Share

Chapter 4

Chapter 4

After what happened, nawala na ako sa iniisip ko kanina. Namuo ang galit sa loob ko dahil sa lalaking yun. Ang bastos bastos. Winisikan ba naman ako ng tubig!

Sa kalahating araw na ginugol ko sa kwartong toh, nagmukha akong preso at mukhang mababaliw na din ako 

"Saksakin niyo nalang ako!"mangiyak-ngiyak kong sabi habang nagpagulong gulong sa higaan. "Hindi ako mamamatay sa patayan dito, mamamatay ako sa sobrang kaboringan ng buhay!"napatihaya ako at napatulala sa kisame ng bahay. Ano ng gagawin ko sa buhay ko dito sa lugar na toh

"Gasul! Gasul!"rinig kong may sumisigaw sa labas ng bahay ko. I'm sure yung lumot nanaman yun "Gasul lumabas ka na jan!"

'Yeah right, seriously?! Siya talaga yung solution?'

"Gasul!!!"

"Pwede bang iba nalang ibigay niyo. Wag siya please lang!"mangiyak-ngiyak kong sabi sa kalawakan. 

"Gasull!! papasok na ko ahh!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka dali-daling tumakbo pababa ng hagdan at sumandal sa pinto "Bawal ka pumasok!"

"Papasukin mo nga ako!"

"Ayoko! hindi pwede!"

"Buksan mo na nga! Let me see you!"

"Buhay pa ko, ok? kaya umalis ka na!"

"Bakit mo ba pinapaalis yung mga taong handa kang samahan?!"pasigaw niyang tanong dahilan para mapaisip ako

"Hindi kita pwedeng pagkatiwalaan! And I don't need anyone! Even you!"

"I didn't wish for you to trust me! I said let me be with you!"

My eyebrows furrowed "And who the hell will do that?!" I don't know why but my tears began to flow kahit na nakangiti ako ng pilit "Not even my family can do that! Who the hell you are!"sigaw ko at unti unting napaupo sa likod ng pinto

Nabuksan na niya ang pinto saka nag aalalang tumingin sakin. Nilahad niya ang kamay niya "Minsan, hindi dilim ang kailangan natin para maging komportable, kundi simoy ng hangin"

Pinanliitan ko siya ng mata "What do you want from me?"

"Let's have a walk first.."aniya saka naunang lumabas

Kahit walang kasiguruhan ang buhay ko sa gagawin ko, sumunod padin ako sakanya. 'Sana lang di niya mabilog utak ko'

"So ano na nga"naiirita kong sabi nang makahabol ako sakanya sa paglalakad habang pinupunasan ang mga mata ko

"Well, honestly I'm doing this to have a friend"aniya habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin

"A friend? In here?"I said sarcastically

"Sounds crazy but, yeah.."aniya habang tumango tango

"Why me?"

"I have no choice"sagot niya saka nagkibit balikat

Sinamaan ko siya ng tingin "Get lost!"naiinis kong singhal sakanya

Natawa siya't ginulo gulo ang buhok ko "'Coz I know we're gonna die here" sagot niya habang nakangiti pero makikita sa mga mata niyang totoo ang sinasabi niya.

Pinanliitan ko siya ng mata "How come I can see pain through your eyes?"

"My eyes shows what my heart feels"natahimik ako dahil wala akong masabi. Bumuntong hininga siya "Maybe you're wondering why now? Bakit hindi nung mga nakaraang araw"dagdag pa niya 

Napailag ako "Nope. I was wondering why me? You didn't answer my question"

Sinamaan niya ko ng tingin "I don't know either"aniya saka nagsimula na ulit maglakad. "Nung unang dating ko dito, I thought it's just a simple game. No death, no harm, no pain... But then I was wrong"tumingala siya sa kalangitan "Nung nalaman ko na kung para san talaga ang larong toh, dun ko narealize na it's the end"

"I said, why me?"naiirita kong sabi. I'm no longer interested to his stories. Masyado niya lang pinapahaba ang pag-iisip ko

"Bat ba masyado kang atat jan, kala mo naman end of the world na bukas"

"Anong malay natin kung mabubuhay ka pa bukas"nakangisi kong sagot dahilan para mapalunok siya

"Grabe ka ahh! Baka mamaya killer ka na"inirapan ko lang siya saka nagsimula na ulit maglakad

Nakarating kami sa bench at doon naupo. Bahagya akong lumayo sakanya dahil wala akong balak lumandi 

"Aakalain mong mabubuhay pa yang punong yan dito"aniya habang nasa malaking puno ang paningin. Ngumisi siya saka tumingin sa langit "Tingnan mo yung ulap na yun, parang aso"

Sinamaan ko siya ng tingin "Seriously?! Ito lang yung pinunta natin dito?"

