagat ako sa aking labi at medyo nag-aalangan akong lumapit at baka may barilin ako. Ayaw ko pang mamatay na virgin pa ako at walang asawa at anak. Gusto ko pang bigyan ng apo si Tatay. Kaso inuusig naman ako ng aking konsensiya. 

‘Sisilip lang ako tapos kapag nanlaban bibigwasan ko para mawalan ng malay tapos tatakbo ako sabay paharurot kay Zebby nang mabilis. 

I sighed heavily before I parked Zebby near the bush, and the headlights were pointed to the bush. I didn’t even bother to get rid of my helmet, so that he wouldn’t know who I am. 

I slowly went, and peek. I gasped when I saw that he had an oozing body, and sex appeal even though he was only wearing a white brief. He looked like a model that my classmates ogled before. My eyes went up, but I couldn’t see his face, so I moved some leaves from the bush away to have a better view to see his face.

“P*nyeta. . .” Hindi ko napigilang magmura dahil napakaraming galos ng kaniyang mukha at may bahid pa ng dugo sa noo. 

I immediately pulled him out of the bush. He was awfully beaten, and he needed to be rushed into the nearest hospital as soon as possible. 

“P*nyeta, huwag ka munang mamatay! Sayang ang lahi mo!” asik ko at saka kinalas ang denim jacket na nasa baywang ko para kahit papaano’y mainitan man lang siya. 

Hindi ko na inisip na mabigat siya dahil nabuhat ko siya pasakay kay Zebby. Problemadong-problemado naman ako dahil paano ko siya iaangkas at nakaisip ako ng paraan at kumuha ako ng tali at itinali ko sa sarili ko at sa kaniya habang nakayakap siya sa akin paharap para hindi siya malaglag. Napasinghap ako dahil nagdikit ang aming mga katawan. May kiliti akong naramdaman.

‘Sana’y mabuhay ka at maging akin ka na lang. Teka nga, ang landi ko naman habang nag-aagaw buhay na ang lalaking kasama ko.’

Agad kong pinaharurot si Zebby patungo sa pinakamalapit na hospital. Kahit hirap na hirap ako sa posisyon ko ay talagang kinaya ko at baka multuhin niya pa ako. Naalala ko ang cellphone ko pero mukhang hindi ko naman nadala. Masyado akong makakalimutin porket wala naman ako katawagan na iba. Sayang lang kasi sa load kapag gano’n.

When we arrived, I immediately asked for help from the nurses, and to the security guard to carry the man that was with me. I felt relieved, especially that he would be alright. However, I’m bewildered as to who made that stranger’s life in peril.

‘Could it be that he was being ambushed? From what I saw, he was awfully beaten, and even almost naked. Was he also being robbed? I didn’t know who he was, and where he came from, especially that I saw no belongings from him.’

I got rid of my helmet, especially that I’m really in distressed right now. I looked over my T-shirt that was now with blood stains, but she could feel a tingling sensation.

‘Ano ba naman iyan at pinagpapantasiyahan ko pa ang nag-aagaw buhay.’

Pero talaga namang makisig ang lalaking nailigtas ko kahit bugbog sarado siya at may sugat sa mukha. Hindi naman kasi nakaligtas sa paningin ko ang maputi at napakakinis niyang kutis at nakita ko pa nga ang kaniyang maskuladong pangangatawan. Halatang dayo siya rito sa Isla Fiji lalo na’t wala masyadong may gano’ng kutis dito.

Ipinarada ko nang maayos si Zebby sa hindi pa naookupang espasyo sa parking lot at hinugot ko ang susi bago ipinasok sa bulsa ng aking denim jeans. Pumasok ako sa loob ng hospital para naman malaman ko kung ano ba’ng lagay ng estrangherong lalaking iniligtas ko. Naupo muna ako sa waiting area sa tapat ng emergency room. 

‘Paano kaya siya napadpad dito?’

I waited, and when the doctor came out from the emergency room, I immediately rose from my seat. 

“Asawa ka ba ng pasyente, Ma’am Trisha?” tanong niya.

‘Lah? Grabe ka naman sa labeling, Dok. Hindi ko alam na nagkaro’n na agad ako ng asawa habang nag-da-drama ako.’

“Ahm. . . Hindi po, Dok. Habang nagmamaneho po ako sa daan ay nakita ko po siyang nakabulagta sa gilid ng daan kaya’t isinugod ko siya agad dito,” sagot ko.

Tumango naman siya. “Mabuti na lang at nadala mo ang pasyente sa hospital lalo na’t sobrang dami niyang sugat at pasa. We saw that he had suffered for head injury, and it could lead on loss of memories and other symptoms, but we would still monitor him for better analysis. Mas mainam kung mag-stay siya rito ng ilang mga araw para mas umayos ang kaniyang kalagayan. Ililipat na rin siya sa kaniyang magiging silid ng mga nurses. Sige, mauuna na rin ako at may aasikasuhin pa akong ibang pasyente.”

Nginitian ko na lang siya. “Maraming salamat po, Dok.” 

Nang nakaalis na ang doktor ay bumukas na rin ang pintuan ng emergency room. Nakita kong tulak-tulak na rin ng mga nurses ang stretcher kung nasaan nakahiga ang lalaking iniligtas ko at patungo na sila sa isang silid. Sinundan ko rin sila at may tinanong sa aking mga impormasyon ang nurse na sinagot ko naman kahit medyo wala akong alam sa pagkakakilanlan sa kaniya.

