Napuno ng sigawan ang buong club. Paroo't parito rin ang mga tao at hindi alam kung saan susuong. May raid daw ang mga pulis dahil sa nakuhang impormasyon na mayroon daw transaksyon ng illegal na droga.
Suot ang malaking coat na nakita ni Lara kanina sa kwarto ay hinanap niya ang tiyahin. Kahit na malupit ito sa kanya ay nag-aalala rin siya dito."Lara!" May humablot sa suot niya mula sa likod. "Tara na! Baka pati tayo ay madamay dito!" si Yen na isa sa mga kaibigan niyang waitress."Pero ang tiyahin ko—""Hayaan mo na ang bruhang yun! Kaya na niya ang sarili!"Hindi na pumalag si Lara lalo na nang makita ang special unit na may hawak na mahahabang baril. Dumaan sila sa emergency exit at siksikan din doon."Nasaan na siya?!" bulyaw ni Lord K nang maabutang wala na ang babae sa silid. Kwinelyuhan niya ang tauhan niya at tinutukan ng hawak na baril."Diba ang sabi ko ay bantayan mo siya? Bakit mo pinatakas?!""S-Sorry po, boss. Hindi ko napansin—"Inihampas ni Lord K ang hawak na baril dito. Nasapo naman ng lalaki ang dumudugong ilong at nakaramdam ng pagkahilo. Pasalamat na lang siya at ito lang ang inabot niya dahil kung naiba ang sitwasyon ay baka bumulagta na siya sa sahig na dilat ang mga mata.Marahas ang hininga na inilibot ni Lord K ang mata sa silid partikular na sa sofa. Nang makita ang naiwang panty ni Lara ay pinilot niya iyon at inilagay sa bulsa ng pantalon.Pagod na pagod ang pakiramdam ni Lara pagkauwi. Masakit ang katawan niya at may natamo pa siyang mga galos at sugat dahil sa gulo kanina. Hindi niya maitatanggi na kung minsan talaga ay merong transaksyon ng droga ang nagaganap sa kanilang club. Hindi nga lang siya makaalis doon dahil malaki ang pasahod.Napabuntong hininga si Lara nang naabutan ang tiyahin na naghihilik sa sofa. Mukhang hindi man lang ito nag-abala na hanapin siya kanina at umuwi na lang. Ano pa ba ang aasahan niya?Sa pag-idlip ni Lara ay muling nagbalik sa kanyang balintataw ang lalaki na muntik na niyang pagbigyan ng kanyang pagkabirhen. Ano kaya ang totoo nitong pangalan?Saglit lang ang itinulog ni Lara. Kailangan niya kasing ipaghanda ng agahan ang mag-iina. Katulong ang tingin ng tatlo sa kanya. Lahat ng mga gawaing bahay ay siya ang gumagawa samantalang ang magkapatid ay buhay prinsesa, pagpapaganda lang ang alam kasama ang reyna nilang ina."Ito na nga ang sinasabi ko! Malas ka talaga kahit kailan! Sayang ang customer kagabi! Ni wala ka man lang nahuthot ni piso! Sana ay tinangay mo na lang ang relo o kwintas na meron siya bago nagkagulo!" Dinuro-duro ni Tesie ang ulo ng pamangkin. "Ang tanga mo talaga kahit kailan!"Itinikom na lang ni Lara ang bibig. Kapag sumagot siya ay baka hindi siya pakainin ng tiyahin. Masama naman ang tingin ng magkapatid na Stephanie at Ailene sa kanya. Sabay pa na umismid ang mga ito."Hindi kasi ginagamit ang utak.""Tatanga-tanga. Hindi alam dumiskarte sa buhay."Tahimik na ipinagpatuloy ni Lara ang pagkain. Kahit na nasanay na sa mga ganitong salita ay nakakaramdam pa rin ng sakit ang dalaga."Tingnan mo oh, ma! May mga chikinini at kagat pa sa leeg. Nagpakasarap lang ata ang bruha!" si Stephanie na may bahid ng inis ang mukha. Balita niyang mayaman at binata pa ang customer dapat niya kagabi. Naiinis siya kay Lara dahil ito ang nakinabang ng dapat ay para sa kanya! Baka mabingwit pa niya ang puso ng lalaki!Gimbal naman na napahawak si Lara sa kanyang leeg. Bakit nga ba niya nakalimutan na takpan iyon?Ngali-ngaling sabunutan ni Tesie ang dalaga. Karengkeng talaga katulad ng ina!"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"Binalingan ni Lara ang dalawang taon ng nobyong si Garry. Isa itong manager sa isang department store at may itsura din. Sinundo siya sa flower shop dahil naghanda raw ito ng dinner. Anniversary kasi nila ngayon. Katatapos lang din ng kanilang trabaho."Wala. Nagkaproblema lang sa bahay."Lulan ang dalawa ng second hand na sasakyan ni Garry. Napapansin din ni Lara ang pagsulyap-sulyap sa kanya ng lalaki partikular na sa kanyang mga hita. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagkaasiwa si Lara sa kasintahan. Gusto na lang niyang umuwi ngunit baka maging mitsa pa ito ng kanilang pag-aaway.Hiwalay na rin si Garry sa pamilya at may bahay nang hinuhulugan."Dinner's ready!" natutuwa nitong wika at proud na ipinakita ang mga niluto. May mga scented candles pa at may pa-rosas."Happy anniversary," ngiti ni Lara at hinalikan ito sa pisngi.Nangingiti naman si Garry sa gitna ng pagkain. Nagkukwentuhan ang dalawa at tawanan hanggang sa matapos sila. Nahuhugas si Lara ng mga pinggan nang mula sa likod ay niyakap siya ng nobyo."Garry.." suway niya ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at hinalikan pa siya sa batok at leeg."Ang bango mo talaga.""Garry, ano ba?"Tinulak ito ni Lara palayo. Nagalit si Garry at hindi nagustuhan ang inaakto ng kasintahan."Anong problema, Lara? Hanggang halik at yakap na nga lang ang naibibigay mo, umaayaw ka pa? Matagal na tayong magkasintahan pero ni minsan ay hindi pa kita naangkin!"Nag-iwas ng tingin ang dalaga. "Sinabi ko naman sa iyong hindi pa ako handa sa bagay na iyon—""Iyan lagi ang palusot mo! Anniversary natin ngayon. Kahit ngayon lang oh!"Sinimulan na naman na halikan ni Garry ang dalaga pero todo iwas ito.Hindi rin maintindihan ni Lara ang sarili. Dapat ay normal lang ito dahil kasintahan niya si Garry ngunit hindi na komportable ang pakiramdam niya simula nang....Muling gumuhit sa kanyang isipan si Lord K, ang mga maalab nitong halik, ang mga haplos na nakakapanghina...Malakas na itinulak ni Lara si Garry na lalong ikinagalit ng huli."P-Pasensya ka na talaga pero hindi ko talaga kaya.."Pagkasabi nun ay dali-daling kinuha ni Lara ang mga gamit at nilisan ang bahay ng kasintahan. Mahal niya ito pero hindi pa niya kayang gawin ang bagay na iyon.Sa galit naman ni Garry ay ipinagbabato nito ang mga plato sa dingding at nagsisisigaw. Bakit hindi niya makuha-kuha ang dalaga?!Isang linggo ang dumaan na hindi nag-uusap ang dalawa. Gustong humingi ng tawad ni Lara pero iniiwasan na siya ni Garry."Pansin kong hindi na dumadaan dito si manager ah. Nag-away kayo?" pang-uusyoso ni Maymay. Si Janice naman ay may ini-entertain na customer. Tatlo lang sila dahil hindi naman gaanong kalakihan ang shop pero mabili naman kahit papaano. All around sila at siya ngayon dito sa cashier."Nagkatampuhan lang," sagot niya at hindi na pinahaba ang usapan.The door chimed, palatandan na may pumasok na customer. Nagbibilang ng pera si Lara kaya hindi niya ito napagtuunan ng pansin. Sina Maymay at Janice na nakakita sa pumasok na customer ay nagsilaglagan ang mga panga sa sahig. Si Janice ang unang natauhan at sinalubong ang lalaki upang kausapin ngunit nilampasan lang ito at diretso sa counter kung nasaan si Lara."Lara..." anas ng lalaki.Nag-angat ng tingin si Lara nang marinig ang pamilyar na baritonong tinig na iyon. Hindi pa niya nakikita ang mukha ng lalaki ng maglapag ito ng apache case at binuksan iyon sa harapan niya."Here's 50 million pesos. Marry me and I'll make you my queen.""Oh yeah. Move that ass, baby. Sige. Igiling mo."Napailing si Magnus sa mga pinagsasabi ni Owen sa babaeng nagsasayaw sa harap nito. They were in a club, VIP to be exact. They were enjoying their time before they part ways again."Hmmm.." napaungol ang babae nang malakas na pinalo ni Owen ang pang-upo nito. "Ang ganda ng pwet mo ah. Ang laki. Totoo ba ito? Hindi retoke?" Muling itong pinalo ni Owen na may kasama nang paghimas.Hindi na nakapagpigil si Logan at binatukan ang lalaki. "Tarantado ka talaga. Ang manyak mo talaga.""Aray! I'm just checking her out!" angil ni Owen at naglalambing na niyakap ang babae. Natigil tuloy ito sa pagsasayaw at napaupo sa kandungan ng binata."Did I hurt you, baby?" masuyo nitong tanong at hinalikan pa sa pisngi."H-Hindi naman," sagot naman ng babae na nahihiya.Magnus took the glass of liquor to his mouth as he checked her out. The girl was shy and timid, petite but she has great curves. The total type of Owen.He already know that she's new to t
"Mommy! Mommy! Mommy! Kailan lalabas si baby?"Kagigigising lang ni Lara ng mga sandaling iyon. Naging maselan ang pagbubuntis niya at nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap talaga siya. Kawawa talaga si Kaden sa kanya noong naglilihi siya. Laging mainitin ang ulo niya at laging ito ang pinag-iinitan niya. Sa madaling araw pa talaga siya nagpapabili ng mga pagkain na mahirap hanapin. Kaya kahit na inaantok ay bumibyahe talaga ang asawa niya kahit sa kabilang bayan pa. Kadalasan ay ayaw niya itong makita at ayaw katabi sa kama. Ang ending tuloy ay sa guest room ito natutulog. Though Kaden confess to her that he usually joins her to bed kapag tulog mantika na siya. Saka lang aalis kapag mag-uumaga na. Ngunit nitong last week nga ay naging sobrang clingy niya sa mister. Kailangang nasa tabi niya ito palagi at nakikita, if not, then iiyak talaga siya. Kaya hindi na pumapasok ng opisina si Kaden at sa kanilang bahay na lang ginagawa ang mga trabaho. Kapag may importanteng meeting na
