"Ang bait ng Boss mo ah, akalain mong ang laki na nga mag pa sweldo tapos kaibigan pa ang turing sa'yo."
Nandito kami ngayon ni Bingo sa rooftop ng isang lumang gusali at nag ku-kwentuhan.
Na i-kwento ko sa kanya ang tungkol kay Abbi at heto siya, namamangha dahil sa ugaling meron si Abbi.
"Ede mas makaka ipon ka na ngayon dahil mas malaki na ang sahod mo. Ibig sabihin niyan mas madali ka ng makakahanap ng malilipatan at aalis ka na rito."
Pagak siyang natawa bago tumingin sa tanawing walang ibang makikita kung hindi mga kabli ng kuryente at bubong ng mga kabahayan na may naka ibabaw na gulong, kahoy, at iba pang pampabigat para hindi tangayin ang bubong nilang halatang malutong na dahil sa kalumaan.
"Ikaw Bingo?"
"Anong ako?"
"Gusto mo ring umalis dito tama ba? Gusto mo bang hanapan kita ng trabaho?"
"Nako hindi na Grace nakakahiya naman sa Boss mo at saka kapag naka alis naman si Ate papunta sa Saudi sigurado akong maka
"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa tayong isama ni Kuya sa mga ganap niya sa buhay tss."Umirap si Abbi habang pababa kami ng chopper. Ilang linggo ang nakalipas at heto kami ngayon sa isang hotel dito sa Cagayan de Oro dahil sa business trip ni Jonas.At kanina pa nagerereklamo si Abbi dahil maging ako ay hindi alam kung bakit ba kailangan pa kaming dalawa rito eh siya naman yung businessman sa aming tatlo.Bumuntong hininga na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad."Ang sabi niya may party daw na kailangang daluhan at tatapat sa isang importanteng meeting niya at dahil doon, tayong dalawa ang magiging proxy niya." Tamad kong sagot.Pwede naman kasing secretary na lang niya napaka daming arte.Nakangiti kaming sinalubong ng mga staff ng Hotel at kinuha ang mga gamit namin saka hinatid papunta sa magiging Hotel Room.Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa Hotel na magara, malinis at engrande. Hindi kataka-takang five
"W-wala naman," Sagot ko kay Jonas.Tumango siya sa akin at saka nag patuloy sa pag kain. Gano'n din ang ginawa ko at tahimik lang na nakikinig sa pag uusap nila tungkol sa business.Nalaman kong real estate ang business ng pamilya nila Maliyah at nandito siya dahil sa isang project at kasali rin siya sa conference since business partners pala ang pamilya nilang tatlo.Para silang mga sanga ng isang matibay na puno. Punong binubuo ng kapangyarihan, koneksyon at salapi.Tahimik lang akong ngumunguya sa gilid at iwinaglit na sa isip ang kaninang kalokohan tungkol sa pulseras nang biglang mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat."How about you Hope? Are you into business? What's the business of your family?"Tinapos ko ng marahan ang pag nguya ko at umusbong ang kaba sa dibdib ko lalo pa't buong atensyon nila lalo na ni Gideon ang nakatuon sa akin.Nag punas ako ng bibig at tumikhim handa ng sumagot pero inunahan ako ni Abbigail.
Nakaupo ako ngayon kaharap ang mga kaibigan ni Jonas at may hawak na baraha, sa bandang likuran ko naman siya nakaupo.We're playing a poker game."Mukhang matatalo pa yata kami ni Hope ah." Umiiling na sabi ni Enrico, natatandaan kong nakita ko siya sa Bar no'ng unang beses ko ring makita si Gideon.Tumawa kami.Dapat ba akong maging proud na matatalo ko siya o hindi?Jusmiyo! Sugarol na sugarol yata ang dating ko rito."Hindi ka pa ba inaantok?" Bulong ni Jonas."Hindi pa."He sighed.Pang sampong tanong niya na kung inaantok na ba ako simula ng maupo kami rito."Go babe!" A girl cheered for Enrico.I can almost see her full breast from her. I unconsciously look down at mine and a moment later I heard a low chuckle coming from Jonas."Maliit?" He asked playfully.Naiinis ko siyang hinampas pero humalakhak lang siya sa akin."Oh bakit? Nagtatanong lang ako kung maliit ba ka
Hindi nga ako nagka mali nang sinabi kong mapupuyat ako dahil pakiramdam ko ngayon lumilipad ang utak ko papunta sa kung saan."Hindi ka naka tulog ng maayos? Ay wait mali! Saan ka galing kagabi? Nagpunta rito si Gideon kagabi ikaw ahh! May secret meeting kayo noh?"Sinabi ko bang si Abbigail ang isa sa maraming dakilang alaskador na kilala ko?Hindi na nga ako naka tulog dahil sa lalaking 'yon, ipapaalala pa ulit."Mali ang iniisip mo. Galing akong Casino kagabi kasama ko si Jonas." Lutang kong sinabi.Tumahimik siya at slow motion akong tiningnan."Si Kuya? Nag casino kayong dalawa?!""Jusko naman! Bakit ka sumisigaw?" Inis ko ring sigaw dahil muntik pang mabasag yung tasa ng kape na nasa harapan ko dahil sa gulat sa kanya."Bakit hindi niyo ako sinama? Ihh!"Ngayon naman ay para siyang batang nag dadabog. Napaka mature tss."Kung nakikita mo lang ang itsura mo kagabi, kulang na lang ay t
Ilang minuto pa akong nag tagal na naka sandal sa may pintuan bago pumasok ulit sa kwarto."Anong sabi?" Abbigail asked as soon as she saw me.I showed her the paper bag that Gideon gave to me and she exaggeratedly snatched the bag away from me and get the dress inside of it."Ohh wow! This is beautiful! Ito na lang ang suotin mo ah wag na yung dala natin."Hindi ako nag salita dahil pinakakalma ko muna ang dibdib kong mistulang naging lugar ng digmaan dahil sa gulong nangyari kani-kanina lamang."Napano ka?" Nagtataka niyang tanong ng hindi ako sumagot.Umiling ako kaagad sa kanya."Wala, iniisip ko lang kung alin ang isusuot ko." Pag papalusot ko na malayo sa totoong rason ng pagiging tahimik ko.Bigla ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Umiling ako para itaboy ang namumuong bagay sa isip ko.Hindi pwede Hope, delikado.I tightly closed my eyes and inhaled a large amount of air to normalized the flow of the bloo
Naka upo kami ngayon ni Abbi sa isang mahabang mesa katapat at katabi ang mga bigating tao sa larangan ng iba't ibang negosyo at propesiyon.Si Abbigail ay kanina pa bumubulong bulong sa tabi ko."Sino bang tinatawagan mo?" Nagtataka kong tanong ng halos marinig ko na ang tunog ng kuko niya habang nag titipa sa cellphone."Si Kuya, hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina ang sabi niya pupunta siya dito and bigla nag text siya na hindi na lang daw pala siya pupunta.""Baka naman naipit sa meeting.""Tsk. Meeting his ass." Biglang pag sabat ni Robi sa usapan. Nasa kaliwang bahagi ko siya at napapagitnaan kami ng bakanteng upuanUpuan kung saan naka upo kanina si Gideon at ngayon ay naiinip na sa grupo ng mga lalaki.Natatawa ako dahil sa hawak niyang gelatin dessert. Kanina sinabi kong gusto ko n'on kaya nag presinta siyang kukuhanan niya ako.Ibinalik ko ang atensyon kay Robi ng gumalaw ang ulo niya papalingon sa gawi ko
Malalim na ang gabi ng makauwi kami at kinaumagahan ay maagang nang gising si Jonas."Wake up girls, masama mag palipas ng gutom."Ang hapdi ng mata ko pero pinilit ko pa ring mag mulat para agad siyang talakan."Saan ka galing kahapon bakit hindi kita nakita magdamag?" Namamaos ko pang sabi.Umupo ako at hindi alintana ang sabog sabog na buhok at hindi pa maayos na itsura.Inaayos niya ngayon sa table ang dala niyang pagkain. Fresh na fresh pa dahil bagong ligo samantalang ako mukhang bruha lang."Oh bakit na miss mo ako? Diba hindi naman tss.""Sinasabi mo? Para kasing nakita kita kagabi sa party pumunta ka noh?"Nilingon niya ako at nginiwian."Party? No, I told you I have a meeting at late na siya natapos and I went to manila because of urgent meeting again kanina lang ako naka balik dito.""Napakarami naman yatang meeting. Pero nakita talaga kita!" Pag pipilit ko."Aha! Nambabae ka kagabi noh?"
Bandang alas tres na ng hapon kami pumunta sa rooftop para hintayin ang chopper, kami lang dalawa ni Abbi dahil wala na naman si Jonas."Saan pupunta si Jonas?""I don't know. Wag mo na lang muna siyang hanapin.""Okay." Kibit balikat kong sagot."By the way, buong week naman ang class ko at na ayos mo naman na ang schedules ko diba?""Hmm""Good. Pwede ka na munang umuwi sa inyo, baka miss ka na rin nila Tita and Sebiala." Ngumiti siya sa akin.Paniguradong hinahanap na nga nila ako. Hindi kasi ako nag paalam na pupunta akong CDO, mahirap na baka mamaya hindi pa ako payagan at baka puntahan ako ni Nanay para pag baunin ng kung ano-ano."Sige uuwi muna ako. Bale tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka.""Don't think of me Hope, I'm capable of myself.""Capable daw eh kung hindi ka nga binuhat ni Robi kagabi baka puro pasa yang tuhod mo dahil sa sobrang kalasingan.""Hey! Hindi totoo yan ah."