Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal."Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok."Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga."Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lu
Kinausap ni Violet ang ama nang masigurong nakapasok na ang ina sa silid."What's wrong?" simula niya. Alam niyang malaking problema ang bumabagabag dito."I want you to stay away from this, pero sasabihin ko pa rin sa'yo dahil alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo," tugon nito."Anak, magkakaroon na ng katarungan ang pagkaka-kidnap mo noon," kuwento nito."Pero hindi ganoon kasimple, alam mong napakadelikado ng Alpha. Hindi ko kontrolado ang lahat dito," aniya."Ano naman ang kinalaman ng Alpha sa mga dumukot sa akin?" kuwari ay tanong ng dalaga pero nakukuha na niya ang punto ng ama."My partners, sila ang pinuno ng sindikatong kumikidnap ng mga bata noong panahong mawala ka, hinihintay ko lang ang confirmation from my source para masigurong may kinalaman nga sila sa nangyari sa'yo noon," paliwanag nito."Hindi ako magdadalawang-isip na buwagin ang Alpha para sa kanila," banta ng kaniyang ama. Maraming koneksyon sa gobyerno ang ama kaya balewala lang sa kan
Kanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas."Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref."Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga."Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot."Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo. Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nit
"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid."I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na."I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong h******n kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang
"Ariah, sundan mo si yaya papunta na siya sa kotse," si Mrs. Chavez habang inaayos ang nakababatang kapatid ni Ariah sa kaniyang baby basket. Kasalukuyan silang nasa Park at naghahanda na para umuwi. Isang yaya lamang ang kasama nila dahil linggo noon at naka-day off ang isa. Mabilis namang tinulungan ng driver ang yaya nang makita itong maraming bitbit. Nakipag-play date kasi sila kasama ang ilang kalaro ni Ariah at mga magulang ng mga ito. Nauna nang nagsipag-uwian ang mga ito kaya sila na lamang ang naiwan. Tanaw lamang ni Mrs.Chavez ang kotse kaya kampante siyang utusan ang anak na sumunod na roon. Habang naglalakad si Ariah ay isang babae ang lumapit dito, walang ano-ano ay binuhat nito ang bata saka tinakpan ang bibig nito ng panyo na mayroong pampatulog at mabilis na inilayo patago sa pagitan ng makakapal na halaman, hindi na naka galaw ang bata dahil malaki at malakas ang babae. Wala rin kahit anong bakas na naiwan at tila nawala na lamang na parang bula ang bata. Dinala s
VOILET'S POV"VIOLET will lead the second team!" malakas na pahayag ng isa sa magiging trainor namin na magsisilbi ring mentor namin sa susunod na mga taon. "First and second year ay focus sa pag-build ng inyong physical abilities!" Muli niyang pahayag. Mataman lamang kaming nakikinig sa anumang sasabihin niya. Kasama ang iba pa naming magiging guro ay ipinaliwanag nila ang magiging set-up ng aming training. Tatagal raw ng apat na taon, pero madaragdagan pa depende sa bilis naming matuto. Hindi ko pa rin maitindihan kung anong klaseng army ba kami. Nang sa wakas ay binigyan kami ng pagkakataong magtanong. Halatang istrikto ang mga guro ka naman nag-aalangan akong isatining ang katanungang kanina ko pa gustong itanong. "Yes Violet?" nahalata yata ang pagdadalawang-isip ko."Sir, anong pangkat ng army po ang sasalihan namin kapag gumraduate na kami?" nag-aalalangan ngunit diretso ko namang naitanong."Well, depende sa inyo sa matututunan n'yo rito at sa abilidad n'yo," makahulugan niy
THIRD PERSON POVTinulungan ni Mr.Max si Eric sa pagpapagamot ni Erica sa hospital.Nakita niya ang potensyal ni Eric para mapabilang sa binubuong private army ng ALPHA kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na alukin si Eric. "Eric, kung hindi mo mamasamain at sana hindi mo isiping sinasamantala ko ang kalagayan n'yo ng kapatid mo," simula niya habang nasa lobby sila ng hospital, kasalukuyang hinihintay ang resulta ng treatment kay Erica. "Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, kaya siguro kahit na anong pabor ang hingin ninyo ngayon ay gagawin ko," mapagpakumbabang tugon naman ni Eric."Hindi ganoon ang ibig kong sabihin," maarteng wika ni Mr.Max "Ito ay kung gusto mo lang naman na maging miyembro ng army ng isang private organization, may training kayo na para ring nag-aaral ng militar pero ang kaibahan lang may suweldo na kayo sa training pa lang," matiyagang paliwanag niya sa mataman pa ring nakikinig na si Eric."Sa palagay ko ay magiging sapat ang suweldo mo para sa gamut
VIOLET'S POV"Eric!!.." mahina ngunit mariing tawag ko sa pangalan ng lalaking una kong minahal. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero kusa iyong kumawala sa aking mga mata. Labis ang hinagpis at sakit na nararamdaman ko habang tinitingnan ang mga kasama kong wala nang buhay, lalo na ni Eric. Kasabay ng aming pagtatapos ay nagtapos rin ang buhay ng anim sa mga kasama namin kabilang si Eric. Ang dapat na simula ng mga pangarap namin ni Eric ay naging katapusan pala. Galit ako! Sa sarili ko at sa mga taong pumatay kay Eric. Hindi na pinalabas ng ALPHA ang nangyari sa publiko dahil makakasagabal lamang sa paghahanap ng katarungan sa mga namatay naming kasamahan. Tatlong security, isa sa aming commander at anim sa aming mga graduates ang nawalan ng buhay sa insedenteng iyon kaya naman hindi kami papayag na mabale wala lang ang kanilang pagkamatay. Pagkatapos ihatid sa huling hantungan ang aming mga kasamahan ay binigyan kami ng isang buwang bakasyon para makasama ang mga pamilya namin b