Share

Chapter 14

Explosions

Mira's POV

Nag-uusap kami ni Kia tungkol sa nangyari ngayon sa coffee shop. Nasa loob kami ng bathroom at dito kami nag-usap sa ibang bagay. Tinatanong ko s'ya sa kung ano ang mga nangyari habang wala ako.

Nanlalaki ang mga mata n'ya at kakaiba ang expresyon ng kaniyang mukha. Hindi ko na nakayanan pa at niyugyog ko na s'ya para mapatingin saakin.

"T-that bag..." She said, stuttering.

Gulong-gulo ko s'yang tinignan. Tinignan ko ang kabuuan ng bathroom. Mabilis akong kumilos at pumunta sa dulo ng cubicle nang may makitang tulo ng dugo sa sahig.

Nagugulat kong tinignan si Kia na ngayon ay bumalik na sa huwisyo. Kinuha n'ya ang kamay ko at inilabas sa cubicle.

"There's a bomb. I know it but I can't defuse it in less than a minute. We are all gonna die" sabi n'ya at tinignan ang bomba.

Halata ang lungkot at pagkadismaya kay Kia dahil alam n'ya na sa ganitong bagay s'ya magaling. "I should try." sabi n'ya.

Sabay naming tinignan ang oras at nakita na mabilis ang pagbaba ng oras dito. "No. You can't do it right now, Kia. Let's go, help me evacuate the people"

Mabilis kaming umalis ng bathroom. Nagkatinginan kami at sa isang kurap ay alam na namin ang gagawin.

"Go, call them!" I said.

Tumango si Kia bago pumunta sa table namin para kuhanin ang phone n'ya. Ako naman ay pumunta sa counter ng coffee shop.

Naguguluhan akong tinignan ng cashier dahil sa pagsingit ko sa pila. Ngunitian ko lang s'ya bago tumalon para pumatong sa mismong counter.

Nakita ko ang nagtatanong na tingin ni Kia, mouthing 'What are you doing'. Kinindatan ko lang s'ya bago tinignan ang mga tao na kanina pa pala nakatingin saakin.

Pumalakpak ako at kinuha ang atensyon nila. Sisitahin na dapat ako ng mga staff ngunit agad kong inilabas ang aking I.D dahilan para manahimik sila.

"Okay, people. May bomba sa lugar na 'to ngayon kaya kailangan n'yo na umalis. Mag panic kayo kasi normal lang iyon sa ganitong sitwasyon" malakas kong sabi bago bumaba sa counter top.

Gulat ang mga tao na tumingin saakin. Halata pa sa mukha nila na hindi sila naniniwala sa sinabi ko.

They seriously think this is a joke!? Damn...

Stress ko silang tinignan bago tumingin kay Kia. Medyo kinabahan pa s'ya sa tingin ko dahilan para mag panic s'ya at sapilitang mag-salita.

"That's true! There's a bomb inside the bathroom, last cubicle. The team is on their way here but we should go now before it explodes" si Kia.

Dahil doon ay biglang nag-panic ang mga tao at mabilisang lumabas ng shop. Napa-irap ako sa kawalan bago sinimulan i-secure ang area.

Lumapit ako kay Kia pag-katapos kong i-check ang mga tao. "Nasa'n na sila!? The bomb will explode in any seconds!" Medyo nag pa-panic ko na rin na sabi.

Bakit ba kasi hindi ko inaral ang pag defuse ng bombs? Ay ewan. Ayaw ko din naman sa bomba! Mayroon naman na kayang gumawa no'n kaya I'll just leave the job to them and do my own job.

"I think they're here" she said before running towards the exit.

Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Gosh! Tinakbo ko ang bathroom para tignan ang bomb at kung ilang oras nalang.

Nanlaki ang mata ko nang makita na 15 seconds nalang ang natitira bago iyon sumabog.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng shop. Nakasalubong ko ang team nang nasa pintuan na ako, ready na sila pumasok para i-defuse ang bomb.

"You're late! Sasabog na!" Kabado kong sabi.

Sabay-sabay kaming tumakbo nang mabilis. Lahat ng tao ay kasabay namin at lahat sila ay mababakasan ng takot sa mukha.

