Share

Chapter 8: So it's you

Third person POV

Not in her wildest dream that Erza would think of Eros as the man in her dreams or her nightmare rather. Pero papaano naman ito naging sya sa kanyang balintataw? Hindi nya rin alam ang kasagutan sa sariling katanungan. Kaya pala ang pamilyar ang mga mata nya, kaya pala ganun na lang ang naramdaman nya nung unang araw nya itong nakita kasi nakita na nya ito minsan at nakasama na n'ya sa isang panaginip na palagi n'yang itinuturing na bangungot.

'Pero teka, bampira naman yung nasa panaginip ko eh kaya imposibleng sya yun. Pero hindi ko din alam kung gawa gawa lang ba yun ng imahinasyon ko kasi hindi ko naman sila kilala noon pa man kaya papaanong nasali sila sa panaginip na iyon?' tanong nya sa isip.

Ang binata naman sa di kalayuan na nakatingin lang sa kanya ay kitang-kita ang pagbadya ng gulat at pagkalito na gumuhit sa mukha ng dalaga.

Sa kabilang banda naman ay ang mga tao o mas tama sabihing mga makapangyarihang nilalang na may alam sa totoong pagkatao ni Erza ay may mumunting pangamba na naramdaman. Ramdam nila ang pagkudlit ng takot sa kanilang mga puso, takot na darating ang panahon na babalik si Erza upang pamunuan ang lahi nila—ang lahi ng mga kalahating witch at wizards. Hindi pwedeng makabalik si Erza sa kanila kung hindi ay katapusan na nilang lahat na nasa panig ng kadiliman. Nagawa na nilang makuha ang loob at bilugin ang ulo ng ina nito noon na s'yang kumumpleto sa sumpa para kay Erza, nagawa na rin nilang patayin ang natitirang Enchantress dahil sa hindi pa nito naisagawa ang ritwal at hindi pa nabibigkas ang orasyon na kokompleto sa kanyang pagiging Enchantress. Kaya hindi maaaring magbalik ang enchantress na pinatay nila noon, na ngayon ay nasa katauhan ng isang tao—isang tao na maaaring nakakubli lamang ang totoong kapangyahiran nito.

She's the direct descendant of the Queen Enchantress Luciana. Queen Enchantress Luciana was the mother of Russiana which is the mother of Erza. Erza was said to be the most powerful enchantress for she possesses the power of the Queen which is passed through her when she was born. At naiisip nilang kahit na sa ibang siglo, sa ibang buhay nito ay nananatili at nananalaytay pa rin sa dugo nito ang kapangyarihang inihabilin sa kanya.

"Hindi pwedeng masira ang matagal ko ng pinaghirapan, hindi" gigil na saad nito sa sarili habang matalim ang mga tingin na ipinukol sa naguguluhang si Erza. Pilit naman na pinakalma ng isa pang kasamahan nito ang pag-usbong ng galit na bumabalot sa puso nito. Nang humupa ay bumulong ito ng isang plano, ang plano para hulihin ay wakasan ang buhay ng naturang enchantress.

Si Erza naman na mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa utak ay hindi na napansin pa ang paglapit ng mga kaibigan nya sa gawi nya. Tumila na kasi ang ulan at saka kailangan na nilang pumunta sa next subject nila kaya naman kahit na nakatulala na naman ito ay kinublit nila ang dalaga para ipaalam na papasok na sila sa susunod nilang klase.

"Uyy buwan, what's with the senti-moment ba?" tanong ng natatanging conyo n'yang kaibigan. Erza look at her friends worried face and then heaved a sigh.

"Wala to, anak ng kahoy, iniisip ko lang na ang dami-dami ko palang iniisip no pero ang b*bo ko naman" she replied in humor kahit pa ang totoo ay binabagabag talaga sya ng mga panaginip nya, idagdag pa ang mukha ni Eros na nakita nya sa balintataw kasama nya sa panaginip na iyon, o baka naman ay imahinasyon nya lamang.

Umalingawngaw naman ang malutong na tawa ng mga kaibigan nya sa kanyang sinabi.

"Wahh buwan inaamin  mo na talagang b*bo ka eh no?"

"Ngayon mo lang alam yan buwan? Matagal ka ng b*bo pero palaging ang lalim ng iniisip mo, eh wala ka namang isip eh"

Tudyo pa ng mga kaibigan nyang akala mo naman ang tatalino din, char matalino naman talaga sina dugo  pero kung umasta parang mga a**o lang, parang mga baliw na kakatakas lang galing sa mental hospital. Natawa na lang sya sa mga kaibigan pagkatapos ay niyaya na lang silang magpunta sa next subject nila na agad din namang sumunod. Napuno pa ulit ng tawanan ang buong grupo habang naglalakad bago pa makaalis sa SH.

On the other hand, at the place where the man in black stood, Eros felt his heart take a leap with what he heard on what Erza is saying at the back of her mind. Yeah it was Eros who wore that all black suit with the hope that she could remember him, though he did let himself hope that much.

'So she's wondering about me by now huh' he thought. Humugot sya ng malalim pagkatapos ay nagpakawala ng isang buntong hininga. Kung sana lang ay pwede nyang sabihin dito ang buong katotohanan nang hindi nabibigla si Erza ay ginawa na nya pero hindi eh, naguguluhan ngayon ang dalaga, ang daming bagay na gumugulo sa isip nya na hindi nya maintindihan. But at the same time he also thinks of telling her everything para hindi na nya kailangang magpakalayu-layo sa dalaga sa tuwing makikita nya ito, hindi na sya magpapanggap na isang kapwa estudyante nya lang ang dalaga. Para malaya na syang sabihin dito ang nararamdaman, kung ano nga ba sya sa buhay nya. 

"Hey dude" pukaw sa kanya ng bestfriend n'yang si Drake.

"Hmmm" he responded.

"Tama na yan, baka mamaya matunaw na yang bebe mo" sabi nito sabay tawa, napailing nalang sya sa sinabi ng kaibigan. Kung titingnan sila ay parang kagaya lang sila ng mga taong naririto, walang kakaiba dahil na-adopt nila ang kultura ng mga tao sa bawat henerasyon.

Papaalis na ngayon sina Erza papunta sa next subject nila.

'Hintayin mo lang binibini, kapag kaya mo nang tanggapin ang pagkatao mo, kapag nagsimula ka na ding magtanong sa kung ano ako sa buhay mo, handa akong ipaliwanag sayo ang lahat ng alam ko, handa akong i-kwento ang lahat ng tungkol sa atin, maging sa pagkatao ko kung gugustuhin mo ding malaman. Pero sa ngayon, tiis-tiis lang muna, may tamang panahon din para dyan mahal ko. Magtitiis na lang muna akong titigan ka mula sa malayo, mahalin ka ng palihim, at pangarapin ka nang hindi mo nalalaman. And if the right time comes, when you finally had found who you truly are, that would be the time that I would romance you, say to you how much I love you since that day we met in that forest. I want to tell you what I did in those hundreds of years without you. Pangako binibini, babawi ako' sa isip isip ni Eros.

"Oh, nakatulala na naman. Hay grabe na talaga ang tama mo dyan" pailing-iling na sabi ni Drake na nasa tabi lang ni Eros.

"Dude you know how much I love her and how much she mean to me" he replied

"Syempre alam na alam, ilang daang taon mo nga s'yang hinintay tapos kasama mo ako palagi, kaya malamang alam ko" he scoffed at his bestfriend and then crossed his arms on his chest.

Natawa na lang si Eros sa tinuran ng kaibigan n'yang saksi sa lahat ng ganap sa buhay nya. Ang kaibigang naging saksi at karamay sa kanyang paghihinagpis sa puso n'yang sawi. Sa puso n'yang nadurog nang hindi man lang sila nakapag-simula ng babaeng mahal nya. At kahit na kelan ay hindi sya nito iniwan. Drake was indeed someone for keeps, and he intend to keep him, he intend to keep his one and only bestfriend.

'Ganito pala magmahal, nakakabaliw. Sana kung saka-sakaling magmamahal man ako, wag naman ganyan. Parang ang sakit eh, hindi ko yata kakayanin kung mangyari sa akin ang nangyari kay Eros. Pero sana sa pagkakataong ito ay madugtungan na nila ang kwentong pag-ibig nilang hindi nila nagawang simulan noon'  Drake thought and kept it in his mind and carve it in his heart.

Hindi nya hahayaang mangyari ulit sa kaibigan ang nangyari noon, hindi nya hahayaang maghintay na naman ulit ang kaibigan nya ng napakahabang panahon para sa babaeng mahal nya. Hindi na nya kakayanin pang makitang muli ang sakit at lungkot na namayani sa mga mata ng kaibigan sa loob ng ilang daang taon na paghihintay nito kay Erza.

'This time dude, I'll help you find your way back into each others arms again, now until eternity' Drake mentally said it as if telling it to his bestfriend. He promised to himself that he will help this dude be with his girl and support him to eternity—well literally speaking since vampires are immortals, witches as well because of their powers obtained.

Time passed so fast that their college aquaintance party is about to happen already, just a few more hours then the party is up. With the theme "Casino Royalle" the venue—which is the university convention center is designed like a casino, it looks glamorous and elegant, it is classy and very likely to that of what a casino looks like. The whole convention center was intended for the use of the College of Arts and Sciences students just for their big night. It was divided into different courses such as the department of Mathematics, Physics, Psychology, Chemistry, Sociology, History, English Literature and Biology. 

Pero syempre hindi mawawala ang mga pakulo ng mga nag-organize ng party which are the CAS officers. But before they have to officially start, everyone has to do their entrance, lahat rarampa sa red carpet and show how beautiful, handsome, gorgeous and stunning they are in their suit of their preference.

Ang unang rumampa ay ang nga estudyante ng nga taga Mathematics department, and they slayed it well. Those future Mathematicians looks sophisticated with their Black and Red suits that fits perfectly with the venue's design, they ramp like a model in a catwalk. Next in line was the future Chemist of the department of Chemistry, then the future Psychologist and Psychiatrist int he department of Psychology, and then the future Physicists who looks so gorgeous with their masquerade effect from the department of Physics, followed by the future Historians who even tried to copy those famous and relevant persons in the history, next was the future Political Analyst, Politicians, and future Lawyers of the society from the Le sociology society of the Sociology department with a heavy, menacing aura like they got to tell to the world that soon they will rule over the society and that everyone has to follow their rules maybe those future Lawyers and Politicians—but some looks very approachable maybe for those who wanted to be a social worker perhaps. Next in line was the future Linguists, some might be on of the well known Writers or Authors int he future, some maybe Poets  from the department of Literature who looks very elegant in their dresses and tux. And last was the future Biologist—Botanist, Marine Biologist, Zoologist, Ecologist, Researchers, Florist, future Doctors etc..

Lahat sila ay may kanya-kanyang pakulo sa pagrampa sa gitna ng aisle on that red carpet, may nagsolo flight, may nag duo, trio and even group—which Erza and the rest of the squad made, the group pero two of the guys ang unang rumampa tapos naghintay sa gitna ng stage habang ang tatlong girls ay sabay na rumampa sa red carpet pagkatapos ay sabay silang buong squad na nagpakitang gilas sa gitna ng stage like they own the whole damn world. Syempre ano bang aasahan mo sa limang yan eh puro naman kabalastugan ang alam, mga abnormal tapos parang takas lang ng mental.

Meanwhile from the crowd stand there the man named Eros watching how bubbly at the same time downright gorgeous  his girl was in her very formal, sophisticated and very professional look—like a very strict professor in their major subject who happened to be in a casino having her leisure time. Para s'yang chaperone ng mga batang nagkakasiyahan sa gabing iyon. He can't help but chuckle with her very weird yet intimidating outfit. He is falling for her deeper even more, more than he already is.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status