Share

CHAPTER 4

“THE patient suffers from what is called temporary amnesia. Perhaps it was because of the severe beating on his end that caused a brain injury. Brain injuries can have significant effects on behavior, impacting impulse control and self awareness. These effects stem from damage to areas of the brain that regulate emotions and impulses and include anger, impulsive behavior, self-centeredness, impaired awareness and even violence. So my advice is not to force the patient to remember everything and let him discover it himself,” mahabang paliwanag kay Lalaine ni Doc Macaraig, ang doktor na sumuri sa estrangherong lalaki. “So far we have given him a tranquilizer to calm the patient down.  Pero may chance na maulit ang nangyari kanina sa oras na magising ito. Kaya ang maipapayo ko ay kailangan niya ng magbabantay 24/7 dahil kailangan pa niyang magpahinga ng one to two weeks sa hospital, depende kung kaya na ng pasyente. May ilang tests pa rin kaming isasagawa para masiguro na masiguro na maayos na ang lagay niya. "

Bumuntong-hininga si Lalaine nang marinig ang mga sinabi ni Doc Macaraig, at saka binalingan ang estrangherong lalaki na kasalukuyang mahimbing na natutulog. Kanina lamang kasi ay nagwala ito nang tanungin niya ang pangalan nito. Ang sabi nh doktor ay normal lang daw iyon sa taong may temporary amnesia.

Hay! Ano na ngayon ang gagawin ko? tanong ni Lalaine sa sarili. "Doc, paano po 'yan? Wala po akong pera pangbayad sa hospital pati sa mga gamot at tests na gagawin sa kan'ya. Hindi ko po siya kamag-anak. Ako lang po ang tumulong sa kanya noon at tumatayong guardian niya pero palagay ko po ay sobra-sobra na itong abala para sa akin at sa pamilya ko," tutol ni Lalaine.

Alam ni Lalaine na magiging makasarili siya dahil sa sinabi niyang ito pero iniisip lamang niya ang kanyang nanay at kapatid. Kulang na kulang pa nga ang kinikita nila para sa araw-araw na gastusin, heto't kukuha pa sila ng pakainin. Kung tutuusin, sobra-sobra na ang naitulong niya sa lalaking ito na hindi naman niya kaano-ano kaya sa kanyang palagay ay sapat na ito.

"Don't worry, Ms. Fernandez, nandyan ang ating Social Welfare para tulungan ka sa pinansyal na gastusin para sa pasyente. Or if you want, we'll get him into the Social Welfare rehabilitation center so you don't have to worry about anything.  The social worker will take care of him until he recovers," saad pa ng butihing doctor.

Hindi malaman ni Lalaine kung bakit pero nang marinig niya ang sinabi ng doktor ay tila sinundot ang kanyang konsensya. Alam niyang mahirap ang nasa loob ng rehabilitation center dahil mistulang nakakulong ang mga pasyente roon pero ano ang magagawa niya? Malaking abala ang lalaki kung sakaling siya pa ang kukupkop hanggang sa gumaling ito, lalo pa't ayon sa doktor ay tumatagal hanggang ng anim na buwan ang amnesia nito.

"Sige po, Doc Macaraig. Maraming salamat po." Iyon na lamang ang nasabi ni Lalaine matapos ay nagpaalam na rin ang doktor. Samantalang naiwan naman si Lalaine na malalim ang iniisip. Hindi siya makapagdesisyon kung ano ang mas mabuting gawin. Nakaramdam kasi siya bigla ng awa sa estrangherong lalaki. Na-realized niyang hindi na nga nito maalala ang sarili, sa rehabilitation center pa ito magpapagaling. Ngunit sa isang banda, pinoproblema rin niya kung paano ito masusuportahan gayong kapos din siya sa pinansyal na aspeto.

"Ano bang gagawin ko sa'yo?" mahinang tanong ni Lalaine sa nahihimbing na lalaki. Naupo siya sa silyang katabi ng hospital bed kung saan ito nakahiga. "Siguro nag-aalala na sa'yo ang mga magulang mo..." patuloy na kausap ni Lalaine.

Habang pinagmamasdan ni Lalaine ang lalaki ay hindi niya maiwasang humanga sa angking kaguwapuhan nito, kahit pa nga halos puno ng galos, sugat, at pasa ang mukha nito. “Sino kaya ang may gawa niyan sa'yo? Ano bang kasalanan mo para magkaganyan ka?” saad ni Lalaine na hindi maipigilan ang sariling haplusin ang mukha nito.

Tumagal din ng ilang segundo ang maharan na paghaplos ni Lalaine sa mukha ng nahihimbing na lalaki nang mapapitlag siya sa gulat dahil nagsalita ito. “What are you doing?” pagalit na tanong nito sa kan'ya. Sa labis na pagkabigla ay napatayo si Lalaine sa kinauupuan at napaatras ng ilang hakbang palayo rito. Hindi rin siya makatingin sa lalaki sa labis na kahihiyan. Ano ba kasing naisip mo Lalaine at may pahaplos-haplos ka pang nalalaman? Nagising tuloy siya! lihim na sermon niya sa sarili.

"W-Wala. May dumi ka lang sa mukha kaya inalis ko," nauutal na tugon ni Lalaine na ang paningin ay ibinaling sa kung saan. Napakasungit naman! isip isip niya.

Tila naman naniwala ang lalaki sa sinabi niyang iyon kaya hindi na ito nagtanong pa. Subalit muli siyang naalerto nang makita niyang kumilos ito at astang babangon. "Teka, Kuya! Bawal ka pang kumilos sabi ni dok. Sariwa pang mga sugat mo!"bulalas ni Lalaine saka mabilis itong nilapitan para sana pigilan pero nabigla siya nang tabigin nito ang kamay niya.

Nakasimangot tuloy siyang hinarap ito subalit agad din siyang natigilan nang mapatitig sa kulay abuhin nitong mga mata na nakikipagsukatan ng titig sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Tila may kung ano sa mga mata ng masungit na lalaki ang humihila kay Lalaine patungo sa kailaliman. Nakakalunod iyon ngunit sa isang banda ay nakakapaso.

“Do I look too old for you to call me kuya, huh?” inis na tanong nito matapos ay umasta muling babangon subalit muli itong nahiga nang marahil ay makaramdam ng kirot bunga ng tinamong sugat.

Palihim namang napairap si Lalaine dahil sa kasungitan ng kaharap. Siya na ngang may utang na loob, siya pa ang masungit! inis niyang wika sa sarili. Ang kaninang pagkailang at hiya na nararamdaman niya ay napalitan ng inis dahil sa inaasta nito. Alam niyang normal lang sa tulad nitong dumaranas ng temporary amnesia ang ganoong pag-uugali pero hindi niya alam kung kaya niyang matagalan ang ganoon.

“Ano namang itatawag ko sayo, aber? Ni hindi mo nga alam ang pangalan mo. Saka saan ka ba pupunta? Bakit gusto mong bumangon? Sariwa pa ang mga sugat mo at pwede kang mabinat dahil kagagaling mo lang sa operasyon," ani Lalaine na hindi na mapigilan pa ang inis sa kaharap subalit kaagad din niyang natutop ang sariling bibig nang ma-realized ang mga sinabi. Ano ka ba naman Lalaine Louis! Bakit mo sinabi 'yon?! sermon niya sa sarili habang nakatingin sa lalaki na noon ay malamig ang tinging ipinupukol sa kan'ya. Hindi na rin ito kumibo at sa halip ay ibinaling nito ang ulo sa ibang direksyon.

Nakagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa lalaki. Alam niyang mali ang kanyang sinabi at marahil ay na-offend ito sa sinabi niya. “I'm sorry..." hinging-paumanhin ni Lalaine subalit hindi siya sinagot nito. Ni hindi man lang nga ito bumaling sa gawi niya. Nagalit talaga siguro siya! Ano ka ba naman Lalaine! 'Di ka nag-iisip! patuloy na sermon niya sa sarili.

Lumipas ang ilang sandali ay hindi na nagbago pa ang ayos ng lalaki. Nakabaling lamang ito sa kabilang bahagi ng kama kung saan hindi niya nakikita ang mukha nito. Akala tuloy ni Lalaine ay nakatulog itong muli kaya naman marahan siyang lumapit upang sana ay kumutan ito pero muli siyang nagulat nang magsalita ito.

“I need to pee...”

Hindi malaman ni Lalaine kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nito. “O-Okay lang, dyan ka na umihi. Naka-catheter ka naman,” sagot naman ni Lalaine.

“No," mariin nitong sabi matapos ay muling humarap sa kan'ya na seryoso ang anyo. “I will not pee here. I want to go to the bathroom,” pagpupumilit pa ng lalaki saka muling asta na babangon.

Marunong kayang magsalita ng Tagalog ang lalaking 'to? lihim na tanong ni Lalaine sa sarili saka mabilis na tumango rito. “Sige, sandali lang. 'Wag ka munang babangon tatawagin ko lang ang nurse," saad ni Lalaine. Muli namang nahiga ang lalaki kaya mabilis siyang lumabas ng silid at nagtungo sa nurse station. “Nurse Via, gising na po ulit ang pasyente. Gusto na rin po yatang ipatanggal ang catheter," ani Lalaine sa babaeng nurse na nakatoka sa kanilang silid.

Hindi malaman ni Lalaine kung bakit biglang napangiti ang babaeng nurse nang marinig iyon. Pagkatapos sinipat pa muna ito sa compact mirror ang sarili. “Okay, papunta na ako,” sagot nito na may kinuha pang kung chart sa mesa nito. Hindi na lang iyon pinansin ni Lalaine at nauna na siyang bumalik sa silid. Naabutan naman niyang nakahiga pa rin ang lalaki ngunit hindi nakatingin sa kanya at nakabaling lang sa kung saan. Masunurin naman pala, isip-isip niya.

