Mag-log inIn a terrible tragedy, Alona did not expect to meet Kenneth again, the man she fell in love with a year ago. A big responsibility will be given to both of them where they will take care of a child and become its parents. Will Alona be able to avoid the playful whip of fate on them or will she let fate make a way to resume her love with Kenneth that was cut off due to a delusion. Did she survive co-parenting with a playboy?
view more"Biglaan itong nangyari kina Benj at Krisha kaya nakakaawa ang kalagayan ng naiwan nilang anak. Kaya napagdesisyunan namin na ibigay ang tiwala sa mga matalik na kaibigan nila upang akuhin iyong responsibilidad na kanilang iniwan."
Mangiyak-iyak ako dahil sa nangyari kina Benj at Krisha na parehas konh matalik na kaibigan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na halos matanggap na naiwan ng mag-isa ang kanilang anak na walang kaalam-alam sa nangyari. Hindi halos magsink-in sa utak ko ang napala ng dalawa matapos ang malagim na aksidente na kanilang kinahantungan. "Buong puso ko po na tinatanggap si Cleo, aakuhin ko po ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya. Hindi ibang tao si Cleo sa akin kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya." Napatingin ako sa batang babae na naroon sa sofa, naglalaro sa barbie nitong hawak habang abala kami ni Attorney na pinag-uusapan ang tungkol sa pang-ampon ko kay Cleo. Mukhang alam na nina Benj at Krisha na may mangyayari sa kanila kaya naman nakapagtataka at gumawa sila ng last will and testament bago pa man nangyari ang aksidente. "Sige, gagawin natin ang proseso as soon as possible pero kinakailangan nating hintayin iyong makakasama mo sa paggabay sa pagpapalaki kay Cleo." Tugon ni Attorney na ikinatigil halos ng paghinga ko. Napakunot-noo ako. "Ano pong ibig niyong sabihin, Attorney?" Hindi kaagad sumagot si Attorney na nasa harapan ko datapwat ay may kinuha siya sa kanyang drawer na isang puting folder at pinanood ko na buklatin niya ito. "Ayon dito sa last will and testament ng mag-asawa, incase na may mangyaring masama sa kanila at maiwan ang kanilang anak, ipinagkakatiwala nila si Cleo sa malapit nilang mga kaibigan na sina Alona Cyses Medina at Kenneth Salvador.." Hindi ko halos narinig pa ang iba pang sinabi ni Attorney matapos marinig ang pangalan na matagal ko ng kinalimutan. Apat na taon mahigit siguro na kinalimutan ko ang lalaki na 'yon tapos ngayon, malalaman ko na ito ang makakasama ko sa pag-aalaga kay Cleo? No way! "Para isahang diskusyon na lamang ang mangyayari, inimbitahan ko na si Mr. Salvador para pag-usapan ang co-parenting niyo kay Cleo." Tugon ni Attorney na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Sa dinami-dami ng makakasama ko na natatayong magulang kay Cleo, bakit si Kenneth pa? Bakit 'yong lalaki na nagbigay ng trauma sa akin four years ago pa ang napili nina Krisha at Benj? Sa dami ng tropa ni Benj, bakit iyong kumag pa ang pinagkatiwalaan niya? Shit! Parang gusto ko nalang na magback out knowing na si Kenneth iyong makakasama ko para magpalaki kay Cleo. "Sorry, Attorney, I'm late, rush hour kasi e." Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig muli ang tinig na matagal ko ng kinalimutan. Napako ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay naligo na ako sa sarili kong pawis dahil sa kaba na aking nararamdaman. Side-eye ang ginawa kong pagtitig sa kanya nang makipagkamay siya kay Attorney. Pagkatapos ay naupo siya sa tapat ko kung saan nakaharap kami kay Attorney na mukhang nasiyahan dahil dumating na 'yong tao na kanina pa namin hinihintay. "So, let's start?" Hindi ko magawang lumingon sa gawi ni Kenneth na noon ay presentableng nakaharap kay Attorney. Kahit na ganon, kitang-kita ko siya sa peripheral vision ko. Kagaya pa rin siya ng dati, malakas ang dating ng porma. Magaling pumili ng isusuot at talagang nakakalaglag ng panty sa kagwapuhan nitong taglay. "Bago pala tayo magsimula, Alona, this is Mr. Kenneth Salvador ang matalik na kaibigan ni Benj," idinuro siya ni Attorney at nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko ba siya upang makipag-approach o hindi. Sa hiya na masabihan ng bastos, napalunok ako bago tuluyang humarap ng pormal. Nilabanan ko ang titig niya sa akin, talagang ginawa ko ang lahat para ipakita sa kumag na 'to na wala ng epekto ang presensya niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya kahit labag iyon sa kalooban ko. "-Mr. Salvador, this is Alona, ang matalik na kaibigan ni Krisha." Pagpapakilala naman ni Attorney sa akin. Si Kenneth ang naglapag ng kamay upang makipagshakehands sa akin. Napatitig siya sa kamay niya na nag-aantay na tugunin ko. Wala pa rin nagbago sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko mawari kung natutuwa ba si Kenneth sa akin o hindi. Shit! Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari. Para hindi maging awkward ang pagitan namim, tinanggap ko ang kamay nito at nakipagshakehands. Ako ang unang kumalas ron at nagpatay malisya pagkatapos. Itinapon ko ang atensyon kay Attorney pero parang may humihigop sa akin na pagnakawan ng tingin si Kenneth. Takte! Bakit sa gantong sitwasyon pa kami nagkita ulit? "I'm hoping that your co-parenting to Cleo is going to be fine, Mr. Salvador and Miss Medina." Tugon ni Attorney matapos iyong mga diskusyon nito na hindi ko na halos naintindihan dahil mas nangibabaw ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa presensya ni Kenneth. Anong fine? Ngayon na nalaman ko na siya ang makakasama ko sa paggabay kay Cleo ay sumasabog na sa kaba ang puso ko. Gusto komg humindi sa responsibilidad na ito na kasama ang kumag na si Kenneth. Pero, may isa siyang salita sa matalik nitong kaibigan na si Krisha, baka multuhin niya ako kapag hindi ko ginampanan ng maayos ang hiling niya sa kanya. Duwag pa naman ako kapag usapang multo na. Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Krisha. Paano ko kaya makakayang alagaan si Cleo na kasama si Kenneth? Anong buhay ang naghihintay sa akin? Anong mapapala ko sa responsibilidad na 'to na kasama ang lalaking nanakit at kinalimutan ko na? How can I survive to my co-parenting with that fucking Playboy?Kenneth' POV"Fuck that woman!" Iritadong singhal ko matapos itungga ang isang bote ng alak. "She keeps throwing accusations at me—it’s getting on my nerves."After ng meeting na 'yon with Attorney Robles ay napagdesisyunan ko munang lumayo kay Alona dahil mainit pa ang tensyon sa pagitan namin dalawa. Umuwi muna sila ni Cleo sa bahay niya habang ako ay kasama ko ngayon ang mga one call away kong mga kaibigan dito mismo sa condo ko. Inilabas ko na ang sama ng loob ko sa kanila about sa nangyari kanina. Gusto ko rin ng makakausap ngayon."Tumama naman sya ah," Rhaiven commented, Nakangisi pa ang loko. Sina Luis at Chris naman ay natawa na lang sa sinabi nito.Pinagtaasan ko sya ng kilay pero hindi manlang sya natakot. "Its not funny, Rhai."Umayos siya ng upo saka humarap sa akin. "Sa tagal mong naging girlfriend si Alona, sa tingin mo ba hindi nya kabisado kapag ganyan na may tinatago ka? Nagsisinungaling ka pa lang, buking ka na nya. Kung ako sayo, tigilan mo na 'yan. Gawin mo na an
Alona's POV"Please be honest to me, Alona, Kenneth, does anyone of you know about Alex?"Nagpalipat-lipat ng tingin si Attorney Robles sa amin ni Kenneth matapos niyang itanong ang bagay na 'yon sa amin. Nagkatinginan muna kami ni Kenneth bago kami sabay na umiling at nagkibit balikat. Inalala ko ang bawat segundo at minuto na magkasama kami ni Krissha kung may naipapakilala ba syang Alex sa akin noon pero sa kaibutiran ng isip ko ay wala talaga akong maalala. Kaming dalawa lang ang magkasanggang dikit noon kaya hindi pamilyar sa akin ang pangalan na Alex. "Si Alex ang huling nakausap ni Benj sa selpon niya and nadiskubre rin ng mga pulis na may huling messages na ipinadala ang lalaki na 'yon sa mga kaibigan nyo bago ang insidente.." Inilapag ni Attorney Robles ang selpon nina Benj at Krissha sa may table dahilan para kunin ko ito at suriin. Nakita ko ang sinasabi ni Attorney na mga palitan ng mensahe pero hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila."Do you mean, possible na hindi
Kenneth's POV"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina." Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako."Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukh
"Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko.Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat.Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang maki












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu