INICIAR SESIÓNAkala ni Amara, simpleng trabaho lang ang aasahan niya sa Monteverde Corporation. Pero ang hindi niya alam, ang CEO mismo na si Tristan Monticello ang lalaki na babago sa tahimik niyang mundo. Cold. Arrogant. Ruthless. Perfectionist. Name it all. At higit sa lahat, galit na galit sa kanya ng hindi niya alam ang dahilan. Dahil sa isang maling akala, inisip ni Tristan na isa siyang gold digger na nilalandi ang mapapangasawa ng sarili niyang ina. Hanggang sa dumating ang araw na pareho nilang natuklasan ang masakit na katotohanan. Magiging magkapatid na pala silang dalawa. Sa pagitan ng tama at bawal, ng galit at pag-ibig, alin ba ang mas matimbang? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang damdamin na alam mong walang karapatan? “Mahal kita, Kuya… kahit alam kong hindi ko dapat ito maramdaman. Dahil bawal sa mata ng tao.”
Ver másLate
Amara "Argggh!" sigaw ko sa pagkainis. First day of work ko pa lang ngayon, late na ako. Kung nagkataon, bad impression na agad ang matatanggap ko sa magiging boss ko. Mas masahol pa ay baka ma-disappoint si Tito Lucio sa akin. Patakbo na akong pumapasok sa Monteverde Corp., halos lumilipad ang ID ko na nakakapit sa aking leeg. "Perfect," bulong ko sa sarili habang humihingal dahil sa pagtakbo. "First day ko pa lang, palpak na. Nakakainis!" Paglabas ko ng elevator, nagmamadali na akong tumawid papunta sa kabilang hallway at doon ako kamuntik nang mabangga ng isang pulang sports car na bagong pasok sa basement driveway ng building. Napahinto ako at napasigaw. Malas talaga ako sa araw na 'to. "Miss!" rinig kong sigaw ng security guard. Napaupo ako, sabay hawak sa ulo at takip sa tainga ko sa takot na baka mabangga ako ng sports car. Nakakabinging tunog ang lumikha sa paligid. Abot-langit ang kaba ng dibdib ko na halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking sarili. Mabuti na lang nakapreno agad ang driver, or else pinaglalamayan na nila ako ngayon. "Thank God!" mahina kong sambit. Napatingala ako ng makitang lumabas mula sa kotse ang isang lalaking matangkad, suot ang itim na suit, may malamig na titig at perpektong ayos ng buhok. Napanganga ako ng masilayan ang gwapo nitong mukha. 'Bwesit ka, nagawa mo pa talagang purihin eh, kamuntik ka na niyang mabangga!' sita ng utak ko. Si Tristan Monticello. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Hindi ba niya ako namumukhaan? "Are you blind?" malamig na sabi nito. "Blind? Ako pa talaga ang sinisi mo?" inis na sagot ko. Tumingin ako sa suot kong relo. "Gosh! Late na ako, kasalanan mo kapag ako napagalitan hu..." "Late and reckless," putol nito. "Nice combination for a first impression, huh!" Napayuko ako sa sinabi nito, napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung maiiyak o maiinis ako sa sinabi nito. Siya lang naman itong reckless at mabilis magpatakbo ng sasakyan. Pero kahit naiinis ako, hindi ko pa rin maiwasang mapansin kung gaano ito kagwapo. "Blind and reckless, that's the best description of yourself. Hindi ka marunong magdahan-dahan sa pagda-drive. Gwapo ka pa naman sana, kaso never mind!" asar na sagot ko. Never forget kung paano niya ako sinabihan ng hindi magandang salita kagabi. Kaya nagkunwaring hindi ko narinig ang mga katagang iyon. Gagong 'to, ginawa pa niya akong prosti. "You're saying that it's my fault when you suddenly just run without even checking the hallway! Stupid!" he gritted his teeth with annoyance. Lumapit ito sa akin na halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Bahagya akong napaatras. "Next time, don't be stupid to just run and walk here as if this place is yours!" matalim at madilim ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Mas gwapo pala siya sa umaga, matangkad, commanding, and dangerously calm. Dominant, malakas ang aura na may halong nakakatakot na expression sa mukha. Kaso pangit talaga ang ugali. Mabilis na akong tumalikod at iniwan siya sa hallway. Hindi ko na siya pinansin pa. Pagpasok ko sa opisina, kinabahan ako nang malaman kong si Tristan pala ang magiging boss ko dito sa Monteverde Corp. "You're 10 minutes late! First day of work, first day late? Great!" sabi nito sa malalim na boses. "I'm... I'm sorry sir, hindi na po mauulit," mahina kong sabi. Kailangan ko na munang magpakabait dahil bago pa lang ako sa trabaho. Sayang naman kapag matanggal agad ako eh, pinaghirapan ko rin naman ang sinagot ko sa interview. "Coffee. Black. No sugar. And don't make it sweet, like the way you looked at me earlier," komanding nito. Natigilan ako. Masyado bang obvious ang titig ko sa kanya kanina? "Faster!" inis na bulyaw nito. Napaigtad ako sa gulat! Taranta akong nagtungo sa nakita niyang coffee maker doon. Napakamot ako ng ulo at lumingon sa boss kong busy na sa laptop nito. "S-Sir?" mahinang tawag ko. "What?" malakas na tanong nito. "Huwag mo akong landiin dito!" Hindi ko alam na makapal rin pala ang mukha ng lalaking ito! "Eh... kasi ano po," napakamot ako sa kilay. Tinuro ko ang coffee maker. Kinakabahan ako na baka bulyawan na naman niya ako. "Damn!" pagalit na sambit nito. Yumuko ako at napakagat labi. Nakita kong naglakad ito palapit sa gawi ko. "This is the last time na ituro ko sa 'yo kung paano gumawa ng kape ko!" Napaatras ako ng sobrang lapit na niya sa akin. Habang umaatras ako, siya namang paglapit nito. Na-corner niya ako sa tabi ng coffee maker. "Now take the mug and I'll teach you how to make my coffee," bulong nito sa punong tainga ko. Nanginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang mug. Nag-init ang katawan ko dahil nakadikit na ang likod ko sa harapan nito. Napakislot ako dahil ramdam ko ang bukol na tumutusok sa pang-upo ko. "H-Hindi mo na kailangan tumayo sir sa likuran ko," naiilang kong sabi na may kaba sa dibdib. "Now you look like an innocent girl who never does such things like what you did last night," pang-uuyam na sabi nito. "I-I don't know what you're talking about, sir," tanggi ko agad. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin? "Now you're denying, huh! Did you forget what you did to me in the club?" Umiling-iling ako dahil ayokong aminin na alam ko ang ginawa ko kagabi. "Liar!" "I'm drunk!" I blurted out. Akala ko pa naman hindi niya ako makikilala. Iyon pala, namumukhaan niya ako. Pati ang ginawa kong kalokohan sa club, naalala pa nito. Nag-away kami ng Nanay ko kaya naisipan kong mag-club kasama ang mga mayayaman kong kaibigan. At ayon nga ang nangyari, basta ko na lang siya hinalikan sa labi ng walang pakundangan. "You suddenly show up at our table and shamelessly kiss me in front of my friends. Do you like my kisses?" anas nito sa punong tainga ko na halos dumikit na ang labi nito roon. "P-Please, sir, trabaho ang pinunta ko dito. A-And I didn 't know that I did that to you last night, sir," pagsisinungaling ko. Ngayon pa lang alam ko na sa araw na ito, magsisimula ang hindi ko inaasahang laban. Laban sa pride, sa galit, sa guilt, at sa damdaming unti-unti kong hindi mapigilan.CalmDalawang buwan na ang nagdaan at unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng boss ko. Pero unti-unti rin akong napapamahal sa kanya. Alam ko na hindi ko siya kayang maabot dahil mayaman ito at mahirap lang ako. Masaya na ako kapag napapansin niya. Lihim akong kinikilig kapag tumitingin siya sa akin. Pero ayokong mahalata niya ako at baka mag-iba na naman ang pakikitungo nito sa akin. "Stay low-key in love," bulong ko. Isa-isa na namang nagsiuwian ang mga empleyado, pero ako, kailangan ko na namang mag-overtime. Kagaya ng dati, ay naiwan na naman akong mag-isa dito sa opisina. Hindi pa kasi ako tapos sa mga reports na gusto ni Tristan bukas ng umaga na ito kailangan. "Huwag sanang mapadaan si Tristan dito," bulong ko habang pinipilit matapos ang spreadsheet. Ngunit sa hindi ko inaasahang sandali, bumukas ang pinto ng opisina ni Tristan. Napatigil ako sa pagta-type at napalingon sa gawi ni Tristan. "Miss Sarmiento." "S-Sir, akala ko po ay umuwi na kayo?" kabado kong
Overtime Amara Halos wala akong tulog, madaling araw na pala. Sobrang tahimik ang paligid, at ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Malamig sa opisina, mabuti na lang dahil may dala akong jacket, at hininaan kanina ni Tristan ang aircon kundi, nanigas na ako dito na parang yelo. Pumipikit na ang mga mata ko. Nakapangalumbaba na ako sa mesa nang hindi ko namamalayan. Nakahawak pa ako ng ballpen at bahagyang nakabuka ang bibig dahil na rin sa pagod. Ang laptop ko ay inayos ko na muna at sure na naka-save draft mode. Pero kailangan kong labanan ang antok hanggang sa huling minuto. Nilingon ko si Tristan na nakahilig sa sofa sa loob ng opisina, suot pa rin ang puting long sleeves, pero nakabukas ang dalawang butones sa itaas, kita ko tuloy ang matipuno nitong dibdib. "Ang unfair lang na parang mas pagod pa ito sa akin. Mas marami naman akong ginawa sa kanya. Nakaka-stress pa sa dami nitong pinagawa," simangot ko habang nakatin
Overnight Amara Sobrang busy ko sa trabaho. Ang daming pinagawa sa akin ng boss ko. Hapon na, hindi ko pa rin nakalahati ang report na ginawa ko. Nagugutom na rin ako. Next time magbaon na ako ng pagkain ko para hindi na ako lalabas pa. Kailangan kong tawagan ang Lola ko para ipaalam na gagabihin ako ng uwi mamaya. *Phone call* "Hello, apo ko." "Hello, Lola. Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Huwag mo na po akong hintayin, La. May susi naman po ako. Paki-lock ng mabuti ang mga bintana at pintuan, ah. Kumain ka na rin po, damihan mo ang kumain, okay po?" malambing na bilin ko sa aking Lola. "Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko, apo. Ginawa mo na naman akong bata!" Napangiti ako dahil nagsungit na naman ito. "Oo na, Lola. Nagsungit ka na naman po. Sige na po. Ba-bye na po. Love you!" Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagulat pa ako sa pagtikhim ng boss ko sa di kalayuan dito sa desk ko. Nakikinig kaya ito sa usapan namin ni Lola
Scolded Amara Wala na akong nagawa kundi itigil na muna ang trabaho ko at unahin ang pinapagawa ng maarteng lalaking 'to. Pakiramdam ko talaga sinasadya nitong inisin ang bawat umaga ko. Alam ko talagang maayos na ang ginawa kong report. "Gumawa ka ng bagong report, Miss Sarmiento. I want it on my desk in thirty minutes," malamig nitong sabi bago lumakad papunta sa opisina nito. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko sa inis. Kung hindi ko lang talaga ito boss, baka kanina ko pa ito nasigawan. Pero bago ito tuluyang pumasok, saglit itong lumingon. "At this time, make sure you're not wasting my time." Umirap pa talaga ang damuhong ito. Pagkaalis ng boss ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naisuntok ko pa sa hangin ang nakakuyom kong kamao sa inis. "Whooaah!" inis na buga ko sa hangin. Ilang beses na akong napagalitan ni Tristan, hindi ko na rin mabilang iyon. Pero tuwing nangyayari iyon, laging pareho ang epekto niya sa akin, takot, kaba, at 'yung kakaibang init
Insulted Amara "Lola, mauna na po ako. May pagkain ka na pong niluto ko mamayang tanghalian. Inumin mo na muna ang gamot mo bago ako pumasok na sa trabaho," sabi ko sa Lola ko. "Nakakalakad at kaya ko pa ang sarili ko, apo. Hayaan mo na ako dito. Kaya ko na ang magluto ng sarili kong pagkain. Ano ka ba, ginagawa mo akong lumpo araw-araw," sita niya sa akin. "Ayoko lang kasi na mapagod ka, Lola. Alam mo naman po na ikaw na lang ang karamay ko sa buhay. Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa ko sa iyo, Lola," yakap ko sa kanya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko, ang kulit mong bata ka!" ngiti naman ni Lola. Nang maasikaso ko na ang Lola ko, ay nagmadali na ako dahil gusto ko ay maaga akong pumasok sa trabaho. Baka mainis na naman ang boss ko dahil mali-mali ang ginawa kong trabaho kahapon. Ang sungit pa naman ng lalaking iyon. Kung gaano kasarap ang labi niya, ganoon rin ka pasmado. "Bwesit ka, Tristan!" sambit ko. "Alis na ako, Lola, love you po!" lambing ko at humalik na mu
Late Amara "Argggh!" sigaw ko sa pagkainis. First day of work ko pa lang ngayon, late na ako. Kung nagkataon, bad impression na agad ang matatanggap ko sa magiging boss ko. Mas masahol pa ay baka ma-disappoint si Tito Lucio sa akin. Patakbo na akong pumapasok sa Monteverde Corp., halos lumilipad ang ID ko na nakakapit sa aking leeg. "Perfect," bulong ko sa sarili habang humihingal dahil sa pagtakbo. "First day ko pa lang, palpak na. Nakakainis!" Paglabas ko ng elevator, nagmamadali na akong tumawid papunta sa kabilang hallway at doon ako kamuntik nang mabangga ng isang pulang sports car na bagong pasok sa basement driveway ng building. Napahinto ako at napasigaw. Malas talaga ako sa araw na 'to. "Miss!" rinig kong sigaw ng security guard. Napaupo ako, sabay hawak sa ulo at takip sa tainga ko sa takot na baka mabangga ako ng sports car. Nakakabinging tunog ang lumikha sa paligid. Abot-langit ang kaba ng dibdib ko na halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking sarili












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comentarios