Malawak ang pagkakangiti ni Katie habang binabaybay ang daan paalis sa kanilang hideout. Dala niya ang lahat ng mga pera na kinuha nila sa bangko. Ang balak niya sana ay kalahati lang ang kukunin ngunit nagbago agad ang isip at kinuha na lahat. Magpapakalayo na muna siya habang nag-iisip ng plano kung paano muling makakabalik sa buhay ni Kaden.Sinulyapan ni Katie ang limpak limpak na pera na nasa likod ng sasakyan at malakas na napahalakhak. Ahh. Iba talaga kapag mautak. Imagine, halos wala siyang ginawa ngunit napunta sa kanya ang lahat ng pera. Sigurado siyang naidispatsa na ng ina niya ang mga kambal. Hindi na rin niya poproblemahin si Lara dahil hawak na ito ni Garry. Wala siyang pakialam kung ano man ang gawin dito ng lalaki. Whatever happens to her, she deserves it!Natigil sa pagtawa si Katie nang mapansin ang sasakyan na nasa likod niya. Kanina pa iyon bumubuntot sa kanya. Lumiko na siya at iba pa, nakasunod pa rin ito. Madali niyang kinuha ang baril na naipuslit kanina at bi
"I-Ikaw?"... mahinang usal ni Lara pagkakita sa lalaking pumasok sa kwartong kinalalagyan nila. She gulped so hard. Of course, this wasn't Kaden. It was his twin brother, Magnus Zafirti.Sinubukan ni Lara na umusog sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil sa pagkakatali ng mga kamay niya. She was still laying on the bed while struggling to get free. He looks absolutely dark and domineering. Bahagya siyang natakot ngunit kung totoo talaga na may gusto ito sa kanya, he wouldn't hurt nor harm her. Inaasahan niyang si Kaden ang darating but of all people, ang kambal pa nito.Magnus on the other hand only had his eyes on Garry that was writhing in pain on the floor. Unti-unting nilapitan ng binata ang lalaki.Napasuka ng dugo si Garry sa tindi ng tumama sa sikmura niya. Hindi niya alam kung ano iyon, sipa ba o suntok. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mo—"Napatigil sa pagsasalita si Garry nang makita ang lalaking basta na lang pumasok ng kwarto at umistorbo sa ginagawa niya."K-Kaden..?" Aga
Kaden was torn between saving Lara and their twins. They identified their location. Two different locations to be exact. At hindi magkalapit kundi magkalayo ang distansya ng bawat lokasyon.He wants to save both of them at the same time. Ngunit iisa lang ang katawan niya. Kung pwede lang hatiin ay ginawa na niya. He was furious. Magbabayad talaga nang malaki ang nangahas na saktan ang pamilya niya. He was hoping that they were alive and safe. If it's the opposite, heaven and earth will collide with his rage.Kaden heard a static on his earpiece. Then Logan's voice echoed next.. "I'm not in the position to say this but I'll take care of the twins from here.. Just focus on saving Lara."Kaden gripped the steering wheel tightly. He wants to do the saving by himself but just like what he said, he can't do it at the same time. Wala siyang gaanong tauhan na isinama. Only the strong and trusted one. Logan and Timothy and more or less 10 men from his underground organization."I'll owe you t
"Gising!" Napasigaw si Lara at agad na naalimpungatan nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Her vision was blurry at first until a feet became clear in her eyes. Her gaze moved up until she saw... Katie Deogracia."Ano ha?" Marahas nitong sinabunutan ang buhok niya palikod. "Ilabas mo ngayon ang tapang mo, Lara! Wala kang kakampi dito ngayon. Naiintindihan mo? Walang magliligtas sa iyo dito!"Pinigilan ni Lara ang mapada ing sa sakit sa pagkakasabunot sa kanya ni Katie. She won't show any weakness to her. Hindi na siya nagtaka nang malaman na ito ang nasa likod ng pagka-ambush nila. "Nasaan ang mga anak ko?" matigas niyang tanong dito. She was soaked and cold as hell ngunit hindi niya hahayaan na manginig ang boses niya. Doon niya lang din namalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya sa isang silya. Ipinagpasalamat na lang niya na wala siyang piring sa mga mata."Ang mga anak mo?" Namewang ang babae sa harap niya at malakas na humalakhak. Pinagmasdan niya i