Home / Lahat / City lights / Chapter 16

Share

Chapter 16

Author: CuteLazyPig
last update Huling Na-update: 2022-01-17 23:58:53

Fifty three

Mira's POV

Mabilis ang takbo ko para mahabol ang lalaki. Napakabilis n'yang tumakbo. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero ang bahay dito ay napakarami.

I need to get that wallet! Hindi ba nila alam kung sino ako!? How dare them!

Tumalon ako sa bubong ng isang mababang bahay. Bumaba ako at tumingin sa kanan at kaliwa.

Nakita ko ang nag-bagsakang mga balde at kahoy sa kanan kaya doon ako tumakbo. Nakita ko ang mga tao na nanonood saakin.

I know they knew him. The one who stole the suspect's wallet. Sa dinami ng pwedeng nakawan ay ako pa talaga ang naisipan nila.

O baka kilala n'ya si Allan? Kung kilala n'ya ang lalaking iyon ay malaki ang posibilidad na may alam din sila sa balak nito. Malalaman ko na kung sino ang nag-utos na mag-iwan ng bombo sa coffee shop.

Nilabas ko ang baril ko at dahan-dahan na tinignan ang paligid. Rinig ko ang sigaw ng mga taong nakakita. Wala akong paki! I need that wallet!

Napahinto ako sa gitna, isa iyong basketball court. Napapaligiran ako ng mga kabahayan at mga lalaki.

Isa-isang lumalapit ang mga lalaki na may dalang mga kahoy. Tinututukan ko sila ng aking baril ngunit parang wala lang sakanila iyon.

Nakita ko saaking gilid ang lalaking may hawak na wallet. Nakatingin ito saakin na tila ba isa akong palaisipan sakaniya.

Tinutok ko sakaniya ang baril ko ngunit kahit manginig ay hindi n'ya ata magawa. Tsk. Magka-sabwat nga.

"Give that wallet back." I said, controlling my temper.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" Matapang n'yang sagot.

Kinasa ko ang baril ko at tinutok ulit iyon sakaniya."I'll give you five seconds. Give that wallet back to me" madiin kong sabi.

His lips formed a smirk. I hold my gun tightly, pointing it in his head.

"Sa kapatid ko ang pitaka na ito. Bakit ko naman ito ibibigay?" Mas madiin n'yang sabi.

"Kapatid mo pala ang lalaking iyon? Anong nalalaman mo!?" Humakbang ako ng isang beses dahilan para maalerto sila.

Nakatingin s'ya sa nga paa ko na humakbang. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya saakin nang may halong kaba at pagmamatigas.

"Alam saan?" Diretso n'yang sabi.

"Sino ang nag-utos sakaniya?" Mabilis kong tanong.

Humakbang ulit ako ng isa pa dahilan para umabante ang mga nasa likod ko at dumistansya ang nasa gilid.

Mukha namang hindi s'ya magpapatinag sa kaniyang kinatatayuan kahit na anong gawin ko.

Ipinutok ko ang baril sa boteng nasa tabi n'ya dahilan para magsiyuko sila at mag panic.

Ngumiwi ako at kinasa iyon ulit. "Sagot." Madiin kong pag-babanta.

Napalunok s'ya pero hindi pa rin gumagalaw sakaniyang pwesto. Tinignan n'ya ang hawak kong baril at napangisi.

"Matapang ka dahil sa hawak mo. Hindi mo ako kaya, Miss. Kaya umalis kana bago ka pa mamatay sa lugar na ito" malamig at pagbabanta n'yang sagot saakin.

Mamatay? Ako o sila? Hindi na ako natutuwa sa mga sagot n'ya. Pinapatagal n'ya lamang ang aming pag-uusap which I hate.

I have to know what's behind that explosion. We have so much work to do and wasting it now is not part of it.

"I'll leave once you give that shit to me" I said before pointing my gun at him.

He didn't move. He's staring at the gun. A small smirked formed in his mouth. Itinaas n'ya ang wallet dahilan para tignan ko iyon.

"Gusto mo 'to? Pwes dadaan ka muna samin!" Sigaw n'ya bago senyasan ang mga tauhan n'ya na sumugod saakin.

Napamura ako nang mahina dahil doon at agad na pinukpok ng baril ang balikat ng lumapit saakin.

Sinipa ko ang lalaking nasa likod ko bago umikot at sinuntok ang isa pa. Yumuko ako para iwasan ang kahoy na ihahampas sana ng isa pa. Pinatid ko ang lalaking sinuntok ko kanina dahilan para mabitawan n'ya ang hawak n'yang tubo.

Tumayo ako at inis na tinignan ang mga lalaki na inaambahan akong sugudin. Kinasa ko ang baril ko dahilan para bigla silang matigilan.

"Move and I'll shoot you" sabi ko habang tinututok sakanila ang baril.

Walang gumalaw sakanila at nag papalitan lamang ng mga kakaibang tingin.

"Ibaba mo ang baril mo" biglang sabi ng lalaki sa likod ko.

Nagulat naman ako dahil doon kaya mabilis akong napaharap. May hawak nga itong baril. Isang ngisi ang pinakawalan n'ya nang makita ang gulat kong mukha.

Isang hakbang ang napatigil saakin dahil para matawa ako. "Drop your gun" Nate said behind the man pointing its gun at me.

"Nice.." I whispered.

Napahinto ang lalaki na may hawak ng baril at mabilis itong binaba. Hindi s'ya gumalaw at dama ko ang kaba n'ya.

"Nasaan ang kasama ko" sabi n'ya na ang tinutukoy ay ang lalaking hinahabol ni Nate kanina.

Natawa si Nate bago pinakita ang isang relo. Binato n'ya ito sa lalaki dahilan para saluhin n'ya ito.

Gulat s'yang tignan ang relo. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa relo at kay Nate bago galit na pinulot ang baril at itutok ito kay Nate kaya tinutok ko din ang baril ko sakaniya.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko!?" Galit n'yang sabi.

Kapatid...

Tsk. Kapatid n'ya din pala ang isang 'yun.

"Ano sa tingin mo? Nasa puder na namin s'ya. Ngayon, pumili ka. Ibabalik mo saamin ang wallet na iyan at sasabihin mo saamin ang nalalaman mo para makalaya ang kapatid mo" si Nate na nakaangat pa rin ang baril.

Nagdadalawang-isip ang lalaki na tumingin saamin. Hindi n'ya alam kung mag titiwala ba s'ya saamin o hindi.

Sa huli ay sinenyasan n'ya ang mga kasamahan n'ya na umatras dahilan para dahan-dahan kong ibaba ang baril ko. Ganon din silang dalawa.

Yumuko ang lalaki bago kami binigyan ng tingin. "Siguraduhin n'yo lang na gagawin n'yo ang sinabi n'yo" sabi n'ya.

"Oo, ibigay mo na ang wallet sakaniya" si Nate.

Nilahad ko ang kamay ko at agad n'ya namang nilagay ang wallet doon. Nilagay ko agad iyon sa bulsa ko para hindi na makuha ng iba.

"Anong alam mo tungkol sa ginagawa ni Allan?" Tanong ko.

Tumingin-tingin pa ang lalaki sa paligid n'ya bago yumuko. "Hindi ako payag sa ginagawa n'ya pero ginawa n'ya pa rin." Tunog dismayado n'yang sabi.

"May isang mataas na tao na nag-uutos sakaniya para mag-iwan ng bomba sa mga lugar na sasabihin nila. Sinabi ko na huwag s'yang pumayag ngunit malaki ang bayad nila kaya s'ya napilitan" sabi n'ya.

Napatingin naman ako kay Nate. Tila pinoproseso n'ya din ang sinasabi ng lalaki na ito saamin.

"Sino ang nag-uutos sakaniya?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko nakita dahil hindi naman n'ya ako sinasama. Basta ang alam ko ay purong naka-itim ang mga nakikipagkita sakaniya para sabihin ang gagawin n'ya" sabi n'ya in pa.

Tumango ako. Sapat na siguro ang nakuha naming impormasyon para matukoy kung sino ang boss nila bukod kay Philip. 

Sinenyasan ko si Nate dahilan para mapatingin s'ya sa madilim na bahagi. Napatingin din ako doon para tignan kung anong mayroon.

Lumabas mula sa dilim si Kia kasama ang kapatid ng kausap namin. Nakatali ito at naka tape ang bibig. Masama ang tingin nito kay Nate ngunit nang makita ang kapatid n'ya na kasama namin ay natahimik s'ya.

"Aalis na kami"sabi ko.

"'Wag na kayong babalik dito. Hindi ko na kayo pagbibigyan pa." Banta n'ya saamin bago kunin ang kaniyang kapatid at umalis 

Nagsimula na kaming mag-lakad ni Nate papunta kay Kia. Sinalubong ko s'ya nang nakataas ang isang kilay.

"Nakita ko lang ang kotse n'yo sa daan kaya sinundan ko" paliwanag n'ya.

Tumango ako at nagpauna sa paglalakad. Huminto ako nang nasa kalsada na kami.

Tinignan ko si Nate na pumasok na sa kotse n'ya. Pinuntahan ko si Kia sa kotse n'ya at kinatok ang bintana nito.

Binaba n'ya ang bintana at tinignan ako. "What?" 

"I want you to bring this back" sabi ko at binalik sakaniya ang wallet na hiniran namin.

"But what about your prints?" Sabi n'ya.

"Then, do something about it" Sabi ko bago umalis at sumakay sa kotse namin ni Nate.

