MasukAshanti’s POV
Nakatingin ako sa cheesecake na nasa harapan ko, I got a spoon to taste it and Dami did the same. I almost finished half of it hanggang kinuha ni Isco ang plato kung nasaan ang cheesecake. Masama akong tumingin sa kanya at pilit na inaabot ang plato. “Tumigil ka na, Isco! Ibalik mo na yan sa table,” saad ko kay Isco.
“Gustong-gusto mo naman yung bigay ng lalaking yun,” Isco blurted out at binalik ang plato sa lamesa. Kumuha siya ng kutsara at tinikman ang natitirang cheesecake sa plato, “Ah! Masarap naman pala ito.”
“Bakit kaya niya dinagdagan ang order natin?” tanong ni Dami habang inuubos ang kanyang kape.
“Baka may palibre talaga sina kuya Jordan ngayon,” sagot ko naman at hindi binigyan ng kung ano mang kahulugan ang ginawa ng bagong barista na yun. “Ubusin na natin to para maka-alis na tayo,” dagdag ko pa kasi may kailangan pa akong gawin sa office.
“Babalik ka sa office?” tanong ni Dami at binaba ang tasa sa lamesa.
“May kailangan pa kasi akong tapusin na report eh,” sagot ko at tumayo mula sa aking upuan. “Tara na!” sabi ko at tumingin sa counter kung nasaan ang bagong barista. Hindi pa pala kami nakakapag-pasalamat sa kanya para sa cheesecake na nilibre niya samin.
Naisipan kong pumunta sa counter para kausapin siya pero napahinto ako nang may humawak sa braso ko. Napalingon ako sa humawak sa braso ko at si Isco lang pala ito. “Saan ka pupunta, Ash? Bibili ka ulit ng kape?” tanong niya kaya mabilis akong umiling at tinuro ang pinto ng cafe.
“Tara na,” akit ko sa kanila at nauna nang maglakad papunta sa pintuan ng cafe.
Lumabas kami ng cafe at nagpaalam na ako sa kanila kasi kailangan ko pang bumalik sa office. Nag-stay ako sa office hanggang 7 pm at natapos ko ang report na pinapatapos sa akin ni ma’am Josephine. Gabi na nang makauwi ako sa bahay namin at nakita ko agad si mama na naghahanda ng pagkain namin sa lamesa.
“Tamang-tama ang dating mo Ash, kumain na tayo,” sabi ni mama at tinawag si kuya Ford mula sa kanyang kwarto.
“Oh Ash, balita ko eh ibabalik na daw ang mga relief goods na tinago ng munisipyo.” Pumasok mula sa labas si papa kaya nagmano ako sa kanya. Nauna siyang umupo sa lamesa kaya umupo na rin ako sa katabi niya. “Sa wakas at nag bunga na din ang protesta nyo sa kanila,” dagdag pa ni papa at nag sandok ng kanin at nilagay sa kanyang plato.
“Kaya nga po, halos one week din kaming nag protesta para pakinggan ni mayor,” sagot ko at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.
Dumating na din sa kusina sina mama at kuya Ford kaya sabay-sabay na kaming nag gabihan. Ilang days na ang lumipas at naging maganda ang results ng mga projects ng foundation kaya naging busy din ako ng ilang araw.
“Uuwi ka na, Ash?” Dami asked while waiting for me to finish putting my things in my bag. “Mag enjoy naman tayo. Ilang araw na tayong busy dito sa office,” dagdag niya pa at umupo sa aking swivel chair.
“Wala akong gana, sorry!” sagot ko at gusto ko na lang umuwi sa bahay. “Si Isco na lang akitin mo,” dagdag ko pa at kinuha ang bag ko mula sa lamesa.
“Fine! Ingat ka na lang,” sabi ni Dami at sumunod sa akin papunta sa elevator.
Nakalabas na kami ng building at naisipan ko na lang mag-lakad pauwi kasi malapit lang naman ang bahay namin. Habang nasa sidewalk ako ay may napansin akong tao na familiar sakin makakasalubong ko siya at alam kong nakita na niya ako. Napatingin na din siya sakin pero parang away niya akong makausap.
“Hi!” binati ko siya pero parang hindi niya ako narinig. “Di ba ikaw yung barista sa Pixel Brew?” dagdag ko na lang para makilala niya ako pero lalo siyang hindi tumingin sakin. Nakakahiya itong ginagawa ko, gusto ko na lang lumubog sa lupa. Tumalikod na ako para iwan siya kasi hindi naman pala siya approachable tulad ni kuya Russel kapag nagkita kami sa public. Siguro di pa rin ako familiar sa kanya kahit halos araw-araw na ako sa cafe nila.
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. “Ah, okay ka lang?” tanong ko sa kanya kasi hindi pa rin siya sumasagot sa akin.
“Do you know me? I mean you remember my face?” tanong niya sakin at ang seryoso ng mukha niya.
Hindi ba siya aware na sumikat lalo ang cafe ni kuya Jordan dahil sa kanya kasi nagkaroon daw ng poging barista ang Pixel Brew. “Oo, ikaw yung poging barista ng Pixel Brew,” sagot ko at hindi ko agad na-gets yung sinabi ko. Shocks! Sinabi kong pogi siya.
Nakita ko kung paano nag lighten ang mukha niya at bigla siyang ngumiti sakin. “I mean gusto ko lang na mag thank you kasi bet ko yung version mo ng caramel latte,” paliwanag ko.
Hindi nawala ang ngiti sa labi niya, “I am new here, can you tour me around?” tanong niya na ikina-bigla ko.
Gusto niyang samahan ko syang maglibot sa Benito Soliven? Bakit ako? Asan na yung mga kaibigan niya nung first time ko syang nakita dito? Sa dami kong tanong sa isipan ko eh hindi ko napansin na um-oo na pala ako.
“Great, it’s my treat so don’t worry about the expense,” sabi niya at in-offer ang kanyang kamay sakin. “I’m Timo!” pakilala niya sa sarili niya.
Mabilis kong tinanggap ang kamay niya at sinabing, “Ashanti pala.”
“I know!” maikling sagot niya at ngumiti ulit siya sakin.
Pogi talaga siya lalo na sa malapitan. Wait, kilala niya ako? Paano?
Time flies so fast at hindi ko namalayan na bagong taon na pala. Naging busy kami simula ng sumapit ang January dahil tinatapos na nina Timo ang gymnasium at na-adjust ang date kung kailan ito matatapos dahil nagpaplano na kami ng kasal namin. After ng celebration namin ng Christmas ay ikinasal sina Kuya Ford at Elizia sa QC. Dumating ang pamilya ni Elizia sa QC at ginanap ang kasal nila noong December 28. Hindi ko din alam kung bakit naging biglaan ang kasal nila pero narinig ko mula kina mama na ang reason behind that ay para maikasal kami ni Timo ngayong bagong taon.“You are spacing out again,” wika ni Timo na nasa tabi ko na pala. Pinuntahan ko siya sa site using the car that tita Janika gave me. Yes, naiuwi ko na sa Benito Soliven ang sports car niya na binigay sa akin.“Ang angas naman ng susundo sa akin,” wika pa ni Timo at lumakad papunta sa kabilang side ng sasakyan. He went inside the car and buckled his seatbelt on.“Tapos n
Naiwan ako sa kwarto kasama si Grandpa Edward kasi may gusto siyang ipakuha kay Timo sa may living room. While I was sitting on the couch near the window ay tinawag ako ni Grandpa Edward kaya lumapit ako sa kanya. “May kailangan po kayo?” tanong ko sa kanya as soon as I approached him.“Wala, iha! Gusto ko lang malaman mo na thankful ako at dumating ka sa buhay ni Timo,” wika niya sa akin at umayos siya ng pag upo sa kanyang kama. He tapped the space near him and said, “Upo ka!”Umupo ako doon kasi ramdam ko na may sasabihin siya sa akin. “Thank you din po kasi kayo ang unang tumanggap sa akin maski galing ako sa mahirap na pamilya,” sagot ko naman sa kanya at bigla siyang tumawa sa akin.“Wala sa akin ang estado sa buhay as long as mahal mo ang apo ako,” wika pa ni Grandpa Edward. “What I said earlier is real. I'm sick! Kaya bago sana ako mawala sa mundong ito ay bigyan niyo ako ng apo,” dagdag pa niya sa akin.We both went silent until
I was stunned when tita Janika welcomed us with a warm smile. She even hugged me, my Mom, and Elizia.“Oh my! Are you pregnant?” tanong ni tita Janika kay Elizia kasi halata na talaga ang baby bump niya.“Yes po!” sagot ni Elizia at alam ko na nahihiya siya kay tita Janika.“Excited na din ako sa magiging apo natin kina Ashanti at Timotheo,” wika pa ni tita Janika at nabigla ako sa sinabi niya.“Mom!” awat naman ni Timo sa kanyang mommy.“Maski ako ay excited na din,” sagot naman ni mama kaya napatingin ako sa kanya. “Tumatanda na kami at gusto naman namin makita ang mga magiging apo namin sa inyo,” dagdag pa ni mama.“You are right, kumare! Let's get inside,” wika naman ni tita Janika at nilapitan si mama. Pumasok kami sa loob ng mansion at bumungad sa amin si Manong Edward kaya lumapit ako sa kanya para mag-mano. He smiled at me and hugged me tightly. “I miss you, apo!” wika ni Manong Edward maski binisita namin siya
Holidays started at naging busy kami for the preparation of Christmas. Sumang-ayon na ang pamilya ko sa pag-merge ng celebration with the Yves family kaya sinamahan ko sila mamili ng mga damit para sa pagpunta namin sa mansion ng Yves sa QC. “Kaya mo bang lumakad pa?” tanong ko kay Elizia kasi halata na ang baby bump niya. “Baka pagod ka na?” tanong ko pa kasi nandito kami sa mall para bumili ng damit nila ni mama.“Oo, okay lang ako!” sagot naman ni Elizia at hinawakan siya ni mama sa braso.“Magsabi ka lang kung napapagod ka na,” wika naman ni mama kay Elizia.After namin mamili ng mga susuotin namin sa QC ay umuwi kami agad para makapagpahinga pa kami kasi mamayang gabi agad ang byahe namin. Umuwi ako sa apartment at wala pa doon si Timo kasi may lakad sila ng mga kaibigan niya.Nagbihis lang ako at humiga sa kama para magpahinga. Nagising na lang ako ng may humahalik sa labi ko kaya minulat ko ang mga mata ko. I saw Timo's face smili
Kinabukasan ay wala na kaming pasok kaya sinamahan ako ni Timo sa bahay para sabihin ang plano ni tita Janika. Nasa byahe pa lang kami ay sinabihan ko si Timo na mag stop sa isang store para bumili ng lechon manok. Nang may makita kami ay nag stop agad si Timo at hindi niya na ako pinalabas ng sasakyan kasi mainit.Pinanood ko siya sa may labas ng sasakyan at habang ginagawa ko yun ay may tumawag sa akin. I looked at my phone and saw Kuya Ford's name. Sinagot ko agad ito at baka may kailangan siya sa akin.“Oh, kuya! Napatawag ka,” wika ko after sagutin ang tawag niya.“Kailan uwi mo dito sa bahay?” tanong niya naman kasi hindi namin sinasabi sa kanila na uuwi kami ni Timo ngayon.“Hindi ko pa alam. Busy pa kasi kami sa foundation,” sagot ko kahit tapos na kami sa aming gawain.“Hindi pa ba tapos ang Christmas party niyo?” tanong niya pa at pinigilan kong tumawa.“Tapos na pero may kailangan pa kaming tapusin,” sagot ko naman sa
Days passed until the Christmas party of our foundation came. We were so busy at hindi ko na magawang asikasuhin si Timo and I was really lucky kasi naiintindihan niya ako. Pumasok ako ng 5 am para i-check ang mga supplies na ipapamigay namin. Pumunta na ako agad sa venue at nakita sina Isco and Dami.“Ang laki ng eyebags mo. Hindi ka ba natulog kagabi?” tanong ni Isco nang makalapit ako sa kanilang dalawa.“Sa sobrang excited ko, hindi ko na nagawa ng matulog!” sagot ko naman at binaba ang bag ko sa tabi ng mga gamit nila. “Same, girl!” wika naman ni Dami.“Nandito na ba ang lahat?” tanong ni ma'am Josephine na nasa likuran na pala namin. “If yes, please gather around!” wika niya kaya humarap kami sa kanya.All the workers of the foundation were present kaya sinimulan ni ma'am Josephine ang araw na ito with a prayer. We hoped we could bring joy to everyone at ma-appreciate nila itong ginagawa namin para sa kanila. After the prayer we ha
“Ikaw! Kung anu-anong binibiro mo,” wika ko kay Timo habang nakaharap kami kina mama at papa. Ngumiti ako kay Timo at pilit siyang sinesenyasan na bawiin ang sinabi niya. “Bawiin mo,” bulong ko sa kanya.“Bawiin ang alin?” tanong ni Timo at mukha siyang naguguluhan sa sinabi ko.
“Anong sabi mo?” tanong ko kay Timo kahit na narinig ko naman nang maayos ang sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro na tama ang narinig ko mula sa kanya.“I said, liligawan kita!” sagot ni Timo at wala kang makikitang kahit ano sa mukha niya. “Joke ba to?” tanong ko maski alam kong hindi siya nagb
“Hintayin na lang kita sa may labas Ash,” wika ni Dami at tuluyan na niya akong iniwan kay Timo.Tumingin ako kay Timo at kinuha sa kamay niya ang inorder kong kape at sinabing, “Thank you!” Lalakad na sana ako paalis sa harapan niya nang pigilan niya ako.“Are you going home now?” tanong ni Timo.
Ashanti's POV“Alam mo, wala akong maisip na reason kung bakit siya naging cold sa akin,” sabi ko kay Dami habang nasa loob kami ng Pixel Brew.Nagkasundo kami na magkita muna kasi bukas na ang simula ng aming livelihood program. Hindi na namin na-invite si Isco kasi busy siya s



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



