Brenna's POV
"Brenna, why don't you answer the call. It might be important."Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at pilit ko lang itong ini-ignore. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya iyon. Nandito na kami sa resto kung saan makikilala ko na ang may-ari ng TAC Group of Companies."Importante ba 'yan? Baka dumating na ang hinihintay natin," nag-aalalang sambit naman ni Mama.Knowing Mama, alam kong pinaghandaan din niya ang gabing ito. Matagal na kasi niyang pinipilit si Papa na makipagkilala nga sa prestihiyosong pamilya na iyon. Gusto kasi ni Mama na maipagkasundo ako sa panganay na anak ng pamilya upang mas madali kay Papa na makipag-merge sa malaking kumpanya.Noong una nga ay ayaw kong pumayag sa plano ni Mama ngunit kalaunan din ay umayon na lamang ako. Kung tutuusin kasi, di hamak na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa kina Marco. At isa pa, hindi ko naman nakikita ang sarili ko na mamahalin ko ang lalaking iyon. Sinadya ko lang na gamitin siya upang pasakitan si Emerald, ang babaeng may tsansang agawin sa akin ang lahat ng mayroon ako. And I can't let that happen. Ako lang ang anak ni Papa at ako lang dapat ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya. Ako lang din dapat ang minamahal niya."It's fine. Medyo matatagalan sila dahil naipit sila sa traffic. So, go on. Answer the phone, Brenna," seryosong sabi naman ni Papa.Napatango na lamang ako. One of the rules, hindi ko pwedeng suwayin si Papa. Sabi kasi ni Mama, hanggang maaari, dapat sinusunod ko lang si Papa."Excuse me po," magalang kong sabi sa mga magulang ko.Tumayo ako at lumabas muna ng resto para sagutin ang tawag."Marco, ano ba? Alam mo namang may business meeting ako 'di ba?" yamot kong sabi nang sagutin ko ang tawag.Kanina pa kasi siya tawag ng tawag. Hindi ko alam kung anong sadya ng lalaking ito. Ang sinabi niya sa akin kanina ay may dinner sila ni Emerald, at nararamdaman na niyang sasagutin na siya ng babaeng iyon. That b*tch! Talagang ipinagpalit niya ang paanyaya ni Papa para lang sa pekeng manliligaw niya. Pero pabor na rin naman sa akin iyon. The more na tanggihan niya si Papa, the more na mawawalan ng amor ito sa kaniya. In the near future, hindi na ako mahihirapan pa na siraan siya kay Papa.Napag-usapan na namin ni Marco na umayon na lang muna sa mga mangyayari ngayon. Saka na lang ako iisip ng paraan kung paano sila maghihiwalay kasabay ng pagkasira ng tuluyan ng image ni Emerald kay Papa."We have a problem. Alam na niya na ikaw ang tunay kong mahal," problemadong sabi ni Marco."Ano? Paano nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko naman."Hindi ko rin alam. Anong gagawin ko? Baka isumbong niya ako sa Papa mo," kinakabahang sambit pa ni Marco.Napairap na lamang ako. Hindi ko na talaga alam kung nakakatulong ba sa akin ang lalaking ito o mas lalo lang niya akong binibigyan ng problema."Ako na ang bahala kay Papa. Iurong mo ang investment mo sa company namin then sumunod ka lang sa plano, okay?" sambit ko naman. Mabuti na lamang na mabilis akong mag-isip pagdating sa mga ganitong bagay."Sigurado ka ba? Hindi ba't kailangan niyo ng investment namin?" alanganing tanong pa niya sa akin.Tipid naman akong napangiti. "Of course. Pero may mas malaking investment naman ang papasok sa amin. Makaka-survive pa rin ang company. Kaya sumunod ka na lang sa plano ko. At kapag kinausap ka pa ni Emerald, huwag ka nang magsasalita ng kung ano ano, okay?""Okay sige. Anong oras ba ang tapos ng meeting mo? Susunduin na kita," pag-iiba pa niya ng usapan.Muli akong napairap. Ramdam ko naman na mahal talaga niya ako, pero hindi ko talaga maramdaman na mahal ko siya."No need. Kasama ko sina Mama at Papa. Sige na. Bye!"Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Marco at agad kong pinatay ang tawag. Babalik na sana ako sa loob ng resto ngunit pagpihit ko ay may nakabunggo akong lalaki. Muntik na akong matumba ngunit agad akong nahawakan ng lalaki."What the--"Magtataray na sana ako ngunit nang makita ko ang lalaki ay saglit akong natulala. Napatitig ako sa mukha niya na sumisigaw ng kagwapuhan. Pakiramdam ko tuloy ay tumigil ang mundo ko at tanging siya lamang ang nakikita ko."Are you okay, Brenna?" tanong pa niya sa akin.I blink twice habang nakatitig pa rin sa kaniya. "You know me," ang tanging naibulalas ko."Of course. The famous Brenna Janice Villafuente of Southwest National High School," nakangiting sagot pa niya.Kumunot ang noo ko habang sinusuri ang lalaking nasa harap ko ngayon. At biglang nagliwanag ang mukha ko nang makilala ko na kung sino siya."Trevor! Ang team captain ng basketball team," bulalas ko.Marahan naman siyang tumango na siyang ikinangiti ko. Napakapogi noon ni Trevor at mas lalo pa siyang pumogi ngayon. Hindi ko akalain na magkikita kami dito dahil sa pagkakaalala ko, bigla na lamang siyang nag-drop out sa school noon."Trevor, nakilala mo na pala ang anak ng mga Villafuente."Sabay kaming napalingon sa tumawag kay Trevor. Isang lalaki at isang babae na halos kasing-edad lang nina Papa. Kahawig ni Trevor ang lalaki kaya hindi imposible na ang mga ito ang magulang niya."Good evening po," magalang kong sabi sa dalawa."Good evening din, Hija. Shall we go inside?" nakangiting tanong sa akin ng babae.Nalilitong tumingin ako kay Trevor at nang ngumiti siya ay doon ko lamang na-realized ang lahat. Sina Trevor ang may-ari ng TAC Group of Companies!Tahimik akong sumunod sa tatlo habang may ngiti sa mga labi ko. Kung si Trevor nga ang tagapagmana ng prestihiyosong kumpanya na sinasabi ni Mama, magiging madali na para sa akin ang lahat."Good evening, Mr. and Mrs. Carter. It was nice meeting you again," magiliw na bungad ni Papa sa mga magulang ni Trevor.OMG! How lucky I am!"We're very sorry for being late. By the way, this is our son, Trevor John Carter," pagpapakilala naman ni Mr. Carter. "Sadly, our daughter was not here because she has some errands to do.""Good evening po," magalang na bati naman ni Trevor kina Mama at Papa."This is my wife, Haidee and my daughter, Brenna."Mahinhin akong ngumiti sa pamilya Carter. Nginitian naman ako ni Mrs. Carter na sobrang ikinatuwa ko. Pakiramdam ko ay gusto na nila ako."I assume na magkakilala na ang mga anak natin dahil naging schoolmate sila noong high school," sabi naman ni Mrs. Carter."Really?" tuwang tuwa na sabi ni Mama at saka siya tumingin sa akin.Marahan naman akong tumango. "Yes, Mama. Si Trev po ang team captain ng basketball team noon," sagot ko pa.Sumulyap pa ako kay Trevor ngunit bigla akong kinabahan nang hindi na siya nakangiti. Deretso lang ang tingin niya na tila may mali akong sinabi. Bigla siyang sumeryoso na bahagyang ikinabahala ko."Tingnan mo nga naman ang tadhana. Minsan talaga ay mapaglaro," makahulugang komento pa ni Mama.Tumikhim si Trevor at umiwas ng tingin sa akin. "Shall we eat?" pag-iiba pa niya ng usapan.Lihim akong napabuntong hininga. Ngayong nakilala ko na ang pamilya sa likod ng TAC Group of Companies, mas nanaig na sa akin ngayon ang kagustuhan ni Mama na maikasal ako sa tagapagmana nila na si Trevor.And I will do everything, mapasa-akin ka lang, Trevor. You will be mine. Only mine.EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para