Share

Chapter 21

Mr. Montero

Mira's POV

Nag-lakad ako palabas ng building kung saan namin kinita si Drei. Nasa likod ko si Nate na diretso ang tingin sa harapan. Sumakay ako sa kotse ko at ganon din s'ya.

"Let's race, loser will buy food" sabi ko sa ear device.

"Sure" sagot n'ya.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko sa kalsada. Malayo-layo ang byahe papunta sa HQ kaya magandang laban ito. Malayo ang pagitan namin ni Nate sa isa't-isa. Nasa likudan ko s'ya habang pinipilit kong panatilihin ang bilis ko nang sa ganon ay hindi n'ya ako maabutan.

"Easyhan mo lang" bulong n'ya na may halong asar.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko s'ya saaking gilid. How!? Paano n'ya ang naabutan sa bilis ko? Nandadaya ata ito, ah.

A small smirked are visible to my lips. Sinusubukan n'ya ako.

"See you" sabi ko bago lalong bilisan ang pagmamaneho.

"Naisip ko na iyan" bigla n'yang sabi ngunit natatawa.

Let's see kung maaabutan mo pa ako. Mabilis ang takbo namin. Alam namin na pwede kami mahuli pero ano bang magagawa namin? This is fun!

Pinindot ko ang phone ko habang nagmamaneho. Tuwang-tuwa ako habang papalapit kami ng papalapit sa HQ.

"Open the gate for me" sabi ko sa phone. It's the HQ gate 1 to 3

Tinignan ko si Nate sa likod at nakita na nakatitig s'ya sa kotse ko. Niliko ko sa kaliwa an kotse ko nang nagbalak s'yang pumasok doon.

I keep on smirking. Ang saya panoorin ang mukha n'yang nag-iiba tuwing nahaharangan ko s'ya. Dalawang liko nalang at nasa HQ na kami.

"Loser" bulong ko bago lalong binilisan.

Lumiko na ako at kita ko na ang gate 1. Nasa maluwag na kamin kalsada na sakop pa rin ng HQ.

Hindi ko na s'ya tinignan pa dahil halata naman na ako na ang panalo. Nakita ko na ang unti-unting pabukas ng gate 1 to 3 habang papalapit ako.

Masaya na dapat ako ngunit nabigla ako nang biglang sumulpot ang sasakyan ni Nate saaking kanan. Sinubukan ko s'yang gitgitin pero bigla s'yang bumagal dahilan para mawalan ako ng kontrol at mabilisang pinabagal ang sasakyan ko.

Humarurot s'ya papasok sa gate 1 to 3 habang ako naman ay huminto sa tapat n gate 1 habang hawak ang manibela.

Mabilis ang hininga ko habang tinitignan ang kotse. Buti at wala akong tinamaan na kung ano! Gosh!

You fucking jerk!

Inistart ko agad ang kotse at pinaharurot sa loob. Nakita ko na naka-park na ang kotse n'ya at nag-hihintay na s'ya saakin sa elevator.

Nag park ako at bumaba ng kotse. Hinugot ko agad ang baril ko at binaril ang direksyon n'ya ng tatlong beses. "Hide asshole!" sigaw ko.

Nakita ko naman na tumingin lamang s'ya saakin nang may ngiti sa mukha. Hindi man lang s'ya nagulat sa pag baril ko sa direksyon n'ya.

Nilingon n'ya ang elevator na may tatlong butas. "I want some ramen" sabi n'ya bago kami sabay na sumakay sa elevator.

Masama ang tingin ko sakaniya habang nasa loob kami. "Why did you do that, Huh!? Muntikan na ako maaksidente!" singhal ko sakaniya.

"Nah, I know you will be safe but I know I will not" sabi n'ya.

Psh. Mabuti at alam n'ya naman na ako ang pwedeng pumatay sakaniya! Tsk.

Lumabas kami ng elevator at dumiretso sa kwarto. Madami-dami ang kailangan naming pag-usapan dahil sa maraming nangyari. Lalo na ang tungkol kay Drei at Dessa.

Pagpasok sa loob ay binato ko sa sofa ang baril na gamit ko. Umupo ako at pinikit ang aking mata. "Speak" sabi ko.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga n'ya. Sinilip ko s'ya at nakita ko na umupo s'ya sa isa pang sofa.

"Dessa's family is in bulacan. Hindi naman sila talaga kinidnap. Yeah, she fooled pretny too. And about Drei? I can fully trust him. I paid him for every task he will finish for me. Minsan sakaniya ako kumukuha ng impormasyon at s'ya ang pinapagawa ko sa mga bagay na kailangan"

Tumango ako at bahagyang kinamot ang aking baba. "How about the invitation and the person you want him to investigate? Who is that person? How is he related to Philmon?" tanong ko ulit.

Sinandal n'ya naman ang ulo n'ya sa sofa. "He's Prolo Montero. Business man here in the philippines who owns many properties and also clubs. He's very close to Philip Solomon. I saw him before here in manila. I saw him with Philip kaya naisip ko agad na pa imbestigahan s'ya kay Drei." paliwanag n'ya.

New subject, Huh? Prolo Montero.

I'm not sure if I know him but I think I never heard his name before. Ano naman kaya ang makukuha namin sakaniya?

"What's our plan? Ano pala ang gagawin ni Drei kay Dessa?" tanong ko bigla.

"He will do his best to silence her. Dessa works for Philip, Mira. I think he will force her to speak."

"Then, let's wait until he calls you" sabi ko at tumayo na.

Tumuloy ako sa kwarto at inihanda ang sarili para mag tub. I locked my door before putting myself in a tub with some warm water and bubbles.

Napapikit agad ako nang maramdaman ang tubig. It was a tough day.

Ang laki na ng usad namin sa misyon na ito. Kahit na ilang linggo pa lamang nang tanggapin ko ang offer na ito at sapilitang pumayag na magkaroon ng partner ay masaya ako sa progress.

'A small progress to finish things successfully' He smiled at me before handing me a hot chocolate drink.

Tinanggap ko iyon at ininom. Tinignan ko ang mga paa ko na putikan. Nakipag-habulan kami sa mga lalaki na kasama ng lalaking iniimbestigahan namin dahil sa madaming illegal na gawain katulad ng pagbebenta ng kotse na hindi kanila.

'I feet hurts' bulong ko.

'You should go and get some rest, Mira. I will inform Trevor, don't worry' He said before giving me a smile.

Ayoko sana umuwi dahil hindi pa kami tapos mag-report sa office ni Sofia. Trevor is inside of her office right now. We need to wait for him to know the instructions from our rank 1.

"Trust me, Mira. Hindi ka n'ya pagagalitan. I got you!'

'Huwag na, Rav. I don't want him to scold you again because of me' sabi ko bago inubos ang inumin at tinapon sa basurahan.

That's right. Madalas n'ya akong saluhin sa mga pagkakamali ko. Lagi s'ya napapagalitan ni Trevor. Madalas ay hindi ko gusto na pagtakpan n'ya ako pero ginagawa n'ya pa rin.

'I'm serious, Mira. Go pack your things. Ako na ang bahala kay Trevor' ngayon ay mahinahon at tunog seryoso n'yang sabi.

Tinignan ko s'ya at nag-labas ng isang ngiti. Tinignan ko ang iba naming members na nasa malayo at nag-kwentuhan kasama si Cassie.

'I treat you tomorrow' sabi ko bago nakangiting tumakbo papunta sa room namin. Narinig ko pa ang tawa n'ya bago ako tuluyang lumayo.

Mabilis akong umangat nang maramdaman ang tubig na malapit na sa aking ilong. Tinignan ko ang orasan at nakita na mag tatatlong oras na akong tulog. Kulubot na ang aking balat sa daliri dahil sa matagal na pagkababad sa tubig.

Tinapos ko ang pag-ligo at pag-bihis. Dumiretso ako sa salamin para mag-ayos ng sarili. Tinignan ko ang mukha ko na hindi ko aakalain na maaalagaan ko ng ganito.

Bigla kong naalala ang panaginip ko kanina. S'ya nanaman. He always in my dreams. Bigla akong napangiti sa kawalan. "I wish you never lied"

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Nate na kumakain na sa lamesa. Nakita ko na ramen iyon. May isang nakabalot pa at may chopsticks sa ibabaw.

Tumingin ako sa kaniya na tahimik na kumakain. Lumapit ako at umupo sa tabi nyang upuan. Inangat n'ya ang tingin saakin dahilan para mapa kurap-kurap ako.

"I'm sorry, I forgot about the bet" sabi ko.

Tumango lamang s'ya at nag-patuloy sa pagkain. Bumuntong-hininga naman ako at kinuha ang isa pang ramen na may chopsticks sa ibabaw. Tinanggal ko ang takip at sinimulan haluin iyon.

I was about to eat when I saw him staring at me and the ramen. Sinara ko ang bibig ko at tinignan s'ya. "Why? Saiyo din ba ito?" ngayon ay nahihiya kong dahan-dahan na ibinaba ang chopsticks.

Tumingin s'ya saakin at natawa. "Kidding. Saiyo 'yan" sabi n'ya bago nagpatuloy sa pagkain.

Natahimik ako at tinignan s'ya na kumain. Hindi ko nagawang gumalaw dahil sa kakaibang pakiramdam. Hindi ko din nagawang mainis sa ginawa n'ya.

Why..why..stop, Mira! Stop thinking about the past.

Lumunok ako at kinuha ang chopsticks bago sinimulan kumain. Tahimik lamang kami hanggang sa tumayo s'ya at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Binigyan n'ya din ako.

"Tumawag na ba si Drei?" I asked.

Umiling naman s'ya bago nag-lakad papunta sa sala para kunin an laptop n'ya. Natapos akong kumain. Nilipit ko na din para walang kalat. Uminom ako ng tubi bago naisipan na pumunta kay Nate para mag-paalam.

"I will bring the files to Kia." sabi ko.

Tumingin naman s'ya saakin bago umiling. Nangunot naman ang noo ko dahil doon. Umupo ako sa tabi n'ya at inabot sakaniya ang flashdrive.

"Okay, ikaw na ang bahala" sabi ko.

"No, ikaw na ang magbigay kay Kianna. But before that, let me fix this" sabi n'ya.

Sinaksak n'ya ang flashdrive sa laptop n'ya at tinignan ang laman n'on. Kinopya n'ya lahat at inedit ang original.

"I know what you're doing" natauhan kong sabi.

He changed some of the deatils including the evidences and missions took place in the province where we caught sebastian. We also didn't include the names of the Zaluas.

"Doing wrong things seems right for us" sabi ko bago kinuha ang drive kay Nate at umalis na sa kwarto.

Dumiretso na ako kay Tom para s'ya na mismo ang mag-balik ng files sa data/ file center.

I knocked three times before I opened the door. Nag-kakape si Tom haban kausap si Officer George.

Gulat silang tignan ako at ang aking hawak. Binaba ko ang flashdrive sa table n'ya at malditang tumingin sakanila. "Mission accomplished" sabi ko.

"As expected. Thank you, Agent" si Tom bago humigop sa kape.

Umirap ako sa sinabi n'ya bago lumabas ng pinto. Nag-lakad ako at nakita na wala na gaanong tao sa hallway at kahit mga busy na agent. Baka nasa kaniyang room na ang lahat.

Bumalik ako sa room namin at nakita ko si Nate na nakasandal sa pader habang nakatingin sa phone n'yang nasa lamesa.

Lumakad ako palapit at nalaman na si Drei ang kausap n'ya. "She's dead, Sir. She eat the glass from the glass cup." si Drei.

What!? Dessa did what!? Gross.

"Information about Montero?" Nate asked calmly.

"Mr. Prolo Montero owns many properties. I found out that the properties he and Philip Solomon sells are not really theirs. I found out that the real owners of the said properties were all dead. They probably kill the owners to have their properties. Lalo na kapag talo sa casino nila at ayaw magbayad"

Nakatinginan kami ni Nate dahil sa aming narinig.

"Thank you, Drei" sagot ni Nate bago kunin ang phone n'ya at patayin ang tawag.

"What the hell!" bulalas ko.

"Why? You expect him to sell properties like a good business man?" may halong asar ni Nate sa reaksyon ko.

"Whatever, Nate! I'm just glad that we know something that can help us get Philip" sabi ko.

Umupo na ako sa sofa at kinuha ang aking laptop. Inayos ko ang lahat ng information na mayroon kami tungkol sa misyon na ito.

We now have three subject. Sebastian, Montero and Philmon.

Sila na ang kailangan naming maiging tignan. Wala dapat kaming ma miss na anggulo. Lahat ng nangyayari ngayon ay kailangan naming madugtong.

"What are you thinking?" tanong n'ya.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa stress na nararamdaman. Ang sakit na sa utak lahat ng mga nalalaman ko! Gosh.

"You think we can take down Philip using Montero?" sabi ko.

That's what I'm thinking. Using his allies against him. Saksak sa likod.

Tinignan ko si Nate na hindi ako sinagot. Tila nag-iisip na din s'ya ng mga bagay-bagay,

Paano kung bumili kami ng properties n'ya? But it is too much for us.

I don't know what to do!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status