공유

Chapter 5:

작가: EJ QUINO
last update 최신 업데이트: 2021-10-28 15:37:00

Third Person's POV

Nawindang ata ang isipan ni Sheiha sa narinig. Tinawag ba naman siyang manang ng crush niya? Total turn off na 'yon para sa kaniya kaya ex-crush na niya ito ngayon. Napakatanda niya bang tingnan? Hah?! Marami ngang nagsasabi na mas bata siya tingnan kaysa sa eksaktong edad niya. May sira ata ang mata ng binatang kaharap at kailangan ng palitan, lumalabo na e. 

"Ikaw ba iyong tumulong sa'kin? Kahit nahihirapan ako ng mga panahong iyon ay hindi pa naman lumalabo ang aking paningin," nakangiting ani ng matanda.

Naalala nga niya ito. Lumapit si Sheiha sa matanda ng palapitin siya nito. Hindi niya pinansin ang doktor na nagtawag kanina sa kaniya ng manang. Nababanas pa rin siya hanggang ngayon. 

'Mamaya ka sa'kin, matitikman mo ang ganti ng isang api!' galit na ani ng isip niya.

"Ikaw po ba 'yon, lolo? Makakalimutin po kasi ako, hindi ko na maalala..." ngiting sabi ni Sheiha.

Kinuha niya ang bowl ng gulay sa nurse at siya ang tumabi sa matanda. Ang laki ng ngiti ng matanda ng makaupo na siya sa gilid nito.

"Ganoon ba, hija? Ilang taon ka na ba?" tanong ni lolo.

"Twenty-four po, lolo... Sheena po ang pangalan ko kayo po?" 

"Tawagin mo akong lolo Crisostomo. Napakabata mong tingnan, maaari ba kitang tawaging apo?" 

Napangiti siya. Kung naabutan kaya niyang buhay ang mga lolo't lola niya, ganito kaya kainit ang pakikitungo ng mga ito? Siguro dahil sa bait ba naman ng mga magulang niya? Nami-miss niya na rin ang mga ito. Kung sana hindi sila maagang nawala, hindi niya dadanasin ang paghihirap niya ngayon. Hindi siya magpapanggap na Sheena Gozon na may edad na twenty-four, e'di hindi sana siya natawag na manang.

"Oo naman po. Ano ho ba ang problema rito?" 

Kahit may ideya na siya ay kailangan niya pa ring kompirmahin, baka nagkakamali lang siya sa hula-hula niya kanina.

"Iyang hawak mo, hija. Ayokong kainin 'yan, pulos na lang ganiyan ang kinakain ko araw-araw, mula umaga, tanghali at gabi. Wala man lang desert, pang snack man lang!" 

Para itong nagsusumbong sa kaniya. Napangiti siya ng malapad. Napaka-easy para sa kaniya ito.

"Lolo, kung hindi niyo ito kakainin... paano kayo gagaling? Paano kayo makakalabas dito at paano niyo kakainin ang mga gusto niyo? Lolo, Crisostomo Ibarra," natawa ang matanda dahil sa tawag niya rito.

"Kailangan po nating magtiis para po magawa o' makuha ang mga gusto natin. Kaya kunting tiis lang po at nasisiguro kong aayos din po kayo. Kayo pa? Sa tingin ko po ay hindi na kayo magtatagal sa hospital ng isang buwan dahil bago umabot ng isang buwan, nakalabas na po kayo rito. Malusog at makisig, baka ma-inlove sayo ng paulit-ulit si lola Maria Clara?"

Nagtawanan silang lahat bukod sa doktor. Madali lang sa kaniya ang gawin ito dahil ganito rin ang papa niya kapag exhausted sa training nito ng soccer. Kinailangan niya pa itong lambingin at kunting banta ng kaniyang ina na hindi sila tabing matutulog ay kakain na ito. 

"Wow, galing ng nurse mo ngayon, lolo ah?" 

Napabaling sila sa taong nasa pinto. Isang obserba pa lang nito ay alam na niya kung ano ito.

"Ang isa ko pang apo!" Nakangiting lumapit ito sa isang gilid ni lolo at nagmano.

"Hindi na naman po kayo kumakain? Naku, tama po si nurse ganda lolo, kung hindi po kayo magtitiis na kumain nitong mga dahong 'to, hindi niyo po makakasama si lola Maria Clara."

"Kakain na nga," nakangiting inabot ni Sheiha ang bowl nang ilahad ng matanda ang kamay. "Hindi ko pa pala siya napapakilala, hija. Siya ang nag-iisa kong apo, si Tristan. Pareho lang kayong bente-kuwatro."

Nakangiting nag-shake hands silang dalawa, "Sheena Gozon, nice meeting you."

"Likewise, ang ganda mo."

"Naman," ganti niya.

Sabay silang natawa. Hindi alintana ang mga matang ngayon ay napakatalim kung tumingin.

"Magkakasundo talaga kayo niyan," bumaling ito sa binatang doktor na nasa iba nakatingin. "Doc, pwede ba akong mag-request na siya na lang ang italaga niyong nurse sa'kin?" turo nito kay Sheiha.

Naglalakad sila patungo sa nurse's quarter, siya 'yong nurse kanina na ang pangalan pala ay Sheena rin at ang binatang doktor na kanina niya pa napapansin na nakasimangot. Well, hindi naman talaga ito pala ngiti.

"Wow, nakakabilib ka naman, bal!" Kahit kakakilala pa lamang sila ay naging close sila kaagad. May call sign na nga silang bal na nakuha sa salitang kambal, kambal kasi ang pangalan nila, "Ako nga, kahit umiyak pa ako at lumuhod sa harapan ni lolo Crisostomo Ibarra ay hindi niya ako papansinin. Kailangan ko pang tawagan ang apo niya para mapakain lang siya."

Natawa siya ng makitang nakanguso ito, "'Yan ang mga pro,"

"At saan ka naman galing?!" 

Nagulantang siya sa sigaw na iyon ni nurse Cha. Hindi nila napansin na nakapasok na pala sila sa quarter ng mga nurse. Grabe, parang nasira ata eardrum niya roon. Tumalsik pa ang laway nito sa mukha niya, nakakadiri!

"She's with me," sagot ng nasa likuran nila.

"Doc," gulat itong napatingin sa likuran nila.

Pumasok ang antipatikong doktor na binangga pa ang balikat niya. Hindi pa nga siya nakakaganti sa pagtawag nito sa kaniya ng manang tapos ito na naman? 

'Sumusobra na ata ang lalaking 'to? Pwes, hindi ko siya uurungan!' gigil niyang ani sa sarili.

Nagngi-ngitngit talaga ang kalooban niya sa ex-crush. Ang sarap halikan-sapakin, ang sarap-sarap sapakin!

"Tinulungan niya kami kay Mr. Ibarra- I mean Lopez." Tumikhim ito ng bumungis-ngis silang dalawa ng kambal niyang si Sheena. Pati doktor ay nahawa sa Ibarra-Ibarra niya. Influencer ata siya.

"Ganoon po ba?" 

Napataas ang kilay niya, malambing na ang boses nito. Hindi pareho kanina na parang dragon na bubuga na ng apoy. Isa pa 'tong plastic.

He hummed, "Kung anuman ang schedule niya, exchange it with Ms. Magbanua. Mula ngayon, siya na ang maa-asigned sa room 302."

Hindi man lang nito hinintay na makasagot ang kausap bago ito tumalikod at umalis sa doctors quarter.

"Paano ka naman napunta sa third floor, abir?" Padabog nitong binigay sa kanilang dalawa ang bago nilang schedule.

"As what he just said, I was with him."

Ngumiti siya at tumalikod dito. Nakahawak sa kaniya si Sheena the second at sabay silang lumabas sa silid na iyon. Iniwan nila ang dragon na bubuga sa kanila ng apoy kapag nagtagal pa sila roon. It is obvious, ang babaeng 'yon ay may gusto sa binatang doktor.

"Senior ba natin 'yong nurse Cha?" tanong ni Sheiha habang kumakain sila ng lunch ni Sheena the second. "Para kasing siya ang nagpapa-suweldo sa'tin kung maka-asta! Nakakainis siya hah?!" 

"Napansin mo rin 'yon?"

"Ang alin? 'Yong pagiging superior niya? Na akala mo kung sinong magaling?" tumango si Sheena. "Teka, magaling ba 'yon?"

Sheena hummed, "Masasabi kong oo, saka favor din kasi sa kaniya si doc, dahil din sa galing niya."

Kumunot ang noo niya habang pinapapak ang chicken leg na hawak. Wala siyang pera at wala sana siyang pananghalian ngayon buti na lang pinadalhan siya ng pinsan ng makakain. Napakabait talaga ni Bryly. Absuweldo na ito sa kasalanan kanina.

"Bakit naman? May favoritism pala rito?"

"Hindi sa ganoon, kasi... 'yang si Grace-"

"Grace? Akala ko ba Cha ang pangalan niyan?" 

"Charo Grace ang totoo niyang pangalan, nurse Cha ang tawag ng karamihan sa kaniya, pang-inis kumbaga. Naiinis kasi ito kapag tinatawag namin ng ganoon, parang kanina lang, nagbubuga ng apoy kung tatawagin namin siyang ganoon, pang matanda kasi." Natawa ito sa sinabi, pati na rin siya. "At saka, alam mo ba kung sino ang nagbansag niyan?"

She hummed, "Curious ako, sino?"

Pinalapit siya ni Sheena, ibubulong ata ang pangalan. Siya naman ay lumapit, para silang nag-chi-chismisan.

"Si doc," 

"Huh? Totoo?!" 

Nang tumango ito ay gulat pa rin siya. 

"Naknangputspa! Mahilig talaga magbigay ng nickname ang payatot na 'yon?" 

"Tinawag mong payatot si doc? Ang ganda kaya ng katawan ni doc. Saka mahilig magbigay ng nickname?"

Nakanguso nitong kinakain ang sariling manok.

Tumango-tango siya, "Hindi mo maalala kanina na binansagan niya akong manang?! Mukha ba akong manang?!" Tinaasan niya ito ng kilay, "Tiyaka ang payat kaya niya! Parang isang pitik ko lang sa kaniya tumba na 'yon, e."

"Really Ms. Gozon?" 

Nagulantang silang dalawa at napaayos ng upo. Nasa likod ito ni Sheena at hawak nito ang tray na may lamang mga gulay-gulay. Inshort, magkaharap sila ngayon.

"Doc, dito!" tawag dito ni nurse Cha.

Tumalima naman ang doktor at iniwan silang hindi na ata humihinga. Muntik na silang mabilaukan dahil sa gulat. Agad namang napainom ng tubig si Sheiha. Hinampas naman siya ni Sheena.

"Narinig ata tayo?"

"Anong ata? Narinig niya tayo, ungas!" 

Ewan ba pero kinakabahan siya habang nakatingin sa nakatalikod nasa kanilang doktor. May atraso pa nga ito sa kaniya pero hindi niya muna ito aawayin ngayon.

"Himalang dito kumain si doc, sa cafeteria." Nagtatakang ani ni Sheena.

"Huh? Saan naman siya kakain? Sabi mo iisa lang ang cafeteria nitong ospital?" 

"Hindi kasi, ganito 'yan. Kapag lunch, umuuwi si Doc. sa kanila." 

Tumango-tango siya, "Ang close nga nila ni nurse Cha. Ilang taon na ba 'yang cha-cha-cha na 'yan?"

Napatawa si Sheena dahil kinanta at sinayaw niya ang cha-cha-cha. Napatawa na rin siya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa naman siya nag-umagahan kanina kaya ngayon ay gutom na gutom siya.

"Magka-edad lang sila ni doc, twenty." 

Magka-edad lang pala sila ng antipatikong doktor? Ang aga naman atang naging doktor ang isang ito? Dapat sa edad niyang ito ay nasa internship pa lang ito. 

"Ah... sila kasi ang may-ari ng ospital na ito. Fifteen pa lang ata siya noon ng ipadala siya ng mga magulang sa abroad para mag-aral ng medisina. Balita ko rin na nag-take siya ng acceleration exam kaya naging doktor siya nang makatungtung ng bente," sagot ni Sheena sa kaniya ng magtanong siya kung bakit doktor na ito sa maagang edad. 

Nagtaka rin siya kung bakit tinatawag siyang manang nito, ganoon pala... bente pa pala ito katulad niya kung siya si Sheiha at hindi si Sheena. Napangisi siya...

"Humanda ka sa ganti kong payatot ka..." bulong niya.

"Anong sinabi mo?" 

"Huh? Ah, wala 'yon. Sabi ko ang anghel pakinggan ang pangalang Grace pero demonyo naman ang gumagamit," natawa silang dalawa ng malakas.

Lahat ng nasa cafeteria ay napapalingon sa kanila. Ang iba ay namamangha at natatawa rin kahit hindi naman nila alam kung ano ang pinagtatawanan ng dalawa.

'Ang cute ng babaeng 'yon, pare.'

'Siya ata 'yong bago? Grabe hindi lang siya cute kung 'di maganda pa.'

'Approach natin siya mamaya'

Ilan lamang iyan sa naririnig nilang bulungan. Dahil sa tawanang iyon, naging sikat si Sheiha sa ospital. Halos lahat ng intern at nurse na lalaki ay kinakausap siya. Kahit pa sinabi niyang bente-kuwatro na ang edad niya ay sinabi lang ng mga ito na wala silang pakialam. Sa mga oras na iyon, nalilimutan niya kung ano talaga ang tunay na pakay sa ospital na 'yon.

'Maipaghihiganti ko rin kayo, ma, pa, tita at tito... malapit na.'

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Chasing that Light   Chapter 33

    Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!

  • Chasing that Light   Chapter 32

    Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i

  • Chasing that Light   Chapter 31

    Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i

  • Chasing that Light   Chapter 30

    Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa

  • Chasing that Light   Chapter 29

    Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k

  • Chasing that Light   Chapter 28

    Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status