Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

last updateLast Updated : 2025-11-26
By:  Author RejjOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.

Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.

Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.

Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nakuha nila ang tangos ng ilong kay Sydney.

Mas gumagaan ang kalooban ni Sydney dahil kahit papaano ay hindi hinahanap ng kaniyang mga anak si Vince. Ngunit kung sakaling dumating ang araw na magtanong ang mga ito, hindi niya alam kung kaya niyang sabihin ang katotohanan.

Na ang lalaking ama nila, ang lalaking minahal niya noon, ay siyang mismong umayaw sa kanila.

Napahinga na lang si Sydney nang malalim at nag-scroll sa kaniyang laptop. Lunch time na nila, pero hindi niya magawang kumain. Ang daming tumatakbo sa isip niya lalo na ang pinaplano niyang negosyo.

“Hoy! Look, it’s already lunch time, magpahinga ka naman,” sambit ni Anne.

“Nasa ibang bansa ka na, nasa Singapore ka, pero ang hataw mo parang nasa Manila ka,” pang-aasar ni Lizzy. Napatawa na lang si Sydney at napailing-iling.

“Alam mo naman na mahirap ang buhay ngayon. Kahit na malaki ang sahod natin, malaki din naman ang gastusin. Bukod pa rito, nag-aaral na ang mga anak ko kaya kailangan ko talagang magtrabaho nang husto para sa kanila.”

“Bakit naman kasi hindi ka na lang maghanap ng matandang lalaki na mayaman, 'yung mag-aangat sa iyo sa kahirapan?” wika ni Anne.

“Talagang matanda, para ano, para mabilis ang kitaan? Ewan ko sa iyo, Anne,” wika ni Lizzy.

“Tatlong taon na tayong magkakasama dito, pero ni minsan hindi ko nakitang magpahinga iyan si Shi. Mukhang ikaw na ata ang papalit sa boss natin, kaya ang mga taga Singapore dito galit na galit, akala mo naman may panlaban ang designs nila,” wika ni Anne. Napahinga na lang si Sydney at napailing-iling.

“Huwag kang maghanap ng away, mas mabuti na tayo lang ang maging humble pero matapang pa rin,” wika ni Sydney sa kanila. Lumabas na si Anne ng opisina habang si Sydney naman ay tumayo na sa kaniyang kinauupuan para sumunod sa kanila, pero agad naman siyang hinarap ni Lizzy.

“Wala ka bang sasabihin sa akin?” tanong ni Lizzy kay Sydney. Napakunot naman ang noo ni Sydney dahil sa tanong.

“Ano namang sasabihin ko sa iyo?” tanong ni Sydney. Kinuha naman ni Lizzy ang kaniyang telepono sabay hinarap kay Sydney.

Nakita agad ni Sydney ang headline ng balita: Vincent Marquez, ready to get married again.

“Sa tingin mo, handa ba talaga siyang magpakasal ulit?” tanong ni Lizzy kay Sydney. Napatingin lang si Sydney kay Lizzy at napahinga lang nang malalim.

“Bakit mo naman sa akin tinatanong iyan?” wika ni Sydney kay Lizzy. Nagkibit-balikat na lang si Lizzy.

“Ewan, kasi ikaw 'yung dating asawa niya, tapos after six years lumabas ang ganitong balita tungkol sa kaniya.”

“Nasa kaniya naman iyon kung iyon ang gusto niya,” wika ni Sydney. “Wala na rin akong pakialam sa buhay niya ngayon. Ang priority ko ang mga anak ko.”

Napahinga naman si Lizzy nang malalim sabay napatango-tango. “Ang unfair niya, 'di ba? Dati, ayaw niyang magpakasal dahil hindi siya handa, tapos bigla na lang ganito. Nang mawala ka, saka lang siya naging handa?”

Napatigil si Sydney dahil sa sinabi ni Lizzy. Tama si Lizzy, iyon ang buhay na gusto niya at iyon ang buhay na hindi ibinigay ni Vince sa kaniya.

“Hindi naman ako ang priority niya, Lizzy, alam nating lahat iyan. Kung magiging handa siya, siguradong doon iyon sa babaeng hinahanap niya noon pa, at hindi ako iyon.”