Ngumiti siya sakin "Alam mo, iilang araw nalang ang nalalabi sa buhay natin, tapos ganyan ka pa.."tumingin ulit siya sa kalangitan na animoy ito lang ang nakakapagpasaya sakanya "Kaya kung ako sayo, sulitin mo na ang lahat bago pa matapos yung oras"dagdag pa niya saka napapikit nalang para damhin ang simoy ng hangin

Napatingin ako sa malaking orasan mula sa kinauupuan namin. Bawat pagdaan ng segundo, ang siyang paglapit naman ng panganib samin. 

Napayuko ako sa mga kamay ko. Mas lalo akong nakaramdam ng panghihina nang malamang wala akong laban sa gantong field. Mas lalo kong naintindihang walang laban ang mga babae sa gantong lugar

Napangisi ako sa utak ko. 'Hindi pa nga nagsisimula, sumusuko na ko'

"Pero alam mo, may parte parin sakin na umaasang makakalabas tayo dito ng buhay at buo"bigla siyang nagsalita dahilan para mapalingon ako sakanya. Nasa kalangitan padin ang paningin niya "Lahat naman may paraan, diba?"

"Pero minsan yung paraang yun ang magdadala sayo sa kapahamakan"mapait kong sabi saka yumuko sa mga kamay ko

'Damn! Why am I thinking like this!'

"Bat di natin subukan? wala naman sigurong mawawala diba?"aniya na siyang nakapagpabuhay ng bagong pag-asa sakin "We should take a risk for us to know what will happen next"dagdag pa niya saka naglahad ng kamay sakin na parang may agreement kami "So do we have a deal?"

Pinanliitan ko siya ng mata. I'm not sure who the hell he is or what's his hidden agenda pero wala na akong choice kundi ang mag take ng risk para makalabas na din dito. He leave me no choice but to deal with him at sana hindi ko toh pagsisisihan

I take his hand "Deal.." and we made a deal

--

Matapos ang pangyayaring iyon, minabuti ko ng umuwi para magplano. At umabot nalang ako sa gantong position ng buhay, di pa niya nasasagot ang tanong ko kung bakit ako ang napili niyang plastikin

"Hey!"someone held my shoulder and made me turned to that person. 

Babaeng medyo matangkad, mahaba ang blonde na buhok at mataray ang tingin sakin

"What?" Sinampal niya ako ng malakas dahilan para bumakat at mag-init ang pisngi ko sa ginawa niyang yun "What the heck is your problem!"I shouted at her pero di siya natinag

"You! You stay away from my boyfriend!"aniya habang sinusundot ang noo ko

"Boyfriend?! Who the hell is he?"

"Hah! Wag ka na mag maang-maangan girl. Basag na yang linyang yan" 

"I don't know what you're talking about"akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niyang hilahin ang hood ng jacket ko saka muling pinaharap sakanya

"Hindi pa tayo tapos! Wag kang bastos"nagbabanta niyang sabi

Pero imbes na matakot, lakas loob kong winakli ang kamay niya saka tinitigan sa mga mata "Kung nilalandi man ako ng 'boyfriend' mo, isipin mo muna kung anong kulang sayo. Kasi baka sakin niya yun nahanap at hindi sayo"matigas kong sabi saka siya nilagpasan 

Sa pangalawang pagkakataon, hinila niya ako sa buhok saka sinabunutan dahilan para palibutan kami ng mga tao "You bitch!"sigaw niya sakin saka pumaibabaw sakin at sinabunutan ang buhok ko

'Damn it!' I cursed in my head when I noticed I can't fight back

"Ang landi landi mo pero wala kang laban!"sigaw pa niya sakin saka sinasabunutan ang buhok ko

Napatingin ako sa mga taong nakapalibot samin, nanonood. As expected, they're not willing to help. People are useless. Wala silang pinagkaiba sa babaeng toh

"18! 18!"rinig kong sigaw ng lalaki saka hinihila yung babaeng nasa ibabaw ko. Nagpumiglas naman siya kaya agad akong bumangon para hindi na ako malagay na alanganing posisyon

"Let go of me kuya! LET GO!"sigaw pa nitong impakta pero hindi siya binitawan ng kuya niya

Tumingin sakin yung lalaki na tinawag niyang kuya "Go now!"sabi nito sakin habang nakapulupot ang mga kamay niya sa katawan nung babae "I SAID GO!"sigaw pa niya kaya kumaripas na ako ng takbo

"Hah! ganyan nga! tumakbo ka! duwag!"rinig kong pahabol pa nung babae. Hindi ko na pinansin pa iyon saka tumakbo na papasok ng bahay ko

Pagkasara ko ng pinto, naupo ako ng sofa saka doon naluha sa sakit ng pagkakasabunot sakin ng babaeng yun.

"Damn! Ano bang problema nun!"I shouted as if she's in front of me. Tuluyang bumagsak ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman ng ulo ko at sa katotohanang walang handang tumulong sakin sa oras na nangangailangan ako. 

They're so selfish para iparamdam sakin yung comfort na kailangan ko.

Napasabunot ako sa buhok ko saka lumuha "How could this world be so cruel to me!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status