MasukDahil sa kagustuhang makuha ang posisyon at ang kumpanya, lihim na nagpakasal sina Ezra at Daryll sa tulong ng kaibigan at pamangkin ni Daryll na si Angel. Sa simula isa lamang itong kasunduan, ngunit kalaunan unti-unting umusbong ang damdaming hindi nila inaasahan. Napuno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama, at halos perpekto na ang lahat. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik mula sa kanilang nakaraan? Makuha pa kaya nilang magsama ng maayos at tahimik? TUNGHAYAN!!
Lihat lebih banyak“Aba, nandito pala ang isang fallen heiress at ang kaibigan niyang gold digger,” natatawang saad ng kararating lang na babae, kasama ang tatlo nitong alipores. Si Marga iyon— ang dating kaklase nila noong kolehiyo at isa sa mga taong walang sawang nang-bully kay Angel. Madalas sila nitong kutyain lalo na si Angel dahil sa biglaang pagbagsak noon ng kumpanya. Ngunit kalaunan ay naisalba rin iyon sa tulong ng tiyuhin. Sa pagkakaalam niya, ayaw sanang tanggapin ng ama ni Angel ang tulong mula sa kapatid. Pinili nitong bumangon sa sariling mga paa, nang walang inaasahang impluwensya mula sa pamilya nito. Anak kasi ang ama ni Angel sa labas, kaya hindi ganoon kalapit ang relasyon nila ng kapatid. Ngunit kalaunan'y naging okay rin. “Ano bang pakialam mo, Marga?” matigas na sagot niya. “Sa pagkakaalam ko, hindi mo pagmamay-ari ang mall na 'to. Kaya wala kang karapatang pakialaman kung pupunta kami rito.” Ngumisi si Marga, tila lalo pang naaliw sa naging sagot ni Ezra. Bahagya nitong
AGAD silang sinalubong ng malamig na hangin ng mall pagpasok pa lang nila. Maliwanag ang paligid, maingay ang usapan ng mga tao, at halo-halo ang amoy ng pagkain mula sa iba’t ibang kainan. Kadalasan, si Angel ang unang nae-excite sa ganitong lugar. Palaging siya ang nagyayaya mag-ikot, mag-try ng kung anu-anong pagkain, at mag-picture kung saan-saan.Pero ngayon, tila kabaligtaran. Tahimik lang ito.Halos hindi nga maalis ang tingin sa paligid, parang may hinahanap… o iniiwasan.Napansin iyon ni Ezra habang naglalakad sila papunta sa food court. Ilang beses nang napapalingon si Angel sa likuran nila, at bawat vibrate ng selpon nito ay bahagyang napapapitlag ang balikat sabay patay ng tawag.“Relax lang,” pabirong sabi ni Ezra habang kumukuha ng tray. “Hindi ka naman hinahabol ng pulis.”Hindi sumagot si Angel. Pilit lang itong ngumiti.Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo.Umupo sila sa isang bakanteng mesa matapos bumili ng pagkain. Simpleng rice meal at fries lang iyon. Hindi niya g
PAGSARA pa lang ng pinto ng condo ay sabay na napabuntong-hininga sina Ezra at Angel. “Grabe…” halos manghina si Angel habang isinasandal ang likod sa pinto. “Akala ko katapusan ko na. Ramdam ko na ‘yong sermon, eh. Ramdam ko na rin ‘yong pagpapalayas sa’kin sa mundo.” Napatawa si Ezra at ibinagsak ang bag sa sofa. “OA mo naman. Buhay pa tayo, ‘di ba?” Hindi pa man siya tuluyang nakaupo ay bigla siyang hinampas ng kaibigan. “Aray!” Napahawak si Ezra sa braso. “Hoy!” “Huwag kang hoy!” singhal ni Angel sabay hampas ulit. “Gusto mo ba talagang mamatay nang maaga? At saka hindi mo ba alam na ako ang mapapahamak sa ginawa mo! Sana pala hindi na lang ikaw ang nireco ko kay tito. Nagkapera nga ako pero sakit ka talaga sa ulo una pa lang.” Kumunot ang noo ngunit kalaunan'y ngumiti lang siya. “Ay wow, so ngayon ako pa sinisi mo. Grabe ka naman sa akin. Parang hindi ka rin sakit sa ulo, ah." sapo ang dibdib na tila nasaktan sa sinabi ngunit agad din ngumiti. “Mas grabe ka!”
MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan