Chapter: Kabanata 7Kabanata 7: OperasyonMagulo ang buong ospital dahil kay Sydney, pero si Daisy ay tila nawalan ng ulirat. Para bang ang naririnig na lang niya ay mga yabag at sigawan. Wala na siyang makita o marinig nang maayos.“Ma’am Daisy? Ayos lang po ba kayo?” tanong ng doctor at Iwinagayway ang kamay sa harap niya.Saka lang siya natauhan at tumingin sa doktor. Biglang bumalik ang kanyang ulirat“Kumusta na ang anak ko?” kinakabahan na tanong niya sa doctor ng anak niya.“Sa ngayon ay stable siya, pero bigla pong lumala ang kondisyon niya. Mas lalo po naging delikado ang kanyang sitwasyon at kailangan muna niyang manatili sa ICU. Kapag naging maayos na ang vital signs niya, doon pa lang natin malalaman kung pwede siyang operahan.” sagot ng doctor sa kanya.“Ms, Hernandez sa kalagayan ng bata ngayon, ang operasyon…” Hindi na ipinagpatuloy ng doktor ang sasabihin, pero alam na ni Daisy ang ibig sabihin— na baka wala na ring saysay ang operasyon at baka lalo lang pahirapan ang bata.Pero hindi niy
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 6Chapter 6"Ah Kent, dahil gusto kang kausapin ni Daisy, makipag-usap ka na lang ng mahinahon.""Huwag kang gumawa ng eksena sa harap ng bata." Hinila ni Pearl ang sulok ng labi ni Kent, habang may nakatagong hinanakit sa kanyang mga mata, ngunit sinubukan pa rin niyang magpakita ng pagiging mahinahon.Nakita iyon ni Kent at hindi niya nagustuhan, ngunit tumango pa rin siya at lumingon palayo.Hindi naman maalala ni Daisy kung gaano na katagal mula nang magkasama silang dalawa ni Kent nang ganito. Sandali siyang natigilan, at hindi niya alam kung paano magsisimula ang kanilang usapan."Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" halatang wala nang pasensya si Kent sa kanya."Dinadala mo ang anak mo sa ganitong lugar para lang manggulo, iniisip mo pa ba kung paano ka maging isang ina?" Naramdaman ni Kent ang matinding pagkainis sa pag-iisip na gagawin ni Daisy ang lahat ng ito, na kahit ang sariling anak ay gamitin nito, para lang makuha siya."Pinangako mo sa akin na sasamahan mo si Sydne
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Kabanata 5CHAPTER 5“Ubo… ubo…” Umubo pa nang ilang beses si Sydney. Ngayon, sobrang lakas na ng ubo niya kaya hindi na siya nakatayo pa. Bumagsak siya sa sahig, at kasabay ng tunog na “plak,” sumuka siya ng dugo.“Sydney!” nanginginig ang boses ni Daisy at dali-daling lumapit sa anak niya.Pulang-pula na ang mukha ni Sydney pero ang mga labi niya ay sobrang putla.“Okay lang ako, mommy…” mahinang sabi ni Sydney. Agad naman siyang binuhat ni Daisy.“Dadalhin kita sa ospital,” sabi niya habang nagmamadali. Mahigpit na humawak si Sydney sa ina gamit ang maliliit niyang kamay habang pulang pula ang mata ng ina. Nagmamadaling pumunta si Daisy sa ospital. Pagkatapos kuhanan ng dugo si Sydney para sa blood test, naghintay siya sa labas para sa resulta.“Mom… galit ba sa akin si Dad?” Mahina ang boses na tanong ni Sydney, parang doon lang lumabas ang tunay niyang nararamdaman. Sa sandaling narinig iyon ni Daisy, hindi siya agad nakasagot. Gusto niyang sabihin sa anak niya, naHindi.Hindi ikaw ang ki
Last Updated: 2025-04-19
Chapter: Kabanata 4CHAPTER 4Mukhang nakalimutan ng sekretarya ni Kent na i-block siya sa social media. Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Daisy, pero wala man lang bakas ng emosyon sa mukha niya. Yung diamond earrings na na-deliver kahapon, ngayon nasa kay Pearl na. Ang bilis niya talagang kumilos, nakakabilib. Tama nga naman, dahil si Pearl ang totoong mahal ni Kent.Napangiti na lang ng bahagya si Daisy ng papatayin na sana niya ang cellphone niya. Nang biglang may dumating na message.“Daisy babalik ako sa bansa after ten days.” Itim ang avatar ng sender, na may initials na ( jyc) Matagal na itong nasa contact list ni daisy pero anim na taon na silang walang komunikasyon. Biglang bumigat ang paghinga ni Daisy, tumahimik lang siya, at hindi na nag reply sa nagpadala ng mensahe sa kanya.Alas-kwatro medya noon. Katatapos lang ni Kent sa isang mabigat na meeting. Nakalimutan na niya si Sydney kaya kinailangan pa siyang paalalahanan ng kanyang sekretarya. Sumakay agad siya sa kanyang business car papun
Last Updated: 2025-04-19
Chapter: Kabanata 3Chapter 3"Kasi gusto ka po talaga ni Mommy. Kahit hindi mo po ako gusto daddy, pwede po bang mahalin nyo si mommy kahit konti lang?" Nakangiti na sabi ni Sydney sa ama."Pwede po ba na maging mabait kayo kay Mommy sa susunod?" Mahina lang ang boses niya, at nakatingin siya sa kanyang ama gamit ang malaki at madidilim niyang mata. Bahagya namang gumalaw ang mata ni Kent. Tama nga ang hinala niya. Alam niya na hindi lang para sa bata ang ginawa ni Daisy."Ito ba ang itinuro sa'yo ng mommy mo?" malamig ang tono na tanong ni Kent, at may halong mapanghamon na ngiti."Hindi po!" mabilis na umiling si Sydney, sa ama. At syempre, hindi naniniwala si Kent sa sinabi ng bata. Kaya Medyo nanlabo ang mata nito.Nararamdaman naman ni Sydney na parang napasama ang sinabi niya at nag iba ang mood ng kanyang ama, pero alam din niya sa sarili niya na katulad siya ng prinsesang sirena na hindi magtatagal ang buhay. Kahit sinasabi ng mommy niya na gagaling na siya, alam ni Sydney sa puso niya na malala
Last Updated: 2025-04-19
Chapter: Kabanata 2Chapter 2Tumingin si Kent sa kamay ni Pearl, at bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, halata na bumigat ang pakiramdam nito, bago ito nagsalita,"Isang buwan lang, Daisy, mas mabuti ng huwag kang mag isip ng panlinlang. Kapag may ibang plano yang isip mo, sisiguraduhin kong pag babayaran mo." Bahagyang akong ngumiti sa kanya."Sige. Basta handa kang samahan si Sydney, pakikipagtulungan ako sa lahat."“Hindi ba bilang ama ni Sydney, ay dapat lang na bigyan mo siya ng regalo sa kaarawan niya?" Mahinahong saad ko sa kanya.Nasa kandungan ko si Sydney, habang nasa byahe kami papunta sa bahay ni Kent."Mom, andun ba talaga si Daddy?" bahagyang nanginginig ang boses ni Sydney. Kahit pilit nitong pinipigilan ang nararamdaman, ay halata pa rin sa mga mata niya ang matinding pananabik na makita ang ama."Oo naman." Mahinang sabi ko at hinaplos ko ang likod niya. "Pero mommy, huwag mong sasabihin kay daddy na may sakit ako ha. Baka kasi malungkot siya." Aniya na nagliwanag ang mga
Last Updated: 2025-04-19