Boss, We Have A Son

Boss, We Have A Son

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-19
Oleh:  OZILIVERBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Faith lang ang nag-iisang sekretaryang tumagal sa ilalim ng pamumuno ng cold at ruthless CEO ng Saavedra Group of Companies na si Theodore "Theo" Saavedra. Tinuturing na demonyo na nakasuot ng business suit at isang perpeksyunista si Theo. Kaya nang iwan siya ng kanyang fiancée matapos silang mahuling magkasama ni Faith sa kama dahil sa isang gabing lasing at maling desisyon, tuluyang nagkagulo ang lahat. Determinado si Theo na gumanti at pahirapan si Faith habang buhay. Pero bigla na lamang manahimik at mawala si Faith sa loob ng maraming taon. Hanggang sa matuklasan ni Theo na itinago ni Faith ang anak nila sa kanya. Muling bumalik ang galit na matagal niyang kinimkim. Ngayon na magkasama silang tumira para sa kapakanan ng kanilang anak, magagawa pa ba nilang iwan ang nakaraan at bigyang pagkakataon ang pagmamahal sa pagkakataong ito?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“Manang Fe, pagkatapos ng football training ni Bullet iuwi mo siya agad, ha? And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Dumeritso kayo agad dito sa bahay.”

“May problema ba, iha?”

Napatigil si Faith sa ginagawa niya dahil sa tanong ni Manang. Halata siguro nitong hindi siya mapakali, which was very unusual for her dahil parati siyang kalmado.

Matapos niyang umuwi sa trabaho kahapon ay ipinasyal niya si Bullet sa park. At hindi niya inaasahan na naroon din ang boss niyang si Theodore Saavedra. Matagal na siyang sekretarya nito, mahigit tatlong taon din. Pero matapos nang may mangyari sa kanila at magbunga iyon, kinailangan ni Faith na lumayo para isilang ang anak niya nang walang nakakaalam kahit sino. Kababalik niya lang ng syudad tatlong buwan ang nakaraan.

“Wala naman po, Manang. Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko. Umuwi kayo kaagad ng bahay.”

Tumango na lanb si Manang kahit halata sa mukha nito na marami pang tanonh. Binalingan naman ni Faith si Bullet na tahimik na nakaupo sa sofa.

“Hey, sweetheart. Mommy will go na, okay? Magpakabait ka kay Manang.”

Naka-pout na nag-angat ng tingin si Bullet. “Can you not go to work today, Mommy, please? Pwede bang ikaw na lang ang maghatid sa akin sa football training ko?” sabay puppy eyes pa nito. Ramdam ni Faith ang tukso na sundin na lang ang gusto ng anak niya.

Pero alam niyang hindi puwede. Kailangan niyang pumasok, lalo na ngayon. Kapag hindi siya pumasok, lalo lang maghihinala ang boss niyang si Theo na may mali. Kailangan niyang magmukhang normal.

“Sorry, sweetheart. But Mommy has to go to work especially today. You saw my boss yesterday, right? Pagagalitan niya si Mommy kapag um-absent ako. Diba nga, nakakatakot siya tumingin?”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Bullet at mayabang itunuro ang mata. “Your boss who has the same eyes as mine? Mommy, can you ask him bakit same kami ng mata?”

Napalunok si Faith. “Ganon talaga anak. Minsan pare-pareho. Parang kami ni Tita Patty, same kami ng hair, diba?” 

Simula nang magkaisip si Bullet, palagi na lang nitong itinatanong kung bakit magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Kay Faith ay brown, habang kay Bullet ay electric blue.

Katulad ng sa ama nito.

Kaya nang makita ni Bullet si Theo kahapon, tuwang-tuwa ito dahil may nakita rin siyang kapareho ng kulay ng mga mata niya. Hindi niya alam na iyon ang ama niya. Sa lahat ng katangian ni Theo, mata lang ang nakuha ni Bullet. 

Matapos ang ilang pilitan, pumayag na rin ang anak niya na umalis siya. Pero hindi dumiretso si Faith sa trabaho. Sa halip, pumunta siya sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan niya.

“Faith, ang aga mo yatang mambulabog?” bati ni Patty pagkapasok niya.

Agad silang umupo sa may gilid.

“Patty, nakita niya si Bullet,” sabi ni Faith. Nagsimulang mangatal ang mga labi niya habang sinasabunutan ang sarili. “He saw my son.”

Bumuhos ang luha niya. Hindi puwedeng kunin sa kanya ang anak niya. Si Bullet ang buong mundo niya.

“Teka nga,” sabi ni Patty habang inaabot siya ng tissue. “Para kang baliw diyan. Iiyak ka na naman. From the start kasi.”

“Theo saw my son. Nakita niya si Bullet na kasama ko kahapon sa park.”

Nanlaki ang mga mata ni Patty at natakpan pa ang bibig. Ilang beses itong nagbukas ng bibig pero agad ding isinara.

“O to the M to the G! Theo? Yung boss mo na tatay ni Bullet?!”

Agad tinampal ni Faith ang bibig ng kaibigan. Nakaiinis. Paano kung may tauhan ng mga Saavedra na makarinig, edi lagot na.

“Gusto mo bang bigyan pa kita ng megaphone?” inis niyang sabi.

“Teka… teka… I can’t breathe,” sabi ni Patty habang pinapaypayan ang sarili.

Napairap ulit si Faith. “Ikaw ba ang nanay ni Bullet o ako? Ang OA ng reaksyon mo, ha.”

Hinintay muna niyang kumalma ang kaibigan. Humingi siya ng isang basong tubig at iniabot iyon kay Patty.

“Ano’ng nangyari?” tanong nito matapos uminom.

Ikinuwento ni Faith ang nangyari kahapon. Kung paano nawala si Bullet. Kung paano niya ito nakita. Kung paano tumingin si Theo kay Bullet at kung paano nito tinanong kung anak ba niya ang bata.

“Tingin mo, may ideya na siya na anak niya si Bullet?”

“H-Hindi... ko alam.”

Pero alam ni Faith na niloloko lang niya ang sarili niya. Hindi magtatanong si Theo kung walang duda. Siguradong pinaiimbestigahan na nito si Bullet.

“Ano’ng plano mo ngayon niyan?”

Natigilan si Faith. Ano nga ba ang plano niya? Hindi magtatagal, malalaman din ni Theo ang totoo. May paraan ito para sa lahat. At kapag natiyak nitong anak niya si Bullet, kukunin nito ang bata at ilalayo sa kanya.

“Itatago ko ang anak ko. Aalis kami ulit at tuluyan na magpapakalayo rito.” Nanginig ang bibig niya habang sinasabi iyon.

“You’ll play the runaway girl again, ganon ba? Tingin mo hindi ka niya hahanapin? Noong una, hindi ka niya hinanap dahil hindi niya alam na buntis ka. Pero kapag nalaman niyang may anak na siya, babaliktarin niya ang mundo para mahanap ka, lalo na yang anak niya.”

“Hindi niya ako mahal,” sabi ni Faith, parang iyon na ang sagot sa lahat.

“Yes, but you have his son. Bakit hindi mo na lang hayaang makasama niya ang anak mo? Malay mo pumayag siyang maghati kayo sa oras ni Bullet. Baka hindi naman niya tuluyang kunin sayo ang anak mo dahil hindi lang naman siya ang magulang ng bata.”

Umiling si Faith. Kilala niya si Theo. Araw-araw niya itong nakakasama sa trabaho. Alam niya kung gaano ito kalupit sa mga empleyado nito. Kapag nalaman nito ang tungkol kay Bullet, kukunin at ilalayo siya rito.

“Ano ba kasing nangyari, Faith? Bakit mo hinayaang magkaanak ka sa lalaking iyon? Ang kwento mo noon cold at ruthless si TheodoreSaavedra. Tapos nagpaanak ka pa talaga sa kanya? Hindi mo naman puwedeng sabihin na aksidente lang, tapos nabuo na si Bullet, di ba?”

Napatingin si Faith kay Patty. Wala pa siyang napagsasabihan ng buong kuwento. Pero siguro panahon na. Isa si Patty sa iilang totoong kaibigan niya.

Nagsimula siyang magsalita.

“It was really an accident, Patty. Hindi ko ginusto na sumiping sa kanya ng gabi ng party na yun.”

Isang party na hindi niya inakalang babago sa buong buhay niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status