Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 180: Marami ka pang kakaining bigas

Share

Chapter 180: Marami ka pang kakaining bigas

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-08-01 10:38:07

Naiinis na si Victor, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig kay Richard.

"Mayabang," sambit niya nang mariin.

Tumawa si Richard, mababa pero matunog, at marahang umiling.

"Mayabang?" ulit niya, parang tinikman pa ang salitang binitawan.

"Akala ko ba pera at karanasan ang puhunan dito?"

Halos puputok sa galit si Victor.

"Ang kapal din ng mukha mo!" singhal niya.

"'Kakabid' mo lang ng ₱300 million, tapos ngayon ₱305 million ka agad?! Hindi mo man lang pinag-isipan! Hindi mo ba naisip na 'yun ang tunay na kayabangan?!"

Nagkibit-balikat si Richard at ngumiti, tila lalong inaasar si Victor.

"Anong pinagkaiba, Victor? Kung magbi-bid ka ng isang numero... edi ako, magbi-bid din ng mas mataas. Simple lang 'yon."

Sabay pakawala ng isang ngiting punung-puno ng pang-aasar.

Halos umusok sa galit si Victor. Nanginginig ang kamay nang bigla niyang itaas ang paddle.

"₱310 million!"

Muling humampas ang tensyon sa buong silid. Ang ilan ay napasigaw sa gulat, ang iba ay napakapit sa mga upuan. Si Mr
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Yabang m victor
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 184: Impressive

    Kinilabutan si Victor.Hindi niya maipaliwanag, ngunit ang ngiti ni Richard ay parang may sariling bigat.May laman. May lalim. May banta.Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay, ngunit hindi siya papayag na makita ng iba na nanghihina siya.Pinilit niyang ngumiti, kahit na ang ngiti niya ay tila pilit na itinatayo sa ibabaw ng namumuong kaba."Richard," aniya, pilit pinatigas ang tinig, "alam nating lahat na ang lot 7 sa West Valley, Cavite ay ang pinakamalaking kayamanan na na-auction ngayong araw. Hindi mo ba naisip na katawa-tawa ang sabihin mong mas kahanga-hanga ang lot 13?"Biglang tumawa ang kanyang sekretarya, kasabay ng mapanuyang ngiti."Alam ko na!" sabat niya, "baka sinabi niyang mas mahalaga ang lot 13 kasi 13 ito at 7 lang ang nakuha mo, Chairman."Nagkatawanan ang ilan, umiling pa ang iba na tila ba sinasabi,"Seryoso ba siya?"Tahimik lang si Richard.Hinayaan niyang umikot ang tawa sa paligid.Huminga siya nang malalim, bago ngumiti nang payapa, tumango, at marahang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 183: Pagbagsak ng The Prophet

    Matapos ang ilang segundong katahimikan, muling humagalpak sa tawa si Victor habang umiiling, tila ba tuwang-tuwa sa kanyang panalo na ipahiya si Richard."Mas... mas mahalaga raw sa lot 7?" ani Victor habang pinipigilan ang tawa. "Ikaw talaga, Richard. Ang dami mong drama. Baka naman kaya mo lang binili 'yan para hindi mawalan ng mukha. Classic move ng isang desperado, 'di ba?" sabay iling muli na parang naaawa pero halata ang panlalait.Ngumisi ang sekretarya sa tabi niya."Kahit anong gawin niya, Chairman, ikaw pa rin ang pinakamalakas ngayong araw. Lot 7 ang nakuha mo. Jackpot!"Umiling naman ang advisor na may seryosong ekspresyon. Kinuha niya ang tablet mula sa bag at sinimulang i-review ang profile ng lot 13."Ayon sa data analysis," panimula ng advisor, "ang current estimated value ng lote 13 ay nasa tatlong milyon lamang. At 'yan ay kung pagbabasehan ang kabuuang lupa, environmental condition, at recovery rate."Nag-scroll pa siya at nagpatuloy,"Ayon sa historical data, mahi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 182: Lot 13