Ilang sandali ay tumilapon kami dahil sa lakas ng pagsabog. Wala kaming ibang marinig kung hindi ang pagsabog na iyon.

I saw how the coffee shop blast into pieces that I can't almost recognize it. All turned black! Debris and broken glass are scattered everywhere!

Agad akong tumayo kahit hilo pa sa nangyari. Pinuntahan ko ang team para sabihan sila sa mga gagawin. We need a fire truck!

Lalong dumami ang mga pulis sa lugar. Inisa-isa kong tignan ang mga tao kung sino ang mga nasugatan.

Lumapit ako sa isang babae na may bubog na nakatusok sa kaniyang braso. Agad akong tumawag ng medic para tulungan s'ya.

"Agent Carper!"

Napalingon ako sa pinanggaingan ng boses. I saw Nate running towards me. Kasama n'ya si Tom na gulat sa nangyari.

Huminto sila sa harap ko. Tinignan ni Nate ang coffee shop bago ibinalik saakin.

"Someone leave the bomb inside the cubicle. Kami ni Kia ang nakakita kaya agad naming pinalikas ang mga tao" seryoso kong sabi.

Aligaga naman si Tom na inililibot ang paningin sa paligid bago huminto saakin. "How?" Nakakunot noo n'yang tanong.

Kumibit-balikat ako bago sumagot. "Sinabi ko na may bomba?" Simple kong sagot.

Napanganga naman silang dalawa dahil doon. Tom looks frustrated while Nate are giving me the "He knows I can do that" look.

Umirap ako na nakangiti sakaniya. Napasapo naman si Tom sa kaniyang noo.

"What? Ano ba ang dapat kong gawin? Iyon naman talaga ang sinasabi kapag may bomba, ah?" Tanong ko.

"Mag pa-panic ang mga tao."

"Sinabi ko naman na pwede mag panic" ngumiwi ako.

Natural magkakagulo sila. Bomba ba naman, eh. Anong gusto n'yang gawin ko? Utuin sila na may palaro sa labas? Na close na kaya kailangan na nila umalis? Duh.

Natigil ang pag-uusap namin nang lumapit si Kia. Tinignan ko s'ya at sinuri kung maayos ba ang kalagayan n'ya. Nang masiguro na wala naman s'yang malubhang sugat ay nakinig na ako sa sinasabi n'ya.

"It was the same, Sir. Blue bag. Ganon din ang bag na iniiwan sa mga lugar kung saan may nabalita na sumabog." Paliwanag n'ya kay Tom.

Si Kia kasi ang in-charge sa infos ngayon. S'ya ang nakakaalam sa kaso dahil sinabi ko kay Tom. I can trust her. She have my trust.

Lalo na ngayon na iniisip namin na si Philip ang may gawa nito. But we need to make sure. Lalo na ngayon na nahuli si Sebastian. Mukhang hindi lamang si Philip ang kalaban namin.

"Tell me more about it in my office, Agent" sabi ni Tom kay Kia.

"Yes, Sir." sagot ni Kia.

Umalis si Tom sa harapan namin dahilan para maiwan kaming tatlo. Tinignan ko si Nate na nakatingin din pala saakin.

"What?" Suplada kong tanong.

"Hindi n'yo ba nakita ang may dala ng bag?" Kuryoso n'yang tanong.

Pinanliitan ko s'ya ng mata bago pinagkrusan ng braso. "Sa tingin mo nakita namin? Edi sana ay kanina ko pa sinabi."

Pinagtaasan n'ya naman ako ng kilay bago ngumiwi.

Aba! Sinusubukan ako ng lalaki na ito, ah. Medyo masakit pa ang tenga ko dahil sa pag-sabog! Buti pa nga s'ya ay wala dito at hindi nadamay!

Iritable akong umalis sa harapan n'ya. Nakasunod saakin si Kia. Pupunta sana kami sa sasakyan nang may bigla kaming marinig na d***g.

Tinignan ko ang babae na nakaupo sa sahig habang iniinda ang kaniyang sugatang paa. Tinignan ko si Kia dahilan para tumango s'ya at tumakbo paalis.

Lumapit ako sa babae at tinulungan s'yang maiayos ang lapat ng paa. Namimilipit s'ya sa sakit.

Nakasuot ito ng uniporme ng coffee shop. Tinignan ko ang mukha n'ya at nakita na isa s'ya sa waitress.

Tinignan n'ya ako at napalunok. Hindi s'ya makatingin saakin dahilan para mag taka ako.

"Padating na ang medic. Tutulungan ka nila."

"Brown.." mahina n'yang sabi.

Nangunot ang noo ko at pinagmasdan s'ya nang maigi. Tila may gusto s'yang sabihin saakin.

"N-naka brown na jacket at pantalon. White na sapatos at cap na i-itim. S'ya ang nakita ko na may dala ng bag" may halong kaba at takot n'yang sabi.

Gulat man sa sinabi ay tumango ako sakaniya. Ngumiti ako kasabay ng paglapit ni Kia, Nate at isang medic.

"Iwan na kita, ah." Mahinahon kong sabi.

Tumango s'ya bago napadaing nang simulan na ang paggamot sa sugat n'ya.

Tinignan ko sila Nate bago binigyan ng makahulugang tingin. Tumalikod ako at lumakad na.

Huminto kami sa gilid ng sasakyan. Malapit ang sasakyan namin sa katabing shop g coffee shop. Mabuti nga at naisipan namin na dito mag park.

Tumingin ako sa paligid bago tinignan ang dalawa na halatang nag-aabang sa sasabihin ko.

"Brown jacket, pants, black cap and white shoes. Iyan ang taong may bit-bit ng bag ayon sa waitress." Sabi ko.

Gulat si Kia sa sinabi ko habang hindi naman nag-bago ang ekspresyon ni Nate. Tila inaasahan n'ya na may sasabihin ako tungkol sa nangyari.

"Can you hack the cameras near this area?" Tanong ni Nate.

Bored ko naman s'yang tinignan. "I can but in this case, mahihirapan ako lalo na at hindi ako sure kung may cameras malapit dito." Sabi ko.

"I'm sure they have" si Nate.

Natawa ako dahil sa sinabi n'ya. Alam kong mayroon. Nakakatamad lang kasi.

"We'll s-"

"It's him!" Biglang sabi ni Kia.

Agad kong tinignan ang kabilang kanto kung saan maraming tao. Nakita ko ang isang matangkad at medyo malaman na lalaki na pilit hinahalo ang kaniyang sarili sa mga tao.

Tugma ang suot nito sa sinabi nung babae kanina. Agad kaming tumakbo patawid para habulin s'ya.

Sakto naman na napalingon s'ya sa direksyon namin dahilan para tumakbo din s'ya paalis.

Mabilis ang takbo ko. Dinaanan namin ang mga tao. Nag-hiwalay kaming tatlo at nag kita nang nakalagpas na kami sa mataong bahagi.

Nasa unahan ang lalaki. Mabilis ang takbo n'ya kaya nag sisimula na akong mainis.

Inilabas ko ang mini gun ko. Nakita ko din ang pag hahanda nila. Lumiko ang lalaki sa isang iskenita dahilan para lalo namin s'yang habulin.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa bigla nalang nawala ang lalaki.

"I'm sure, I saw him go this way!" Kia said whils holding her gun.

Inilinga ko ang aking paningin sa paligid. Dalawang matataas na building ang ngayo'y pinag-gigitnaan kami.

Nasa paligid namin ang basurahan at gate. Tinignan ko ang daan pa kanan ngunit nakita ko na end na iyon.

Nandito lang iyon!

"Argh!"

Tinutok ko ang baril sa aking likod nang marinig ang d***g ni Kia. Nakita ko ang isang kutsilyong nakatutok sa kaniyang leeg.

Tinignan ko si Nate at nakitang nakatutok din ang kaniyang baril doon. Nakayuko nang bahagya ang lalaki dahilan para matakpan ng kaniyang cap ang kaniyang mata.

Nabitawan ni Kia ang baril n'ya. Nakatingin lamang s'ya saamin.

"Ibaba n'yo ang baril n'yo" utos nito.

Natawa naman ako dahil doon. "Bakit ko naman ibababa? Sino ka ba?" Mataray kong tanong.

