Share

Chapter 24

Clown

Mira's POV

I was standing straight when a guy wearing a clown costume hit me. I glared at him before walking away. Hindi tumitingin sa daanan!

Pumunta ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili. Iniwan ko si Nate sa hall kung nasaan ang salo-salo. Tinignan ko ang paligid ng bathroom kung may kakaiba.

Nag-hilamos ako ng aking mukha. Paglapit ko sa sink ay tila may kakaiba akong naririnig. Binaba ko ang sarili ko para tignan nang maigi ang lababo.

I saw red light near the hole. Nangunot ang noo ko at unti-unting tinignan ang ilalim ng sink. I was about to look when suddenly, I heard two women walking towards the door so I quickly locked myself in one of the cubicles.

Nagtatawanan sila at tila may pinag-uusapan.

"I heard that Mr. Montero will have a private party later. Ang mga kasali ay malalaking tao sa industry." rinig kong sabi ng babae.

Tahimik akong nakikinig sakanila. Inisip ko kung ano ang gagawin. Kailangan na nilang lumabas.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Tinawagan ko si Kia na agad naman n'yang sinagot.

"There's a bomb here. I think someone's setting up something." sabi ko.

Narinig ko naman ang pag-sabi ni Kia n'on sa mga kasama n'ya. "You need to hurry. Tignan mo kung ilang oras nalang ang natitira" sabi n'ya.

"Sige"

Nang marinig na wala na ang mga babaeng nag-uusap ay lumabas ako ng cubicle. Pumunta ulit ako sa sink at tinignana ang bomb na nakadikit doon.

45 minutes...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status