ALONA'S POV
"Aalis ka o sisipain kita?" Para akong tigreng galit na galit habang nakapameywang na nakaharap kay Kenneth na naroon sa sofa, nakadekwatrong nakaupo matapos ayusin ang kanyang mga maleta sa gilid. "O." Pilyong sagot nito kaya lalong umusok ang ilong ko sa galit. Tuwang-tuwa naman siya sa itsura ko kaysa matakot sa akin. Palibhasa gustong-gusto niya na inaasar ako noon pa man. "Anak ng....tumayo ka nga dyan at iuwi mo 'yang mga gamit mo." Singhal ko rito, humakbang ako palapit sa pwesto ni Kenneth. Taas-kilay ko itong tinitigan na sinamahan ko ng pagkrus ng braso sa dibdib ko. "Bingi ka ba? Dito na nga 'ko titira para incase hanapin ako ni Cleo ay hindi ko na kailangan byumahe pa ng malayo. Tsaka, ayaw mo ba na nandito ako?" "At nagtanong ka pa talaga. Psh!" Pagsusungit ko. "Aguy! Hindi naman ako magpapasaway dito e. Titira ako dito para matulungan kita sa pag-aalaga dyan kay Cleo." Depensa niya saka ngumiti pa ng ngiting-aso. Inirapan ko siya at hindi ko magawang matuwa sa mga pinagsasabi nito. Mas lalo lang ako naiinis kapag ganoon na naririnig ko ang mga sinasabi ni Kenneth. "Hoy, Kenneth, tigilan mo nga 'ko sa bait-baitan mo na 'yan. Tsaka, matutulungan mo pa rin naman ako kahit hindi ka tumira dito 'no." "Sus! Kunwari pa 'to. Dati naman gustong-gusto mo na nasa iisang bubong tayo e. Ayaw mo pa nga 'kong pauwiin non. Gusto mo laging nakayakap sa'kin tapos inamoy-amoy mo 'tong pabango ko." Pagbabalik tanaw ni Kenneth sa mga nakagawian namin noon. Imbes na kiligin ako ay gumuhit ng pandidiri sa mukha ko. Umakto pa akong nasusuka upang ipahiwatig sa kanya na hindi iyon nakakakilig kundi nakakasuka. "Yuck!" Agresibong singhal ko. "'Yon na yata ang isa sa mga pinakanakakadiring ginawa ko sa buhay ko. Ackkk!" "Hoy! Grabe ka naman. Parang 'di ka nagsabi ng isagad mo non ah." Pilyong pang-aasar ni Kenneth saka niya ito sinundan ng tawa. "Yuckkkkk!" Napatakip ako ng teinga at napapikit. "Kahit kailan talaga, ang baboy mo!" "Bakit, hindi totoo? Ha?" Pang-aasar pa lalo ni Kenneth at sinilip ang mukha ko nang makalapit siya sa harap ko. Pak! "Aray! Ba't nanghahampas ka?" Reklamo ni Kenneth nang maramdaman na kumirot ang braso niya sa hindi niya inaasahan na hampas mula akin. Hinimas-himas niya ito sa pagbabakasakaling mabawasan ang kirot non. "Lumayo ka nga sa'kin baka tuluyan ko ng putulin 'yang hininga mo." Itinulak ko pa siya ng bahagya. "Pwede ba, kung ano man ang madilim mong balak na kasing itim ng budhi mo, tigilan mo na. Kasi kahit na anong gawin mo, hindi ako makakapayag na magtagumpay ka." "Ops! Correction, alam mong hindi 'to maitim." Gumalaw pa pataas-baba ang kilay ni Kenneth. "Talagang...." Aambangan ko sana ulit siya ng hampas pero mabilis itong umilag. Kinuha ni Kenneth ang unan sa may sofa at ginamit iyon panangga sa binabalak kong gawin sa kanya. "Pwede bang chill ka lang? Wala naman masama kung titira ako dito e. Dapat pa nga na matuwa ka kasi imbes na kumuha ka ng tao na magbabantay kay Cleo kapag ganon na papasok ka sa trabaho, pwedeng ako na lang. Huwag kang mag-aalala, hindi naman ako hihingi ng sahod sa'yo e." "Wala akong tiwala sa'yo, Kenneth." Prangka