Mayamaya pa'y dumating na si Nurse Via na may dalang chart at matamis ang ngiti na bumati sa lalaki. “Good evening, Sir. Kumusta po ang pakiramdam niyo?” tanong nito sa lalaki. Hindi alam ni Lalaine kung epekto lamang iyon ng kawalan niya ng tulog pero tila sinadya ni Nurse Via palambingin ang tinig. Lihim tuloy siyang napanguso habang pinapanood ang babaeng nurse na tulungang bumangon ang lalaki. Matapos niyon ay sinuri ang pasyente gamit ang stethoscope at ch-in-eck ang blood pressure nito.

“Your blood pressure is normal, Sir, as well as your heart beat. This is a good sign for your fast recovery,” tumatangi-tangong ani Nurse Via na naroon pa rin ang malambing na tono. Sa pakiwari pa nga ni Lalaine ay kinikilig ang babae habang ibinabalik ang pagkakasara ng butones ng hospital gown na suot ng lalaki na tinanggal nito kanina.

Kung sabagay, sino bang hindi kikiligin sa ganyan kaguwapo? Kung hindi ka lang sana masungit sa'kin baka ipagpapasalamat ko pang ako ang mag-aalaga sa'yo, saad ni Lalaine sa isipan habang pinapanood ang mga ito sa isang tabi.

“Let's go, Sir. Samahan ko po kayo sa banyo at nang matanggal na ang catheter n'yo,” mayamaya pa'y wika ni Nurse Via. Marahan nitong inalalayan na makabangon ang lalaki mula sa hospital bed.

“Nurse Via, kailangan mo ng tulong?” kaagad na tanong ni Lalaine nang makitang tila nahihirapan ang nurse na alalayan ang lalaki na makababa sa kama. Sa laki ba naman nitong tao tiyak na hindi nito kakayanin mag-isa.

Pero mabilis na tumanggi ang nurse sa alok niyang iyon. “No need, kaya ko na,” sagot nito saka muling bumaling sa pasyente at ngumiti ng matamis. “Dahan-dahan lang, Sir. Humawak po kayo sa akin,” turan pa nito na kinuha ang braso ng lalaki at ikinawit sa sariling baywang habang ang isa ay nasa balikat nito.

Hindi naman mapigilang magtaas ng kilay ni Lalaine dahil sa inaasta ng nurse. Obvious naman kasi na nagpapa-cute ito sa masungit na lalaki. Ano ba ang akala n'ya? Siya lang ang anak ng Diyos? lihim na wika ni Lalaine pero kaagad din niyang nakagat ang labi dahil sa naisip. Sorry po, Lord. Kaya lang bakit si Nurse Via lang ang pwedeng sumama sa banyo? Gusto ko lang po sanang makita kung paano tanggalin ang catheter... Pero si Lalaine na rin ang napailing sa mga naisip niyang iyon. Lihim din siyang napaantanda dahil pakiramdam niya ay sinasaniban siya ng masamang espirito dahil sa maruming pag-iisip.

Nanatili na lamang si Lalaine na tahimik na pinapanood si Nurse Via na alalayan ang lalaki hanggang sa makababa ito ng kama at dahan-dahang maglakad patungo sa kalapit na banyo. “Please close the door,” wika pa ng lalaki nang makapasok ang mga ito ng banyo.

“Yes, Sir,” saad naman ng nurse na sa pandinig ni Lalaine ay humagikhik pa.

Hindi naman mapakali si Lalaine sa kinauupuan kaya naman nagpasya siyang lumapit sa nakasarang banyo ay nagpasyang ilapat ang tenga sa pinto niyon. Gusto lang sana niyang marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Iyon lang ba talaga ang gusto mo Lalaine? O gusto mong malaman kung may nangyayaring kababalaghan sa pagitan ng masungit na lalaking iyon at kay Nurse Via? tanong ng pilyang tinig sa isipan ni Lalaine.

Subalit natutop ni Lalaine ang bibig nang marinig ang tinig ng mga ito sa loob ng nakasarang banyo. “Fuckshit! Take it slowly...” anang tinig ng lalaki.

“Okay, Sir. I'm sorry...” tinig naman ni Nurse Via. “Sir, dahan-dahan lang po. Masakit...”

Sa narinig pakiramdam ni Lalaine ay namutla siya. Ano bang ginagawa nila? tanong niya sa sarili. Hindi rin malaman ni Lalaine kung bakit kinakabahan siya nang marinig ang mga ito.

“Ayan, Sir, malapit na po...” mayamaya pa'y saad muli ni Nurse Via. At dala marahil ng kuryusidad sa kung ano mang ginagawa ng mga ito ay walang sabi-sabing binuksan ni Lalaine ang nakasarang pinto. At halos lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa labis na hiya nang makita ang mga ito.

“Fuck! What are you doing?!” anang lalaki na masama ang tingin sa kan'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status