Share

CHAPTER 377

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-05-28 21:09:37

Sa ilalim ng malamig na ambon, kapwa natahimik sina Xavier at Kiel. Tanging ang mahinang lagapak ng ulan sa mga tolda at kagamitan ang maririnig sa paligid.

Mahigpit na naikuyom ni Xavier ang kaniyang mga kamay bago tuluyang nagsalita sa mababang tinig.

“Sa ngayon, ang pinakamahalagang bagay ay ang mahanap si Mayumi.”

Bahagyang huminto ang kaniyang boses, tila may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan.

“Kahit na siya ay…” sandali siyang napapikit. “…dapat siyang maibalik nang may dangal sa la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
NAKKAUMAY NA BASAHIN! PARANG TANGA LANG PATI GABI MY NAGHAHANAP! LALO NA AT PURO KALANDIAN LANG NAMAN C MAYUMI!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 384

    "Anong ibig mong sabihin doon?" tanong ni Xavier, bahagyang nakakunot ang noo.Mabilis na ipinaliwanag ni Mayumi ang lahat ng nangyari, kung paano ito at si Christian nakaligtas matapos ang pagbagsak. Ang kwebang kanilang natagpuan, at ang mapanganib na kondisyon ng bangin na nakapaligid sa kanila.Habang nagsasalita ito, tahimik lamang na nakinig si Xavier. Nakatingin lamang siya sa mukha ng dating asawa na para bang natatakot siyang mawala ito kapag inalis niya ang kanyang mga mata rito.Nang matapos si Mayumi, agad itong nagtanong. "Paano naman sa panig ninyo? Kumusta ang rescue operation?"Mula simula hanggang wakas ay nanatiling kalmado ang tinig ni Mayumi. Parang hindi nila pinag-uusapan ang posibilidad ng kanilang kamatayan kundi isang ordinaryong problemang madaling maresolba.Sa isang iglap, napaisip si Xavier... Mayumi ba talaga ito? Ang babaeng natatandaan niya ay madaling masaktan?Noong pinalayas ito ng pamilya Valerio, halos araw-araw niya itong nakikitang umiiyak. Minsa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 383

    Napangiti si Mayumi, isang ngiting puno ng pagod ngunit may kasamang init at pag-asa."Oo," mahina niyang sagot. "Kakain tayong magkasama."Lalong lumambot ang mga mata ni Christian habang pinagmamasdan siya."Masarap ang pagkain sa café na 'yon," bulong nito. "At sigurado akong tatlumpung taon mula ngayon, magkahawak-kamay pa rin tayong kakain doon."Nang marinig iyon, bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ni Mayumi. Tatlumpung taon?... napakahabang panahon noon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi ni Christian, parang napakadaling abutin. Para bang wala itong duda na makakalabas sila rito. Para bang sigurado itong magkakaroon sila ng kinabukasan.Ibinaba ni Christian ang ulo nito at marahang hinalikan ang natitirang mga luha sa kanyang pilikmata ng dahan-dahan at maingat. Parang natatakot itong masaktan siya kahit kaunti.Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang balat at nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang mga mata at puso.Napapikit si Mayumi. Sa mga nakaraang araw, napak

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 382

    Sa wakas, nakahinga nang maluwag si Mayumi.Matapos makitang mahimbing pa ring natutulog sina Christian at Xavier, tahimik siyang lumabas ng maliit na silungang ginawa nila para makaligtas sa lamig ng gabi.Mabagal siyang naglakad patungo sa mismong lugar kung saan nahulog si Xavier. Kagabi, puro dilim at ulan ang bumabalot sa paligid. Halos wala siyang makita kundi mga anino at ang nakakatakot na tunog ng rumaragasang hangin. Ngunit ngayong sumisilip na ang araw sa pagitan ng mga puno, mas malinaw niyang nakita ang tunay na sitwasyon nila.At lalo siyang kinabahan. Napakataas ng dalisdis na nasa itaas nila. Mistulang pader ng bundok ang tarik nito. Nababalutan pa ng makapal na lumot ang mga batong nakalitaw sa gilid. Dahil sa magdamag na ulan, kumikintab ang mga iyon sa basa, na para bang naghihintay lamang ng isang maling hakbang upang muli na namang may mahulog.Tahimik na napahawak si Mayumi sa sariling mga braso. Hindi niya alam kung paano nakaligtas si Xavier matapos mahulog mul