    Tumayo si Kevin, nakataas ang paddle. Hindi ngumiti."₱10 million," ulit niya. Klaro. Walang pag-aalinlangan.Sa tabi niya, tahimik lang si Richard, ang dalawang daliri ay magkasalubong, tila kampanteng nanonood lang ng pelikula.Nagkatinginan ang lahat. Ang iba napatawa."Si Richard ba yan? Ginamit pa ang tauhan niya?""Bibili ng basurahan?""Baka charity work."Ngunit si Victor, hindi na tumatawa. Napakunot ang noo."Hindi siya... seryoso, 'di ba?"Biglang humaba ang katahimikan matapos ang alingawngaw ng salitang:"₱10 million."Nagpalitan ng tingin ang mga tao sa paligid.May ilan na napatawa, hindi makapaniwala."Joke ba 'yon?""Basura 'yon ah, hindi lupa!""Si Richard? Si Kevin? Talaga bang seryoso sila?"May isang babaeng negosyante na hindi napigilang tumikhim."Hindi ko alam kung matalino o baliw ang mga 'yan."Ang katabi naman niya ay napailing."Baka may plano sila, pero kahit anong plano... parang sobra naman ₱10M sa basurahan!"Habang may ilan na nagdududa, may mga tahimi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 181: 10 Milyon

    Hindi sumagot si Richard, ngunit tumango lamang. Walang emosyon, walang alinlangan. Tahimik.Ngumisi si Victor, kampanteng-kampante na tila wala nang natitirang hadlang sa kanyang tagumpay. Hindi na siya nagsalita pa—nakuha na niya ang pinunta niya sa auction.Lumapit ang kanyang sekretaryang nakatayo sa tabi niya. Mahinang bumulong ito, "Chairman, aalis na ba tayo?"Tumingin si Victor sa babae, ang mga mata ay mabilis na bumaba sa cleavage nito. Saglit siyang ngumisi, saka marahang inilapat ang palad sa pwetan ng babae."Walang nagmamadali," sabi niya, sabay bahagyang pisil.Namula ang sekretarya, ngunit hindi naiinis—bagkus ay humawak ito sa dibdib ni Victor,"Chairman… may sampung milyon pang natira mula sa pondo para sa auction."Ngumisi si Victor, tumango."Hindi ba't sampung milyon lang 'yan?" sabay sulyap sa paligid."Hayaan mong gamitin natin mamaya para mag-saya. Pero sa ngayon…" Tumitig siya muli kay Richard."…manood muna tayo ng kaunting palabas."Ngumisi siya, walang ni k

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 180: Marami ka pang kakaining bigas

    Naiinis na si Victor, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig kay Richard."Mayabang," sambit niya nang mariin.Tumawa si Richard, mababa pero matunog, at marahang umiling."Mayabang?" ulit niya, parang tinikman pa ang salitang binitawan."Akala ko ba pera at karanasan ang puhunan dito?"Halos puputok sa galit si Victor."Ang kapal din ng mukha mo!" singhal niya."'Kakabid' mo lang ng ₱300 million, tapos ngayon ₱305 million ka agad?! Hindi mo man lang pinag-isipan! Hindi mo ba naisip na 'yun ang tunay na kayabangan?!"Nagkibit-balikat si Richard at ngumiti, tila lalong inaasar si Victor."Anong pinagkaiba, Victor? Kung magbi-bid ka ng isang numero... edi ako, magbi-bid din ng mas mataas. Simple lang 'yon."Sabay pakawala ng isang ngiting punung-puno ng pang-aasar.Halos umusok sa galit si Victor. Nanginginig ang kamay nang bigla niyang itaas ang paddle."₱310 million!"Muling humampas ang tensyon sa buong silid. Ang ilan ay napasigaw sa gulat, ang iba ay napakapit sa mga upuan. Si Mr

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 179: Desperado

    Lumingon si Victor, bahagyang nagulat. Ang nagsalita—ang kaniyang advisor na kanina pa tahimik sa gilid."Ano 'yon?" malamig na tanong ni Victor.Humakbang palapit ang advisor, bahagyang yumuko para hindi marinig ng lahat, pero sapat para maramdaman ang bigat ng kaniyang salita."Chairman… masyado nang mataas ang risk."Naningkit ang mata ni Victor. "Ipaliwanag.""Mula sa analysis ng lupa—oo, may hot spring at potential tourist infrastructure ito, pero gaya ng alam natin, sa halos 30 hectares, 8 hectares lang ang usable. Ang natitirang bahagi ay may geological risks, terrain complications, at protected zone status. Hindi basta-basta puwedeng idevelop."Huminga ito nang malalim bago idugtong,"Kung magtaas pa tayo ng higit sa ₱280 million, papasok na tayo sa orange zone. Projected ROI ay nasa 10 hanggang 20 taon, depende sa government clearance, environmental compliance, at seasonal yield ng hot spring tourism."Lumapit ang sekretarya ni Victor at mahinang bulong,"Chairman… sang-ayon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status