LOGINAng kuwento ay umiikot sa isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang warehouse helper sa isang kumpanya. Tahimik ang kanyang buhay hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang ina at mangailangan ng agarang operasyon. Dahil kapos sa pera, napilitan siyang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Labag man sa kalooban niya ay pumasok siya bilang Escort sa isang bar. Dito niya nakilala ang isang lalaki, handa siyang tulungan nito kapalit na kailangan niya rin itong tulungan dahil kailangan ng lalaki na may babaeng ipapakilala sa magulang niya bilang fiancee. Dahil kailangan daw munang maikasal ng lalake bago nito makuha ang mana mula sa magulang niya. Laking gulat ng pamilya ng lalaki nang malaman nila kung sino ang babaeng napiling pakasalan ng kanilang anak. Nadiskubre nilang ang babae ay biological daughter ng kanilang matagal nang karibal sa negosyo. Nalaman nilang pinaampon ang babae noong bata pa siya upang maitago ang kanyang tunay na identity at mailayo sa magulong mundo ng kapangyarihan at yaman. Nakita ng pamilya ng lalaki ang pagkakataon na gamitin ang babae laban sa kanilang karibal sa negosyo. Pinlano nilang ituloy ang kasal bilang bahagi ng kanilang corporate strategy, para mapabagsak ang pamilya ng babae. Habang tumatagal, ang dating kontrata ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Dalawang araw bago ang kasal, nalaman ng babae ang kanyang tunay na identity. Iniisip niya kung itutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng kasinungalingan, o talikuran ang lahat upang protektahan ang sarili niya. Nang malaman ng lalaki ang tunay na plano ng kanyang mga magulang, tumutol siya rito. Handa siyang talikuran ang mana at labanan ang sariling pamilya para sa babaeng minahal niya. Sa gitna ng corporate rivalry, family politics, at personal betrayal, kailangang magdesisyon ang dalawa kung ang kanilang pagmamahalan ay sapat upang lampasan ang mga lihim at interes na bumabalot sa kanilang relasyon.
View MoreCyanne’s POV
“Kailangan na agad ma operahan ng nanay mo, dahil kung hindi ay mas lalo lang lulubha ang kanyang kalagayan. Hindi biro ang sakit ng nanay mo kaya kailangan niyo itong ma agapan”
“Magkano ho ba ang kailangan para maoperahan na po ang nanay ko?” naiiyak kong tanong, halos mawala ang boses ko sa kaba at takot.
“Hindi ko pa masabi ang eksaktong halaga,” mahinahon niyang sagot. “Bukod sa operasyon, may doctor’s f*e pa, mga gamot, at hiwalay ang bayad sa kwarto na gagamitin ng nanay mo.”
Maingat na nagbuntong-hininga ang doktor bago tumingin sa hawak niyang papel.
“Hindi ko pa masasabi ang eksaktong total na halaga,” paliwanag niya. “Pero base sa kondisyon ng nanay mo at sa magiging procedure, posibleng umabot ito ng mga isa hanggang dalawang milyon. Bukod pa riyan ang doctor’s f*e, mga gamot, at hiwalay pa ang bayad sa kwarto.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera?
Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa gilid ng mesa para hindi matumba.
“Ganoon po ba…” mahina kong bulong, nanginginig ang boses.
Naalala ko si Mama, mahina pero pilit na ngumiti sa akin kanina. Siya lang ang meron ako. Siya lang ang pamilya ko.
Hindi ko siya pwedeng mawala. Kahit ano pa ang kailangan kong gawin.
Tahimik ang hallway ng ospital, pero para sa akin, parang napakaingay ng lahat. Ang tunog ng mga hakbang, ang mahinang usapan ng mga nurse, ang tuloy-tuloy na pag-beep ng mga makina lahat iyon parang dumadagdag sa bigat ng dibdib ko.
Umupo ako sa malamig na bangko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala roon, hawak ang cellphone na parang may hinihintay na himala.
Isang milyon. Dalawang milyon. Kahit mag-ipon ako ng buong buhay ko, hindi ko pa rin maaabot iyon.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Mama. Nakita ko siyang nakahiga, mahina pero payapa ang itsura. Nang mapansin niya ako, pilit siyang ngumiti at kumaway.
“Anak, kumain ka na ba?” mahina niyang tanong.
Tumango ako kahit hindi totoo.Hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Hindi ko kayang sabihin na hindi ko alam kung saan kukuha ng pambayad ng operasyon niya.
Lumipas ang ilang oras, hanggang sa dumating ang kaibigan kong si Lexie, ang matalik kong kaibigan mula pa sa trabaho. May dala siyang kape at sandwich, pero mas mabigat ang itsura ng mukha niya.
“Kamusta? Kinausap ka na ng doktor?” tanong niya.
Tumango ako at agad tumulo ang luha ko.
“One to two million daw… hindi pa kasama lahat,” bulong ko.
Napamura siya sa ilalim ng hininga.
“Grabe… ang laki.”
“Lex di ba natry mo na mag escort? Magkano ba kitaan doon?” Nag aalinlangan kong tanong
“50,000 sa isang gabi, minsan higit pa depende sa magiging clients mo. Bakit gusto mo ba itry?”
“Wala na kasi ako ibang naiisip na sideline na mabilis ako makakaipon ng pang opera ni Mama. Ano ba kadalasan mga clients niyo?”
“High-end clients. Safe naman. Walang pilitan, ikaw pa rin ang may control. Pero… alam mo na, mas malaking ang kikitain mo kung papayag ka sa mga gusto nila”
Parang tumigil ang mundo ko.
“Escort,” bumulong ako sa sarili. Parang isang salita na dati’y kinatatakutan ko, pero ngayon ay parang ilaw sa gitna ng kadiliman.
Pinikit ko ang mata at nagdasal. “Panginoon… sana may paraan. Sana hindi ko na kailangan gawin ito…”
Ngunit alam ko sa sarili ko ang katotohanan: walang magic. Walang pera na kusang lalabas mula sa hangin. Kung gusto kong gumaling si Mama, kailangan kong gumawa ng bagay na dati ay hindi ko maisip.
“Hindi kita pipilitin,” sabi ni Lexie, bahagyang nanginginig ang boses niya. “Pero isipin mo, kung hindi mo susubukan ito… baka ma-delay ang operasyon ni Tita. Ito lang din ang naiisip kong paraan para kumita ka agad. Pero sa huli… ikaw pa rin ang may desisyon.”
Tumigil ang oras sa loob ng utak ko. Iniikot-ikot ko ang mga daliri, pilit inaayos ang mga iniisip ko. “Pwede ba talaga… kaya ko ba?” Tanong ko sa sarili.
Naalala ko si Mama, mahina pero nagtitiyaga, nakahiga sa hospital bed, nakangiti pa rin sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.
“Kung hindi ko gagawin ito… baka hindi siya gumaling,” bulong ko.Ngunit takot pa rin ang bumabalot sa akin. Takot sa mundo na hindi ko kilala, takot sa sarili kong hangganan, takot sa kung paano ko haharapin ang bago at madilim na mundong ito.
Napatingin ako sa malayo, sa sikat ng araw na sumasalamin sa mga bintana ng ospital. Huminga ako ng malalim, at sa puso ko, may halo ng luha, hiya, at determinasyon.
“Sige… susubukan ko,” bulong ko, halos hindi marinig.
“Sige… kung talagang nakapag desisyon ka na,” sabi ni Lexie, tumitig sa akin nang matagal. “Ite-text ko sa’yo ang lahat ng details para handa ka pagpunta mo sa bar. Huwag kang mag-alala hindi kita iiwan doon. Sasamahan kita.”
Huminga ako ng malalim, sinusubukan pakalmahin ang nanginginig kong mga kamay. Agad din naman nag paalam sa’kin si Lexie na mauuna na siya dahil may lakad pa daw siya.
Nakatitig ako sa pintuan ng kwarto ni Mama, ramdam ang kaba, takot, at kakaibang pangungulila.
Para bang bigla akong nalagay sa isang mundo na puno ng dilim at uncertainty, at ang tanging liwanag ay ang pangakong ginagawa ko ito para sa nanay ko.
Huminga ako ng malalim, pinilit kontrolin ang sarili.
“Kaya ko ito… kailangan ko lang…” bulong ko, halos naiiyak sa pangungulila at takot.
Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal
Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu
Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap
Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind
Ethan’s POVI didn’t expect my day to go like this. One minute, we’re just grabbing coffee after class, and the next… Tiffany collapses in front of me.“Tiff!” I shouted, catching her before she hit the floor. Her body was trembling, her grip weak. “Hey, look at me! You’re okay, I got you,” I said,
Scarlett’s POVMagdamag akong hindi umalis sa ospital.Tahimik ang kwarto.May steady rhythm ng heart monitor.May amoy ng antiseptic sa hangin.Stable na siya.Head trauma. Fractured rib.Walang internal bleeding.Pero hindi pa rin ako mapakali.Bandang madaling araw, gumalaw siya.Unti-unting imi
Cyanne’s POVPagpasok ko sa kwarto… napahinto ako.Maayos.Hindi lang basta maayos kundi perpekto.Walang kahit isang alikabok sa ibabaw ng mesa.Maayos ang kama, plantsado ang bedsheets, parang hindi ito kwarto na matagal nang walang nakatira.Parang… may naghihintay.Dahan-dahan akong naglakad pa
Cyanne’s POVHindi ako aalis dahil galit ako.Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama, nakatitig sa malamlam na ilaw ng kwarto.Dalawang araw bago ang kasal.Dalawang araw bago ko tuluyang itali ang buhay ko kay Javier.Doon ko pa nalaman ang tunay na pagkata
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore