Sierra's POV
Matapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin kay Marco ay iniwan ko na lang siya basta sa restaurant. Hinayaan kong siya ang magbayad ng pagkain na hindi naman niya makakain. Doon man lang ay makaganti ako sa pananakit niya sa akin.Ngayon ay naglalakad lang ako sa loob ng mall dahil hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang napakabait kong kapatid na si Brenna. Uuwi na lang ako mamaya kapag alam kong tulog na silang lahat."Ma'am, decline po talaga ang card niyo."Napatingin ako sa may cashier ng isang kilalang dress shop dito sa mall. Hindi naman ako chismosang tao ngunit hindi ko alam kung bakit naagaw ng babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at short ang pansin ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, nakaharap kasi siya sa cashier."Pwede po bang subukan mo ulit?" naiiyak na sambit ng babae."Pasensya na po, Ma'am. Pero nakailang try na rin po kasi ako," alanganing sagot naman ng cashier.Kinuha ko ang card ko sa wallet ko at saka ako naglakad palapit sa dalawang nag-uusap. Mabilis kong iniabot sa cashier ang card."Here. Try this," nakangiting sambit ko pa.Napalingon sa akin ang babae habang ang cashier naman ay kinuha ang card at sw-in-ipe ito. Ilang saglit pa ay tumunog ang card machine indikasyon na successful ang transaction."Here's your card, Ma'am. Ibabalot ko lang po ang mga items," magalang na sambit ng cashier."Thank you," ang sabi ko naman habang ibinabalik sa wallet ko ang card ko."You can't just do that to someone you don't even know," walang emosyong sabi ng babae sa akin.Bahagya naman akong napangiti. "Ganyan na ganyan din ang sinabi ko sa isang stranger na tumulong sa akin noon. Pero ang sabi sa akin ng babaeng iyon, sa oras na makakita ako ng stranger na nangangailangan din ng tulong, huwag daw akong mag-hesitate na tulungan iyon. Kaya ito ang ginawa ko ngayon."Marahang napatango naman ang babae. "For sure, pinutol ni Dad ang credit card ko dahil hindi ako sumama sa kanila ngayon," nakangusong sabi naman niya."Here's your items, Ma'am. Thank you po," nakangiting sabi ng cashier na iniabot sa babae ang dalawang malaking paperbag."Thank you."Humarap sa akin ang babae at saka ako nginitian. "I have cash here pa naman. I will treat you to dinner. Tara."Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinawakan na niya ang kamay ko at hinila palabas ng store. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang restaurant."Wait. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa 'yo. Ako nga pala si Audrey. Hindi ko muna sasabihin ang apelyido ko ha," nakangiting sabi niya nang makaupo na kami sa isang table."Emerald," maiksing sabi ko naman.Bahagya siyang natigilan at tila namutla pa. Tumikhim pa siya bago muling nagsalita. "If you don't mind, can I know your surname?"Muli akong ngumiti. Mukhang harmless naman si Audrey at isa pa, magaan ang loob ko sa kaniya. Marahil ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong nasa edad niya pa lamang ako."Villafuente. I am Emerald Villafuente.""O my god!" ang tanging naibulalas niya na tila gulat na gulat pa.Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "You know me?" hindi ko napigilang itanong.Mabilis naman siyang umiling. "No. Nakakatuwa lang ang pangalan mo. Ang unique," mabilis niyang sagot.Napatango na lamang ako. May point naman siya dahil marami na ring nakapagsabi sa akin na unique daw ang pangalan ko. Bibihira daw kasi silang makakilala ng taong ang pangalan ay isang gem at Emerald pa raw.Hindi na rin ako nakapagsalita dahil may lumapit na sa amin na isang waiter."Good evening po.""Good evening. Same order please," nakangiting sabi naman ni Audrey."Right away, Ma'am."Umalis ang waiter kaya napatingin ulit ako sa kasama ko. "Mukhang regular customer ka dito," sabi ko pa.Marahan namang napatango si Audrey. "Yes. Favorite ko kasi ang mga foods dito. Well, can I have your number? I promise to pay you back once I get some cash."Marahan naman akong napailing. "No need, Audrey. Just take it as my help since someone helped me also years back.""Wait. Curious ako. May tumulong sa 'yo na stranger. How?" tanong naman niya."College na ako noon. Hindi ko alam na pinutol ng Papa ko ang credit card ko. Then nagkataon na nasa bookstore ako dahil may mga kailangan akong bilhin for my project. Ibabalik ko na sana ang mga items ko then there's one lady. She pays for my stuff. Then sinabi niya sa akin na darating ang araw na may mangangailangan ng tulong ko, kaya dapat gayahin ko siya na hindi nag-hesitate na tumulong," pagkukwento ko naman."But hindi ko needs itong mga ito. I mean, it is just my hobby to do shopping so I think I don't deserve that kind of help?" alanganin namang sabi niya sa akin.Bahagya naman akong napatawa. "But still, you need some help. Alam mo bang pinutol ni Papa ang credit card ko noon dahil lang sa hindi ako nakasama sa kanila. Little did he know, I have so many projects that I need to finish that time. Kaya somehow, may pagkakapareho tayo," sabi ko pa."Well, thank you, Emerald. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na tinulungan mo ako," nakangiting sabi naman niya."Just continue the process. When you bump into someone that needs help, don't hesitate to help," ang tanging nasabi ko na lamang."Of course. Pero maiba ako, may boyfriend ka na ba?" deretsong tanong niya sa akin."Wait. What?" hindi ko napigilang itanong."Sorry. Magpapakatotoo na ako ha. I want you to be my sister-in-law."Literal na napatitig ako kay Audrey. Napaka-straightforward niya at hindi ko alam kung anong ire-react ko. Tinulungan ko lang naman siya at ngayon ay gusto niya akong i-reto sa kapatid niya."I am sure magugustuhan mo ang kapatid ko. Kaya pumayag ka na," dugtong na sabi pa niya."Wait, Audrey. Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko pa."No. Bakit? May boyfriend ka na or asawa?" dismayadong tanong pa niya.Tipid naman akong napangiti. "Mayroon na sana ngayong gabi. Pero bago ko pa siya sagutin, nalaman ko na niloloko lang pala niya ako.""O my god!" tuwang tuwa na sabi niya at nang makita niyang nakakunot ang noo ko ay bigla siyang nagseryoso."Sorry, Emerald. Hindi naman sa ikinatutuwa ko ang pagiging brokenhearted mo. Pero baka si Kuya talaga ang destiny mo. Tingnan mo, sa mismong gabi na naloko ka, saka naman tayo nagtagpo. Siguro kasi ako ang magiging tulay sa inyong dalawa ng kuya ko. O gosh! Ang daldal ko na. Pero pumayag ka na, kahit isang date lang with Kuya. Please.""Audrey, kakakilala mo pa lang sa akin. At isa pa, baka hindi pumayag ang Kuya mo," alanganing sabi ko naman.Never pa akong sumabak sa mga blind date. Kaya hindi ko alam kung paano itu-turn down ang sinasabi ni Audrey. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na makikipag-date sa isang lalaki na hindi ko naman kilala."One time lang, Emerald. Please, please, please."Napatango na lang ako. "Okay sige."O wow! I just let myself do a blind date. Sh*t! Ano ba itong napasok ko? Tumulong lang naman ako. Ang hirap tanggihan ang isang Audrey.EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para