Tumingin s'ya saakin bago inistart ang kotse.  Bumusina muna si Kia bago naunang umalis.

Umandar na din ang kotse namin ni Nate. Tahimik lamang kami sa byahe.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom kaya tumingin ako kay Nate. "Can we go to the mall first? Let's buy some foods before heading back" sabi ko.

Tumango naman s'ya at niliko ang kotse papunta sa mall. Bumaba ako at nakayukong pumasok sa loob.

We arrived in the restaurant and ordered food for take out. Habang hinihintay ay naka-upo lamang kami sa vacant na pwesto.

Gusto ko sanang i-open ang topic sa nangyari kanina but I realized that this isn't the right place for that.

Nang dumating ang order namin ay dumiretso pa kami sa isang convenience store para bumili ng kung ano-anong snack.

"Let's go?" Tanong n'ya.

Tumango ako at tinignan ang mga bitbit naming paper bag. Lalo tuloy akong nagutom!

Sumakay na kami sa kotse at tahimik na bumalik sa HQ. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa kwarto namin.

He called Kia before closing the door. Agad kong hinanda ang mga pagkain namin para makakain na.

Patabog akong umupo sa couch at inihilig ang aking likod. Minasahe ko ang aking ulo at pinikit ang aking mata.

"Tired, Huh?" Si Nate.

Tumunog ang upuan sa harap ko kaya nahinuha ko na doon s'ya umupo. Hindi pa rin ako dumidilat.

"Medyo. Nag-iinit ang ulo ko sa mga lalaki kanina." Sabi ko.

Bahagya s'yang natawa kaya napadilat ako. Nagsisimula na pala s'yang kumain kaya inayos ko na din ang akin at kumain na din.

"Hindi talaga ako mapakali" sabi ko bago uminom ng tubig.

Sinulyapan n'ya lamang ako nang nakataas ang isang kilay bago nagpatuloy sa pagkain.

"It's not just Philip Solomon, right?" Tanong ko.

"What do you mean?" Si Nate.

"Its not just him! Mayroon pa s'yang kasama bukod kay Sebastian" sabi ko.

Nangunot ang noo n'ya dahil doon bago bahagyang tumango. Tumaas naman nang bahagya ang gilid ng labi ko sa inaasta n'ya.

"Maybe. Hindi lamang si Philip ang kalaban natin. Malalaman din naman natin iyan." 

"I'm sure! Isa sa mga araw na ito. May gagawin sila na magsasabi saatin kung tama tayo" sabi ko.

Tinapos ko na ang pagkain ko at umupo lamang. Si Nate naman ay pumunta muna sa kwarto n'ya.

Isang katok ang narinig ko kaya agad akong pumunta sa pinto. I saw Kia outside kaya agad ko s'yang pinapasok.

"We have food for you" sabi ko at binigay sakaniya ang pagkain n'ya.

Masaya naman s'yang kumain habang nag kwento tungkol sa misyon nila. Mabuti nga daw at umayos na ang mga kasamahan n'ya. Hindi n'ya daw kasi matanggap na bababa ang rank n'ya kung sakali.

Speaking of ranking...I should ask Kia about it.

"Kia, did you know why the ranking in the room near Tom's office is suspicious?" Sabi ko.

Napataas naman ang kilay n'ya. Nabitin sa ere ang pagkain na isusubo n'ya sana.

"Suspicious? Bakit?"

"Chineck ko kasi sila. The last two ranking was a bit far.. hindi naman gan'on iyon" Sabi ko at inalala ang nangyari.

"39 and 53" sabi ko.

Nabitawan ni Kia ang kaniyang kutsara dahilan para magulat din ako.

Mabilis na natapos ang pagkain n'ya kaya nagligpit na ako ng mga kalat bago pumasok sa kwarto ko dala ang sinabi n'ya.

Dumiretso ako sa bathroom para maligo. Mabilis lamang ang babad ko at nag anlaw din agad. Nag handa ako ng damit at nang matapos ay umupo ako sa kama para tignan ang laptop ko.

Nag browse ako doon at inayos ang mga kailangan. Nang matapos ako ay pinatay ko na ito at tumingin sa orasan.

Nakakaantok...

Pinikit ko na ang mata ko para sana matulog ngunit napamulat ako sa katok mula sa labas ng kwarto ko.

Mabilis akong pumunta doon at binuksan. Sinalubong ako ni Nate na may kakaibang tingin.

"May nangyayari sa labas." Sabi n'ya dahilan para mabilis akong kumilos at lumabas ng kwarto.

Naabutan ko ang mga tao na nagkakagulo dahilan para mapatingin ako kay Nate.

Nag kibit-balikat lamang s'ya at tumakbo na din kagaya ko.

Ano nanaman kayang nangyari!? Patulog na ako eh!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status