Nagpaalam muna ako saglit sa nurse para makitawag sa telepono dahil paniguradong nag-aalala na sina Cindy at Tatay sa akin. Sumbongera pa naman si Cindy at mamaya mapaano pa si Tatay dahil do’n. Mabilis kong tinipa ang numero ng aming telepono sa bahay. Agad na nag-ring iyon at sinagot.

“Hello? Ito na ba ang manghihingi ng ransom?” tanong mula sa kabilang linya.

“Shut up, Cindy! Wala kang pang-ransom kaya’t huwag ka nang magtanong d’yan. Bakit ikaw ang sumagot ng telepono? Nasaan si Tatay?” asik ko at hindi ko napigilang mapairap.

“Pa-walkout, walk-out ka pang nalalaman d’yan. Akala mo naman hahabulin ka,” pagbabara niya sa akin at hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Gusto ko siyang kotongan kahit nasa kabilang linya siya. 

I scoffed. “Wala akong pakialam. Nasaan si Tatay?” 

I could hear her chuckle from the other line which really made me annoyed. “Nandito si Tito Tristan at kanina ka pa niya ipinapahanap sa kaniyang mga staffs. Sobra siyang nag-aalala nang nalaman niyang nando’n pala sina Carl at Horice kung nasaan tayo kanina. Teka nga, nasaan ka ba? Mamaya nakipagtanan ka na d’yan, ha?” 

“Nasa hospital—” Ni-hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang maghisterikal naman siya sa kabilang linya.

“Ano! Malubha ba ang lagay mo? Hala! Baka mamatay kang virgin, Ka-tol! Huwag ka munang mamatay kasi masamang damo ka!” sigaw niya.

“P*nyeta! Ikaw ang papatayin ko kapag hindi ka kumalma. Ang kapal naman ng apog mong sabihan akong masamang damo kahit pareho tayong gano’n! Huwag kang magmalinis kasi hindi ka na virgin,” asik ko at kulang na lang ay pumutok na ang ugat ko sa leeg dahil sa pagka-stress sa kaniya. Napakagat ako ng labi dahil nakita kong napatingin sa akin ang isang nurse na mukhang natakot sa akin. Napatikhim ako at alanganing ngumiti para pagtakpan ang hiya ko.

I combed my jet-black pixie cut hair with red highlights, and whispered. “At saka hindi pa ako mamatay kasi wala namang nangyaring masama sa akin. May iniligtas akong estrangherong lalaki kanina sa daan at isinugod ko rito sa hospital kasi bugbog sarado at baka ako pa ang multuhin niya kapag hindi ko siya tinulungan.”

“Oh! Ulam ba ang iniligtas mo na estrangherong lalaki? Namumutok ba ang biceps niya? Maskulado ba ang kaniyang dibdib? May abs ba siya? At higit sa lahat, daks ba siya?” parang armalite ang bunganga niya sa katatanong sa akin. 

Ngunit medyo naintriga rin ako sa huli niyang sinabi. Hindi naman ako tanga sa parteng iyon lalo na’t nakapanood na rin ako ng porn dahil naghahanda akong gamitin ang ginintuang kaalaman ko sa larangan ng sex sa aking nobyo noon na si Carl pero hindi ko naman aakalain na hindi ko pala magagamit ang aking ginintuang kaalaman kay Carl kasi nangati na ang kaniyang mga itlog para kay Horice. Ang tanga ni Carl dahil sinayang lang niya ako pero wala na rin sa akin iyon. Laking pasasalamat ko na rin na hindi ko isinuko kay Carl ang aking virginity.

‘Daks ba ang estrangherong lalaking iniligtas ko? Malaki at matikas ang pangangatawan ng lalaking iyon at paniguradong may itinatago siyang malaking ginto sa loob ng kaniyang white brief.’

Tumawa naman sa kabilang linya si Cindy na nagpabalik sa akin sa reyalidad. “Hala siya! Paniguradong pinagpapantasiyahan mo na ang estrangherong lalaking iniligtas mo. Baka siya na ang soulmate mo, Ka-tol! Wait! Saang hospital ba siya naka-confine? Kailangang makita ko siya dahil paniguradong itatago mo ang lalaking iyan mula sa amin.” 

I was caught off guard with what she said, but I immediately hid it with a cough. “Ang dami mong alam. Nandito kami sa Borram Hospital at saka dalhan mo nga pala ako ng pamalit na damit lalo na’t namantiyahan ng dugo nang binuhat ko ang estrangherong lalaki na iniligtas ko. Bilisan mo na’t nakakahiya na sa nurse.”

“Sige, ikalma mo rin iyang mani mo, ha? Hintayin mo ako—”

Ibinaba ko na lang ang tawag dahil loko-loko talaga siya. Namumula ang aking mukha na nagpasalamat at umalis sa nurse station at alam kong pinagtitinginan nila ako. 

‘P*nyeta, sana’y naging estranghero na lang ako para hindi nila ako kilala.’ 

Hindi ko talaga napipigilan ang aking sarili na mainis sa kalokohan ni Cindy pero sanay naman si Tatay sa amin lalo na’t simula bata pa lang kami ay nagbabardagulan na kami. Hobby na namin iyon.

I sighed heavily, and walked towards the room of the stranger I saved.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jazmin Jayle
mukhang madidiligan na si twisha...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status