Share

Chasing The Pervert
Chasing The Pervert
Author: Anjzel Ica

CHAPTER 1: UNDEFEATABLE

I SMIRKED when I accelerated my lucky charm black with a fusion of gold motorcycle which led me to speed up from my competitors. I even smoothly drifted like air when I went to the very crucial part of the race track to avoid bringing scratches to my precious baby from the barricades and to the track until I passed the finish line. I stopped Zebby, and got rid of my helmet from my head. I combed my fingers through my jet-black pixie cut hair with red highlights. I’m indeed the undefeatable monster queen of race here in Isla Fiji.

Actually, the race tracks here in Isla Fiji were being sponsored by the CEO of one of the highest manufacturing corporations of motorcycles and cars here in the Philippines. We were grateful to them, especially that they really were generous enough to give a sum of prices in every competition. 

Pangarap ko rin na makasali sa mga Grand Race sa Manila kung nasaan ang mga sikat na mga motorcycle racers at maipagmalaki ang isla kung saan ako nagmula lalo na’t maganda rin iyong rason para makahatak ng turismo at paniguradong uunlad ang Isla Fiji.

Hindi ko napigilang sumuntok sa hangin para ipagyabang na nanalo na naman ako at walang makakatalo sa akin. Dinig ko ang malakas na sigaw ng mga tagasuporta ko sa aking pangalan na talagang hindi nagpatanggal ng aking ngisi.

“Mayora! Mayora!” sigaw nila.

Hindi ko napigilang tumawa dahil do’n lalo na’t lagi nila akong binubuyo sa gano’ng palayaw. Hindi naman talaga ako isang public servant sa Isla ng Fiji dahil ako ang anak ng kanilang pinagkatitiwalaang si Mayor Tristan Francisco. Lagi kasi akong kasama sa mga outreach programs at charity works nito kaya naman tampulan ako ng tukso na tumakbo sa susunod na halalan na nginingitian ko lang dahil wala sa isip ko na maging gano’n.

Hindi na rin ako nagtaka nang nakarinig ako nang malakas na paghampas ng helmet sa race track kaya’t nababagot akong lumingon mula sa aking likod at nakita ko ang mortal kong kalaban na hindi ako matalo-talo na si Horice Manuel.

“Cheater as always!” Horice exclaimed while gritting teeth.

“Weh? Bakit hindi ko alam na nandaya ako? Pauso ka na naman. Hindi mo matanggap na talo ka na naman ulit. At saka bakit naman ako mag-aaksaya ng oras para dayain ka kung kayang-kaya naman kitang talunin? Ikaw na lang ang mandaya kasi kailangan mo naman iyan para matalo ako. Pero mahilig ka naman mang-agaw kahit hindi naman para sa iyo. Nakakaawa ka naman at gustung-gusto mong makuha ang mayro’n ako na pinagsawaan ko na,” buwelta ko.

Kitang-kita ko tuloy kung paano mas lalong nabanas ang itsura ni Horice. Pikon na pikon at gusto akong saktan na talagang hinihintay ko dahil hindi ako mag-aatubili sapakin ang kaniyang mukha. 

Ipinagkrus ko ang aking braso sa ilalim ng aking dibdib habang nakangisi. “Shoo! Umuwi ka na sa bahay ninyo dahil hinahanap ka na dahil walang tatahol do’n.”

Horice raised her middle finger to me, but I immediately countered it, and raised my two middle fingers. I couldn’t help but to laugh at Horice’s horrible face who really looked like a loser while walking away from me.

Until I heard the familiar shrill laugh from Cindy Lopez, my best friend.

“Wow! Ang galing mo talaga kahit kailan. Undefeatable talaga siya, oh! Kitang-kita ko na naman ang nayayamot na pagmumukha ni Horice at ang sarap ilubog sa tae ng aso. Pero ang daming sumusuporta lagi sa iyo at talagang todo ang pagtutulak din sa iyo para maging kagaya ka ni Tito Tristan,” Cindy praised me. She really supported me in every race that I would compete in.

I combed again my fingers through my jet-black pixie cut hair with red highlights. “Wala naman sa bokabularyo ko ang pagkatalo. Dapat kabahan na kung sino ang kakalaban sa akin dahil talagang ipapalanghap ko ang usok ng aking tagumpay. Sa isyu naman na iyan, alam mo naman na hindi ko pa nakikita ang sarili ko na nakasuot ng T-shirt na may nakapaskil na mukha ko at nangangamba ako na kukurakutin mo ang kaban ng bayan pambili ng skin care mo.”

Napanguso si Cindy. “Hoy! Grabe ka naman sa akin. Hindi ko gagawin iyon ‘no! Epal ka talaga kahit kailan. Putukin ko iyang mga dede mo makita mo.”

“Wala ka kasing dibdib kaya naman pinagdidiskitan mo ang akin. Kawawa ka naman,” pang-aasar ko.

“Aw! Ang unfair naman. Bakit sobra ang ibinigay sa iyo pero sa akin wala kahit may lumalamas naman?” tanong niya.

Hindi ko napigilang kotongan siya sa kaniyang ulo. Napakabastos niyang kaibigan at talagang ipinapangalandakan pa sa akin na may lumalamas ng kaniya habang sa akin ay wala. 

“Talagang walang ilalaki na iyang mga dibdib mo dahil hindi ka naman mahal ng boyfriend mong ulupong na panay ang paglalandi sa ibang babae,” sagot ko at saka lumapit kay Zebby para inspeksiyonin kung may gasgas pero wala naman.

Sumunod naman siya sa akin at tumabi pa sa gilid ko. 

“Masyado kang bitter ‘no? Hindi naman gano’n si Juts, Ka-tol. Kaibigan lang niya ang babaeng iyon at saka marami silang kasama kaya naman hindi magagawa ni Juts na ipagpalit ako kasi ang suwerte na kaya niya sa akin,” kontra niya.

I couldn’t help but to roll my eyes in annoyance. “Oo nga, ang suwerte niya sa iyo kasi tanga ka. Bakit hindi na lang si Dick ang i-boyfriend mo at mahal ka na mahal ka naman ng lalaking iyon?”

Cindy snorted. “Gago ka ba? Kawawa naman ako kapag napangasawa ko siya lalo na’t magiging katatawanan ang pangalan ko.”

I’m having a hard time not to laugh, because Dick’s surname was Dy. I really adored to tease Cindy, especially that she was really foolish when it comes to her pathetic boyfriend. 

“The more you hate the more you love. Mamaya kayo pa ang end game. Kahit ako na maging ninang ng mga anak ninyong dalawa kaya’t huwag ka nang magpakagago sa boyfriend mo. Tignan mo at may lahi pa si Dick at paniguradong magaganda at gwapo ang mga anak ninyo.”

“Tse! Wala akong pakialam sa lahi ni Dick. Mamaya maging mukhang aso pa ang mga anak ko. Kung gusto mo siya na lang ang i-boyfriend mo tutal wala ka namang katabi sa gabi,” nayayamot niyang turan.

I glared at her sharply. “May sinasabi ka?”

Ngumiti naman siya sa akin. “Ah! Wala. Ang sabi ko ay congrats at ang yabang mo.”

Tumango naman ako. Bigla kasing nabingi ako sa huli niyang mga sinabi. Hindi ko masyadong narinig. May lumapit sa aking staff at kinuha na muna si Zebby. Abot langit na paalala naman ang ginawa ko at pinagbantaan pa ito na huwag gagawan ng kalokohan ang baby ko.

“Kawawa naman lagi sa iyo si Tor. Parang wala kang tiwala sa kaniya kahit kada race ay siya ang nag-aasikaso kay Zebby,” natatawang turan ni Cindy.

I sighed heavily. “Natural sa akin iyon lalo na’t ingat na ingat ko lagi si Zebby.”

“Tara na nga’t baka kung ano na ang ginagawa ni Tito Tristan. Kanina pa nga siya hindi mapakali habang nasa race ka,” aniya.

I just smiled at that. Si Tatay na ang mag-isang nag-alaga at nagtaguyod sa akin simula nang mamatay si Nanay mula sa panganganak sa akin. He was really protective to me, but as much as possible, he let me do the things that would make me delighted. Even though he was really busy being a public servant, he still had time to support me in every race that I competed in. I’m really grateful to have him as my father.

Agad kong nakita si Tatay na nakaupo habang palinga-linga sa paligid na mukhang hinahanap na kaming dalawa ni Cindy. Dali-dali akong tumakbo patungo sa pwesto niya at yumakap sa kaniya nang mahigpit.

“Mahal po kita, Tatay!” paglalambing ko.

He sighed heavily.

“Inunahan mo na naman ako, Anak. Alam mo talagang makakalusot ka ulit kasi dinaan mo na naman ako sa paglalambing mo,” ungot niya. Humiwalay siya sa akin ng bahagya para sinapit kung may galos akong natamo kahit na nakasuot ako ng protective race jumpsuit na mayro’ng tatak na dreamcatcher sa likuran at may suot din akong chest protector, back and spine protector, elbow guards, gloves, knee guards, helmet at boot na katerno ng kulay ng aking baby na si Zebby na pinaghalong itim at ginto. 

Hindi ko napigilang tumawa. Kabisadong-kabisado ko talaga kapag pagkatapos ng laban ay lalambingin ko agad siya lalo na’t walang age limit ang kaniyang sermon para sa akin.

“Wala naman po pating nangyari sa akin at hindi ko po hahayaang pag-alalahanin kayo sa bawat karera ko po,” pangungulit ko.

Hinaplos niya ang aking buhok. “Nag-iisa na nga lang kitang anak at hinding-hindi kita pababayaan lalo na’t ikaw lang ang alaala ng pinakamamahal kong si Sharmaine. Hindi talaga nawawala sa akin na mag-alala kahit na paulit-ulit kitang panoorin at samahan sa bawat karera mo.”

Hinalikan ko siya kaniyang pisngi habang nangungunyapit sa kaniyang braso habang nakahilig ang aking ulo sa kaniyang balikat. “Kaya naman po sobrang mahal na mahal kita, Tatay.”

Kahit na namatay na si Nanay ay hinding-hindi nagbabago ang pagmamahal niya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na kapag patay na ang kabiyak ay maghahanap ng iba. Minsan pa nga’y tinutukso ko siya pero nginingitian lang niya at sasabihin na kuntento na siyang mamatay na nasa puso niya si Nanay.

I wanted to have a man that resembled him. His love for my mother was true and genuine which was indeed passionate and sweet. Nakakainggit pero gano’n ang love story ng magulang ko. I’m truly a Tatay’s Girl, and I’m proud of it. Hindi man siya perpekto pero kaya niyang gawin ang lahat para maging masaya ako.

He kissed my forehead which made me close my eyes while smiling. “Mas mahal na mahal kita, Anak.”

I might be the monster queen of a race, but when it comes to my father, my dauntlessness faded, and turned into a clingy sweet daughter regardless of my age.

Our moment was interrupted, because of the loud rumble of stomach that wasn’t from me or my father, but instead from Cindy. I looked at my best friend who was giggling like a fool while raising her forefinger and middle finger manifesting a peace sign to us. 

“Pasensiya na po at naputol ko ang moment ninyong dalawa pero gutom na po talaga ang alaga ko sa tiyan, Tito.” paghihinging paumanhin ni Cindy.

Natawa naman si Tatay. “Naku! Pasensiya ka na rin, Hija. Tara na’t kumain na tayo lalo na’t alam kong gutom na gutom na rin ang aking anak.”

“Wala po iyon, Tito. Pero libre niyo po, ha?” walang hiyang turan ni Cindy.

Muling natawa si Tatay at tumango. “Oo naman, nanalo ang anak ko at wala rin siyang natamong mga galos sa katawan kaya’t magsasaya tayong tatlo.”

Pumalakpak naman si Cindy sa tuwa dahil nakalibre kaya’t hindi ko napigilang irapan ang aking kaibigan.

“Nang-iirap po ang anak niyo, Tito. Mukhang ayaw po,” pagsusumbong ni Cindy.

Napatingin naman sa akin si Tatay at mabilis ko siyang nginitian. “Hindi ko naman po siya inirapan, Tatay. Napuwing lang po ako.”

Tumango na si Tatay at umalalay naman ako sa kaniyang pagtayo. Nagsimula na kaming maglakad paalis ng venue pero agad na may humarang sa kaniya na kakilala at sandaling nag-usap at iyon ang ginamit kong paraan para lapitan si Cindy para kotongan siya na agad ikinaigik ng aking kaibigan habang nagkandatulis-tulis ang nguso.

Napangisi ako. “Magsusumbong ka pa, ha? Akala mo nanalo ka sa akin. Utot mo.” 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Catness Collin WP
Can’t wait to read this story......
goodnovel comment avatar
Jazmin Jayle
the monster queen of a race...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status