Share

KABANATA 3 (A)

DYLAN’S OBSESSION

KABANATA 3 (A)

NASA harap ng kwartong may numerong 204 si Dylan sa isang private hospital sa Pampanga. He doesn’t know why his Grandfather wanted him to come all the way from Manila. Gamit ang isang private jet ng kanilang pamilya ay ipinasundo siya nito kanina para lang makita ang taong nasa loob. Napaka-importante naman nito at kailangan pang kanselahin lahat ng appointments niya para bukas.

Sa edad na 27 isa na siyang CEO ng DM’s apparel, isa sa kilalang clothing line sa loob at labas ng Pilipinas. DM initials stand for Dylan Monteverde. Dahil sa nag-iisa siyang apo kaya isinunod ito sa pangalan niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto.

“Ma’am Jean..!” ang masiglang sambit ng isang babae. Nakangiti ito na kalaunan ay tila naging pilit.

No way! Is this for real? Naguguluhang tanong sa isipan ng binata.

Hindi niya alam kung paano magreact. That was a year ago. Sino ang mag-aakalang magkokrus uli ang mga landas nila?

Sa ikalawang pagkakataon ay nasilayan niyang muli ang mukha ng babaeng nag-ala-knight in shining armor no’ng araw na ‘yon.

Siya ang taga-pagmana ng DM kaya responsinilidad niyang panatilihin ito sa itaas gaya nang tinatamasa nito ngayon, at isa sa mga iyon ay magpakasal sa Anak ng chairman ng El-D****e corporation.

Labag man sa loob ay napilitan siyang sumunod. Hanggang sa isang estranghera na galing sa kung saang lupalop ang dumating at iniligtas siya.

Nagsinungaling siya sa kaniyang Lolo, na girlfriend niya ang estranghera. At ang masakit pa ay dahil sa nangyari, nalaglag ang sanang magiging Anak nila. Lagi niyang sinisisi ang kaniyang Abuelo, at ipinapakita rito na talagang nasaktan siya sa nangyari. Sinubukan niya ring magkulong ng bahay sa loob ng ilang buwan. Naapektohan ang kompanya kaya naalarma ang matanda maging ang kaniyang mga magulang. Ginamit niya ang taktikang iyon para matigil na ito sa pagmamanipula. Besides, pwede namang mapanatili ang DM sa kung nasaan ito ngayon nang walang kasalang nagaganap.

Biglang tumikhim ang babae na nagbalik sa huwesyo ni Dylan.

“See, I have found her.”

D*mn! Piping buga ng binata sa isipan. Mukhang alam niya na ang susunod na mangyayari.

“ANO?! Siraulo ka, para sabihin ko sayo virgin pa ako!”

Naihilamos ni Dylan ang mga palad sa ginawang pagsinghal ng babae. Kahit naman sino magiging ganoon ang reaksyon.

“I am sorry, okay?” mahinahong usal pa niya sa babae. Nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ayon na rin sa pakiusap niya sa kaniyang Lolo. At lahat nga ng mga kasinungalingang ginawa niya a year ago ay ikinompesal niya na. Hindi niya naman aakalaing sa dinami-dami nang madidisgrasya ng Lolo niya ito pa. “Wala akong pagpipilian. I know it was not right but that was the only way I could escape for being manipulated. Ipakakasal at ipakakasal din ako ni Lolo sa iba.”

“Ang akala ‘yong Lolo mo ang may sayad sa utak. Eh, mas malala pa yata toyo mo sa ulo.”

Dylan looked at the woman in disbelief. Kung kilala lang nito ang kaniyang Abuelo hindi ito magsasalita nang ganoon. Pasalamat ito at wala ang huli kung hindi tiyak na wala na itong dila.

More patient Dylan. Kumbinsi niya sa sarili.

“Kasalanan mo rin naman. You were the one who got involved yourself in the picture. Masisi mo ba ako kung sakyan ko ‘yon?”

Biglang natahimik ang babae. At kapagkuwan ay nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga, tila may iniisip.

“Okay na, bayaran mo na lang ako.”

Kunot ang noo ay napatingin ang binata sa palad nito pero kalaunan ay naintindihan niya rin ang ibig nitong sabihin. Tumalima naman siya at mabilis na kinuha ang wallet. Ni hindi niya na binilang ang laman at ibingay na lamang ang lahat ng iyon.

“Seryuso ka? Ang dami nito.”

“It’s fine,” aliw na tugon niya nang tila hindi ito makapaniwala sa nakikita. She was still that innocent stranger a year ago. May nagbago nga lang sa hitsura nito. “Teka, nag-make-up ka? Okay ‘yan mas bumata ka. Hindi ka na mukhang tagabundok.”

Sandaling huminto sa pagbibilang ng pera ang babae at inirapan siya.

“Hey, I was just wondering why you left me that day without saying a word,” kapagkuwan ay pag-iiba niya. “I had not have the chance to even know your name.”

“K-kasi..”

Sa nakikita ni Dylan ay biglang hindi naging komportable ang babae na hindi niya maintindihan. Ang weird.

“Ahm, k-kuwan..”

“Whatever your reason was, it’s okay.”

“S-Salamat..!”

“By the way, what is your name?”

“Kailangan pa ‘yon?”

“But of course. Alam mo bang isang taon ka nang tinatanong sa akin ni Lolo? Like your name and address pero wala akong maisagot. Kasi hindi naman talaga kita kilala.”

Muli ay bumuntong hininga ang babae bago nagsalita. “Danica, Danica Dela Cruz.”

“Nice. Ako si Dylan. So paano, wala na akong utang sayo. Patas na tayo.”

“Sige. Pero paano ‘yong Lolo mo? Ano sasabihin mo sa kaniya?”

“Ako na bahala do’n. For the meantime pwede sumakay ka muna sa kwento ko? Hanggang sa bumalik ng Manila si Lolo.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” nakakunot ang noong tanong ng babae.

“Death anniversary ng Lola ko sa makalawa. And my grandfather gonna stay here until the ceremony end.”

“Oh tapos?” tanong pa nito na bahagyang umarko ang kabilang kilay. Sa ekspresyon ng mukha nito mukhang hindi nito magugustuhan ang sasabihin niya.

He sighed. Naipanalangin niyang sana ay pumayag ito. “Magpanggap kang okay tayo habang nandito pa kami. After that hindi na kita guguluhin.”

Hindi nagsalita ang babae at nanatili lamang nakatitig sa kaniya.

“Oh come on, hindi kita type. Napasubo lang ako sayo.”

“Ang yabang mo.”

“Deal?” tanong niya nang mukhang masaid ang pride nito.

“Sige,” sa wakas ay sang-ayon nito sa mahinang tinig.

He smiled. As matter of fact, his whole family is supposed to come the day before the ceremony, nauna nga lang ang kaniyang Abuelo. Napangiti si Dylan sa iisiping makikilala na rin ng lahat ang babaeng iniyakan niya kuno. At least mabibigyan na rin ng hustisya ang pagluluksa niya sa loob ng isang taon.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
hahaha ......
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status