Share

Chapter 1: Curious Erza

Erza Scarlet Moon POV

"ahhhhh" malakas na sigaw ko nang magising ako mula sa panaginip este bangungot na iyon. At ang lakas ng boses ko ang s'yang gumising sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal habang pilit na hinahabol ang mabilis na paghinga. Nang medyo makabawi ay napaisip ako.

Bakit kaya ganoon iyong napanaginipan ko? Ba't ako natigok doon sa panaginip o mas tama sabihing, sa bangungot na yun? Damn it.

Inalala ko ang nangyari sa loob ng panaginip slash bangungot na yun pagkatapos ay napatigil na naman.

Teka bakit ganoon 'yon? Ang weird lang ah, kasi sobrang pamilyar ng lugar. Pero 'yong tinawag kong Nay eh hindi naman 'yon si mama ah, pero ba't parang totoo? Anang isnag boses sa isipan.

Tss ay bobo mo talaga selp di yun totoo. Bakit may iba ka pa bang nanay? Ambobo lang tss. Tapos may totoo bang magic magic tapos powers powers ganun? Ano ka ba, ke bobo mo talaga nag-aadik ka yata eh. Sumbat ko naman sa sariling isip.

Napabuga ako ng hangin. Hays mababaliw na ako kakaisip dun sa panaginip este bangungot na yun, tss hayaan na lang nga.

Isinawalang bahala ko na lang muna yung nakakakilabot at weird na bagay na yun. Nag-ayos na lang ako ng higaan at saka ginawa ang mga dapat kong gawin, maligo, magluto ng pagkain syempre mamamatay ako sa gutom pag di ako nag luto noh, at pagkatapos ay kain na.

Habang enjoy na enjoy kong nilalamon yung niluto kong pagkain, napuno ang bibig ko ng pagkain na para bang mauubusan ako eh wala naman akong kaagaw sa mga pagkain.

Ang sabihin mo patay gutom ka lang talaga. Nangniningning ang mga mata mo tapos tumutulo ang laway mo nang humalo sa hangin ang amoy ng niluluto mo. Singhal naman ng konsensya ko sa akin kahit na hindi naman sya nag-e-exist.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglagay ng pagkain sa bibig, oo na lamon kung lamon. Tapos pagkaraan ng ilang saglit ay naalala ko na naman yung panaginip ko.

Aish bat ba di mo na lang ako lubayan, langyang utak to ahh. epekto ata to ng pagka adik ko sa Harry Potter series tapos yung Twighlight. halos sabunutan ko na ang sarili sa pagkayamot.

Ano nga ulit ang spelling ng Twighlight? tanong sa akin ni konsensiya, pilit akong kinakausap kahit na ayaw ko sa kanya. Gusto ko s'yang batukan pero huwag na lang kasi nasa utak ko sya.

Boang, alam mo naman na bobo ako eh tapos puro pasang awa lang ako sa school dati eh. Pero wahh ang ganda pala pag hinalo yung Twighlight at HP series noh? Ang saya siguro ng bampira na hinaluan ng mga witch no? Isipin mo, may mga gwapong bampira tapos may mga gwapong witch din hihi. napahagikgik ako sa naisip. Hay tama na nga yang kalokohan self baliw na talaga ako.

Ayy teka di pa pala ako nag aayos. May klase pa naman ako since first day of school na ngayon, hihi nakalimutan ko haha bobo mo talaga selp kanina ka pa tumatalak dyan sa isip mo, ni di mo man lang naisip may klase ka pa pala.

"Paano kaya ako mag-introduce yourself session mamaya?" nakakunot-noong tanong ko sa sariling repleksyon sa salamin habang nagsusuot.

"Hmm" umubo muna ako kunyari saka nagsimulang magsalita na para bang kaharap ko yung mga magiging kaklase ko.

" I am Erza Scarlet Moon. 19 years young" natawa ako sa sarili, hindi ko mapigilan eh. Nababaliw na ata ako. Tapos oo young talaga kasi ayoko sa old eh, pakiramdam ko matanda na ako.

"19 years na akong nag hahasik ng kabobohan dito sa planet Earth" patuloy ko

"Maganda—" I paused. Joke lang di pala ako maganda. Napakamot ako sa ulo kasi feel ko naman na maganda talaga ako, iyon ay kung bulag ka lang. Pero sabi talaga nung lola ko maganda ako eh, ewan sabi ni lolo nagsisinungaling lang daw si lola nun para daw tuhaman ako sa pag iyak. Hindi ko mapigilan na humalakhak, umalingawngaw sa buong silid ang tawa ko.

Pero seryoso may maganda bang buhaghag yung buhok na parang di man lang naka-encounter ng suklay? Buhok na lampas bewang tapos paalon-alon na ilang taon na atang di nakatikim ng kumpas ng mahiwagang suklay ni madam Auring. Ay di pala si madam Auring yon. Sino nga ulit? Ay basta yung parang manghuhula din sya.

Napailing na lang ako at itinuloy ang ginagawang pagbibihis. Pagkatapos ay pumunta na ako sa University. Naglakad lang ako dahil malapit lang naman yung boarding house kung saan ako tumutuloy sa University eh, tipid pa sa gastos. Patuloy lang ako sa paghakbang ng mga paa na pamisan-minsan ay gusto yatang magliwaliw pa at hindi na alintana pa ang dami ng mga taong kasabay ko sa daan. Nang makarating ako sa main gate ng EXO University, oo EXO University pero walang EXO OT12 members dito, mas lalong walang EXO kings. Ewan ko dun sa may ari fan yata ng Kpop boygroup na EXO kaya pati itong school pinangalan sa EXO..

Ang taray ng pangalan ng school pero may isang bobitang nakapasok hehe, 1st year college na din ako sa awa ng mga teachers kong puro pasang-awa yung binigay na grade sakin huhuhu ang bad nila parang sinabi at sinampal na din nila sakin at itinadyak pa pala na ang bobo ko eh alam ko naman yun eh. Parang gusto ko tuloy sila sapakin. Sabi kasi ni ate Scarlet Rain eh ano daw... teka?? May ate ba ako? Parang wala naman ah. Ay basta sabi nung babae na pangalan ay Scarlet Rain haha idol ata ako usto nya name ko eh hihihi.. yun nga sabi nya "Kapag sinampal ka ng katotohanan, Sapakin mo"

Haha hayaan mo na lang iyon selp bobo ka naman eh basta papasok ka na sa school. Pumasok na ako sa gate, pero natawa ako bigla kasi ang astig ng University, may dragon na nag-aabang dun este babaeng guard pala, pero parang may PMS ata kulang nalang lamunin yung estudyanteng papasok na walang ID or COR (Certificate of Registration) tapos may dala dala pa syang stick ata haha ewan ko dun bahala sya sa buhay nya hahaha basta papasok ako.

Pagkapasok ko pa lang laglag panty ko este yung panga ko pala.

Woahh ang ganda tapos ang lawak lawak ng school, tapos madami din syang puno.. yieeh I love this school na lakas maka Clean and Green ehh teka tama ba yun? Clean and green or Clean and Cream? Ay basta ganun clean and dirty... aish yaan nyo na basta malinis at maberde sya parang yung utak nyo ang berde. Tapos pagtingin ko sa unahan namangha ako kasi parang castle ang dating nya, parang magical ganun ay ewan di ko ma-explain basta mayroon syang yung parang sa tuktok ng castle ganun. Napatingin ako sa gawing kanan ko at halos tumili na ako nang may nakita akong museum.

Ang taray ng may ari ahh. Ano kaya ang laman nun? Collection nya kaya ng mga EXO merchs? Albums? Light stick? Shirts? Hmmmm... siguro nga. Balita ko lalaki yung owner neto eh... Kung fanboy sya ng EXO aba-aba baka naman pwedeng makahingi ng kahit anong collection nya diba? Aish bahala sya sa buhay nya basta huwag nya lang agawin si Kyungsoo. Pero curios talaga ako ehh.

Baka naman ibang klaseng collection? Baka ano, brief ni Chanyeol? or eyeliner ni Baekhyun? di kaya sandok ni D.O? croptop ni Kai? water bottle na muntik lunukin ni Chen? bubble tea ni Sehun? yung nakalimutan ni Lay? Hello Kitty ni Luhan? Wushu stick ni Tao? Yung disciple ni Kris sa L.O.R.D? Pagkain ni Xiumin? O yung black card ni Suho? natatawa ako sa naiisip kong ka-eng-engan. Nakakatawa at nakakabobo masyado..

"Hoy baliw, bawal ka dito. Dun ka sa mental" nabigla ako sa sigaw ni manang guard na parang may PMS di ko namalayan na napalakas na pala yung tawa ko.

Lumingon ako sa kanan pagkatapos lumingon sa kaliwa. Nanlaki ang nga mata ko nang may ma-realize. Kyahh nakakahiya ang dami palang estudyante sa paligid na ngayon ay sa akin na nakatingin.. huhuhu sowwy naman natawa lang naman ako ehh..

So ayun dahil sa pagkapahiya eh naglakad na lang ako na parang walang ka-eng-engan na ginawa kanina pagkatapos ay lumiko ako pakaliwa, kasi andun yung college namin na CAS o College of Arts and Sciences.

Taray, tunog sosyal, tunog pang matalino ah. Tapos ang course ko ay Bachelor of Rural bus, five star Malaybalay, Bukidnon to Cagayan de Oro City. Plus 120 pamasahe at panuhot to the max, insert way panahaw, ug paniudto puros junkfoods ray kinaon. napailing na lang ako sa kalokohang naisip ko at nagpatuloy sa paglalakad kasi baka sumigaw na naman yung dragon sa may gate na bawal ang baliw dito.

Pagkapasok ko sa CAS main building hinanap ko kaagad yung room ko. Since after enrollment ay nasa amin na yung sched namin pati na din yung mga ID namin.

Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa namataan ko na yung room namin para sa unang subject sa unang araw ko. Nasa labas ako ng laboratory room kasama yung mga kaklase ko siguro. Kaya lang napasimangot ako kasi ako lang mag-isa, wala pala akong kakilala dito. Pero bahala na, basta kakayanin ko tong kursong kinuha ko kahit pa alam kong medyo tagilid ako.

Habang mag-isa ako sa tabi at nakapatong yung dalawang kamay ko sa harang ng pangalawang palapag ng building ay hindi ko maiwasan na maalala iyong napanaginipan ko, aish bat ba ginugulo mo na naman akong punyetang bangungot ka. Nakasimangot ako pero bumalik sa isipan ko iyong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nya kasi hindi ko na talaga maalala eh pero sigurado akong ang gwapo nya talaga pero bat ganun? Bat maambon yung alaala ko sa mukha nya? Bakit blurred yung mukha nya sa tuwing inaalala ko arggg kagigil naman eh..

Naghihimutok pa din ako, ni hindi ko na naalala pa na nasa harap lang pala ako ng magiging classroom namin. Nabalik ako sa wisyo ng biglang may kumalabit sakin. Napalingon naman ako sa kanya.

"Hi" bati nya sakin

Wow ha first time may pumansin sa akin. Akala ko bigla akong naging hangin eh, yung hindi nila makita ganun. Napatingin ako sa babae, maganda sya, medyo maliit din sya sakin bagay na ikinatawa ko ng lihim. Hehe may mas maliit pa pala sa akin. Mahaba ang buhok nya na straight tapos ang kyut nya ngumiti.

"Ahm uh hello? Hehe" napakamot na lang ako sa ulo habang may hilaw na ngiti kasi di ko alam paano mag react. Para akong natatae na parang ewan. Basta hindi ako sanay na may pumansin sa akin eh.

"Bio 1bx ka?" tanong sa akin nung babae.

Siguro ang ibig nyang sabihin eh yung section code. Nasa COR na din kasi namin yung section code ng klase, tapos by block sya 1a, 1b, and 1c tapos yung bx eh yun yung section code pag may laboratory na klase. May lab classes kasi kami tapos kada block nahahati sa dalawa kaya may 1A, 1Ax, 1B, 1Bx, 1C and 1Cx..

Nahihiyang tumango na lamang ako sa tanong nya. Hindi naman kasi ako marunong makipag-usap ng tao eh, hindi ako sanay na makipaghalubilo sa ibang tao. Naalala ko din kasi yung sabi ni mama sakin dati nung bata pa ako "don't talk to strangers" daw kaya di ako nakikipag-usap sa mga di ko kakilala.

"Classmates pala tayo" sabay paktia ng COR (certificate of registration) nya. Napangiti na lang ako kasi may kasama na din ako.

"Ahh hehe okay" haha para lang timang self, mukha kang timonggoloid sa kaka-hehe mo.

"Tara pasok na tayo sa loob, dun nalang natin antayin yung iba pa nating classmates" dagdag pa nya, sumunod naman ako. Haha aangal pa ba ako eh wala nga akong kakilala dito eh tapos himala nang may kumausap sakin.

Mga ilang minuto din kami sa loob, may nagsipasukan namang mga estudyante, siguro classmates namin. Kung anu anong pinag-uusapan nila psh ang iingay. Maya-maya pa pumasok na yung prof namin kaya ayun natahimik hoooh buti naman, haha natahimik kasi mukhang tigre na handang handa nang lumapa si prof hahaha, joke lang baka ibagsak pa ako haha

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status