Share

8) No Focus

Cliff's POV

Hawak ko ang bola. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang dumedepensa sa akin para makuha ito sa kamay ko. Niloko ko siya para makakuha ako ng libreng posisyon para i-shoot ang bola at napangisi ako dahil sa nakita kong reaksyon nito. Kawawa naman. 

Nasa ere pa lang ang bola alam ko nang papasok iyon. Ganoon ako kasigurado sa lahat ng tira ko. Kaya nga lang dahil doon sa'kin na lang palagi ipinapasa ang bola.

"It's mine again!" sigaw ko nang tuluyang ma-shoot ang bola sa ring.

Nandito kami ngayon sa covered court ng Basketball Handsome Society kasama syempre ang mga tropa ko. Sina Raff, Patrick, Carl, Joshua, Gilbert, Reynel, Kenneth at Reimar. Naisip ko kasing mag-relax kaya niyaya ko sila na maglaro ng practice game. Hindi na rin kasi ako sasali sa annual tournament dahil sa nalalapit na pag-alis ko ng bansa.

"Madaya ka talaga, Cliff!" sigaw ni Raff. Siya kasi ang nagbabantay sa'kin kanina.

"Magaling lang talaga ako!" Tumatawang sabi ko sabay h***d ng t-shirt na suot ko.

"Wag! Cliff! Nasisilaw ako! Waaah!" Arte ni Patrick na tinatakpan pa ang mga mata. Binato ko nga sa kanya ang damit ko.

"Baliw! Sabi ko naman sa inyo guwapo ako kaya masanay na kayo." Nagtawanan kaming lahat. Everytime na lang talaga na magkakasama kami, hindi mawawala ang trip namin.

"Pre, ang hangin oh?" biglang sabi ni Joshua.

"Hindi ah! Uminit nga bigla eh!" sabat naman ni Carl at hinubad din ang damit niya. "Ang hot ko kasi! Haha!"

"Ang kapal nito mang-agaw ng punch line!" reklamo ni Raff.

"Iyo ba?" ani Carl.

"Oo naman yes!" papoging sagot ni Raff. 

"Tama na nga 'yan para kayong mga sira!" sabi naman ni Gilbert na binato sila ng bola.

"Pero bud, hindi naman 'yon yung tinutukoy ko eh! Ibang pagiging madaya ang sinasabi ko." baling sa akin ni Raff at napakunot noo naman ako.

"In what way ako naging madaya, aber?"

"Psh! Parang hindi alam, eh!" reklamo ni Kenneth. Maliban kay Raff, isa siya sa matagal ko ng kaibigan at talaga namang malapit sa'kin. 

Naghubad na rin ng t-shirt nila sina Gilbert, Raff at Joshua. Sa ngayon, kami-kami lang ang nandito. Pero kung may mga babaeng nanunuod? For sure naghihiyawan na ang mga 'yon dahil sa amin. 

"Ang tinutukoy ko yung plano mong pag-alis!" Umirap si Raff sa'kin. 

"Oo nga, pre! Iiwan mo na naman kami!" reklamo pa ni Joshua.

"Nakakapagtampo nga," sabi naman ni Reimar.

"Kaya nga! Inuuna pa kasi ang trabaho kaysa sa atin." Naiinis naman na dagdag ni Patrick.

Dinagukan ko nga. "Sira! Enough the drama, okay?" Natatawang sabi ko.

"Syempre joke lang 'yon! Jokijoki!" Parang tangang nagpa-cute sa harap ko si Patrick. Puro kalokohan talaga 'to! Kaya walang girlfriend eh. 

"Kaya nga pare, naiintindihan naman namin 'yon," seryosong sabi ni Gilbert at natahimik na lamang ako. 

"Aalis ka na talaga ng bansa pre?" tanong naman ni Kenneth at tumango ako.

"Yeah. I have to."

"Kailan naman ang flight mo?" tanong naman ni Raff.

"One week after ng party natin," tipid na sagot ko at nginitian ang bawat isa sa kanila. 

"Damn, pare! Mami-miss ka namin!" Biglang yumakap sa'kin si Patrick at tinulak naman agad siya ni Kenneth na siyang nasa tabi ko.