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 381

    Agad na nakilala ni Xavier... Si Christian iyon.Kahit malabo na ang kanyang paningin dahil sa pagod at sakit, hindi siya maaaring magkamali. Ang tindig nito, ang paraan ng paglalakad nito kahit halatang nanghihina, at ang babaeng nakasunod sa tabi nito... si Mayumi!Naramdaman niya ang kakaibang paggaan ng kanyang dibdib. Nahanap niya sila!.. Buhay sila!Tinulungan ni Christian si Mayumi na makatayo mula sa pagkakaupo nito sa lupa. May sinabi ito rito na hindi na niya narinig dahil sa malakas na ugong sa kanyang mga tainga. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad ang dalawa papunta sa kanyang direksyon.Sa kaparehong sandali, tila biglang nawala ang natitirang lakas sa kanyang katawan. Kanina pa niya pinipilit ang sarili na manatiling gising. Kanina pa niya nilalabanan ang matinding sakit na nagmumula sa kanyang balikat at binti.Ngunit ngayong nakita na niyang ligtas ang dalawa, tila wala nang dahilan para magpatuloy pa. Dahan-dahang pumikit si Xavier Valerio at tuluyang nawalan ng malay

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 380

    Hindi na hinintay ni Mayumi ang sagot ni Christian. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng kweba, tila hinahabol ng mga salitang binitiwan nito.Paglabas niya, sinalubong siya ng malamig na hangin. Humina na ang ulan, ngunit mabigat pa rin ang kalangitan. Makakapal na ulap ang nakasabit sa itaas na para bang anumang oras ay muli na namang bubuhos ang malakas na pag-ulan.Paminsan-minsan lamang sumisilip ang maputlang liwanag ng buwan sa pagitan ng mga ulap, sapat upang bahagyang maaninag ang paligid ngunit hindi sapat upang maitaboy ang nakakatakot na dilim ng kagubatan.Huminga nang malalim si Mayumi. Wala siyang tiyak na pupuntahan, hindi rin niya balak na lumayo nang husto sa kweba. Ngunit sa mga sandaling iyon, ayaw niyang bumalik sa loob. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa dami ng emosyong nagsisiksikan doon.Naglakad siya nang walang direksyon, tinatapakan ang mga basang dahon habang pilit inaayos ang magulong isip. Galit siya ngunit habang lumilipas ang mga minuto

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 379

    Sa kabutihang-palad, kagubatan ang bumalot sa lugar na kanilang kinasadlakan. Hindi man ito ligtas, sapat naman ang ibinibigay nitong biyaya upang manatili silang buhay sa bawat araw na lumilipas. May mga ligaw na prutas na maaaring pitasin sa paligid, at may isang lawa na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan nila ng tubig.Sa gabi, habang tahimik na sumisipol ang hangin sa pagitan ng mga puno, maingat na naglalatag si Mayumi ng malalapad na dahon sa ilalim ng mga sanga. Pagsapit ng madaling-araw, naiipon sa mga iyon ang mga patak ng hamog na maaari nilang inumin. Maliit na bagay lamang iyon, ngunit sa kanilang sitwasyon, bawat patak ay mahalaga.Ngunit hindi lahat ng pangangailangan ay kayang tugunan ng kagubatan. Wala silang gamot, walang anti-inflammatory, walang pampababa ng lagnat... walang anumang makatutulong upang mapabilis ang paggaling ni Christian.Kaya paulit-ulit na lamang siyang kumukuha ng malamig na tubig mula sa lawa upang punasan ang noo at katawan nito. Ilang ulit

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 55

    "Go back."Nabaling ang tingin ni Alden sa kanya... “Saan po, boss? Sa mansion?”Akmang tatango siya nang biglang sumagi sa kanyang isip ang isang alaala. Noong umuwi siya at nakitang nababalot ng dilim ang mansion ay mukhang malungkot. Ano pa kaya ngayon na lumipat na si Mayumi ng tirahan... sigur

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 52

    Napansin ni Ysabel ang biglang pagbabago ng mood ni Xavier.Kunwari’y hindi sinasadya, sumulyap siya sa screen ng phone nito at nakita ang pangalan ni Mayumi sa chat.Si Mayumi na naman! inis na sabi niya sa sarili.Kampante siyang kaya niyang alisin ang kahit sinong humaharang sa pagitan nila ni X

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 59

    Itinaas ni Ysabel ang kamay nito at marahang hinaplos ang mukha niya, puno ng pag-aalala ang mga mata.“Kitang-kita na pumayat ka sa loob lang ng ilang araw. Nasasaktan ka rin siguro, dahil sa paghihiwalay n’yong dalawa ni Mayumi...”Napahinto siya. Bigla niyang naalala ang eksenang nakita niya kam

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 50

    DOC PATRICK POV:Sa loob ng ospital... nakatingin siya sa kanyang cellphone habang abala ang kanilang GC. Panay send ng mga kinikilig na nurses ng larawan ng isang sikat daw na lalaki na nasa kanilang ospital ngayon.Napangiwi siya habang tinitingnan isa-isa ang litrato, ang GC na iyon ay puro lang

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status