ko ng walang kahirap-hirap. "Ikaw, mag-aalaga ng bata? Psh! Kalokohan." "Kaya ko, gusto mo alagaan pa kita e." Kumindat pa ito at pilyong ngumiti. Inirapan ko siya at nandiri sa sinabi nito. "Alam mo bang pwede kitang ireklamo sa pangtetrespassing mo, ha?" "Trespassing, pinapasok?" Depensa ni Kenneth saka ito tumawa. Napahiya ako ng one second. Argh! "Ah basta, hindi pwede 'to. Kailangang malaman 'to ni Attorney. Wala 'to sa usapan natin." "Reklamo well." Pang-aasar pa ni Kenneth. "Talaga! Gagawin ko lahat para magkaviolation ka at tuluyan mo na ngang hindi makita si Cleo." Pananakot ko pero mukhang wala 'yon epekto kay Kenneth. "Sus! Samahan pa kita." "Che!" Nilayasan ko na ito at padabog na bumalik sa kwarto bago pa ko tuluyang maubusan ng pasensya kay Kenneth at kung ano pa ang magawa ko. - "Wala akong maalala na may pinag-usapan tayo na pwede siyang tumira sa poder ko habang nasa akin si Cleo, Attorney." Reklamo ko nang makarating ako sa opisina ng abogado. Hindi na ko nag-aksaya ng oras para puntahan ito para ireklamo si Kenneth. "Alona, concern lang si Kenneth kay Cleo lalo na kapag umaalis ka daw papunta ng trabaho mo. You must be thankful dahil nag-initiate siyang gawin 'yon." Sagot ni Attorney. "Thanks, but no thanks, Attorney. Hindi kami magkasundo ni Kenneth, alam niyo 'yan. Hindi ba't mas malaking gulo kapag tumira pa siya sa bahay ko?" Napatango-tango si Attorney. "Magandang ideya rin naman kapag titira siya sa'yo nang sa ganon ay magkaroon kayo ng closure. Malay natin magkasundo kayo, what do you think?" "Attorney, ayokong makasundo ang kutong-lupa na 'yon. Pumayag naman na 'ko sa gusto niyang dalawin niya si Cleo kahit na anong araw at oras niya gusto. Pero 'yong tumira siya sa bahay ko, Attorney, ibang usapan na 'yon." Depensa ko. Naiintindihan kong gusto ni Attorney na magkaayos kaming dalawa ni Kenneth pero hindi sa ganoong sitwasyon at pagkakataon. Hangga't nararamdaman ko pa rin ang sakit na ipinaramdam ni Kenneth noon ay hindi ko ito mapapatawad. Maayos na ang buhay ko, ayaw kong sirain ulit 'yon ni Kenneth. "I'm sorry, Alona, pero sa nakikita ko, mukhang magandang ideya naman ang gustong mangyari ni Kenneth. He was just concern to Cleo. Besides, may karapatan din kasi siya sa bata. Siguro, mas mabuti na kayo ang mag-usap tungkol sa bagay na 'yan." Malalim na buntong-hininga ang binitawan ko matapos ang usapan namin 'yon ni Attorney. Lahat ng sinabi nito ay may katwiran. Wala akong karapatang magreklamo dahil kahit saang anggulo ko tignan ay tama ang gustong mangyari ni Kenneth. - "Oh, anong sabi ni Attorney? Tagumpay ba ang pagrereklamo mo?" Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay bumungad na kaagad ang boses ni Kenneth. Naroon siya sa playmat, kalaro si Cleo. Nagkalat sa playmat ang sandamakmak na laruan ni Cleo na binili ni Kenneth kahapon. "Che! Huwag mo nga 'kong kausapin diyan at baka maihampas ko sa'yo 'tong bag ko." Diretso ang lakad ko papasok ng kwarto upang magpalit ng damit. Mainit pa rin ang ulo ko at masakit na rin dala ng init sa byahe. Ayaw kong makipagbangayan kay Kenneth hangga't maaari dahil ayaw kong