LOGINPinatay nila ako dahil sa masama nilang hangarin. Ngunit, binuhay ako muli ng tadhana para makapaghiganti. ***** Isang gabi ng tradisyunal na pagpili ng mapapangasawa ang nagtapos sa buhay ni Aria matapos siyang pagtangkaan ng kanyang sariling stepmother at half-sister. Ngunit bago pa man siya tuluyang napaslang, nalaman niyang nilalason pala ng madrasta ang kanyang ama araw-araw para lang makuha ang lahat ng kanilang mga ari-arian. Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan si Aria ng pangalawang buhay at ibinalik sa sandali ng pagpili. Ngayong may alam na siya sa masamang hangarin ng mapanlinlang na mag-ina, dito na niya binago ang tadhana para makapaghiganti. Sadya niyang pinili ang kinakatakutang bilyonaryo na si Khamir bilang mapapangasawa, hindi lang para sa pag-ibig kundi para sa isang kapangyarihang magpapabagsak sa kanila.
View MoreARIA
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Aria? Akala mo ba hindi kita nakitang nandaya kanina? You cheater!" matalim na bulyaw ng stepmother ko, sumusunod sa akin rito sa balkonahe ng kwarto sa ika-apat na palapag ng mansyon. "Ano pong pandaraya, Mama?" pagtatakang tanong ko, bahagyang sumandal sa sementadong railing. "I stood firm in front of everyone, and followed the will in our family tradition." "Follow the will? Or follow your plans?" sambit ng half sister kong si Elaine, matindi ang galit dahil hindi niya nagustuhan ang pangalan ng lalaking natanggap niya kanina. "Kaya ka humarurot dito para makitang paparating na ang future husband mo! You were expecting him, weren't you?" "What are you talking about, Elaine?" naguguluhang tanong ko, nalilito kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon niya sa resulta kanina. "Kinakabahan ako sa official marriage arrangement later, kaya nandito ako para magpahangin!" "Don't play innocent with me, Aria!" singhal niya. "Alam mo in the first place kung saang kahon nakapangalan ang mga Azerbian Lords! Mama saw you! Don't deny it! Matagal mo nang alam na si Lord Jafarr ang mapipili mo! That's why you confidently picked yours!" Kunot-noo ako sa narinig, realizing na pinagbibintangan akong nandaya. I just picked up a box! I have no idea kung sino sa mga Azerbian Lords ang nakasulat sa loob, at kung sino sa kanila ang mapapangasawa ko. Wala rin akong dahilan para dayain iyon. "Ako lang ang karapat-dapat na ikasal kay Jafarr!" dagdag ni Elaine habang mariing nakatitig sa akin. "I will practically become the most powerful business tycoon in the world! Pero anong ginawa mo, Aria? Dinaya mo! You stole him from me! Ikakasal tuloy ako ngayon sa kapatid niyang si Khamir! That man is a walking nightmare! Ayoko sa kanya!" "Huwag mo akong pagbintangan, Elaine." mahinahon kong paliwanag habang pilit na pinipigilang mawalan ng pasensiya. "If the result would be your problem, we can talk about it. Hindi ko naman kailangang pakasalan ang lalaking pinangarap mo. Pwede ko siyang tanggihan at kausapin si Papa na ikaw na lang ang ipalit sa akin." "Huli na ang lahat!" pasigaw na tugon ni Mama. "The whole Moretti clan already knew kung sinu-sino ang mga babaeng mapapangasawa ng magkakapatid na Azerbian Lords. Hindi mo na mababawi ang nangyari, Aria!" "May magagawa pa naman siguro si Papa?" nag-aalalang tanong ko habang salit-salitang tinitingnan ang mag-ina. "I thik, pwede pa nating baguhin ang kasunduan. Kung kakausapin ko si Papa, baka sakaling payagan niyang si Elaine ang ikasal kay Jafarr." "Wala na!" pasigaw na tugon ni Elaine habang napailing. "Ikaw na ang pakakasalan ng lalaking pinangarap ko! Ever since, ikaw lang naman din talaga ang palaging pinapaboran ni Papa! Pati ba naman si Jafarr, aagawin mo pa?" "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito, Aria. Tapos sisirain mo lang?" Biglang nag-iba ang awra ni Mama. Hindi na siya galit, my kung anong nakakakilabot na ng kasiyahan sa kanyang mga mata. "Makukuha ko na rin sana ang lahat ng pinaghirapan ko. Pero, damn! Panira ka! Ikaw ang hadlang sa lahat ng mga plano namin!" Plano? Gago! Anong ibig niyang sabihin? "Akala mo ba nagpakasal lang ako sa isang mayamang Moretti dahil mahal ko siya?" pagtatapat niya habang unti-unting lumalapit sa akin. "Don't