Napapikit naman si Kia dahil sa sinabi ko bago ako pasimpleng tinarayan.

"Mira..." si Nate.

Tinignan ko s'ya at nakita na unti-unti n'yang binaba ang kaniyang baril. Tinignan n'ya ako.

"Ayoko nga" sabi ko bago lalong tinutok ang baril sa lalaki.

Narinig ko ang singhap ni Nate. "Mira." Matigas n'yang tawag.

"Ano ba? Pwede ko s'ya barilin ngayon. Binibigyan ko na nga s'ya ng choice, eh." Inis kong sabi kay Nate.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa baril ko nang makita ang pag diin ng kutsilyo sa leeg ni Kia.

Damn.

"Ibaba mo ang kutsilyo. Hindi kita sasaktan kapag sumuko ka samin" sabi ko.

"At sino ka naman para maniwala ako?" Matigas n'yang sabi.

Napatawa naman ako aa sinabi n'ya. Ibinaba ko ang baril ko at inayos ang aking tayo. "Let's make a deal. I'll give you 5 million kapag sinabi mo saakin kung sino ang nag-utos saiyo"

Lumapit saakin si Nate at pinagtaasan ako ng kilay. "Huwag ka magulo. Baka sayo ko 'to ipatama" banta ko sakaniya.

I heard him smirked before nodding.

"Hindi ako sasama sainyo" sabi nang lalaki.

"10 million" sagot ko.

Kita ko ang paglunok n'ya. Pinapadalhan naman ako ni Kia ng nagbabantang tingin.

Bakit ba sila ganiyan? Para naman sa ikadadali ng misyon na ito ang ginagawa ko. Psh.

"H-hindi mo ako mauuto" he stuttered, obviously panicking.

My smile grew bigger because of his reaction. He wants money, Huh?

"20 million" I said.

Inangat n'ya ang tingin n'ya dahil sa gulat. Ngayon ay nakita na namin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Wala na s'yang takas pa.

"P-paano ako makakasiguro na bibigyan mo ako?" Sabi n'ya.

Umirap ako sa hangin bago kinuha ang card ko sa wallet. Rinig ko naman ang protesta ni Nate sa ginagawa ko.

"Let her go and tell us everything. I'll immediately give this card to you." Sabi ko, hawak ang card sa pagitan ng aking hintuturo at gitnang daliri.

Natulala s'ya sa sinabi ko. Maya-maya ay tumango s'ya bilang pag sang-ayon. Tumango din ako at pinanood s'yang unti-unting bitawan si Kia.

Sinenyasan ko si Kia na huwag n'yang sasaktan ang lalaki.

Tumakbo si Kia sa side namin nang makawala s'ya. "Are you crazy?" Bungad n'ya.

Tss. Ikaw na nga itong niligtas.

Inangat ko ang aking braso na may hawak na card. Unti-unti s'yang lumapit doon. Akmang kukuhanin na n'ya iyon nang i-ilag ko sakaniya.

Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Info?" Sabi ko.

Napasinghap s'ya bago bigong humarap saakin. Tumingin s'ya sa paligid bago unti-unting binukas ang kaniyang bibig.

"Napag-utusan lang ako ng isang lalaki. Sabi n'ya ay inutusan daw s'ya ni-"

Hindi na n'ya natapos pa ang kaniyang sinasabi nang may bigla kaming marinig na putok ng baril sa kung saan.

Nakita nalang namin ang lalaki na nakahandusay at may tama ng bala sa ulo.

Naging alerto kaming tatlo at tinignan ang paligid. Nakita namin ang isang lalaki sa kabilang kanto, kung saan kami pumasok.

"Ako na bahala sakaniya" sabi ko bago tumakbo.

Pinaputukan ko ang lalaki na agad n'yang inilagan. Nag tago ako sa isang basurahan nang magpaputok s'ya ulit.

Hinabol ko s'ya hanggang sa kabilang kanto. Palitan ang putok ng baril galing saamin.

Nagtago ako sa isang gilid. Sinilip ko s'ya at nakita na nakasakay na s'ya sa isang blue na kotse na walang plaka.

Agad akong tumakbo at pinaputukan ang sasakyan hanggang sa makalayo ito.

Fuck! Nakatakas!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status