Share

Chapter 3

Chapter 3

--

Napamulat ako nang maramdaman ko ang init ng araw na dumampi sa balat ko. I slowly opened my eyes and sighed heavily when I remember that I'm still living in this hell city

Bumangon ako saka tumingin sa labas ng bintana mula sa kwarto ko and there I saw the lumot guy drawing my attention "Woii! Bumaba ka na!"sigaw niya mula sa kinatatayuan niya

Umirap lang ako saka sinara ang bintana. I have no time to chitchat with him.

Bumaba na ko para magluto ng makakain ko pero pagbukas ko nga ref, wala manlang kahit isang mapapakinabangan don maliban lang sa lamig na pino-produce ng ref

Wala pa naman akong alam sa pagma-market, kung pano pumili ng tamang karne at veggies ang bibilhin.  

Kumuha ako ng plastic bag saka lumabas ng bahay para magpunta ng mall. 

Inaasahan ko ng lalapit yung lalaking lumot sakin "Kala ko dun ka na mamamatay ehh"natatawa niyang sabi sakin. Napairap lang ako saka siya hinayaang kumuda "San ka pupunta? Maghahakot ng basura?"

My eyebrows furrowed "Can't you see I'm going to the market?" naiirita kong sabi sakanya . Napatakip siya sa bibig niya na animoy natatawa "What's funny?!"

"Sigurado ka bang bibili ka sa supermarket? Ehh bat garbage bag dala mo?" Gulat akong tumingin sa hawak kong plastic dahilan para matawa siya

"You mean, hindi ito yung ginagamit para lagayan ng groceries?"

"Exactly!"aniya saka humagalpak ng tawa

Nagtataka ko siyang tiningnan saka ko tinapon yung hawak kong plastic at pairap na nilayasan siya. Nakakahiya! Why am I so dumb!

"Hey! Hey! I didn't mean to embarrass you--"

"But you already did!"

"Sorry ok?! Hey sorry!"sigaw pa niya pero mas lalo ko lang nilakihan ang hakbang ko para makalayo na sakanya.

Nakarating na ako ng mall pero nanatiling nakasunod siya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin saka nagdire-diretsong pumasok ng mall

Dumiretso na ko agad sa market at doon namili ng kakailanganin ko sa buong buwan. Pero napapansin ko pading nakasunod siya sakin kaya naglakas loob na akong humarap sakanya "Ano bang gusto mo?"naiinis kong tanong sakanya. Tumungin lang siya sakin "Alam mo, hindi ka nakakatuwa. Hindi ka ba natatakot na baka isa akong killer?" I yelled at him

Pero nakakapagtaka dahil di manlang siya natinag. Imbes, ngumiti lamang siya't nilapitan ako "Sabihin nalang nating, I'm into positive persons"

Bahagya ko siyang tinulak "Then stay away from me!" naiinis kong sabi sakanya saka siya tinalikuran pero nanatili padin siyang nakasunod

'Ano bang kailangan nito sakin?'

Kumuha ako ng mga pagkain at mga bagay na kakailanganin ko. Hinayaan ko nalang siyang sumunod sakin dahil wala naman siyang mapapala sakin at wala din akong mapapala sakanya

Habang naglilibot ako, pansin kong sariwa ang karne at ang mga gulay na nasa loob ng ref. Isa isa kong nilagay yung mga gulay sa cart na dala dala ko pero napahinto ako nang may kamay na pumigil sakin "Can't you see, these veggies are old stocks"aniya saka pinakita sakin ang parte ng gulay na may mga butas sa dahon. Nilagay niya ulit sa ref ang gulay na iyon saka tumingin sakin habang umiiling iling "Hindi porket maganda yung nakaharap sayo, wala na yang tinatago"makahulugan niyang sabi saka ngumisi

Umirap ako saka siya tinalikuran. Hindi ko na siya pinansin pa't hinayaan na siyang mag-isang magpalakad lakad. 

Napansin ko ang hilera ng mga cup noodles kaya doon ako nagtungo't namili ng mga bibilhin ko. Kumuha ako ng isa saka hinanap ang expiry date para siguradong safe ako. Pero wala akong nakita kundi mga erased na expiry date "Andami na ngang mamamatay tao dito, wala pang expiry date tong cup noodles"pagrereklamo ko 

Narinig ko ang bahagyang pagngisi ng lumot na yun. "You really can't trust anyone and anything"

"Yes. And I can't trust even you.."pandidirekta ko pero nagkibit-balikat lang siya saka ngumiwi

Nakakairita siya!

Muli akong bumaling ng tingin sa paligid at nagahanp ng kukunin para sa mga pangangailangan ko. Hindi na ko nag abalang tingnan pa siya dahil maiinis lang ako

"You should take this.."maya maya'y inilagay niya sa push cart ko iyong sanitary pads

Inis akong tumingin sakanya "The heck! Bastos ka ahh!"sigaw ko sakanya dahil nakatalikod siya sakin at mukhang naghahanap pa ng madaming pads na kailangan ng mga babae

Salubong ang kilay niyang tumingin sakin "Anong bastos dun? I'm just helping you"

"Psh! it's a 'girl thing' at para samin, kabastusan yung ginawa mo"

"I'm just helping you naman. Pano naman kasi, mas pinipili mo pa yung mga bagay na ikakabusog mo lang" pabato niyang nilagay sa cart ko yung mga sanitary pads

Napatingin ako sa cart ko. Puro pagkain lang ang mga laman non at iilan lang ang may vegetable

Kumuha nanaman siya ng alcohol at cotton. Kumuha din siya ng tissues at mga damit na satingin ko ay kasya naman sakin. 