maubusan ng lakas. "Anak ng.... KENNETHHHHH!" Nagmamartsa akong lumabas ng kwarto nang nag-uusok ang ilong ko sa galit. Handang-handa na rin na sumuntok ang kamao ko na nakayukom. Kahit kailan ay talagang inaasar ako ni Kenneth. "Ano ba't nagsisisigaw ka dyan? Nagulat tuloy ang bata sa'yo." Salubong ni Kenneth sa akin paglabas ko ng kwarto. "Sino maysabi sa'yong ilagay mo don sa cabinet ko 'yong mga damit mo, ha?" Singhal ko at muntik ko na siyang bigwasan pero umilag siya. "Ako?" "Argh! Nilagay mo ang damit mo don tapos 'yong akin, tinanggal mo? Anak ka talaga ng tokwa. San mo nilagay 'yong mga damit ko?" "Damit mo pala 'yon, akala ko basura." Humagalpak pa ng tawa si Kenneth. "Argh! Bwisit ka talaga!" Bago ko ito nilayasan ay hinampas ko ng walang kahirap-hirap ang braso ni Kenneth dahilan para mapamura ito sa kirot. - "Sorry na, aayusin ko naman 'yon bukas e. Inaantay ko lang 'yong bagong cabinet na binili ko para sa'yo. Nakita ko kasi, luma na 'yong lagayan mo ng damit e kaya don ko na nilagay 'yong akin tas 'yong damit mo, ilalagay natin sa bagong cabinet. Huwag ka ng magalit." Pagpapaliwanag ni Kenneth habang nasa hapag-kainan kami. Abala ako na pinapakain si Cleo. Isang oras ng hindi ko iniimik si Kenneth dahil sa inis. Nilagay lahat ni Kenneth ang damit ko sa isang karton at hirap na hirap akong hanapin ang mga damit ko pangtrabaho dahil nagkahalo-halo na lahat. Wala pang bente kwatro oras na nakatira si Kenneth sa bahay ko ay stress na stress na ko paano pa kaya kapag nagtagal ito. "Huwag mo 'kong kausapin at baka maisaksak ko dyan sa lalamunan mo 'tong hawak kong tinidor." Gigil na gigil na usal ko. "Sorry na nga e." Tinapunan ko siya ng tingin. "Hindi ko kailangan ng bagong cabinet, kung gusto mo, i*****k mo sa baga mo 'yong binili mo. Alam mo kung ano ang gusto ko? Katahimikan. Mundo na wala ka. Wala 'yong anino mo. Wala 'yong tinig ng boses mo. Wala 'yong presensya mo." "Init na init ang ulo mo sa'kin ah. Gusto lang naman kita tulungan." "Talaga? Tulong ba ang tawag sa pang-aasar mo palagi sa'kin? Psh! Mas madami pa 'yong stress na nabigay mo sa'kin kaysa tulong." "Babawi ako. Ito naman, galit na galit. Chill ka nga." Pagpapakalma ni Kenneth sa akin. "Huwag kang mag-alala, makikihati naman ako sa lahat ng gagastusin dito. Mapakuryente man 'yan o tubig. Maggogrocery din ako, gagawa ng gawaing-bahay. Maglalaba, magluluto, maglilinis, lahat na. Kung gusto mo, gumawa ka ng rules dito para naman hindi mo sabihin na lugi ka." Niceone! Tingg! Bright idea. Bigla akong nagkaroon ng ideya kung paano ko mapapalayas si Kenneth. Papahirapan ko ito, ipaparanas ko kung gaano kahirap manirahan sa bahay ko nang sa ganoon ay tumakbo ito pabalik sa kanilang bahay. "Gusto mo talagang manirahan dito? Sigurado ka?" "Oo, bakit?" "Sige, pero sa isang kundisyon.." "Ano?"Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang
Alona's POV "Ipis! May ipisssss!"Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito."Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya."Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non. Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura."Aray! Ang sakit. Tang---""Ang OA mo!" Singh
Kenneth’s POV“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”Tatlong segundo muna sig
Alona's POV"Sasalang ka ba sa board exam at nagkalat ang pa seepel sa dingding ng bahay?"Paglabas ni Kenneth mula sa kwarto ay napansin na niya 'yong mga sandamakmak na papel na nagkalat sa dingding na idinikit ko. Habang abala kanina siya na pinapatulog si Cleo, kinuha ko naman ang pagkakatao na 'yon para simulan ang plano ko. Tignan natin kung hindi pa kumaripas ng takbo pauwi ng bahay nila ang mokong na 'to."Obviously, hindi." Nakakrus na usal ko. "Marunong ka naman sigurong magbasa, 'no? Nakapag-aral ka naman siguro kaya wala kang rason para hindi maintindihan ang mga nilagay ko diyan." Pinanood ko siya habang isa-isang binabasa ang mga dinikit kong papel sa dingding. Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang mga pinaglalagay ko nang sa ganoon ay magtagumpay ako sa plano kong palayasin siya. Hindi ako makakapayag na magtagal ang mokong na 'to sa bahay ko."Ano 'to?" Tanong niya habang nakaduro sa mga dinikit kong papel sa dingding."'Yan ang gusto mo, 'di ba? RULES!" Pagdidiin ko p
CHAPTER 8: Dark Plan"I don't think that's a good idea, Kenneth." Mababasa sa mukha ni Rhaiven ang takot at pag-aalala matapos kong ipaalam sa kanya ang plano ko.Napahinto ako sa pagsasaayos sa maletang dadalhin ko sa bahay ni Mahana. Nakapagdecide na ako na doon tumira para mabilis ko silang mapaamo ni Cleo. Wala naman akong nakikitang ibang paraan kundi ang mapalapit sa kanilang dalawa. Mas mapapadali kong makuha ang lahat kapag hawak ko sila."Pre, nagiging praktikal lang ako." Sagot ko. Napakunot-noo siya. Naroon siya sa upuan malapit sa study table ko. "Anong praktikal? Saan ang praktikal doon, Kenneth? You're going to used them para lang sa kagustuhan mo. At hindi ka ba natatakot na baka mas lalong magalit si Alona sa'yo?"Naupo ako sa dulo ng kama at hinarap siya. "This is for Cleo's and the company's future. Walang iba na makakapag patakbo ng maayos sa negosyo na 'yon kundi ako lang."Napailing-iling siya. "Kenneth, just think the consequences you'll going to face incas
ALONA'S POV "Aalis ka o sisipain kita?" Para akong tigreng galit na galit habang nakapameywang na nakaharap kay Kenneth na naroon sa sofa, nakadekwatrong nakaupo matapos ayusin ang kanyang mga maleta sa gilid. "O." Pilyong sagot nito kaya lalong umusok ang ilong ko sa galit. Tuwang-tuwa naman siya sa itsura ko kaysa matakot sa akin. Palibhasa gustong-gusto niya na inaasar ako noon pa man. "Anak ng....tumayo ka nga dyan at iuwi mo 'yang mga gamit mo." Singhal ko rito, humakbang ako palapit sa pwesto ni Kenneth. Taas-kilay ko itong tinitigan na sinamahan ko ng pagkrus ng braso sa dibdib ko. "Bingi ka ba? Dito na nga 'ko titira para incase hanapin ako ni Cleo ay hindi ko na kailangan byumahe pa ng malayo. Tsaka, ayaw mo ba na nandito ako?" "At nagtanong ka pa talaga. Psh!" Pagsusungit ko. "Aguy! Hindi naman ako magpapasaway dito e. Titira ako dito para matulungan kita sa pag-aalaga dyan kay Cleo." Depensa niya saka ngumiti pa ng ngiting-aso. Inirapan ko siya at hindi ko magawang