Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
View More“Ms. Hernandez, hindi mo ba alam na ang anak mo ay may namamanang kanser sa buto?
Dalawang buwan na lang ang pinakamahabang itatagal ng buhay niya.” saad sa akin ng doctor. “Kung tama ang pagka alala ko, na ang nanay mo rin ay namatay sa sakit na ito. Pero ang masu-suggest ko sayo, magpasuri muna kayo sa iba pang doctor para sa pangalawang opinion.” Biglang nawala ang lahat ng lakas ko mula sa narinig sa doctor ng anak ko. Paulit-ulit na umuugong sa aking isipan ang mga sinabi ng doktor, at hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan. “Ano po ang nangyari sayo, Mommy?” tanong ng anak kong si Sydney sa malambing niyang boses na may halong pag-aalala. “May nagawa po ba ako mommy na ikinalulungkot mo?” Tiningnan ko si Sydney na nakahiga sa kama ng ospital. Ang payat niyang mukha ay puno ng lungkot at pag alala. “Kung kasalanan ko po pwede po ba akong humingi ng tawad?” sabi niya at pilit siyang ngumiti. Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko matanggap na dalawang buwan na lang ang natitirang buhay ng anak ko. Wala na akong mga magulang, walang ibang pamilya, at ang aking kasal ay patay na at sa papel na lamang. Si Sydney na lang ang tanging dahilan ko para magpatuloy sa buhay. Pinigilan ko ang aking luha at mahinahong nagsalita. “Hindi ako malungkot. Masaya ako, dahil malapit ka nang gumaling.” Nagliwanag ang mga mata niya at masaya siyang nagtanong “Talaga po? Si Daddy po ba, pupunta po ba siya para dalawin ako ngayon mommy?” Ang malaki niyang mata ay puno ng pag-asa na pilit niyang tinatago, pero agad ding siyang nanglupaypay pagkatapos niyang magsalita, tila natatakot siyang umasa. At ang mga salitang iyon ay mas masakit pa sa pagbabalat ng balat ko at ng aking buto. Pinipigilan ko ang panginginig ng katawan ko. “Oo. Hindi ba nangangako si Mommy na dadalawin ka ni Daddy ngayong araw?” “Talaga po?” tanong niya ng mahina at tila hindi sigurado. Alam ko kung saan nanggaling ang kakulangan ng tiwala niya sa sarili, dahil lumaki siyang alam na hindi ako mahal ng kanyang ama. Ang isang apat na taong gulang na bata ay hindi pa nauunawaan ang komplikadong emosyon sa pagitan namin ng kanyang ama. Ang alam lang niya, gusto niya ng isang buo at normal na pamilya, at kahit konting pagmamahal galing sa kanyang ama. Pero unti-unti na siyang nawawala at hindi ko kayang ibigay ang gusto niyang buong pamilya.. “Sydney, nangangako si Mommy na dadalhin ko ang Daddy mo para makita mo siya ngayong araw. Happy birthday anak ko.” Hinaplos ko ang buhok niya at yumuko para halikan siya sa noo. Masayang ngumiti si Sydney sa akin. Pagkatapos kong patulugin si Sydney, tinawagan ko ang Secretary ni Kent at huminga muna ako nang malalim. "Hello, nasaan si nasaan si Kent? Sabihin mo sa kanya na napag isip na ko." Saad ko. Sandali na tumahimik ang kabilang linya pero matapos ang ilang segundo na katahimikan ay sumagot din ito. " Muli pong Ise-celebrate ni sir Kent ang kaarawan ni ma'am Pearl. Pero kung gusto mo po siyang makausap, ma'am Daisy, ipapaalam ko po kay sir Kent bukas." Naninikip ang lalamunan ko ng marinig ko ang pangalan ni Pearl. "Sabihin mo kay Kent na ito na ang huling tawag ko at wala nang kasunod pa." Pagkasabi ko niyon ay binaba ko ang telepono. Makalipas ang sampung minuto, ay muling tumawag ang secretary ni Kent at ibinigay ang address ng hotel kung nasaan si Kent. Pagdating ko sa hotel, ay agad akong sinalubong ng secretary ni Kent. Pagkarating namin sa harap ng pintuan ng private room, bago pa man ako nakapasok, ay narinig ko na ang mga boses mula sa loob. "Kuya Kent, sabihin mo na ang totoo sa