make me laugh! Gusto ko lang makuha ang mga ari-arian ninyo! At alam mo ba kung paano ko yun ginagawa? Nilalason ko siya araw-araw, hanggang tuluyan siyang mamatay! And now who's next? Of course, you Aria! Pero I think mas uunahin muna kitang ligpitin ngayon." Bahagya akong napaatras dahil sa matinding gulat ng katotohanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang pilit pinoproseso ang bawat salitang binitiwan niya. Ang lalaking buong pusong nagtiwala sa kanya at itinuring siyang kabiyak ng buhay ay unti-unti niyang pinapatay? And now ako muna ang target nila? Tangina! Hindi ako makapaniwalang magagawa niya yun kay Papa. Kaya pala nanghihina ang ama ko! Kaya pala hindi na siya gaanong nakikialam sa mga negosyo, dahil may babae na palang gusto siyang ibaon sa lupa! Sa hindi inaasahan, sabay-sabay nang nagsusulputan ang mga black limousine sa driveway ng mansyon, hudyat na dumating na ang mga bilyonaryong hinihintay namin. Kikilos na sana ako para bumaba, kaya lang hindi ko akalain na ito na pala ang huling sandali ng buhay ko. "Mama, ngayon na!" nanginginig pero desididong sigaw ni Elaine. "Huwag ka ng magdadalawang isip! Pagkakataon na natin ito!" Marahas akong itinulak ni Mama. Kaagad akong nahulog mula sa ikaapat na palapag. Durog na durog akong lumagapak sa lupa, kasabay nang pagwasak ng buhay ko sa dilim. Ang huli ko lang nakita ay ang mukha ng mga taong akala ko ay kakampi. Wala silang mga emosyong nakatitig sa akin, na parang handa nilang itago ang krimen sa likod ng marangyang ngiti. Pero, mapaglaro ang tadhana. Buong akala ko ay tuluyan na akong kinuha ni Kamatayan. Sa isang iglap? Binuhay ako muli. Hindi ko inasahan na sa ikalawang pagkakataong ito, dito na magsisimula ang paghihiganti ko. "Aria, anak? You have the Moretti blood, at ikaw ang karapat-dapat na pipili ng kahon. Alin man dyan ang matitira ay direktang mapupunta sa half sister mo. Nasa loob ng mga ito ang magiging kapalaran ninyo ni Elaine dahil mapapangasawa niyo ang dalawang Azerbian Lords ng pamilyang Mansouri." Binalik ako ng tadhana sa sandaling pipili ako ng kahon. Eksakto sa magaganap na krimen kani-kanina sa balkonahe. Marangya naman ang pamilya namin, maraming mga negosyo at ari-arian sa buong Central Asia. Pero ang pagpipili ng mapapangasawa? Hindi isang simple arrange marriage lang. We have to pick a box. Pero this time? Ibang mga kahon ang nasa harap ko. Hindi ito ang mga nakikita ko lately. The color was changed and the design was shifted. Maging ang pagkakasunod ng mga ito ay nagbago. At kung may pipiliin man ako sa dalawa? Baka maulit lang ang eksena. Baka si Jafarr ulit ang mapipili ko. At kapag nangyari yun? Baka hindi na ako mabigyan pa ng isang pagkakataong mabuhay. Dito na ako nakapag-decide. Hinding-hindi ko dapat sasayangin ang chance na ibinigay sa akin. Dahan-dahan akong tumayo, dahilan para lahat sila ay mapatingin, lalo na si Papa na bahagyang nagtaas ng kilay. "I'm sorry, but I would like to provoke this, Papa." sabi ko na may paninindigan. "As a Moretti heir, ayokong diktihan ang buhay ko sa pangalan ng isang Azerbian Lord na nasa loob ng mga kahon na yan. Wala akong ibang lalaking gustong pakasalan, Papa. Si Khamir lang." Nagulat ang lahat. Maging si Papa ay hindi agad makapagsalita dahil sa pahayag ko. Nagkatinginan pa si Mama at Elaine sa isa't isa, na parehong nakangiti as if they are winning. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, anak?" muling tanong ni Papa. May bahid ng pag-aalala sa kanyang tinig habang sinusuri ang mukha ko. "Alam mo naman kung sino si Lord Khamir. Hindi siya katulad ng mga bilyonaryo at CEO niyang kapatid na mababait. Are you absolutely certain about this?" "Yes, Papa." tumango ako, saka sumulyap sa kapatid kong nagagalak ngayon sa tuwa. "Ibigay niyo si Jafarr kay Elaine. Mas bagay silang dalawa." Marahil iniisip ng lahat na bobo ako, na kung bakit si Khamir pa ang gusto kong pakasalan. Alam ko ring natutuwa ang mag-ina ngayon, dahil kusang-loob kong pinili ang lalaking kinatatakutan ng lahat. Ang hindi nila alam, mas gugustuhin ko pang pakasalan si Khamir, kaysa muling maging biktima ng dalawang ahas na ito. At ngayong alam ko pang may ginagawa silang katarantaduhan kay Papa, magbabayad talaga sila sa amin! Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ako makakasingil! Ito na yun, ang simula ng aking paghihiganti!Napanganga silang lahat sa hitsurang bumulagta sa harapan nila. For a moment, may kung anong pwersang nagpatahimik sa buong paligid. Bumungad kasi ang isang lalaking nag-uumapaw sa karisma at mapanganib na kagwapuhan. Khamir was the epitome of an Arabian beauty, matutulis na jawline, matikas na tindig, hunk physique, at mga matang may devilish intensity na kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang mapatitig sa kanya.Ngunit hindi ang kagwapuhan niya ang higit na nakapagpatahimik sa lahat. It was his presence. Mula sa kinatatayuan niya, matalim niyang sinusuyod ng tingin ang bawat taong naroon. Wala siyang sinasabi, wala ring anumang ekspresyong mababakas sa kanyang mukha, pero sapat na ang malamig niyang titig para maramdaman naming lahat ang bigat ng kanyang awtoridad. Para siyang isang bagyong biglang dumating na patahimik, ngunit nagbabadyang magwasak ng sinumang humarang sa kanyang landas. At ang pinakanakakatakot? Hindi man lang siya nagmukhang nag-aalalang may makakaharap siyang ka
Hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Papa at punong-puno ito ng pagkadismaya. Gago! Paning-paniwala talaga siya sa mag-ina na yun. At dito na ako bumigay. Sa sobrang sidhi ng frustration at kawalan ng katarungan, sumabog na ako!"Sila naman talaga, Papa! Sila ang may planong sirain tayo! Ang lahat-lahat! Araw-araw kang nilalason ni Mama kasama si Elaine para makuha nila ang ari-arian natin! In the first place, pinakasalan ka lang ni Mama para magkaroon siya ng kapangyarihan. Hindi ka naman niya minahal.""Walang hiya ka!" Nanigas agad ako nang biglang lumagapak ang mabibigat na kamay ni Papa sa aking pisngi. "Nagawa mo pa talaga silang pagbintangan pagkatapos ng ebidensyang ito? Tapos, gumagawa ka pa ng kwento para lang magpalusot? Napaka-hayop! Inutil!"Mabilis sumugod si Elaine, sinabunutan ako nang marahas at hindi tumitigil hangga't hindi ako bumagsak sa sahig. "Hayop ka, Aria! Kami pa ngayon ang pag-aakusahan mo
"Mama, gumising ka. Huwag mo naman akong iwan na ganito. Paano na ngayon ang mga pangarap natin? Wake up, please!" hagulgol ni Elaine sa pag-iyak, na parang guguho talaga ang mundo niya sa sobrang takot at pag-aalala.Mariing nakahawak sa balikat niya si Jafarr, puno ng awtoridad at galit ang mukha. Sa kabilang dako ng pintuan naman, palakad-lakad si Papa. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang sarili. Samantalang ako? Tahimik lang, walang kaabog-abog na pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila na may matamis na tagumpay sa loob ng aking dibdib.Ano ka ngayon, Mama? Sa sobrang atat mong paslangin si Papa, ikaw tuloy itong napahamak. Pero don't worry, higit pa riyan ang mararanasan mo kapag kikilos na ako. Ipapadama ko talaga sa inyong dalawa ni Elaine kung anong klaseng halimaw na si Aria ngayon.Agad nabaling ang atensyon naming lahat nang hinarap kami ng doktor, katatapos lang nitong suriin ang kalagayan ni Mama. Bago pa man makapagsalita si Pap
"You idiot! Ano ba talaga ang iniisip mo, ha? Everyone thinks you've lost your mind, Aria!" galit na bulyaw ni Papa sa hapagkainan, halos manginig ang mga kubyertos sa tindi ng pagkakabagsak ng kanyang palad sa mesa. "Pinagtatawanan ka ngayon ng buong angkan! Ikaw pa naman ang pinagmamalaki at inaasahan ko, pero what happened? You deliberately chose the man everyone fears! Khamir Mansouri? Seriously, Aria?"Napahinto ako sa pagsubo. Hindi ko in-expect na muling bubungad sa akin ang ganitong klaseng sermon mula kay Papa. Until now, hindi pa rin siya maka-move on sa desisyon ko."And where is he now?" mapanuyang dagdag niya. "Ni hindi man lang siya nagpakita sa araw ng inyong kasunduan! Three days, Aria! Tatlong araw na ang lumipas, pero ni anino ng bilyonaryong yun ay hindi natin nakita! Duwag siya!""Victor, please calm down." mahinahong awat ni Mama, saka marahang inilapag ang hawak niyang baso. "You're making a big deal out of something that has already been decided. Masaya naman si












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.