Share

Chapter 20

Her secrets

Mira's POV

"Can I punch her?" I asked Nate who's sitting in a small chair.

"Nope. You can't" he said.

Inirapan ko s'ya at ibinalik ang aking tingin sa babaeng nakagapos sa isang upuan. Wala pa rin itong malay. Kanina pa namin s'ya hinihintay na gumising pero hindi pa rin s'ya nagising.

Masyado atang malakas ang sipa ko sa batok n'ya kanina.

"I'm starving" I said before turning my gaze to Nate. He's using his phone at nang marinig ako ay bigla n'ya akong tinignan.

"Want me to order food?" tanong n'ya habang pinapakita ang phone.

"Yes, please" sabi ko bago tumayo at lumakad papalapit sa table kung nasaan ang laptop.

I need to do something to keep me sane right now! Maybe browsing will do? Naiinip na talaga ako! Argh!

Ilang sandali akong nag browse sa aking laptop. Tinignan ko din ang mga pending files na pinapaasikaso saakin ni Tom.

To be honest, I really hate the fact that he also want me to do other jobs like this. There are so many other agents out there who can help him with this shit yet he still chose me to do it. He knows my mission right now but argh!

Bakit pa ba ako nagrereklamo? Wala namang mangyayari saakin kung magrarant ako sa sarili ko 'diba? Damn..

"Hey! Want some beer?" tanong n'ya saakin.

Tumaas ang kilay ko dahil sa biglaan n'yang tanong. I thought he don't want me to drink? 

"Okay, one will be fine for me" I said before turning my head again.

Umayos ako ng upo. Nasa secret room kami ni Nate. Malayo sa HQ. Ang room na ito ay ginawa ko before para sa mga ganitong klaseng misyon.

Hindi kasi ako basta-basta nagtitiwala sa mga kwarto sa HQ. Baka may bug o kung ano mang recorder doon na hindi ko alam. Noong una ay hindi ganito itong kwarto na ito pero nang nag-tagal ay naisipan ko na mag tago na din ng ibang weapon dito.

I have weapons here. I owned them all. Walang nakaw o kuha sa HQ. I bought them with my own money. This room is not just mmy secret interrogation room but also my secret place.

Medyo nagulat pa nga si Nate nang dalhin ko sila dito ngunit wala din naman siyang nagawa dahil I assured him that we're safe. Walang nakakaalam nito kung hindi ako. Kahit si Kianna ay hindi ito alam.

May sofa dito, mini television and radio. Nakasabit sa pader ang iba't-ibang baril ngunit tinatakpan ko ito ng tela. Patay ang ilaw ngayon. Naka-upo ang tulog na sii Rolland sa upuan habang nakatutok ang isang light bulb sa kaniya mismo.

Ang tanging liwanag na nagbibigay ilaw saamin ay galing sa aming gadget. Nate refused to turn on the television dahil nakakasira daw sa katahimikan.

"I'll pick up the food on the other street. Wait for me. If she wakes up, don't punch her, okay?" pagpapa-alala n'ya.

Tinarayan ko s'ya bago tumango. Sinamahan ko s'ya sa pintuan. Tinulungan ko s'yang umakyat at isara ito. Yes! This room is underground!

Ang nasa taas ay likod ng isang shop na nagtitinda ng appliances. And I'm the owner. Hindi alam ng nagbabantay iyon dahil hindi naman ako nagpapakilala. May iba silang kilalang boss.

Sinadya ko din na walang cctv sa likod kung saan kita ang pinto ng secret room. May ibang installed cameras pero nasa bandang daanan na papunta sa likod. I can also detect people who will trespass.

Ilang minuto ang lumipas at ilang minuto din akong tulala. Nakatingin lamang ako sa babaeng tulog pa din. Tumayo ako at tinutok sa kaniyang mukha ang ilaw. Nakita ko na masilaw s'ya dito dahilan para lalo kong itutok sakaniya ito.

Yes! Gumising kana, you bitch!

Nang tuluyan n'yang iminulat ang kaniyang mata ay agad itong dumapo saakin. Nakangiti ko s'yang tinignan. Sinubukan n'ya agad tumayo ngunit napa-upo agad s'ya nang mahigit s'ya pabalik ng tali na nakalagay sa kaniyang braso at paa.

"Don't try too hard, Ms. Dessa." asar ko pa.

Ramdam ko ang pagtalim ng kaniyang tingin saakin. Wala naman akong pakeng tumingin sakaniya. Hinigit ko ang upuan ko at iniharap sa table n'ya.

"Bakit ako nandito? I have to leave! Let me go, you bitch!" sigaw n'ya bago magwala.