harap ng ate ko ngayon. Ikaw at si Daisy ay kasal na nang matagal at may anak pa. Wala ka man lang bang nararamdaman sa kanya?" Namutla ako dahil sa aking narinig. Sa isang mababang tinig na parang lasing, at may halong lamig at galit, ang siyang sumunod na maririnig sa buong paligid. "Akala mo ba magugustuhan ko ang isang babaeng may masamang ugali at nakakadiring tulad niya? At tungkol sa anak niya? Hindi pa nga sigurado kung akin talaga 'yon." Kalmado at malamig na saad niya na siyang pinakamasakit sa lahat. Parang tinusok ako ng maraming karayom. Matatanggap ko pa siguro kung kamuhian ako ni Kent. Kamuhian niya. Pero hindi ko matanggap na tinawag ni Kent ang anak namin na "anak sa labas". Itinulak ko ang pinto, at agad napalingon sa akin ang lahat. Nang makita nila ako na nakatayo sa labas ng pinto, nag-iba ang kanilang mga ekspresyon sa mukha. Nakaupo si Kent sa may unahan upuan, kung saan ay palagi siyang sentro ng atensyon. Tumingin sa akin si Kent at bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Sa tabi naman niya ay nakaupo ang isang glamorosa at magandang babae, si Pearl ang binanggit kanina ng secretary ni Kent at siya rin ang dating nobya ni Kent, si Pearl Valdez. Bahagya akong natigilan nang makita ko si Pearl. "Daisy?" gulat na tanong ni Pearl, "Bakit ka nandito? Ah Kent, bakit hindi mo sinabi sa akin..." Alam na ng lahat na pino-proseso na ang annulment ng kasal namin ni Kent. Kaya’t nasabi siguro ni Pearl ang mga salitang iyon sa aking na tila ba siya ang asawa ni Kent. Bahagya naman lumamig ang ekspresyon ni Kent. "Lahat kayo, lumabas na muna..." Hindi na rin maipinta ang mukha ni Pearl. Nagtagpo naman ang mga mata namin ni Kent. Napaka lamig ng tingin niya sa akin, pero naging kalmado pa rin ang pagsagot ko sa kanya. "Hindi na kailangan. Wala naman tayong dapat na itago, kay mananatili na kayo." Kung ako pa rin yung dating Daisy, limang taon na ang nakalipas, hinding-hindi ko kaya magsalita ng ganito ka kalmado. Para sa akin noon, si Kent ay isang malaking pagkakamali na lihim kong inibig. Ngayon, ang natitira na lang sa akin ay ang mga sugat na iniwan niya at ang mapait na realidad. Isa lang ang laman ng isipan ko ngayon: Ang mabigyan ng malinaw na simula at wakas ang para sa aming anak. Nakita ko sa mukha ni Pearl na hindi siya natuwa sa sinabi ko at mahigpit na hinawakan ang braso ni Kent. Habang tinignan naman ako ni Kent sa mata ng malamig. "Pareho pa rin ang mga kondisyon ko. Bakit may gusto ka bang ipadagdag?" Nanatili akong tahimik pero naging matatag ang aking mga mata. "Ang kondisyon ko lang ay ang makasama ka ni Sydney bilang isang ama sa loob ng isang buwan, simula ngayon." Parang kulog ang bagsik ng mga salita kong iyon sa gitna ng lamesa. "Alam ko na! Ikaw ay talagang walang hiya! Gusto mo na namang guluhin si Kuya Kent! Kung hindi dahil sa’yo, hindi sana naghiwalay sina ate at Kuya Kent!" Nagngingitngit sa galit saad ni Shawn, ang kapatid ni Pearl. Habang namumuo naman ang luha sa mga mata ni Pearl na agad lumapit at pinigilan ang kapatid niyang si Shawn, "Tama na, huwag ka nang magsalita..." Pero lalo lang nagalit si Shawn. "Ate! Paano ako hindi magagalit kung hanggang ngayon ay hindi pa gumagaling ang depresyon mo? Kuya Kent, magpapa biktima ka na naman ba sa babaeng ‘to?" Galit na saad nito. Bahagya namang nagbago ang ekspresyon ni Kent at Tumitig sa akin na malamig pa rin ang mga mata. "Imposible." Inaasahan ko na ang sagot na iyon mula sa kanya. "Hindi ko kailangan ang mana o kahit ano pa. Ang tanging hiling ko lang bago ang annulment natin ay ang makasama ka ni Sydney sa loob ng isang buwan." Nang banggitin ko ang pangalan ni Sydney ay biglang sumakit ang aking puso. "Kung hindi ka aayon, hindi rin ako aayon para sa annulment natin." "Bang!" galit na inihagis sa akin ni Pearl ang mangkok, "Ikaw, kadiri, wala ka bang kahihiyan?” Pinanood ko ang mga tirang pagkain na dumaloy sa aking palda. "Kent, kung nais mo akong alisin sa buhay mo, ito lang ang tanging paraan. Kung hindi, kahit gusto mo ng annulment, ay kailangan mong manatili sa akin ng hindi bababa sa dalawang taon!" ang aking boses ay nakakatakot na kalmado. " Pero kung papayag ka sa gusto ko, kailangan mo lamang manatili bilang ama kay Sydney ng isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan, ako na mismo ang lalayo at mag aasikaso sa annulment natin. At hindi ko na patatagalin pa ang pag walang bisa sa kasal nating dalawa." Saad ko sa kanya. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa akin at bahagyang naging malamig. "Kent, pakiusap, pumayag ka na sa kanya." Sabi ni Pearl kay Kent saka huminga ng malalim. hindi ko inaasahan na papayag ito mangyayari. "Ate?" malakas na tanong ni Shawn sa kapatid niya. Mahigpit naman hinawakan ni Pearl ang mga kamay ni Kent pilit na ngumiti ng mahinahon. "Isipin mo na lang na para ito para sa atin. At naniniwala ako sa iyo.”Chapter 114 – Daisy Lopez Tahimik lang si Sec. Ben habang pinapanood si Daisy na maayos na tinatapos ang lahat ng dokumento. Kahit siya, hindi makapaniwala sa bilis ng pagbabago nito. Dati, ‘yung babaeng kilala niya na tahimik lang at laging umiiyak sa sulok, ngayon ay kalmado, matatag, at may meron ngjt hawak ng sariling direksiyon.“Hindi ako makapaniwala, Miss Daisy,” sabi ni Sec. Ben na halatang mangha. “Ang bilis mong nagbago. Akala ko dati, tatanggapin mo na lang lahat ng ginagawa nila sa ’yo.”Daisy turned to him, her expression cool but graceful. “Why should I? May karapatan naman ako, di ba?”Ngumiti siya ng bahagya at tumingin diretso sa mata ni Ben. “I think I can protect my own legal rights, right?”“Yes, of course! That’s great, Miss Daisy,” mabilis na sagot ni Sec. Ben, medyo tuwang-tuwa. “Tama lang ‘yan. You should really maintain that attitude.”Satisfied na tumango si Daisy. “Let’s go. Marami pa tayong kailangang tapusin sa company. Hindi na kailangan na hintayin pa
Kabanata 113 — Close the Window!Ang pinaka-nakakaasar kay Kent James ay ang makita si Daisy na ngumiti sa iba lalo na kung ang taong iyon na nag papangiti sa kanya ay si Nick Suarez.Parang naisaksak iyon sa kanyang pride. Kaya bigla siyang lumapit at inilagay ang braso sa baywang ni Daisy, gaya ng isang nag-aangkin sa kanyang pag aari. Isang maliit na kilos lang, pero biglang parang may amoy ng pulbura sa hangin at tensyon na agad ang bumalot sa paligid.Tumingala si Nick, tumayo ng tahimik ng dahan-dahan, hindi pagmamalabis, at sinabi ng mahinahon, “Sige.I won’t bother you. I’ll go back first.” Para siyang umalis na may dignidad, at hindi drama.“Stop. And stop hanging around my wife,” mariing sabi ni Kent habang mahigpit siyang nakahawak kay Daisy, at ipinapahayag ang kanyang pagmamay-ari.“Wife?” tumingin si Nick, at mukhang hindi makapaniwala, saka bahagyang napangiti. “If you hadn’t told me, I really wouldn’t have known. She’s your wife, right?” Huminto sandali si Nick, sabay
