Share

CHAPTER 181

Author: dyowanabi
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-19 17:09:33

Nang matapos biglang nag-vibrate ang kanyang telepono. Napatingin siya, isang mensahe mula kay Mayumi. At sa hindi niya inaasahan, bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Binuksan ni Xavier ang kanyang cellphone, kumunot ang noo nang makita ang isang maikling mensahe mula kay Mayumi.

“Nasa mansyon na ako.”

Saglit siyang natigilan, saka napailing. “Hindi ba’t napagkasunduan natin na susunduin kita?” bulong niya sa sarili habang mabilis na nagta-type.

Hindi nagtagal, sumagot si Mayumi.

“Lat
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ana Lovelyn Barrete
Nong bagay Kaya ang pi a pagawa ni grad ma
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 593

    “Now speak, Maxine.” Malamig ang boses ni Mayumi habang matalim siyang nakatingin sa babae. “Ano ang plano ni Diego at Ysabel?”Napalunok muna si Maxine. Ilang segundo siyang nag-isip bago tuluyang nagsalita. “Tumawag kagabi si Ysabel…”Agad na kumunot ang noo ni Mayumi. “Bakit? Nasaan ba nagtatago si Ysabel ngayon?”“Sa Germany.”Bahagyang nanigas ang katawan ni Mayumi. “Germany?”Tumango si Maxine. “Sinabi niya na kapag naging stable na siya roon, dadalhin niya si Diego sa Germany. Doon na silang dalawa maninirahan.” Tumigas ang mukha ni Maxine habang sinasabi iyon. Muling bumalik sa kanyang mga mata ang galit at sakit na ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay pilit niyang kinokontrol.“Ano pa ang narinig mo?” muling tanong ni Mayumi“May narinig akong pag-uusap nila.” Muling napalunok si Maxine. “Gusto ni Ysabel na utusan ulit ako ni Diego na magnakaw ng data dito sa MK Group. Pero napag-usapan na namin iyon noon ni Diego. Pinagdududahan n’yo na ako, kaya sinabi kong hindi na iyo

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 592

    “Ipagpalit niya ako kay Ysabel.”Napakunot ang noo ni Mayumi. Parang biglang huminto ang kanyang paghinga. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.“Wait…” Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang upuan. “Anong sinabi mo?”“Ysabel.”Muling binanggit ni Maxine ang pangalan, this time, mas malinaw at walang pag-aalinlangan.Napatingin si Mayumi sa kanya nang matalim. “Paano nadamay si Ysabel dito?”Huminga nang malalim si Maxine bago tuluyang ikuwento ang lahat.“Si Ysabel ang nag-utos sa nobyo kong si Diego. Siya ang nag-utos kay Diego na utusan akong magnakaw ng robotics data mula sa MK Group.” Sandaling natigilan si Maxine, tila nahihirapan pa ring aminin ang lahat. “Binibigay ko iyon kay Diego… at ibinibigay naman niya kay Ysabel.”Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Maxine ay tila lalong nagpapabigat sa hangin sa loob ng opisina. Nanigas si Mayumi. Dati, haka-haka at pagdududa lang ang pinanghahawakan nila. Maraming posibilidad, maraming tanong, ngunit walang sapa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 591

    MAYUMI’S POV:Kasalukuyang nasa opisina si Mayumi. Simula nang makalabas siya ng ospital at tuluyang mawala sa kanyang buhay si Christian, halos buong oras na lang niya ay inilaan niya sa pagtatrabaho.Iyon na lang ang alam niyang paraan para kahit kaunti ay mapatahimik ang kanyang isip. Kapag abala siya, wala siyang panahon para mag-isip. Wala siyang panahon para alalahanin ang sakit. Wala siyang panahon para isipin kung gaano siya nangungulila kay Christian.Ngunit kapag sumasapit ang gabi at mag-isa na lang siya sa kanyang apartment, doon muling bumabalik ang lahat. At ang pinakamahirap sa lahat… ang katotohanang hindi na niya kailanman makikita ang lalaking minahal niya.Malungkot siya, sobra, pero ayaw niyang hayaan na kainin siya ng kalungkutan. Kailangan niyang bumangon, kailangan niyang magpatuloy. At sa lahat ng naiwan sa kanya ni Christian, ang kanilang pusa na si Inspector ang nagsisilbing pinakamalapit na alaala niya rito.Kinuha niya ang pusa mula sa bahay ni Christian at

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 590

    Samantala, sa kabilang dako ng mundo…Lihim na napatingin si Diego sa kanyang cellphone. Nang makita niyang si Ysabel ang tumatawag, agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga at maingat na lumabas ng kanilang kuwarto. Ayaw niyang marinig ni Maxine kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi nito dapat malaman na hanggang ngayon ay may lihim pa rin silang komunikasyon ni Ysabel.Mabilis siyang nagpunta sa isang tahimik na bahagi ng bahay bago sinagot ang tawag. Kakatapos lang nilang mag-usap. At kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang ibaba niya ang tawag, nananatili pa rin sa isip niya ang boses ni Ysabel.Simula nang umalis ito patungong Germany, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong tumawag ito sa kanya. Siya lang ang nakakaalam na nasa Germany si Ysabel dahil wanted ito sa Pilipinas. Ganun siya ka importante sa dalaga.At sa tuwing tumatawag si Ysabel, iisa lang ang madalas nitong pag-usapan… ang robotics data na inaasahan nitong makuha niya mula sa MK Group.Dahil wala naman

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 589

    Nangilid ang mga luha ni Ysabel habang tahimik na nakatingin kay Richard na mahimbing nang natutulog sa kama. Malakas ang paghilik nito, naghalo ang pagod sa kanilang pagniniig at sa pagkalasing nito.Samantala, si Ysabel ay naiwan na naman sa tahimik na silid, pinipilit lunukin ang bigat na namumuo sa kanyang dibdib.Dahan-dahan siyang tumayo at nagpunta sa banyo upang linisin ang sarili. Ganito na lang palagi ang nangyayari. Pagkatapos siyang gamitin ni Richard, matutulog ito na parang walang nangyari.At siya? Siya ang maiiwan upang maglinis ng mga kalat, ng mga basag na bote, at maging ng suka nito kapag sobra na ang kalasingan.Dati, halos hindi siya makapagtiis kahit makakita lang ng kaunting kalat. Hindi siya sanay sa ganoong buhay. Pero ngayon, wala na siyang pagpipilian.Kapag tumanggi siya, sasaktan siya ni Richard. Kapag lumaban siya, lalo lang lalala ang sitwasyon. Kaya natutunan niyang manahimik, natutunan niyang tiisin ang lahat.Pero habang nakatingin siya sa sarili sa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 588

    Napatingin siya sa sarili niyang repleksiyon sa maliit na salamin sa kusina. Namumugto ang kanyang mga mata, magulo ang buhok, maputla ang mukha, at wala na ang dating ningning na lagi niyang ipinagmamalaki.“Ganito na ba talaga ako ngayon…?” mahina niyang tanong sa sarili.Walang sumagot, tanging patak ng tubig mula sa gripo ang kanyang narinig. At doon niya naramdaman ang bigat ng kanyang mga pagsisisi. Kung hindi siya tumakas sa Pilipinas… kung hindi siya sumama kay Richard…kung hindi niya ipinagkanulo ang mga taong minsan ay tumulong sa kanya… Marahil hindi sana siya humantong sa ganitong buhay.Pero huli na… wala na siyang magagawa. Kapag bumalik siya sa Pilipinas, alam niyang hindi siya basta tatanggapin ng mga tao. At higit sa lahat, alam niyang hindi siya basta palalampasin nina Xavier at Mayumi. Maaaring makulong siya sa lahat ng ginawa niya.Kaya kahit miserable siya rito, nananatili siya. Dahil sa pagitan ng buhay na ito at ng kulungan… ito ang pinili niyang tiisin.Napahig

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status