Tinitigan ko lang siya habang naglalagay ng mga pinagkukuha niya sa cart ko. 'I don't know who the hell he is but I wish I can trust him'

--

"Himalang nanahimik ka ngayon"nakangiti at mukhang mang aasar nanaman siya

Pairap akong nag-iwas sakanya ng tingin "Psh! I don't want to be rude na"

Napailag siya "Wow! Change of hearts huh?"

I smirked"Nahh. I'm just tired arguing with you"

He chuckled softly "You should made it sooner"

"Well, sa taong gaya mo, madali lang magtiwala. But not here"I said directly "Malay mo, may kutsilyo ka na pala jan sa likod mo"I said jokingly

Ngumiwi lang siya saka nagkibit balikat "I can't force you to believe in me. But I swear I'm a good person and also a kisser" he said as he winked

Biglang bumaliktad ang kalamnan ko sa sinabi niya "Nasusuka ako sa mukha mo"sabi ko saka kunyaring nagtakip ng bibig 

Tumawa siya ng malakas "Oh c'mon! Lagi mo nalang akong inaasar!"aniya saka napahawak sa tiyan niya habang tumatawa

I stared at him 'I'm happy seeing someone happy because of me'

--

Nakarating na kami sa bahay ko. Nag alangan pa akong papasukin siya pero dahil sa mga nakuha naming napakaraming items ay kakailanganin ko talaga ang tulong niya

"Thanks.."sabi ko saka pinagpapasok na yung mga veggies at karne sa ref

"So you know how to say thank you"sarkasmo niyang sabi

I scoffed "Marami ka pang di alam sakin at wala akong balak magpakilala sayo"

He chuckled softly "It doesn't matter, anyway.."aniya saka nilalaro yung kutsilyong nakalapag sa lamesa "Madali lang kumilala ng tao sa kilos nila"

Tumingin ako sakanya saka siya pinagtaasan ng kilay "Talaga? sige nga, anong klaseng tao ako?"

Nanliit ang mga mata niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa "Mukha kang masungit, palaban at mukhang mautak" aniya pa

"Well, mali pagkakakilala mo sakin"sabi ko saka muling nagpatuloy sa ginagawa ko "Mabait naman talaga ako. Yun lang masasabi ko"

Hindi na siya nakapagsalita pa nang biglang may tunog na umalingawngaw sa buong siyudad.

Lumabas kaming dalawa at tumambad samin ang malaking clock.

4days left

12:30pm

"Ano nanaman ba toh?"tanong ko sakanya kahit alam kong hindi niya din alam ang dahilan

"I have no idea but it looks dangerous"aniya habang nasa clock ang paningin

Pinakatitigan ko iyon. 'Anong meron? bakit nagka-countdown?'

Tumingin ako sa paligid. Nagsimulang mag-iyakan ang mga babae habang nakakatakot naman ang tingin ng mga lalaki sa paligid. 'Palibhasa, may chance silang makaalis dito dahil sa lakas nila. Habang kami..' I clenched my fist 'Kaming mga babae paniguradong itutumba nila'

Nakaramdam ako ng inis sa naisip kong iyon. Kahit sa impyernong ito, wala paring laban ang mga babae. Mahihina padin sila sa tingin ng mga kalalakihan.

Tumingin ako kay lumot. 'Malabong hindi siya tulad ng iba. Pare-pareho ang utak ng mga lalaki kaya hindi na ko magugulat pa sakanya'

Pumasok ako ng bahay saka sinarado ang bahay ko. Nakita ko pa ang gulat at nagtataka niyang reaksyon pero hindi ko na iyon pinansin pa

Malakas niyang kinatok ang pinto ko "Hey! What's wrong with you!"sigaw niya habang kumakatok ng malakas

"Umalis ka nalang!"I shouted back

"Ano bang problema?! Ok naman tayo diba?"

"sabing umalis ka nalang! Get the hell out of here!"sigaw ko pa saka umakyat ng kwarto ko at doon nagkulong

And there I started crying. 

I want to go home. I want to leave in this place. Gusto ko ng bumalik sa buhay ko noon. Kahit walang kwenta pero alam kong may pakinabang ako. Hindi dito...hindi dito kung saan wala akong lakas para harapin ang hamon.

--

3days left

Pagka-umagahan, nanatili lang ako sa bahay. Namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. Napatingin ako sa papel kung san ko nilalagay ang pinaghihinalaan kong tao. Nakasulat don ang numero ni lumot. 

Sandali ko siyang naisip pero agad ko ding inalis sa utak ko dahil mas lalo lang akong maiirita sakanya

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, umaalingawngaw ang ingay at mukhang padabog na pagkakalapag sa lamesa ang mga gamit na babasagin mula sa likod ng bahay ko

Agad akong pumunta ron at don ko nakita ang lalaking naka kulay black na naghuhugas ng plato at baso 

Matamlay ang mata niyang tumingin sakin habang malakas naman ang pagkakabukas niya sa gripo dahilan para malakas ang labas ng tubig nito "You supposedly washing dishes calmly"salubong ang kilay kong sabu sakanya

Padabog niyang nilagay sa lamesa ang basong binabanlawan niya saka sinara ang gripo. Pabalang niyang winisik ang tubig sa kamay niya para matuyo dahilan para matamaan ang mukha ko

'Bastos!'

"Dami mong reklamo, ikaw na maghugas"aniya saka sinara ang ang pinto't iniwan ang mga hugasin sa labas

"Bastos! Walang galang! Tamad!"sigaw ko sakanya mula sa labas saka padabog na sinara ang pinto ko

'Looks like I met another demon'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status