CHAPTER 112 – NOTHINGNESSAkala ni Kent James ay nawasak na niya si Daisy sa ginawa niyang paninira at pagbabanta pero sa paningin ni Daisy, ang mga ganung banta ay parang biro lang. Mababaw at walang bigat.Minsan tuloy, napapaisip siya kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Kent. Noon, buong akala ni Daisy, siya ang umiibig ng totoo. Pero ngayon, habang nagbabalik-tanaw siya sa lahat ng nangyari, bigla niyang naisip baka si Kent ang mas baliw sa “pag-ibig.” Kasi kahit ilang beses siyang nasaktan, ilang beses siyang tinulak palayo, siya pa rin ang laging bumabalik. At ngayon, sa lahat ng nangyari, may ganang pa siyang isisi ang lahat kay Daisy?“Shameless talaga,” mahinang sambit ni Daisy, bago siya napangiti ng mapait.Humiga siya sa kama ng ospital, at marahang pinikit ang kanyang mga mata. Bahala siya. Mula ngayon, pipiliin niyang magpahinga. Hindi para sa kanya, kundi para makabawi sa sarili. Para tuluyang mapanatag ang kaluluwa ni Sydney.Samantala, sa loob ng kotse, tahim
Chapter 111 – Don’t Be Impulsive!“Ha? Tama ba yong narinig ko?” sabay tawang mapanghamon ni Mama Hernandez, ang boses ay punô ng pang-aasar. “Ang galing, Kent! Alam mo na pa pala kung sino ang tatay mo!”Tumalikod siya, at hindi na nakikipagtalo pa. “Sige na, ako na ang bahala sa bahay. Dahil wala na akong panahon sa mga drama mo.”Pero si Kent James ay nanatili na tahimik. Hindi na niya kinaya pang pakinggan ang sermon ng ina. Para bang bawat salita nito ay isa pang sugat sa konsensya niya. “Hindi ko inakala na mangyayari sa akin ‘to… ako mismo, nagulo ng sarili kong apoy.Nilingon niya si Pearl, na umiiyak na parang batang nawalan ng laruan. Ang mga mata nito ay puno ng takot at pagmamakaawa, at sa sandaling iyon, may bahagyang awa na tumusok sa dibdib niya.“It’s okay,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Mommy didn’t say anything wrong. It’s my fault… lahat ng ‘to, kasalanan ko.”“Ah Kent…” mahina pero desperado na bulong ni Pearl, gamit pa rin ang tawag na nakasanayan niya. “G
Kabanata 110 – Then Fight Back! (Lumalaban Ako!)“Then fight back!”Dahan-dahang nilapitan ni Nick si Daisy at marahang pinunasan ang mga luha nito gamit ang puting panyo. Nakatingin siya kay Daisy ng may lambing, at ang boses niya ay kalmado at puno ng malasakit.“Anuman ang desisyon mo, Daisy,” sabi niya, “nandito lang ako. Kakampi mo ako.”Napatitig si Daisy sa kanya. Sa sandaling iyon, para siyang batang nawala sa dilim na muling nakakita ng liwanag. Ngunit agad din niyang pinunasan ang sariling luha, at hinigpitan ang kamao, at marahang tumango. “Yeah,” sabi niya ng matatag. “You’re right. Let’s fight back. Hindi ako magpapatalo. Lahat sila, lahat ng nanakit sakin, dapat lang maturuan ng leksyon!”Napangiti si Nick, bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. “Yan ang Daisy na kilala ko. ‘Yung babae na kahit ilang beses pabagsakin ng mundo, tumatayo pa rin. Hindi ka nila kayang talunin.”Hinaplos niya ang buhok ni Daisy, at sa simpleng haplos na iyon, para bang unti-unting nawala ang
Chapter 109: It Turns Out to Be You“Who would even dare to scold you secretly?” biro ni Nick Suarez, sabay buntong-hininga habang pinagmamasdan si Daisy na parang batang nagtampo.Napailing siya, may halong ngiti sa labi. Kahit sugatan, at kahit halatang pagod, may kung anong lambing sa bawat kilos ni Daisy na hindi niya kayang ipaliwanag.“I suspect… it’s you,” sagot ni Daisy, sabay tilt ng ulo, nakatitig sa kanya na parang nabubuyo. “Tell me honestly, Nick — ikaw ba ang nag susumpa sa akin sa isip mo?”Tumawa si Nick at umirap.“If I ever curse you, Daisy, hindi ko ‘yan gagawin sa isip ko,” sabi niya, na may halong asar sa boses. “I’ll do it right in front of you! At sisiguruhin kong mapuno ng pasa’t dugo yang bibig mo sa kakasagot!”Napa simangot si Daisy, pero hindi rin napigilang matawa.“Grabe ka talaga, Nick. Hindi ka pa rin marunong magpatawa ng hindi nananakit.”Ngumisi lang ang lalaki, sabay apak nang mas madiin sa gas pedal. “Mas mabuti nang totoo kaysa plastic.”Tahimik s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments