Chapter 66: Sasama Ako SayoSa pagkakataong ito, ibinuhos na talaga ni Daisy ang lahat ng lakas niya!Habang si Kent James naman, na kanina lang ay sobrang yabang, ay bigla na lang napayuko, na parang hipon na naluto sa sarili niyang init.Galit siya at dahil sa pag kapahiya sa kanya ni Daisy, kaya pinagdiinan niya ang mga ngipin niya habang nakatingin kay Daisy.Si Daisy naman, dali-daling bumaba mula sa mesa, at umupo sa isang sulok at niyakap ang kanyang sarili. Halatang takot na takot siya, at nanginginig pa ang boses niya.“W-wag kang lumapit sakin! Umalis ka dito!” nanginginig ang boses na taboy niya kay Kent James.“Daisy, hindi ko….” naputol ang sasabihin sana ni Kent. Napatigil siya, at doon niya lang naalala…na muntik nang ma-rape noon si Daisy ng isang taong kilala nila.Muling bumulwak ang galit sa dibdib niya, kaya sinipa niya ang upuan sa tabi niya. Pero dahil sa galit niya, nadali rin niya pati ang sarili niyang katawan kaya napangiwi siya sa sakit.Mariing hinablot ni
Kabanata 67 — Are you awake?Alam na alam ni Kent James kung paano haharapin ang sitwasyon. Hinding-hindi niya hahayaang na apihin o saktan ang babaeng mahal niya.Kahit mahalaga ngayon si Daisy sa kanya, hindi niya kailanman bibigyan ito ng pagkakataon na maging sobrang mayabang.Agad niyang tinawagan ang marketing department para ayusin ang ilang plano, tapos buong oras niyang inukol ang oras niya kay Pearl.Alam ng ina ni Pearl na kailangan ng espasyo ng binata, at nang maka sigurado na walang mangyayari na masama sa anak niya, ay kusa na siyang umalis.Habang si Daisy, walang kaalam-alam sa lahat ng ito. Buong puso siyang nakatutok sa project na hawak niya. Ilang taon na rin siyang hindi nakapagtrabaho ng propesyonal. Kaya nang makabalik siya sa trabaho, narealize niyang mas madali pala ang pumasok kaysa maging full-time housewife. Lalo na dahil ito ang field na expertise niya, at dito siya magaling.Hindi nagtagal, nakakita siya ng butas sa project at agad niya itong inayos.Sob
Kabanata 66 - ForceHindi naman talaga nakikita ni Mrs Vasquez ang pinagdaanan ng anak niyang si Pearl, puro yung puso niya sa anak niyang lalaki. Para sa kanya, ang anak niyang lalaki ang pinakamahalaga, at ang anak niya na babae parang hindi naman mahalaga, kaya natural lang na balewala sa kanya ang paghihirap ni Pearl.Pagkakita ni Mrs. Vasquez kay Pearl na umiiyak at garapal ang lungkot, agad nag-init ang ulo niya at sinabi ng diretso, sa anak na may halong pangungutya:“Sabihin mo nga, Ikaw ba ang may kasalanan kung bakit umalis si Kent? Ngayon, bakit siya napunta sa tabi ng ibang babae? Ano ba talaga ang ginawa mo? Hindi mo man lang ba maprotektahan ang kapatid mo, karapat-daan ka ba talaga na maging kapatid niya?”Sa mga nakaraang araw, halos araw-araw na pinagbubugbog ang damdamin ni Pearl. Pinupunit-punit siya sa mga bagay na hindi nakikita ng iba, pinapahiya, pinaparatangan at sinisisi. Noon, lagi si Kent ang nasa isip niya, halos araw-araw silang magkasama, pero ngayon, ram
Kabanata 65 – A PromiseSi Daisy ang may pinakamalaking shareholder ng kumpanya. Hindi niya kailangan ng approval ng kahit sino para makabalik sa trabaho. Kung dati, baka iniisip pa niya kung ano ang opinyon ni Kent James Hernandez, pero ngayon, para sa kanya, nonsense na ang lahat ng iniisip ng lalaking ‘yon!“What?!” Kanina, si Kent ang pinupuntirya ng lahat, pero ngayong narinig nila ang sinabi ni Daisy, biglang siya naman ang naging target. Hindi kasi nila matanggap na ang isang babaeng wala namang background sa business ay basta-basta na lang makakapasok sa kumpanya. Kahit pa simpleng empleyado lang, para sa kanila, hindi iyon katanggap-tanggap.“Mrs. Hernandez, mas mabuti siguro kung manatili ka na lang sa bahay niya. Maglaba, magluto, at kung ano pa ang gawaing bahay yun ang bagay sa’yo.”“Wala ka namang alam sa negosyo. Hindi ba’t lalo mo lang patatagalin ang problema? Wala na ngang ayos ang sitwasyon ng kumpanya, tapos dadagdag ka pa?” Reklamo ng ibang shareholder kay Daisy,
Kabanata 64 — Ang Pagsikat ng Bagong DaisyPinili ni Daisy ang kotse na pinaka-type niya sa garahe. Pag-upo niya sa loob, at ramdam niya ang malaking kaibahan niya ngayon kaysa noon. Napamura siya sa sarili habang pinipisil ang manibela.“Bwisit! Anong klase ng hirap ba ‘ang tiniis ko dati?” bulong niya sa sarili.Agad siyang nagmaneho papunta sa harap ng Hernandez Group Building. Noon, imposible para sa kanya ang makapasok dito. Pero ngayon, dala niya ang sasakyan ni Kent James mismo, at wala ni isang guwardiya ang naglakas-loob na harangin siya. Sa halip, nakasaludo pa ang mga ito na para bang boss din siya.Napangiti si Daisy. Noon lang niya tunay na naintindihan. ang dignidad, hindi hinihingi kundi sarili mong ibinibigay sa sarili mo.Na-realize din niya na kaya siya tinitingnan ng mababa ng ibang tao noon ay dahil hinayaan niya. Masyado siyang mabait at mahina, kaya hindi nila nakita ang totoong halaga niya ng pagiging “Mrs. Hernandez.”Pero ngayon, iba na. Wala na si Kent James
Kabanata 63 — ChildishHabang nasa banyo si Daisy, narinig niya ang yabag ng sapatos at ang tunog ng kotse na papalayo. Nagbago ang mukha niya na may halong lungkot at ginhawa. Sa totoo lang, hindi niya akalaing darating ang araw na tatakutin at tatanggihan niya pa ang pagdampi ng taong minsang pinakamalapit sa kanya. Naabot na nila ‘yon, at hindi niya maintindihan kung bakit napakabigat ng loob niya ngayon. Napa-ngisi siya, at napuno ng dilim ang mukha.Pagkatapos niyang maglinis, ay sumaklob na siya sa kama at para bang ito ang unang beses sa matagal na panahon, na makaka tulog siya. Nagpasya siyang kumain ng maayos, matulog nang maayos at mag-ipon ng lakas para sa Sydney. Para sa mga huling salita na binigkas niya noon, para maging karapat-dapat sa alaala ng anak niya.Tuwing iniisip niya si Sydney, kumikirot ang dibdib niya. Ito ang bahay kung saan kasama niya ang anak niya sa maraming taon. Kahit na pinunasan niya ang mga bakas ng pag-iyak at alaala bago umalis, tila ba nandyan p