Share

Chapter 25: Scroll

"Eh iyong tungkol sa orakulo pala. Ano ba talaga ang nakasaad sa orakulo?" takang tanong ko. Kasi kahit anong arok ko sa aking isip ay hindi ko maintindihan.

"Tungkol sa bagay na iyan, hindi ko masasagot. Ang orakulong tinutukoy mo ay orakulo para sa mga bampira, lalong-lalo na sa hari nila—si Zirconis Eros Claveria" sagot ni abuela dahilan para mabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko.

"Kamatayan" malamig na saad ni Eros na s'yang ikinatigil ko. Bigla akong nakaramdam ng panginginig at takot nang marinig ang salitang kamatayan mula sa mga labi ni Eros, idagdag mo pa ang nagyeyeko niyang boses. Ramdam ko ang panginginig ng aking buto at kalamnan dahil doon.

"Kamatayan ang s'yang naghihintay sa dulo kapag nagtagpo ang landas ng haring bampira at nang itinakdang enchantress ng mga witch at wizards" dagdag nito kaya mas lalo akong nanginig at natakot.

"Ang dalawang bunga ng sumpa ay magtatagpo ayon sa itinadhana.

Ang dalawa ay magiging isa.

Pagkawasak ng mga pising nakabigkis.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status