After all, si Sydney ang pumilit, si Sydney ang lumaban para sa kanilang dalawa. Ngunit hindi niya kailanman naranasan ang pag-ibig na nararapat sa kaniya...

** 

6 years ago.

“Kasal?!” tanong ni Lizzy kay Sydney. Literal na gulat na gulat si Lizzy dahil sa balita. “Seryoso ka ba talaga na magpapakasal ka sa lalaking hindi mo kilala?” Napangiti na lang si Sydney at napatingala sa langit.

“Wala naman akong magagawa, gusto ng mga magulang ko, e.”

“Pero twenty-two ka na, hindi ba dapat meron ka nang sariling desisyon?”

Napangiti na lamang si Sydney. Kung sana ay ganoon kadali ang buhay.

Napatingin na lang siya kay Lizzy habang nakangiti. “Gusto ko rin naman siya,” wika ni Sydney. “Si Vince. 'Yung senior natin dati. 'Yung magaling sa basketball,” wika niya kay Lizzy. Nanlaki naman ang mata ni Lizzy dahil sa sinabi niya.

“Vincent Marquez?! 'Yung pamilya nila na kilalang tycoon?!” Napangiti si Sydney at napatango-tango.

Napahinga lang naman si Sydney nang malalim habang nakatingin sa alapaap.

“Ang dad ko at ang dad niya ay matalik na magkaibigan noon pa, kaya siguro talagang nagkaroon si dad ng koneksiyon sa kanila.”

“Jackpot ka na riyan, isipin mo, ang Vince Marquez, isang role model, matalino, at walang iskandalo. Siguradong ang ganda ng lahi ninyo!” tuwang sambit ni Lizzy na may kasama pang paghampas.

“Hindi pa pumapasok sa isip ko iyon,” wika ni Sydney kay Lizzy.

“Doon na rin naman papunta iyon. Sa tingin ko, blessing in disguise rin siguro ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Look, mapapangasawa mo na 'yung taong gusto mo,” wika ni Lizzy. Hindi matago ni Sydney ang kaniyang saya dahil totoo naman, gusto niya si Vince, kahit noon pa noong senior niya pa lang ito sa kolehiyo.

Alam niya na wala itong naging kasintahan dahil goal oriented ito, hindi rin babaero at walang naging isyu bilang isang f-ck boy. Kaya alam niya na si Vince na ang lalaki para sa kaniya. Ngunit... baka hindi pa talaga niya ito ganoon kakilala.

“Ayaw ko sa kasal na ito!” sigaw ni Vince, kasabay ng paghampas niya sa lamesa. “Bakit ninyo kami ikakasal na hindi naman namin ganoon kakilala ang isa’t isa at hindi rin naman namin mahal ang isa’t isa!”

“Vince, pwede ba, huwag kang magwala sa harapan ng pagkain!” mariing sabi ng dad niya.

“Dad, sinasabi ko lang ang totoo at hindi ninyo rin ba kami muna tinanong? Paano kung meron kaming gustong ibang tao? Hindi ninyo man lang inisip iyon?” wika niya sa kanilang lahat.

Nagulat naman si Sydney nang bigla siyang tiningnan ni Vince nang sobrang talim. “Sydney, tama ako, tutol ka rin sa desisyon nila? Hindi ba?”

Biglang na-corner si Sydney sa mga oras na iyon. May punto si Vince na hindi naman dapat sila pinipilit na magpakasal, kahit na gusto niya si Vince iisipin pa rin niya ang kagustuhan nito.

Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng mga tingin ng mom at dad ni Sydney sa kaniya. Kitang-kita sa mga tingin nila na malalagot si Sydney sa kanila sa oras na mayroon siyang maling sinabi.

Napalunok na lang si Sydney at napatingin pabalik kay Vince. “Pero... hindi ba dapat sumunod na lang tayo sa kanila?” mahina niyang sabi, may takot na namumutawi sa kaniyang loob.

Makikita sa mukha ni Vince ang disappointment dahil sa sinabi ni Sydney, “Alam ko na, iyon din ang gusto mo,” galit na bulong ni Vince.

Padabog siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng dining area. Napayuko na lang si Sydney at napahawak sa kaniyang kamay. Nakaramdam siya ng hiya at guilt dahil sa nangyari. Dapat ay mas naging matapang siya, ngunit wala siyang lakas.

“Hindi talaga mapagsabihan nang maayos ang batang iyan. Pagpasensiyahan mo na, Sydney,” wika kay Sydney ng mom ni Vince. Napatingin naman si Sydney sa kaniya sabay napangiti.

Napahinga si Sydney nang malalim, kumukuha ng lakas ng loob na magsalita. “Pero... seryoso na po talaga kayo sa balak ninyo?” mahinahon niyang tanong sa kanila.

“Ano ba namang tanong iyan, Sydney. Huwag mong sabihin na pati ikaw, tututol ka?!” pagalit na sabi ng mom ni Sydney sa kaniya. Napalunok naman si Sydney sabay napailing-iling.

“Hindi po,” takot na sabi ni Sydney. “Pero kasi, hindi naman gusto ni Vince, hindi ba dapat alamin din natin 'yung nararamdaman niya, 'yung gusto niya,” wika niya sa kanila.

“Ang dapat, marunong siyang sumunod sa utos sa kaniya. Kayo ang susunod na magmamana ng negosyo ng pamilya kaya bakit hindi ninyo kami sundin na lang?” pagalit na sabi ng dad ni Vince.

“Pero Tito, hindi naman po sa ganoon–”

“Sydney!” tawag sa kaniya ng kaniyang dad. “Huwag ka nang sumagot. Puntahan mo na lang si Vince at kumbinsihin mo dahil buo na ang pasya namin ni Roberto,” diretsong sabi ng dad ni Sydney.

Napatango na lang si Sydney at dahan-dahan na tumayo sa kaniyang kinauupuan. Wala na rin naman siyang lakas pa na makipaglaban sa kanila dahil hindi naman siya papakinggan.

Kaya kahit na ayaw niyang sundan si Vince, dahil alam niyang gusto nitong mapag-isa ay sinunod niya ang utos nilang lahat dahil alam niya na iyon ang makakabuti.

Talaga nga bang makakabuti para sa kanilang dalawa?

Hinanap niya si Vince. Napatigil siya nang makita ito sa veranda. Naninigarilyo, punong-puno ng galit, malayo sa lalaking iniidolo niya noon.

“Bakit mo ako sinundan dito.” Napatigil naman si Sydney dahil sa sinabi niya. Tumingin si Vince kay Sydney, sobrang seryoso, habang ang stick ng sigarilyo ay nakalagay sa kaniyang bibig.

Dahan-dahang lumapit si Vince kay Sydney at pagkatapos ay inihip ang usok nang diretso sa mukha ni Sydney. “Talagang sunod-sunuran ka? Wala ka bang sariling desisyon sa buhay?” mariing sabi niya.

Napalunok na lang si Sydney habang direktang nakatingin kay Vince.

Tama si Vince, wala siyang sariling desisyon at talagang hindi na siya magkakaroon pa.

Ngumisi nang mapait si Vince. “Ikaw, 'di ba?” seryosong tanong niya kay Sydney. “'Yung laging nakasunod sa akin noong kolehiyo at pinapanood ako sa training ko. Kaya ba pumayag ka sa kasalang ito?” matalim niyang tanong.

“Hindi–”

“Sabihin mo sa akin,” bulalas niya. “Gusto mong makipag-sex? Iyan ba ang gusto mo? Sabihin mo na para matapos na ito at makaalis ka na sa buhay ko!”

Huminto ang mundo ni Sydney. Lahat ng kaniyang inaasahan ay nagsimulang magkawasak at bumagsak. Ang lalaking akala niya ay mabait, ang dahilan kung bakit siya nagsimulang umibig.

Ang lalaking akala niya ay siya na... ay ang siyang lalaking hindi gugustuhin ang halik, yakap at pagmamahal niya. Mas matalas pa pala ang dila sa isang kutsilyo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status