Wala akong ginawa habang nag-wawala s'ya. Wala akong ginawa o should I say, nagtitimpi ako?

Tinignan ko ang pinto bago ibalik sakaniya ang tingin. "I'll let you go if you give what I want" sabi ko.

Padabog s'yang sumandal sa upuan n'ya dahil sa inis. Hindi s'ya makawala sa kaniyang tali habang nakatutok sakaniya ang ilaw. "I will not give what you want, agent!" matigas n'yang sabi.

Sumandal ako sa upuan ko at tumitig sakaniya. I'm giving her a death glare. I swear! I'm doing my best I can to control myself. "You think I didn't know?" madiin ko ding sabi.

Lumunok s'ya at nag-baba ng tingin. Galit pa rin ang mukha. "Let me help you, Dessa. Answer my questions"

Isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang labi. Tinignan ko kung paano dahan-dahan na umangat ang mukha n'ya. "Paano, agent? You didn't let me have my family. Sinira mo ang plano ko" matigas n'yang sabi.

"You think they will release your family once you give them the files?" natatawa kong sabi.

Natahimik s'ya saglit bago nag-salita. "Atleast I'm doing my best to save them." tumingin s'ya saakin na may pang-iinsulto sa mukha.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa nagbabadang pag-sabog ng aking nararamdaman. "We'll save them if you cooperate. I know it's har-"

"No. You don't know how hard for me to do this! Why?" Suminghap s'ya bago tumawa nang mahina.

"Because you have no fami-" bago pa lamang s'ya matapos ay tinaob ko na ang lamesa na nag-hihiwalay saaming dalawa.

Hinawakan ko s'ya sa kwelyo at itinaas ang aking kamao.

"Mira!"

Isang nakakairitang tawa ang lumabas sa bibig ni Dessa. Nanginginig na ang kamao ko na tumama sa mukha n'ya ngunit hindi ko magawa. Naramdaman ko naman ang pag-lapit ni Nate sa pwesto ko.

Binaba n'ya ang pagkain namin at tumayo sa gilid ko. Dahan-dahan n'yang hinawakan ang kamao ko. Pinapanood ko lamang s'yang gawin iyon. Hindi ko namalayan na lumuwag na pala ang hawak ko sa kwelyo ni Dessa.

Nangingilid ang luha sa mata ko ngunit hindi ko hahayaan na bumaba iyon. Binaba ni Nate ang dalawa kong kamay at hinila ako sa sofa. "Ako na ang kakausap sakaniya" sabi n'ya bago ako iwan.

Nasuntok ko ang sofa dahil sa galit. That bitch!

Kahit na sinabi ni Nate na huwag na ako sumunod ay ginawa ko pa rin. Kinuha ko muna ang pagkain na binili namin at tsaka bumalik sa upuan ko kanina.

Hindi makapaniwala si Nate sa ginawa ko. Tila ba dismayado s'ya sa katigasan ng aking ulo. Hindi ko s'ya pinansin at kumain nalang.

"Sino ang nakipag deal sa'yo?" tanong ni Nate.

Hindi naman umiimik si Dessa na nakapikit na ang mata. Tila tutulugan nanaman kami. "Sino ang humihingi ng file? Is it Philip Solomon?" mahinahon pa rin na tanong ni Nate.

Hindi pa rin nag-abala si Dessa na sumagot. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi dahil sa nakikita. Tumingin saakin si Nate kaya yumuko ako na parang walang nangyari.

"If you answer my question, I'll reveal the location of your family." biglang sabi ni Nate na nagpahinto saakin sa pagkain.

The what? What did he just said? The location? Alam n'ya ang location? How?

Hacking is more than what you think it is. You need to break codes and systems. Kaya nga hindi ko na gaano pinapairal ang pagiging nerd ko dahil sa hirap. Dahil din kasi sa panahon ay lalong humihirap ang pag hack.

Madami ng bagay ang naiimbento at nagagawa. Hindi na basta-basta ang hacking lalo na kapag ayaw mo na malaman ng iba ang system na gamit mo.

"What are you talking about?" si Dessa.

Ramdam ko ang kayabangan ni Nate mula sa aking pwesto. Kumibit-balikat nalamag ako at hinayaan ko s'ya sa kaniyang plano.

"You really think na nasa kanila ang pamilya mo? What's your proof? Did they send you anything?" tanong pa ni Nate.

"What do you mean! Answer me, Agent Velasquez!" sigaw ni Dessa bago mag-wala ulit sa kaniyang upuan.

Tumayo naman si Nate at sumandal sa lamesa na inayos n'ya kanina. Linapit n'ya ang kaniyang mukha kay Dessa bago nag-salita. "I'll give you the answer if you give what we want" sabi n'ya bago lumayo at lumapit sa pagkain namin.

Kumuha s'ya ng burger at sinimulan itong kainin. Lalong lumala ang pag-wawala ni Dessa ngunit wala kami parehas pake. Nagpatuloy lamang kami sa pagkain naming dalawa.

"You have to choose now, Ms. Rolland. Give us the answer and we'll let you go and I'll tell you what really happened to your family" sabi pa n'ya.

Hindi umimik si Dessa sa kaniyang upuan. Wala kaming natamo na sagot dahilan para mapasinghap ako. Lumapit ako kay Nate para sana kausapin s'ya ngunit biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Tumingin s'ya saakin bago kunin iyon. Tinignan n'ya ang message bago ibinalik ang tingin saakin. "Let's go. May pupuntahan tayo" sabi n'ya bago nagsimula lumakad.

Hindi naman ako agad gumalaw dahilan para tignan n'ya ako ulit. Nakataas na ang kilay ko habang nakatingin sakaniya. "Where are we going?" tanong ko.

Lumapit s'ya saakin bago bumulong. "Source" sabi n'ya bago kumindat.

Umirap nanaman ako bago sumunod sakaniya. Bago tuluyang umakyat sa hagdan palabas ay tinignan ko si Dessa na tahimik na nakayuko. "You have 5 hours to think" I said before walking out the secret room

Inalalayan ako ni Nate paakyat. Nag-pagpag ako ng damit nang makalabas na kami. Inusog ko ang drum para takpan ang pinto. Nag-lakad kami para pumunta sa kotse namin.

Sumakay ako sa kotse ko at sumakay naman s'ya sa kotse n'ya. I got my car here. Lagi akong may iniiwan na kotse dito. Bored na tumingin saakin si Nate. Inistart ko ang kotse ko at pinaandar ng kaunti. Hininto ko ito malapit sakaniya.

"Susundan kita" sabi ko.

Wala naman s'yang nagawa at pumasok nalang sa kotse na dala namin bago pinaandar ito. Nakasunod ako sakaniya mula sa likod. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit ang daan na tinatahak namin ay papalayo sa syudad.

Inabot din ng isa at kalahating oras ang byahe hanggang sa huminto kami sa isang gusali na abandonado. Tatlong palapag na tila dating apartment. Bumaba ako sa kotse ko at sinundan si Nate.

"Where are we, Nate? Make sure na hindi ito trap, ah. Ako una babaril sa'yo" sabi ko pa.

Narinig ko naman ang tawa n'ya sa unahan. Lumakad kami at umakyat sa rooftop. Nang makaakyat ay tinignan ko ang paligid. Puro kalat doon. Sira na ang ibang harang at maraming basura. Sa dulo ay may isang lalaki na nakatayo, tanaw ang mapuno na daanan.

Tinignan ko si Nate na dirediretso ang lakad papunta sa lalaki na iyon. Naka-sunod lamang ako sakaniya.

Nang makalapit sa lalaki ay humarap ito saamin. Tumingin s'ya kay Nate bago saakin. "Drei" sabi ni Nate.

"Who is he, Nate?" I asked.

"This is Drei. S'ya ang kasama ko sa pag kalap ng information na hindi ko nagagawa. I can fully trust him kaya tayo nandito." paliwanag ni Nate.

"I'm Agent Carper" pakilala ko.

Tumingin lamang ito saakin bago tumango. "Nice to meet you lady" sabi n'ya bago humarap ulit kay Nate.

"Confirmed sir. May isang party ang magaganap sa kanilang mansion. Nalaman ko din na may malaking auction na magaganap pagkatapos doon. I can make the copies of the invitation if you want" sabi n'ya kay Nate.

"No need for that, Drei. We managed to get one for us" sagot naman ni Nate.

Wala naman akong maintindihan sa nangyayari. Nakikinig lamang ako sa pinag-uusapan nila.

May dinukot si Nate sa kaniyang bulsa. Binigay n'ya ito kay Drei bago ako sulyapan at ibalik ulit kay Drei ang tingin. "Go to that place. The entrance is in the back, underground. Ikaw na muna ang bahala sa babae na nakatali doon. May pagkain na din. We'll just send you the order kung ano ang gagawin" sabi n'ya.

Wait, Is he talking about Dessa? Ipagkakatiwala n'ya si Dessa kay Drei? Wait! What's really happening?

"Copy, sir Nate. I'll go now." sabi ni Drei bago tumungo saakin at umalis.

Nakanganga naman akong tumingin kay Nate. What was that!? What the hell!

"You need to summarize what just happened!" sigaw ko bago nag-pauna lumakad pababa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status