"Bakla ka talaga, Pat!" Pang-aasar ni Kenneth.

"Gago!" Tinaas ni Patrick ang kanyang gitnang daliri kaya nagtawanan kami.

"Wag na nga kayong mag-away! Kayo na nga lang mga walang babae sa buhay eh, nag-aaway pa kayo!" asar naman ni Raffhael sa kanila. 

"Alam!" Sabay-sabay na sabi namin at nag-apiran pa kami. Para namang binagsakan ng langit at lupa ang dalawa at umirap na lamang sa amin. 

"Cliff, mag-uwi ka ng chicks, ha?" biglang singit ni Reimar.

"Tama! Pasalubungan mo ng inahing manok si Reimar!" kantyaw ni Joshua. Palibhasa isa sa mga in a relationship ngayon. Katulad nila Reynel at Raff. And yes, silang tatlo lang. 

Sina Patrick at Kenneth, totoong wala pang naging girlfriend. Palibhasa kasi si Pat isip-bata at puro kalokohan. Si Kenneth naman masyadong seryoso sa buhay, tipong lalapit pa lang yung babae, hihindi na agad siya. No time for flings daw. Parang ganoon din si Gilbert since mas matured siya sa aming lahat. Pero kahit papaano may mga nabibingwit siyang chicks, charming kasi eh. Samantalang si Carl naman medyo broken hearted pa raw sa ex-girlfriend niyang pinagpalit siya sa iba. 

Palihim akong napabuntong hininga. Kuntento na ako sa buhay ko kahit walang ganoon. Isa pa hindi ko alam kung handa na ba akong pumasok ulit sa isang relasyon. 

"Hindi! Wag gano'n! Dapat yung matatawag kong baby!" depensa ni Reimar na kinatawa na naman naming lahat. 

"Puwede rin naman kahit may baby na, ha?" ani Reynel. 

"Puwede! Puwede!"

Mga sira talaga itong mga 'to. Nag-high five pa ulit silang lahat. At wag ka! Pati si Reimar nakipag-apiran din.

"Hey, Kuya! Tara dito!" Tinawag ko si Kuya Zeke nang makita ko itong naglalakad. Lumapit ito sa amin at nakisali na rin.

"Wait, ano'ng kaguluhan 'to?" tanong ni Kuya Zeke. 

"Si Cliff kasi, Kuya. Iiwan na naman kami! Napakadaya!" Arte ulit ni Patrick pero tinawanan na lang namin siya. "Hala sige tawa pa!" Umirap nito sa amin kaya mas lalo lang kaming tumawa. 

"Tama na 'yan, baka umiyak si Pat!" angal ni Kenneth at hinimas kunwari ang likod ni Patrick kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Pero seryoso, hanggang kailan ka pala sa America, Cliff?" tanong ni Reynel kaya nagseryoso na ang lahat at tinuon ang atensiyon sa akin. 

"Maximum na ang two years na mawawala ako ng bansa. Once everything is settled, uuwi agad ako rito," nakangiti kong sagot. 

"Your girl will surely miss you," biglang komento ni Kuya Zeke.

Agad na napatingin ang mga tropa ko kay Kuya Zeke dahil sa sinabi nito. Magsasalita pa lang sana ako para itama iyon pero sunod-sunod nang nag-comment ang mga baliw kong kaibigan. 

"Who's that girl, Kuya?" tanong ni Raff.

"Hala! Oo nga! Sinong babae 'yon?" sabi naman ni Joshua.

"We wanna meet her!" masaya namang sabi ni Gilbert. 

"Kaya nga! Dalhin mo siya dito! Or kaya sa annual party!" sabi naman ni Carl. 

"Tell us her name!" pangungulit pa ni Reynel.

"Nako! Patay! Nag-english na!" banat naman ni Patrick.

"Abnormal ka talaga!" Binatukan tuloy siya nila Gilbert at Reynel. Haha!

"At sinong babae naman ang nabulag mo, ha? Parang kilala ko yata 'yan." Natatawang banat naman ni Kenneth. At dahil sa sinabi nito, sa kaniya nalipat ang atensiyon ng tropa at siya naman ang kinulit. 

"Lara's not my girlfriend," mahinahong sagot ko. Bigla silang napatingin sa aking lahat at sabay-sabay na napa-Oh!

"So, Lara pala ang name niya?" ani Reimar bago kumuha ng ballpen at mukhang magsusulat siya sa palad niya. "Ano'ng buong name niya? Ise-search ko account niya tapos ipi-personal message ko!"

"As if I would give you the information, chipmunk!" Taas-kilay kong sabi kaya muli na naman silang nagtawanan. 

Ayan si Reimar. Last but not the least, dahil isa siya sa mga kaibigan ko na kilalang-kilala ko. Guwapo siya at charming pero sa aming lahat siya lang ang hindi nagseseryoso sa babae. Sobrang playboy! Siya yata ang lalaking kahit yata kawayang dinamitan ng damit-pambabae ay papatulan niya. Haha! Kidding! Pero basta, hindi siya bagay kay Lara.

And who do you think you are to judge who's right or wrong for her, ha?

Kontra ng utak ko kaya napalunok ako. Mula nang makilala ko ang babaeng 'yon kinakausap ko na ang sarili ko.

And speaking of Lara, nakapag-decide na akong siya na ang kukunin naming singer sa nalalapit na annual tournament. Pero ngayon? Hays! Parang gusto ko nang magbago ng isip, mukhang interesado sa kaniya mga siraulong tropa ko eh.

Ay! Pinagdadamot mo?

Pinilig ko ang ulo ko. Pero hindi pwede. I mean, mahirap kung maghahanap pa ako ng ibang singer. Hindi ko na dapat intindihin 'yon. Ang importante pumayag na siya na maging singer sa party--kapalit ng pagpapanggap kong boyfriend niya sa harap ng lalaking Edward ang pangalan. 

Hindi ko pa siya tinatawagan. Nagbigayan na kami ng number noong nasa restaurant pa lang kami. Gulat na gulat pa nga siya dahil hinihingi ko ang number niya eh. Idinahilan ko na lang na baka kunin ko siyang designer sa mga susunod pang branches ng Precious Paradise. Nabanggit kasi niya sa akin na mahilig siyang mag-design at pangarap niyang maging designer. Sobrang natuwa siya that time, at ang cute niya lang panuodin.

Psh. Naalala ko tuloy ang nangyari nang pagkikita namin four days ago. Sobra akong nag-alala sa nakita kong sugat niya sa aksidente. Iyon kasi ang tipo ng injury na hindi dapat ipinagwawalang-bahala. Lalo pa akong kinabahan nang sinabi niyang hindi niya ako naaalala. Bigla akong natakot na baka matulad siya sa ex-girlfriend kong si Aliyah. Wag naman sana. Ayoko. 

Bigla kong naipilig ulit ang ulo ko. Enough thinking about the past, Cliff. Hindi na maibabalik ang nakaraan.

"Thinking about her again, ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Zeke na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. 

Mukhang alam na ng pinsan ko ang iniisip ko. At malamang lahat sila dahil nang tingnan ko ang mga tropa ko, pinagkukumpulan na nila si Kenneth na nagsisimula nang magkuwento about sa pagkakakilala nila ni Lara. Malamang naipakita na rin nito ang picture ni Lara na pinasa ko sa kanya. Nagsisi tuloy ako bigla bakit ko pa pinasundo si Lara sa kanya that day.

Tumayo ako. "It's not what you think, okay? Tama na 'yan! Tara game 2!" 

Pagkasabi ko noon ay kinuha ko na ang bola. Kailangan kong abalahin ang sarili ko para hindi ko na maisip si Lara at ang nakaraan ko. Inasar pa nila ako pero pumayag naman silang maglaro ulit. 

Nag-start na ulit kaming magpasahan at mag-agawan ng bola. Ang kaso wala ako sa focus, walang-wala!

"What happened? Akala ko ba magaling ka?" ani Raff na tumatawa pa habang nagdri-dribble ng bola. Imbes na pansinin siya ay itinaas ko ang kamay ko.

"Time's up! Sandali." Lakad-takbo akong pumunta sa bleachers para maupo. Nagtaka pa sila sa inasta ko pero kalaunan ay nagpatuloy na lamang sila sa paglalaro.

Hindi ako mapakali eh. Wait nga, tatawagan ko na si Lara.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status